logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

The Meister  Of Strength

The Meister Of Strength

KnightOfSilverSky


—Chapter 1—

NAPASANDAL ako sa aking gaming chair nang makita kong nag-send na sa e-mail ng aking professor ang aking mga modules. Bagamat nakatapos ako, muntikan naman akong hindi makaabot sa deadline ng pasahan dahil sa rumaraket pa ako sa pamamagitan ng pagbebake ng cupcakes at dinala ko pa iyon kanina sa bawat customer. Ayaw ko namang gumastos ng delivery fee dahil nanghihinayang ako sa bawat perang ilalabas ko. Si Tita Lucille naman ay pinipigilan pa ako dahil sa kaya naman niya akong pag-aralin. Ngunit idinadahilan ko sa kanya na para ito sa mga bagay na gusto kong bilhin at ayaw ko naman gastusin ang allowance na binibigay niya sa mga bagay na walang kapararakan.
Bumungad sa screen ng aking phone ang text message ni Blastine. Isa siya sa mga classmate ko kolehiyo. Ano naman kaya ang problema niya? Binuksan ko iyon at napakunot naman ang aking noo nang makita kong tungkol iyon sa module. I-dinial ko ang kanya’ng number dahil sa totoo lang ay wala ako sa mood magsend ng message sa kanya. Nang marinig ko ang hudyat na sinagot niya ang aking tawag ay agad kong inilayo ang aking phone sa tenga dahil sa bigla niyang pagsigaw.
“Nababaliw ka na ba? Alam mo namang tulog na ang mga tao dito? Paano kung narinig nila ang ringtone ko?” ang sigaw ni Blastine sa kabilang linya.
Nakalimutan ko. Napatingin naman ako sa orasan at nakita kong ala una y media na pala ng madaling araw. Nawala sa isip ko na tulog na nga pala ang mga tao at tanging ang mga taong nocturnal na lang ang mga natitirang gising sa gabi. Nawala rin sa isip ko na creepy music box ang kanya’ng ringtone at maaari nitong matakot ang sino mang gising pa sa mga oras na iyon. Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami-daming ringtone ay iyon pa ang kanya’ng napili? Napabuntung-hininga na lamang ako sa kanya’ng reaksyon.
“Pasensya nawala sa isip ko at tungkol sa ringtone mo. Huwag kang mag-alala dahil nakapagpasa pa ako. Kaya chillax ka lang. Hindi pa ako babagsak sa ating mga subjects at matibay pa ang resistensya ko,” ang sabi ko.
Alam kasi niyang madaming bagay akong inaasikaso. Sa dami nga ng aking mga ginagawa ay halos nakakalimutan ko na ang salitang ‘tulog’ dahil sa pinagsasabay ko ang negosyong pastries at pag-aaral. Dinig ko ang paghinga niya nang maluwag mula sa kabilang linya. Bakas sa boses niya na nag-aalala siya lalo na't mag-isa lang ako ngayon. Nasa business trip kasi si Tita Lucille at next month pa ang kanya’ng uwi mula sa Singapore. Pinalagutok naman niya ang kanya’ng dila dulot ng inis.
“P’wede ba huwag ka ngang magbiro nang ganyan! Hindi mo ba alam na halos kabahan ako kanina nang sinabi mong hindi ka pa tapos sa iyong module? Paano kung hindi ka nakatapos? Paano kung bumagsak ka? Eh lalo mong hindi magagawa ang iyong mga gusto?” ang sigaw niya sa kabilang linya.
Napakamot naman ako sa sunud-sunod niyang tanong. Kaya minsan hindi ko alam kung kaibigan ko ba ‘to o nanay ko sa tindi ng kanya’ng pagbubunganga. Nang matapos na siyang magsermon ay huminga na siya nang malalim.
“Pagkatapos ng pag-uusap natin matulog ka na! Magpahinga ka na at bago matulog ay uminom ka ng vitamins!” ang sigaw ni Blastine at pinatay niya ang tawag.
Napailing na lang ako sa kanya’ng mga sinabi. Panigurado kinabukasan ay makakarating ang naging usapan namin ni Blastine kay Tita Lucille. Lumapit ako sa table na nasa sala at pinagmasdan ang litratong nakangiti si Mama. Maaga kasing kinuha si Mama ng Maykapal. Ang sabi ni Tita Lucille inambush kami ng mga taong nagtatangka sa buhay ni Mama at tanging ako lang ang nakaligtas. Hindi ko na maalala na may nangyari noon na ambush dahil na rin siguro sa matinding trauma. Pinunasan ko ang aking luha dahil kung malulungkot lang ako ay hindi naman nito maibabalik ang buhay ni Mama. Ibinalik ko sa mesa ang larawan ni Mama bago ako umakyat sa aking kwarto upang magpahinga.
Nang makarating ako sa kwarto ay pinagmasdan ko ang silid ko na pinaglabasan ko ng sama ng loob sa mga nakalipas na taon. Humiga ako sa aking kama at ipinikit ko ang aking mga mata. Nang lumalim ang tulog ko ay napunta ang diwa ko sa mundo ng mga panaginip. Ngunit kadalasan ang panaginip na iyon ay nauuwi sa isang bangungot.
Nasa loob ako ng isang mansion. Alam kong ito ang mansion kung saan lumaki si Mama. Ramdam ko ang tensyon mula sa mga nakatatanda dahil para sa kanila ay isang mabigat na kasalanan ang pagkakabuhay sa akin. Isang kahihiyan ang tingin sa akin ng mga kamag-anak namin lalo na't anak ako ni Mama sa pagkadalaga. Sa gitna ng mga agam-agam ng mga nakatatanda sa paligid ay narinig ko ang nangingibabaw na pagtunog ng isang tungkod.
“Hindi ko matatanggap ang batang iyan! Isa siyang kahihiyan, Aurora! Alam mo naman na ikaw ang magdadala ng susunod na pinuno ng ating angkan! Paano mo nagawa ito, Aurora?” ang sigaw ng papa ni Mama.
Hindi ako pinahihintulutan ng sino man na tawagin ang papa ni Mama na lolo. Para sa isang batang katulad ko, parang napaka-unfair dahil hindi nila man lang naisip ang sakripisyo na ginawa ni Mama. Lahat ng maikukutya kay Mama ay hindi ko lubos na matanggap kaya naman lagi ko siyang ipinagtatanggol sa mga bumabatikos sa kanya. Hindi ko man lang naranasan ang makatanggap ng kalinga mula sa kanila. Hindi ko nga maalala kung inalo ba nila ako noong namatay si Mama. Isang nakabibinging bangungot ang bawat alaalang iyon para sa isang bata.
Naimulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang pagkaluskos ng aking aparador. Bumangon ako at kinuha ko ang aking baseball bat. Dahan-dahan akong lumapit. Malamang ay isa iyong daga na nakapuslit sa aking aparador at hindi ko hahayaang may masira itong gamit. Nang buksan ko ang aparador ay bumungad ang isang maliwanag na orb at lumipad iyon paikot sa aking kwarto. Sa nasaksihan kong iyon ay parang gusto ko na lang himatayin sa takot. Sa pagkakaalala ko ay wala naman kaming alagang santelmo dito sa bahay! Lumitaw ang isang card sa harap ko at patuloy na umiikot iyon sa pwesto nito. Nakikita ko ang harap at likurang bahagi ng baraha. Nagsimula naman akong magdasal dulot ng matinding takot na nararamdaman. Naipikit ko na rin ang aking mata dahil baka kung ano pang maligno ang makita ko. Narinig ko ang isang boses na nagmumula sa barahang nakalutang.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang isang magandang babae na nakalutang. May koronang rosas sa kanya’ng ulo at may nakalutang na infinity symbol. Mahaba ang kanya’ng buhok at tatlo ang kulay ng kanya’ng buhok. May lila, bughaw, at rosas na kadalasan ang kombinasyon ng mga kulay ay makikita sa mundo lamang ng mga panaginip. May maamo rin siyang mukha at pula ang kanya’ng mga mata. Kasunod naman niya ang isang lalaki na may tenga ng leon at kulay ginto ang mga mata nito. Mahaba ang kayumangging buhok nito at mayr’on na matipunong katawan.
“Kamusta ka munting meistre?” ang tanong sa akin ng babae.
Halos takasan ako ng sarili kong kaluluwa dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi naman ako nasabihan ni Tita Lucille na may bisita kami na darating kaya wala akong kaide-ideya kung sino man ang mga taong ito! Meistre? Ano na naman iyon? Mahabaging buhay ito! Ano’ng kababalaghan ba itong napasukan ko? Hindi naman siguro ako nananaginip? Kinurot ko naman ang aking sarili ngunit mukhang hindi sila panaginip dahil nakikita ko pa rin sila at bonus pa na nasaktan ako sa aking ginawa.
“Cornelia! Kahit anak ni Aurora itong si Lairus baka p’wede ko siyang sapakin? Kahit isang beses lang?” ang sambit ng lalaking mukhang leon.
Sinamaan naman siya ng tingin ng babaeng tinawag niyang Cornelia. Napalingon naman sa ibang direksyon ang lalaki at nagmukmok ito sa isang sulok. Mukhang ito na talaga ang senyales na kailangan kong matulog nang maaga. Kung ano-ano na lang ang mga bagay na nakikita ko. Siguro ay panahon na rin upang itigil ko ang pagpupuyat. Nakatanggap naman ako nang isang malakas na batok mula kay Cornelia kaya naman napasubsob ako sa sahig. Ano ba ang ginawa ko?
“Teka ano ba ang ginawa ko? Bakit galit na galit ka? Hindi nga kita kilala eh!” ang sigaw ko.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Halatang nasaktan siya sa sinabi ko at tumabi ito sa lalaking nasa sulok upang magmukmok. Napakamot naman ako ng ulo dahil wala talaga akong kaide-ideya kung sino ang mga nilalang na nasa harapan ko ngayon. Malay ko, baka kilala ko pala ang mga ito tapos mga hindi ko sila maalala.
“Teka. Pasensya na. Sa totoo lang ngayon ko lang talaga kayo nakita. Sino ba talaga kayo?”ang tanong ko.
Nabalot nang katahimikan ang paligid at ni isa sa kanila ay walang gustong bumasag nang katahimikan. Nagulat na lang ako nang biglang tumayo ang babae at niyakap ako.
“Ang tagal kong hinintay na makita kang muli, Lairus. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina at ang mga mata mo ay nakuha mo sa iyong ama,” ang sambit ni Cornelia.
Kilala niya ang magulang ko? Sa dami ng katanungan na bumabagabag sa isipan ko ay muli akong nakaramdam ng antok. Sa yakap na natanggap ko ngayon ay parang niyakap na din ako ni Mama.                                                             

Book Comment (201)

  • avatar
    Jewel Jane Udtohan

    maganda hindi peke thank you novels dahil saying may bahay ma kami

    29/05

      0
  • avatar
    BarrugaAngelica

    maganda ito

    14/04

      0
  • avatar
    EspiaLem

    yes

    04/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters