logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4-Apologize

Bago pa mawala sa paningin ni Allie si Yaya Perla ay biglang may rumaragasang batang babae sa sala.
“I think I hurt myself, Yaya,” anang matinis na boses.
Mabilis na napalingon si Allie dito. Napangiti siya nang lubusang mamasdan si Isabella. Tantiya niya ay nasa mga walong taon gulang ito. Isang batang babaeng napakaganda at Inglisera pala si Isabella. She had large dark brown eyes na tila palagi nang iiyak. Pero ang nakakatuwa ay hindi man lamang ito umiyak kahit na halata namang nasaktan. May gasgas ang tuhod nito eh. Ang cute nitong tingnan sa pagkakatirintas ng dalawa sa mahaba at itim na itim na buhok nito. Medyo na-insecure pa siya. Ang flawless kasi ng maputing balat ni Isabella. Iyon ang pinapangarap niyang skin. Smooth and creamy white.
Sa isang bata ka pa talaga na-insecure, Alison, tsk,tsk!
“Naku, ano ka bang bata ka. Kagagaling mo lang sa sakit. Sinabi ko na kasi sa’yo na huwag ka munang maglaro. Baka kasi mabinat ka,” puno ng pag-aalalang wika ni Yaya Perla rito.
“It’s okay, Yaya. It’s not so painful. Don’t worry,” tila wala lang naman kay Isabella.
“Anong not so painful ka d’yan. Ayan at nagasgas ang tuhod mo tapos sasabihin mong not so painful. Sandali lang at kukuha ako ng bulak at disinfectant.”
Pagkatalikod ni Yaya Perla ay nakangiting kinawayan ni Allie si Isabella. Nakatingin kasi ang bata sa kanya at matamang pinagmamasdan siya.
“Hi, Isabella! I’m Teacher Allie. I brought something for you from Madam Rivera.” Itinaas ni Allie ang dala niyang paper bag.
“I know. It’s a pork steak. She promised to cook for me,” buong kalistahang sagot ni Isabella.
Lumuwang ang ngiti ni Allie. This little girl looked so adorable. Na-love-at-first-sight yata siya sa batang ito eh. She was just so cute and so smart.
“Yeah. She said it’s your favorite.”
“Yeah. Thank you for bringing it to me.”Lumapit si Isabella sa kanya at inabot ang dala niyang paper bag. Pagkatapos ay inilapag iyon sa center table sa sala.
“You‘re so welcome, Isabella.” Sobra talagang natutuwa si Allie sa bata. Parang gusto niya itong yakapin at pupugin ng halik.
“Teacher Allie, puwede bang ikaw na ang maglagay ng betadine sa tuhod ni Isabella,” masuyong pakiusap sa kanya ni Yaya Perla pagbalik nito.
“Sige po, Yaya.” Kaagad niyang kinuha sa matanda ang disinfectant. Pinaupo niya si Isabella sa sofa saka siya tumabi rito. Dahan-dahang idinampi niya ang bulak na may betadine sa nagasgas na tuhod nito.
“There…Feeling okay?”
“Yes. Thank you, Teacher Allie. You’re so nice,” nakangiti at malambing na wika ni Isabella. Nag-ala marshmallow tuloy ang puso ni Allie. Sobrang mabait na bata at malambing pa bukod sa pagiging maganda. Napakasuwerte naman ng mga magulang nito, sa isip-isip niya.
“You’re always welcome. Next time, huwag kang tatakbo nang mabilis ha. Para di ka madapa, okay?”
Tango naman ang naging sagot ni Isabella.
“Well, if you’re okay now, aalis na ‘ko.” Hinanap ni Allie ang yaya nito upang magpaalam.
“Magmeryenda ka muna, Teacher Allie.” Hawak ng dalawang kamay ni Yaya Perla ang isang tray na may sandwich at juice.
“Huwag na po, Yaya. Katatapos ko lang pong mag-lunch. Saka aalis na rin po ako. Malapit nang magsimula ang klase ko.” Sinulyapan ni Allie ang suot na relo. Sabagay may five minutes pa siya. Pero busog pa naman siya dahil kakakain lang nila ni Wyn ng lunch. Kaso medyo nag-alala naman siya na baka mapahiya si Yaya Perla sapagkat kanina pa siya inaalok nitong magmeryenda kaya naman dinampot niya ang baso ng juice at inisang lagok iyon. Pagkababa sa basong wala nang laman ay nagpasalamat siya dito.
“Sino ang dumating, Yaya Perla?”
Kakatalikod lang ni Allie nang marinig ang isang pamilyar na boses mula sa likuran niya. Awtomatikong huminto sa paghakbang ang kanyang mga paa.
Parang narinig na talaga niya ang boses eh. Sexy and husky. Kaagad niyang naisip si Andrew. Natitigilan at kinakabahang nilingon niya ang pinanggalingan niyon. At hindi nga siya nagkamali. Si Andrew nga ang nagmamay-ari ng boses. Halos dumagundong ang dibdib ni Allie. Hindi niya malaman ang gagawin at kung paano ito iiwasan. At dahil biglang ninerbyos, natulos na naman siya sa kinatatayuan.
Bakit ba kasi narito ang lalaking ito? Hindi naman siya maaaring basta na lamang tumuloy-tuloy sa paglabas sapagkat nakatingin na ito sa kanya at ngayon ay humahakbang palapit. She knew he recognized her right away. Kitang-kita niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito bagaman kaagad ring nakabawi.
“Ikaw!” gulat na sambit ni Andrew nang tuluyang makalapit sa kanya.
“A..anong ginagawa mo rito?” naguguluhang tanong ni Allie.
“Ako ang dapat magtanong sa’yo ng tanong na ‘yan. Ano’ng ginagawa mo sa bahay ko? Hindi ba’t ayaw mong sumama dito noong imbitahan kita upang malinis mo ang narumihang mong damit. And yet here you are.” Taas ang mga kilay ngunit may bahagyang ngiti sa mga labi si Andrew.
B…Bahay ito ng Andrew na iyon? Ay naman! Ang liit naman ng mundo. Wala tuloy masabi si Allie. Hindi siya makapaniwala na narito siya sa mismong bahay ng lalaking kinaiinisan at pinakaiiwasan niya. Siya yata ang paboritong paglaruan ngayon ni tadhana eh.
Meanwhile, Andrew lazily folded his arms over his chest. Allie saw how his arm muscles flexed when he moved. Okay, He’s really in good shape. Kasalukuyan siyang pinagmamasdan nito habang naghihintay ng kanyang sagot. Manipis na puting t-shirt at itim na walking shorts ang suot nito. Sa tingin niya ay mas bagay rito ang mga iyon kaysa sa mga naging suot nito sa dalawang pagkakataong nakita niya. Ang puti ng mahaba mabalahibong binti nito. Gosh, ano ba ang height nito? Sakit ng leeg niya kakatingala eh.
“B…Bahay mo ito?” sambit niya. Hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin siya makapaniwalang nag-krus na naman ang landas nila ng lalaki.
“Halata ba?” Umaapaw sa sarkasmo ang tugon ni Andrew. Tinapunan ito ni Allie ng matalim na titig. Talagang nakakairitang lalaki, sa isip isip niya. Naiinis na naman tuloy siya. Unti-unti na nga niyang nakakalimutan ang pangyayaring iyon sa gitna ng kalye tapos heto na naman ang lalaking ito. At ito pa ang may ganang magmasungit ha.
Nabanggit nga nito na tagarito lamang. Just a few blocks, ang eksaktong wika nito. Dalawang malaking bahay lang pala ang pagitan nito sa GU. At hindi pala nakalimutan ang mariin niyang pagtangging sumama sa bahay nito upang maalis niya ang marka sa damit niya. Siguro naman ay naiintidihan nito kung bakit tumanggi siya sa imbitasyong iyon. Hindi pa naman niya alam na ito pala ang may-ari ng Glenford. Tsaka kahit naman nalaman niya agad hindi sapat na dahilan iyon upang agad siyang sumama rito.
Nakakatawa nga namang naroon siya ngayon sa bahay nito. Agad napansin ni Allie ang pagkakahawig dito ni Isabella. Kung gayon ay ito ang ama ni Isabella. Ewan ba naman at bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang dahil taken na pala ang walang pusong driver. Agad siyang napaunat nang mapagtanto ang kahulugan ng iniisip.
Maano naman kung taken na? Kung ano-ano ang pinag-iiisip niya. Ang dapat niyang pakaisipin ay kung paano makakabawi sa pagkakatawag niya rito ng unggoy at walang puso. Dapat na rin siguro niyang tawagin ang lahat ng mga santo at hilingin na sana ay huwag na nitong maalala iyon. Pag nagkataon kasi ay baka wala na siyang trabaho paggising niya bukas.
“I asked what you’re doing in my house?” ulit na tanong ni Andrew.
“Ahm…ah, meron lang ipinaabot si Madam Rivera sa anak mong si Isabella,”agad na tugon niya.
“Nagtuturo ka sa Glenford?” gulat at nakataas pa ang isang kilay ni Andrew.
“Kung hindi ka magagalit ay oo,” taas din ang isang kilay ni Allie. Kanina pa kasi siya napipikon eh. Kaya rin naman niyang maging sarcastic. Wala lang siyang balak i-cultivate ang ganoong klaseng ugali. Ayaw niya ng mga sarcastic na tao.
Hindi naman pansin iyon ni Andrew. Mukha pa ngang nag-e-enjoy ito. Muli kasing tumikwas ang isang sulok ng mga labi nito.
“You mean papasok ka ng umagang iyon?”
Syempre alam na alam ni Allie ang umagang tinutukoy nito. Maigi naman at hindi pa rin nalilimutan ng lalaking ito na may kasalanan ito sa kanya.
“It’s so nice of you to remember,”she replied so sweetly ngunit nakairap at nanghahaba ang leeg niya.
Halatang pinipigil naman ni Andrew ang pagngiti. He really looked attractive when he was trying to suppress his smile, Allie had to agree with that.
“Sa Glenford?” tila hindi pa rin kumbinsido si Andrew.
“Well, as far as I know, it’s the only school in the vicinity."
Lihim na natuwa si Allie nang mawalan ng kibo ang lalaki. Biglang parang naghagilap ng sasabihin. Makailang beses na yumuko na tila biglang nakakita ng dumi sa mga toenails nito. Diyata’t nauubusan ng sasabihin ang mga lalaking tulad ni Andrew. Para kay Allie ang mga tulad ni Andrew ay iyong mga tipong hindi nagdadalawang-isip. Eksakto ang mga sinasabi. Hindi nagkakamali. The type who were always so sure of themselves. Kaya naman nagtataka siya kung bakit biglang natameme ito.
Mayamaya ay tumikhim ito. “So… ang tinutukoy mo na bagong boss mo na napaka-metikulosa ay si Madam Rivera?”tanong nito. His eyes were smiling.
“Ha, aah o..oo.” Nakagat ni Allie ang pang-ibabang labi. Susme! Napakamatandain ng lalaking ito ah. Pati ba naman ang sinabi niyang iyon tungkol sa magiging boss niya ay natandaan pa talaga. Nasabi lang naman niya iyon dahil sa matinding inis dito. Pero talaga namang nag-alala siya sa magiging first impression sa kanya ni Madam Rivera.
“Wag kang mag-alala dahil tama ka. ”
Siya naman ang napayuko at napatitig sa suot na sapatos. Ayaw niyang makita ni Andrew ang hindi niya napigilang pagngiti. So everybody knew pala. It was not a secret, after all.
“And she is my Tita. Cousin siya ng Dad ko.”
“Oh,” mahinang sambit niya saka tumango-tango. Wag kang magkakamaling isumbong ako.
“And don’t worry, hindi kita isusumbong.”
Biglang nasamid si Allie. Tinakpan niya ang bibig upang pigilan ang pag-ubo.
“S..sorry,” mahina at nauutal niyang sabi bilang paghingi ng paumanhin sapagkat naubo siya.
Ngiti lamang naman ang itinugon ni Andrew. “Nagtuturo ka pala sa Glenford. Ako nga pala si Andrew. Andrew Glenford Vergel de Dios.”
“Glenford? Kung ganoon ay sa pangalan mo isinunod ang Glenford University?” awtomatikong sambit niya.
“Hmm. You are fast huh. So, you already know who I am.” Lumuwang ang ngiti ni Andrew. Kamuntik nang bumigay ng mga tuhod ni Allie. Andrew looked so cute when he was smiling. Gayunman wala siyang balak suklian ang mga ngiti nito.
Ngunit teka lang dapat rin ba siyang magpakilala rito? Dapat rin ba niyang sabihin ang pangalan niya? Since hindi pa niya ito napapatawad sa ginawa nito hindi na lang siya kumibo.
“About that day, sorry sa nangyari noong unang araw mo sa trabaho. Alam kong hindi biro iyong pagkabasa sa damit mo. At naiintindihan ko kung bakit sobrang galit ka noon.”
Buti naman at alam mo.
“Salamat naman at naiintindihan mo kung bakit naging melodramatic ako ng araw na iyon.” Sinadya talaga ni Allie na ipaalala rito ang winika nitong magpahanggang ngayon ay hindi niya matanggap. Sabihan ba siyang melodramatic? Na para bang wala siyang karapatang maging melodramatic ng umagang iyon.
Lalo lang namang lumuwang ngiti ni Andrew.
Hala! Stop smiling okay!
Titig at ngiti. What an irresistible combination.
Lord, bakit naman gumawa ka ng ganito kaguwapong nilalang? Bakit naman ibinigay mo na po yata sa lalaking ito ang lahat? Di ba dapat fairly distributed naman hehe? Joke lang, Lord.
“Yeah, well. Sorry about that, too.”
Hindi makakibo si Allie.
“At hindi ko nga pala anak si Isabella. Siya ay aking pamangkin. Fortunately, I am single.”
Oh? Mariing natikom ni Allie ang kanyang bibig. Muntik na kasi siyang mapasambit ng talaga? Pero ano raw? Fortunately raw dahil single ito? Ang yabang din eh. Sa palagay niya ay mas fortunate ang mga babaeng nakakaiwas sa mga lalaking katulad nito.
“Apology accepted na. At since naibigay ko na kay Isabella ang ipinadala rito ni Madam Rivera, aalis na ‘ko. Salamat.” Mabilis nang tumalikod si Allie. Tila may tumutugis.
“Wait?” pigil ni Andrew sa likuran niya. Kung bakit napakamasunurin naman ng mga paa niya. Awtomatiko lang na huminto.
“What?”
“So, aren’t you going to apologize to me also?”
Kumabog ang dibdib ni Allie. Heto na yata ang kinatatakutan niya. “F…for what?” Kunwari ay hindi niya na-gets ang tinutukoy nito.
“For calling me unggoy and heartless?” Seryosong nakatingin si Andrew sa kanya.
“No.I…I..”
Ewan at bigla siyang nautal. Bakit ba kasi kailangan niyang mag-apologize? Siya iyong nagawan ng mali ng mga oras na iyon ah. Hindi niya kasalanan kung bakit natawag niya ito ng ganoon.
Nais man niyang magtaray ulit pinigil niya ang sarili. Baka kung ano na naman kasi ang maitawag niya kay Andrew. Patay na talaga siya. Okay, inaamin niya maling-mali ang pagkakatawag niya rito ng unggoy. Kahit malabo ang mata hindi iyon sasabihin dito. Pero iyong pagiging heartless, wala pa siyang nakikitang ebidensiya para bawiin iyon. For sure tulad ng ibang gwapo at mayaman, may ugali rin ito. Kaya bakit siya mag-a-apologize? Hindi no!
Ngunit may bigla na lang sumingit na pangitain sa balintataw ni Allie.
Nakinita niya si Madam Rivera at Andrew. “You are fired, Miss Alison Diaz for disrespectful attitude. You may clean your table now and don’t leave any single trace that you’ve been here,”utos sa kanya ni Madam Rivera looking so disgusted. Nakaturo pa ang hintuturo sa kanya.
“Yes, indeed. You are fired, Miss. And that’s for calling me unggoy and heartless!” sigaw ni Andrew na nasa likod ni Madam Rivera.
*****

Book Comment (65)

  • avatar
    Vince Barillo

    hahahah

    4d

      0
  • avatar
    Nathanael Cacao

    gyjjhghjii

    28d

      0
  • avatar
    Saud

    oke

    28/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters