logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3-So Dead

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng di-kanais-nais na insidente sa propesyonal na buhay ni Allie. Medyo nakalimutan na nga niya ang pangyayaring iyon eh. Kung bakit minsan talaga ay mapagbiro ang tadhana. Isang umaga ay bigla na lang nanlaki ang kanyang mga mata. Natulos siya sa kinatatayuan at hindi malaman kung saan susuot.
Ang dahilan lang naman ay walang iba kundi ang hudyong driver ng itim na BMW na sumira sa araw niya noong unang araw sa trabaho. Hindi naman sa ano, pero tatak na tatak sa utak niya ang mukha ng lalaki kahit na sasandali lang niyang namasdan.
Kasalukuyan at buong kakisigang naglalakad ito papasok sa gate ng GU. Umaapaw sa sex appeal ang hudyo sa suot na dark blue polo shirt, black slacks at black leather shoes. Parang endorser ng mga kasuotan nito. Patungo ito sa opisina ni Madam Rivera. At kapag hindi siya nakakita ng lilikuan in a matter of seconds masasalubong niya ito. Kalalabas lang din kasi niya ng opisina sapagkat kaka-log in lang niya.
Hindi magkandamayaw ang tibok ng puso niya sa sobrang pagkataranta. Luminga-linga siya upang humanap ng lilikuan at nang makakita ay halos liparin iyon.
Gosh! Ano ba naman kasi ang ginagawa ng lalaking iyon dito?
“Allie, ano ba’ng ginagawa mo d’yan. Bakit sa likod ka ng opisina ko dumadaan? Walang daan d’yan. Ano ba’ng nangyayari sa’yo at para kang pusang di mapaanak d’yan?” tila interrogator ng kapulisan naman kung makatanong itong si Wyn. Nasapo tuloy ni Allie ang dibdib sa matinding gulat. Bigla na lang kasi itong lumitaw sa tabi niya eh. Likod pala ng guidance office ang nalikuan niya.
“Ah, wa….wala, Wyn. Nagkamali lang ako ng liko. Akala ko naman kasi may daan dito papunta sa classroom ko,”aniya na lang para hindi mabuking.
“Ganoon ba. Huwag ka nang tumuloy diyan at babalik ka rin sa pinanggalingan mo. Walang daan d’yan papunta sa classroom mo. Hinahanap pa naman talaga kita dahil ipapakita ko sa’yo ang pinakaguwapong nilalang sa balat ng lupa.” Sinabayan pa talaga ito ng kilig ni Wyn.
Hindi na kailangan mag-isip ni Allie kung sino ang tinutukoy ni Wyn. Wala naman kasi siyang nakitang iba pang guwapong nilalang ng mga oras na iyon maliban sa lalaking patungo ngayon sa opisina ni Madam Rivera.
“H…huwag na, Wyn,”mabilis na tanggi niya rito.
“Halika na. Hindi naman tayo lalapit sa kanya eh. Ituturo ko lang sa’yo.” Hinila pa talaga ni Wyn ang braso niya upang lingunin niya ang lalaki. Ngunit hindi siya tuminag sa kinatatayuan. Kahit ipa-tow-truck pa siya hindi siya titinag doon.
“Halika na. Bakit ka ba nagtatago diyan? Omg! Nagtatago ka nga, right?” Namilog ang mga mata nito. Makailang beses nagpabali-balik ang tingin sa kanya at sa hunk na ngayon ay nakapasok na sa opisina ni Madam Rivera. Sa itsura nito malinaw na napagtanto na kung bakit siya napunta roon.
“Pinagtataguan mo si Sir Andrew hano?” bulalas nito.
Kung gayon ay Andrew pala ang pangalan ng lalaking unggoy at walang puso. Bakit kilala ni Wyn ang lalaking iyon? At bakit nga patungo iyon sa opisina ni Madam Rivera? Sino ba ang Andrew na iyon?
Kanina pa nakatitig si Wyn sa mukha niya. Alam ni Allie na kasalukuyang nag-wa-one-plus-one–and-came-up-with-eleven ito sa isip. Sa pag-aalala na makarating pa ito sa kung anong konklusyon o kaya pilitin siya nitong lumabas sa pinagtataguan ay inamin na niya na ang lalaki ngang tinawag nitong Sir Andrew ang pinagtataguan niya. Ikinuwento na niya kung paanong nag-krus ang kanilang landas ng lalaki.
Nakaawang pa ang mga labi ni Wyn pagkatapos marinig ang kanyang kuwento. Kung hindi lamang parang tinatambol ang dibdib niya ng mga oras na iyon ay hahagalpak siya ng tawa sa itsura nito eh.
“Ang suwerte mo, girl,” mayamaya ay saad nito.
“Ha! Bakit ako naging masuwerte? Suwerte na ba ngayon ang mapaliguan ng maruming tubig sa gitna ng kalye? Hindi naman ako na-inform na ganoon na pala ngayon.”
“Suwerte mo dahil nilapitan ka niya. Nakita mo siya up close and personal. Nakausap mo pa siya. At natitigan mo pa.” Hindi na talaga nito naitago ang matinding kilig.
Napangiti na lang din si Allie. Lalo na tuloy siyang na-curious sa Andrew na iyon.
“Sino ba talaga si Andrew at kanina ka pa parang bulateng inasnan diyan?”usisa niya. Kunsabagay hindi naman niya masisisi kung superkilig ito kay Andrew. Nakakakilig naman talaga ang lalaki. Kahit siya man ay kinilig dito sa kabila ng inis niya nang mga oras na kaharap niya ito.
“Siya lang naman ang may-ari ng Glenford.”
“Ano? Susmio! Di nga? Huwag kang magbiro ng ganyan, Wynona,” nanlalaki ang mga matang sambit niya.
“Siya nga.”
Pinigil ni Allie ang mapa-shit habang nakatitig sa mukha ni Wyn. Nagbibiro ba ito o hindi? Mukhang seryoso naman. Si Andrew ang may-ari ng Glenford? Ang lalaking inaway niya sa gitna ng kalye, tinarayan niya nang husto at tinawag na unggoy at heartless human being ay may-ari ng Glenford?
“I’m so dead,” bulong niyang nanlalaki pa rin ang mga mata.
“Bakit naman dead agad?” Patawa rin itong si Wyn eh.
“Eh, di ba, inaway ko nga siya. Tinawag kong unggoy at walang puso.”
“Oemmg! Ginawa mo talaga ang mga ‘yon? Tinawag mong unggoy ang kasingguwapo ni Sir Andrew? At wala pang puso?” Di niya masisisi kung mukhang shocked si Wyn. “Parang nakikini-kinita ko na ang naging hitsura niya. Nagalit siya for sure.”
“H..Hindi naman. Mukhang tanggap naman niya ang mga sinabi ko.”
Dinadaan lang niya sa biro ang lahat upang pagtakpan ang kabang nararamdaman simula nang malaman niya kung sino talaga si Andrew. And just like what she said she would really be dead.
Paano kung magkita sila nito? Paano kung nagalit pala ito sa kanya at hindi lamang pinahalata sapagkat nasa pampublikong lugar sila noon? Natural lang na hindi ito makaka-react ng hindi maganda. At ngayon she was under his mercy. Paano kung sesantehin siya nito pag nakilala siya?
Biglang nalaglag ang mga balikat ni Allie. Nanlulumong napapikit siya. Hindi siya maaaring mawalan ng trabaho. Mahirap humanap ng trabaho sa panahon ngayon. Paano na ang ina at kapatid niya na umaasa sa kanya?
Ang haba tuloy ng naging buntunghininga niya.
“O, huwag kang masyadong mag-alala. I’m sure Sir Andrew didn’t take it personally. Mabait naman iyon. Mukha lang istrikto. Tahimik kasi siya. Pangiti-ngiti lang at patango-tango kapag binati mo,” konsola ni Wyn sa kanya. Pinasalamatan na lang niya ang dalaga sa pagpapagaan ng kalooban niya pero talagang lagot na siya.
Dumeretso na siya sa sariling classroom. Siguro ang dapat na lang niyang gawin sa mga susunod na araw ay ang iwasan ang lalaki upang hindi na sila magkita pa kahit kailan. Hindi naman siguro ito araw-araw na pupunta sa eskwelahan. Kahit na ba ito ang may-ari ng Glenford eh. At saka tiyak na sa main building ito mag-e-stay sapagkat naroon ang college level ng university.
Kaso mapagtataguan naman kaya niya ito habangbuhay? Hay, basta! Bahala na si Batman.
***
Days turned into weeks and weeks turned into a month. Ngayon ay mahigit isang buwan na si Allie sa Glenford. Naging masaya naman ang paglipas ng mga araw niya rito. Unti-unti na niyang nakikilala ang iba pang faculty members bagaman hindi pa niya matandaan ang pangalan ng bawat isa. Siguro naman bago matapos ang taon ay maisasaulo na niya ang pangalan ng mahigit na dalawampung faculty members ng elementary department. Wish ko lang.
Maraming natuklasan ni Allie sa bagong trabaho. Isa na roon ang pakiramdam na masarap din naman palang maging guro. Iba rin ang pakiramdam eh. Kahit na nga medyo stressful, at the end of the day happy pa rin. Mayroong self-fulfillment wika nga ng iba. You know at the end of each day that you’ve done something of value. Because you’re working not only for yourself but for others as well. Masarap palang tinatawag ka ng madam, binabati ka ng good morning o good afternoon ng mga bata o kapwa guro. Pati na mga magulang ng mga bata.
Masarap ngitian at magpangiti ng mga bata. Pero siguro wala nang sasaya pa sa mga pagkakataong nagkakamali ang mga bata. Imbes na Teacher Allie o Madam ay Mommy ang nasasambit ng mga ito kapag tinatawag siya. Pagkatapos ay napapahiyang bigla nilang sasabihing “ay Madam pala…sorry po Madam.” Ang cute lang nila. Sa mga ganoong pagkakataon ay nagpaparang ice cream na nabilad sa araw ang puso niya.
Alison, could it be that you’ve found your true calling, at last?
Siguro nga ito na ang calling niya. Masasabi niyang okay na okay ang mahigit isang buwan niya sa Glenford. Though every now and then nagpa-flashed sa utak niya ang mukha ng Andrew na iyon. Bahagyang ipinilig ni Allie ang ulo upang pigilan ang sariling isipin ang lalaking iyon. Ewan ba naman at naaalala pa niya. Pinagkadasal-dasal nga niya na huwag na silang magkita pa eh. Pagkatapos ay siya pa pala ang ang hindi maka-get-over. Wake up to the real world, Alison.
***
“Teacher Allie, puwede bang makisuyo sa’yo?” Napapitlag si Allie nang marinig ang boses ni Madam Rivera. Lunchbreak noon at kasalukuyan siyang nag-e-enter ng record sa laptop niya. Kakatapos lamang nilang mananghalian ni Wyn at may natitira pa siyang oras bago magsimula ang klase niya sa hapon. Bigla na lamang sumungaw ang kanyang boss sa pinto ng classroom niya.
“Oo naman po, Madam. Ano po ba ‘yon?” mabilis siyang tumayo at nilapitan ang may edad na babae. Napansin niyang may bitbit itong paper bag.
“Kung puwede pakidala lang itong binili kong prutas at niluto kong pork steak para kay Isabella. Paborito kasi niya ang pork steak. Na-confine siya sa ospital nitong mga nakaraang araw. Na-dengue kasi siya. Mabuti na lamang at naagapan kaagad. Noong dumalaw ako sa kanya sa ospital ay naipangako kong kapag mabilis siyang nagpagaling ay ipagluluto ko siya ng paborito niya. D’yan lamang sa gawi riyan ang bahay nila. You woundn’t miss it. Napakaluwang ng bakuran nito at sa tabi ay ang Angel Michael Function Hall. Okay lang ba sa’yo? Sa labas kasi kumain si Rona kaya wala akong mautusan. Sobrang sakit ng paa ko. Sumusumpong yata ang arthritis ko.”
Si Rona ang clerk ni Madam Rivera sa opisina nito. Napansin nga ni Allie nitong mga nakaraang araw na mabagal lumakad ang amo. Tila hinihila nito ang kanang paa. Kunsabagay may edad na kasi talaga ito. Sakit na ng mga nagkaka-edad ang arthritis. Dahil bago siya kaya siguro siya ang napaglambingang utusan. And she was just happy to help.
“Ay syempre, okay na okay po, Madam. Akina po.”
Masaya niyang inabot ang paper bag na bitbit ng boss niya, niligpit ang laptop at dinukot sa bag ang baon na payong. May kainitan naman kasi sapagkat lunchtime. Agad na siyang lumakad upang sundin ang ipinag-uutos ng amo. Malamang ay iuulam ng maysakit na si Isabella ang pork steak sa lunch kaya kaagad niyang hinanap ang tinutukoy na bahay. Hindi niya naitanong kay Madam Rivera kung kaano-ano nito si Isabella. Nahihiya siyang itanong at baka kung ano pa ang isipin. Pero sa palagay niya ay espesyal na tao ito para sa matanda. Marahil ay matalik na kaibigan o kaya ay kamag-anak.
Ilang minuto pa ay natagpuan na ni Allie ang bahay ni Isabella. Tiyak na iyon nang natatanaw niya ang tinutukoy ni Madam Rivera. Dalawang malaking bahay lamang pala ang pagitan ng Glenford at bahay ni Isabella. Tama nga ang sinabi ng boss niya. Hinding-hindi niya ma-mi-miss ang bahay nito sapagkat pagkaluwang-luwang ng bakuran. Isa itong malaking two-storey house sa gitna ng hardin.
Sa tabi nito ay ang Function Hall. Napapaligiran din ito ng sari-saring mga halaman. Napangiti siya sa ganda ng buong paligid. Sarado ang malaking gate nito. Naghanap si Allie ng doorbell. Pagkaraan ng tatlong doorbell pa bago lumabas ang sa palagay niya ay kasambahay na nasa mga early fifties.
“Sino po sila?” ang tanong nito nang lubusang makalapit sa kanya. Agad namang nagpakilala si Allie.
“Kayo po pala si Teacher Allie. T-in-ext na po ako ni Madam Rivera. Pasok na po kayo,” nakangiting anyaya ng may edad na babae kay Allie. “Ako po si Yaya Perla.”
“Magandang tanghali po, Yaya Perla. Iaabot ko lang po ito sa inyo,“ani Allie sabay abot dito sa bitbit niyang paper bag.
“Pumasok na po kayo, Teacher Allie. Kayo na po ang magbigay niyan kay Isabella. Alam po niya na may pinadala si Madam Rivera,”napakagalang na tugon ni Yaya Perla kaya napangiti siya rito. Sanay na siya na kahit matatanda ay namumupo sa kanya.
Tatanggi sana siya na pumasok pa sa loob ng bahay ngunit tumalikod na si Yaya Perla. Hindi naman nito kinuha ang paper bag na inaabot niya kanina. Kaya sumunod na lang siya dito. Dere-deretso na rin siyang pumasok sa loob ng bahay. Napa-wow siya nang tuluyang makapasok at mamasdan ang loob nito. Iginala niya ang paningin at napahanga siya sa lahat ng nakikita. Moderno ang disenyo ng loob ng bahay.
“Maupo ka, Teacher Allie. Sandali lang po at ikukuha kita ng maiinom,” anyaya sa kanya ni Yaya Perla.
“Huwag na po kayong mag-abala, Yaya Perla. Hindi po ako magtatagal. At saka huwag na po kayong mamupo sa’kin, Yaya,” natatawang sabi niya kaya’t napangiti rin ang may-edad na yaya.
“Ibibigay ko na lang po itong dala ko kay Isabella. Nasaan po ba siya?” patuloy ni Allie.
“Naku, itong si Isabella ay tiyak na naglalaro doon sa garden sa likod ng bahay. Mayroon kasing palaruan doon.”
Naglalaro? Kung ganoon ay isang bata pala si Isabella? Biglang nag-alala si Allie dahil sa sinabi ni Yaya Perla. Ayon kasi kay Madam Rivera ay na-confine sa ospital itong si Isabella. Bakit naglalaro na ngayon gayong kagagaling lamang nito sa sakit? Baka mabinat ang bata.
“Bakit naglalaro na po siya, Yaya? Eh, di po ba maysakit siya?”
“Magaling na siya, Teacher Allie. Puwede na rin siyang maglaro. Pero baka nga masobrahan. Teka lang at tatawagin ko. Malikot talaga ang batang iyon eh.”
***

Book Comment (65)

  • avatar
    Vince Barillo

    hahahah

    4d

      0
  • avatar
    Nathanael Cacao

    gyjjhghjii

    28d

      0
  • avatar
    Saud

    oke

    28/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters