logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3: It's Unfair

Tumayo ang principal at tinanong si Miss Mariano, "siya ba si Jeofrey?"
"Opo," sagot ni Miss Mariano.
"Jeofrey, isa kang scholar. At diba bawal sa mga tulad mo ang gumawa ng gulo?" tanong ng principal.
"Opo scholar po ako. At saka wala po akong ginawang gulo," naguguluhang sagot ni Jeofrey.
Hindi niya maalalang nagsimula siya ng gulo. Kung mayroon mang nagpausbong noon, iyong nadatnan niyang kausap ng principal iyon! Sandali lang— kaya ba siya ipinatawag dito dahil nabaliktad siya?!
Hinampas ng Principal ang kaniyang lamesa. "Liar! alam ko na ng lahat. Aaron already told me the truth. So, wala ka ng kawala!"
Hindi nagustuhan ni Miss Mariano ang inasal ng Principal kaya minabuti nitong magtanong.
"Wait Mr. Principal, parang siguradong-sigurado po kayo sa mga bagay na ibinibintang niyo. Is there any evidence para kausapin niyo ang estudyante ko ng ganyan-ganyan?" galit na tanong ni Miss Mariano.
Hindi masagot ng Principal ang tanong ni Miss Mariano kaya lumunok ito ng malalim at tila hindi makapaniwala sa tono ng pakikipag-usap sa kaniya ni Miss Mariano.
*
Samantala, nanatiling tahimik si Jeofrey, ngunit napakaraming tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Hindi niya maisip kung bakit siya inakusahan sa bagay na hindi naman niya ginawa.
"Hindi ko po kayo maintindihan Mr. Principal," sabi ni Jeofrey.
"Jeofrey, I want to ask you something. Be honest ha," wika ni Miss Mariano.
"Yes ma'am," tugon ni Jeofrey.
"Sinipa mo ba si Aaron sa mukha? Nambu-bully ka ba?" pagsisiyasat ni Miss Mariano.
"Opo, nasipa ko po ang lalaking iyon. Pero tumulong lang po ako," sagot ni Jeofrey.
Nang marinig ng principal ang sinabi ni Jeofrey, kumulo ang kaniyang dugo at muling hinampas ang kaniyang lamesa. Tila apektadong-apektado ito sa tuwing didipensahan ni Jeofrey ang sarili.
"Tumulong? Sinipa mo, tumulong?!" galit na tanong ng Principal.
"Nakita ko po siyang may binubully, kaya tinulungan ko po yung tinulungan niya," depensa ni Jeofrey.
"Is that true Jeofrey?" tanong ni Miss Mariano.
"Yes ma'am," sagot ni Jeofrey.
"I don't believe you!" sigaw ng Principal.
Nakikita ni Miss Mariano ang sinseredad sa mga sinasabi ni Jeofrey kaya hindi na nito inintindi ang mga sinasabi ng principal at agad na pinabalik si Jeofrey sa kanilang room.
"Jeofrey, you can get out now. Wait for me outside," utos ni Miss Mariano.
Sinunod ito ni Jeofrey at agad na umalis sa guidance office.
*
Hindi maisip ni Jeofrey kung ano ang dahilan ng mabilis na pag-aakusa sa kanya ng principal. Inilapit niya ang kaniyang tainga at pilit na pinakikinggan kung ano ang pinag-uusapan nila Miss Mariano. Umaasang makahanap ng kasagutan sa mga bagay na gumugulo sa kaniyang isipan. Ngunit sa kasamaang-palad napagtanto ni Jeofrey na sound proof ang guidance office.
Napansin ni Jeofrey na papalabas na si Miss Mariano kaya agad niyang inalis ang pisngi at tainga sa salamin ng guidance office.
"Let's go Jeofrey," yakag ni Miss Mariano.
"Opo ma'am," sagot ni Jeofrey.
Habang naglalakad patungo ng room sina Jeofrey, hindi niya napigilan ang kuryosidad at tinanong si Miss Mariano.
"Ma'am, naniniwala po ba kayo sa akin?" tanong ni Jeofrey.
"Jeofrey, ipangako mo sa akin piliin mo ang tama at hindi ang makakabuti para sayo. Dahil ang makakabuti ay panandalian ngunit ang tama ay pangkahit-kailan," wika ni Miss Mariano.
Pilit na iniintindi ni Jeofrey ang winika ni Miss Mariano ngunit siguro dahil sa batang kaisipan, hindi niya pa ito lubos na naiintindihan.
Sumagot na lamang si Jeofrey kahit na wala siyang ideya sa kung ano ang sinabi ni Miss Mariano, "opo, ma'am."
Nang makabalik sina Jeofrey sa kaniyang room. Tinukoy ni Miss Mariano ang naudlot na klase nito.
*
Habang nagkaklase si Miss Mariano hindi mapakali si May. Kanina pa siya lingon ng lingon kay Jeofrey at tila nagnanais na matanong ang binata. Gustong malaman ni May kung anong dahilan ng pagpapatawag kay Jeofrey sa guidance office. Kaya uong masagot ang katanungan niya, nag lakas-loob siyang tinanong si Jeofrey.
"Jeofrey," mahinang tawag ni May.
Agad siyang nilingon ni Jeofrey. "Bakit?"
"Bakit ka pinatawag?" tanong ni May.
Napalakas ang kaniyang tanong kaya narinig ito ni Miss Mariano.
"Miss Valenzuela, makikinig ka sa klase ko o magkwekwentuhan na lang kayo ni Jeofrey?" taas kilay na tanong ni Miss Mariano.
Hindi na nasagot ni Jeofrey ang tanong ni May. Naisip ni May na tila nangingialam siya sa buhay ng iba kaya inatras na lamang niya ang sarili at hindi na tinanong si Jeofrey.
*
Nang matapos ang klase ay agad na umuwi si Aaron sa kanilang bahay. Tila isang masyon ang bahay nila Aaron dahil sa gara at lawak nito. Tila isang hotel ang bahay, na may apat na palapag. Napakarami ding nakaparadang sasakyan sa may balkunahe. Sa loob naman ng bahay ay nagkalat ang mga katulong na naglilinis dito.
Pagkapasok ni Aaron sa pintuan ay bumungad si Chairman Cuevas, ang kanyang ama. Kasabay din nito ang malakas na sayad ng kamay ni Chairman Cuevas kay Aaron. Halos tumabingi ang mukha ni Aaron at natumba sa lakas ng sampal sa kaniya.
"Ano na naman bang gulo ang ginawa mo?" galit na tanong ni Chairman Cuevas.
Nakita ni Sharon na nakahandusay ang anak sa sahig kaya dali-dali niyang tinakbo ang anak at niyakap.
"Honey! Bakit sinasaktan mo ang anak natin?!" sigaw ni Sharon.
Humingang malalim si Chairman Cuevas at pinagsabihan si Sharon, "here you go again. Kinakampihan mo naman 'yang anak mo!"
Hinawakan ni Sharon ang mukha ni Aaron at napansing may bangas ito pwera pa ang bagong sampal ni Chairman Cuevas.
"Aaron, my son what's happened?" nag-aalalang sabi ni Sharon.
"May sumipa sa kaniya," saad ni Chairman Cuevas.
"What? Sino?!" gulat na tanong ni Sharon.
"Si Jeofrey Cruz, pero kasalanan ng anak mo kaya siya nasaktan," sagot ni Chairman Cuevas.
"Cruz? Anak ni Nemia Cruz?!" tanong ni Sharon.
"Yes but---"
"Maghanda sa akin ang babaeng 'yan," saad ni Sharon sabay bitbit ng mamahalin niyang bag at umalis.
"Sharon!" sigaw ni Chairman Cuevas.
Kahit na anong sigaw ni Chairman Cuevas ay hindi nito napigilan si Sharon. Alam ni Chairman Cuevas na may matinding galit si Sharon kay Nanay Nemia kaya natatakot siya sa kung ano ang maaring magawa ni Sharon.
*
Samantala, nakauwi na rin si Jeofrey sa kanilang bahay. Pagpasok ni Jeofrey ay agad namang niyang hinanap si Nanay Nemia.
"Nay! Andito na po ako," bungad ni Jeofrey.
Subalit hindi nakita niya makita si Nanay Nemia.
'A, baka namalengke si Nanay,' sabi ni Jeofrey sa sarili.
Habang naghihintay si Jeofrey, may narinig siyang sumisigaw sa labas ng kanilang bahay. Agad niya itong sinilip at bumungad dito si Sharon.
"Nemia! Nemia!" sigaw ni Sharon.
Hindi kilala ni Jeofrey si Sharon kaya tinanong niya ito, "sino po kayo?"
"Ikaw ba si Jeofrey?" taas-kilay na tanong ni Sharon.
"Opo, ako nga po," tugon ni Jeofrey.
Lumapit si Sharon kay Jeofrey sabay higit ng buhok niya. Napakahigpit ng sabunot ni Sharon kay Jeofrey kaya halos maiyak-iyak siya sa sakit.
"Aray! Bakit po?" maluha-luhang tanong ni Jeofrey.
Mula sa malayo ay naglalakad si Nanay Nemia, naitapon nito ang mga pinamili dahil nakita nito si Jeofrey na namimililipit sa sakit dahil sa sabunot ni Sharon. Dali-dali nitong tinakbo ang anak.
"Ma'am Sharon, bitawan mo ang anak ko!" sigaw ni Nanay Nemia.
Inalis ni Sharon ang kaniyang kamay mula sa buhok ni Jeofrey. At lumapit kay Nanay Nemia.
"Ikaw na babae ka. Wala kang utang na loob!" sigaw ni Sharon sabay sabunot kay Nanay Nemia.
Nakita ito ni Jeofrey kaya agad niyang tinulak si Sharon. Sa lakas ng pagkakatulak ni Jeofrey ay napatumba si Sharon.
"Jeofrey bakit mo ginawa iyon?!" galit na tanong ni Nanay Nemia.
Nilapitan ni Nanay Nemia si Sharon at tinulungang tumayo.
Pinagpagan ni Sharon ang kaniyang bag at damit at dinuro ang mag-ina. "Wala talaga kayong utang na loob!"
Lumuhod si Nanay Nemia at humingi ng paumanhin, "Ma'am Sharon, pakiusap patawarin niyo po ang anak ko."
"Ang pagtulak niya sa akin ay mapapatawad ko ngunit ang saktan ang anak ko ay hindi ko palalampasin!" galit na sabi ni Sharon.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ni Nanay Nemia.
"Ang anak mo sinipa ang anak ko," wika ni Sharon.
"Nay, nagawa ko po yun dahil tinulungan ko po yung binully niya," paliwanag ni Jeofrey.
"So, ano gusto mong iparating anak ko ang may kasalanan?" taas-kilay na tanong ni Sharon.
"Hindi po sa ganun," sagot ni Jeofrey.
"Jeofrey, tama na!" sigaw ni Nanay Nemia, "siya ang asawa ni Chairman Cuevas," dugtong nito.
"Po?" gulat na tanong ni Jeofrey.
"Yes, I'm the one and only wife of Chairman Cuevas ang nagbigay ng scholarship sayo at ang sinipa mo ay anak ko. So, tomorrow see you in guidance office. Tignan natin kung hanggang saan 'yang tapang mo," wika ni Sharon sabay alis.
Pagkaalis ni Sharon ay pinaliwanag ni Jeofrey ang nangyari.
"Nay, hindi po ako ang may kasalanan," wika ni Jeofrey.
"Alam ko anak, pero paano na ang pag-aaral mo. Kilala ko si Ma'am Sharon 'di niya tayo titigilan hangga't hindi ka nahingi ng tawad sa kaniya."
"Pero nay."
"Wala ng pero pero pupunta tayo bukas sa guidance office para humingi ng tawad."
"Nay hindi niyo po ba iintindihin yung side ko? Hindi po ba sabi niyo mabait na tao si Chairman Cuevas kaya maiintindihan niya po ako."
"Sana nga Jeofrey, malaki ka na alam kong kaya mo na ang sarili mo," malungkot na sabi ni Nanay Nemia.
Alam ni Nanay Nemia na hindi siya mananalo kay Jeofrey kaya sinuportahan na lamang nito ang desisyon ni Jeofrey ukol sa pakikipag-usap kay Chairman Cuevas.

Book Comment (88)

  • avatar
    MissEL

    Hindi ko pa natatapos basahin until chapter two. I think marami pang nagaganap sa kwentong ito for sure. I will recommend this to my friends.

    09/01/2022

      0
  • avatar
    Lougyn Belinario

    I like it

    15/10

      0
  • avatar
    belquerajenella

    very so much

    01/05/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters