logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 8 It's Okay

"Guys, so itong mga cut outs pwede na natin tong tapusin this week, pero dapat sa friday makahanap na tayo ng personality natin para ma interview na. Kailangan na nating gumawa ng magazine para doon." Sabi ni Alicia na leader namin sa proyekto.
The project she was talking about was the magazine that we need to do for the last semester of this year.
Kinakailangan din naming maghanap ng personalidad o kilalang tao upang interview-in ito.
Sinaway ni Alicia ang mga kagrupo namin na kaibigan rin niya. Tahimik lamang ako gumuguhit ng kung ano ano sa notebook na nasa upuan ko dahil wala rin naman akong magawa. Lahat sila ay magkakaibigan at ako lamang ang hindi kasali sa grupo ng kaibigan nila kaya't mas lalong wala akong makaka usap sa tuwing nagsasama sama na kami para gumawa.
"Cy." I nearly jumped when Jomar's face pop out of nowhere.
Nilapit niya ang kaniyang upuan sa akin and maybe because of the tiny space between us my instinct kicked in at nilayo ko agad ang sarili ko sa kaniya.
Hilaw ko siyang nginitian dahil sumisilaw sa kaniya ang malaking ngisi sa kaniyang mukha.
"Magaling ka palang mag drawing?" He softly said.
"A-ah hindi. Libangan ko lang." Nilingon ko kaagad ang mga kagrupo ko na abala parin sa kani-kanilang mundo. I checked if anyone of them noticed the short conversation of us but no one seems to be interested to pay any attention.
"Sabi mo sa akin hindi mo nobyo yung Oliver na yun? So pwede ka?" Inilapit niya lalo ang mukha niya sa akin at halos tumayo na ako sa aking upuan para hindi lang magdikit ang mukha naming dalawa.
A big question mark plastered on my face, unable to understand what he's trying to say. Pwede saan?
Ngumisi naman siya at laking pasasalamat ko ng tapikin siya ni Mariel, ang babaeng halata namang ayaw ako sa grupo na ito. I have nothing to do with that, you can't just please everybody and my whole life sums that. Hindi naman talaga ako tanggap ng kahit sino, hindi na bago sa akin iyon.
"Pano na yan ngayon? Hindi rin pwede samin, nandun yung step father ko, bawal tayo dun." Sabi ni Alicia. Nag uusap na kasi kung saan kami gagawa ng proyekto namin dahil hindi naman pwede rito sa paaralan.
"Aba! Mas lalong hindi pwede samin." Tanggi ng isa. At ng isa. At ng isa.
Nagpatuloy lang ako sa pagsulat ng kung ano ano sa notebook ko.
"Sa mga Solidad nalang! Bahay naman ni Cy yun!" Nagsusumigaw na suhestyon ni Jomar na para bang iyon ang pinaka magandang desisyon na nagawa niya sa kaniyang buhay.
Gulat kong itinaas ang aking paningin upang makita ang mga hitsura nila and they we're smirking as if wala na akong choice kundi ang pumayag.
"H-hindi ko kasi bahay iyon."
"Ha? E diba inampon ka na nila, so pwede yun! Tsaka makikiligo kami sa dagat pagkatapos! Diba?" Tuwang tuwang sabi ni Alicia hanggang sa lahat sila ay tuwang tuwa sa anging plano nila.
Napayuko na lamang ako, "Mag papa-alam muna ako sa mga Solidad."
They cheered.
Alas-dos ng hapon at naka uwi ako rito sa bahay, hindi ako pumasok sa Caffe ngayon dahil nagpaalam ako na tatlong araw akong liliban. Dahil nag laan ng tatlong araw para gumawa ng proyekto namin na kailangang gawin ng kamay.
I reached for the plant here in my room that he gave me last night. Ganun parin ang hitsura nito. May mga matatalim na tinik ngunit ito ang mas lalong nagpapa ganda rito. Mas maliit pa ito sa aking palad kaya't iniingatan kong mabitawan ito.
Why would he gave me this?
Hindi parin pala ako nakakapag pasalamat sa kaniya.
Hindi ako magsisinungaling, dahil ayokong ipagkaila na kakaibang hangin ang dulot ni Sir Levi sa akin. Every move he make, every words that he say, hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman because I'm unfamiliar with this kind of feeling.
Siguro ay dahil sa loob ng 2 taon ay may bago akong nakasalamuha bukod sa mga Solidad at kay Oli, baka ay naninibago ako sa atensyon na ibinibigay niya sa akin.
Ilang minuto pa na pakikipag usap ko sa halaman ay napagdesisyunan ko nang lumabas.
Nilingon ko muna ang pasilyo at ang pintuan ng office para tignan kung may tao ba roon, ngunit wala.
Bumaba ako sa hagdan sa paghahangad na may makita na akong tao roon at tama nga ako dahil naroroon si Sir Levi at si Ate Celest sa tanggapan. Sir Levi was holding some papers and ate Celest was crossing her legs and her arms unto her chest habang nakikipag usap kay Sir Levi.
Dahan dahan akong bumaba upang hindi sila maistorbong dalawa. Madiin ang hawak ko sa hagdan habang nakahinto, nag aalalang makalikha ng kahit anong ingay.
"Levi I told you, you can always stay here if you want too. " Ate Celest said.
"What's the use of Vidalio Hotel Celest? Pinagbigyan ko lang si Tito sa trabahong ipinagawa niya sa akin." He said without looking at her, still busy reading the handful documents in his hands.
"But, It's not a big deal. Dahil ba nandito ako? Well I'll be leaving in the dawn, Mr. Levi. I'll be leaving without any trace." Iritadong sabi ni ate Celest sa kaniya at kung hindi ako nagkakamali ay my bahid pa ng pagka sarkastiko.
I was taken back a little. Hindi ko pa nakikitang mag usap sila ng ganito dahil buong akala ko ay magkasundo silang dalawa, ngunit iba ito sa nakikita ko ngayon.
"No."
"Please."
Magkasalubong ang kilay ni Sir Levi while Ate Celest look so desperate which is not so her. Solidad don't beg. Never.
Halos mabuwal ako sa hagdan ng biglang lumingon si Sir Levi sa lugar kung nasaan ako. He might think I'm eavsedropping their conversation. Am I? I'm not. No--?
"Yes?" He said, dahilan para mapalingon rin si Ate Celest sa akin.
Agad na nabura ang kaninang lukot na muka ni Ate Celest at agad na umamo ito ng magtama ang mga mata namin.
"Yes Cyreese? Come here?" She softly said. Lumambot naman agad ang puso ko sa sinabi niya.
Hindi ko naman talaga intensyong istorbohin silang dalawa ngayon ngunit wala na akong choice dahil kung aalis pala si Ate Celest bukas ay hindi na ako makakapag paalam.
Who's not eavesdropping now?
My hands were clasp together while walking to their direction at sunod ang tingin nila sa akin.
"Ate Celest, mag papaalam po sana ako kung pwedeng dalhin ko rito ang mga kagrupo ko sa proyekto. Kung hindi naman po pwede ay sa kubo sa dalampasigan ko na lamang sila dadalhin."
"Well, It's okay but I never knew you had friends? Dalawang taon na at ang Kaibigan mo lamang na lalaki ang nakikita kong kasama mo."
Hindi ko alam kung bakit napalingon ako sa pwesto ni Sir Levi at nakita ko ang lamig ng titig niya sa akin.
"Uhm, kagrupo ko lang po sila."
"Well, at least she knew how to make friends with some girls." Tikhim ni Sir levi na nagpakunot naman sa akin. Dalawa lang ang babae sa grupo ko at ang lima ay lalaki kung kaya't hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.
"It's okay. Serve them snacks if you want too. It's a good thing that you are now making some friends. It must be so hard for you Cyreese." Kitang kita ko ang habag sa kaniyang mga mata.
Kakaibang init sa puso ang naramdman ko, Si Ate Celest lamang ang nakakapagsabi sa akin ng ganito. Parehas sila ng kaniyang ina na napakalambot ng puso, they are intelligent and blessed in all ways.
"Come here." Amba niya upang yumakap at tumayo.
Naramdaman ko ang init sa palibot ng mata ko at ng yakapin ko siya ay nanlabo na ang paningin ko ng tuluyan.
"Bring them here more often. Para may nakaka usap ka. Dahil madalas ay wala kami rito." She brushed her soft hand in my skin.
Tumango naman ako at nahihiya sa inasta ngayon.
Nag paalam na ako agad kay Ate Celest at hindi parin nakatakas sa akin ang titig ni Sir Levi.
Hindi ko alam kung anong oras akong gumising nang makita kong paalis na si ate Celest. Natanaw ko lamang siyang sumakay sa kaniyang kotses at umalis rin. I watched her hair bouncing and going with her flaws. She's wearing a casual clothes that made me admire her more.
"Oli, marunong palang magkulay ng buhok si Melai?" ang kaniyang kapatid.
Hindi siya tumigil sa pag baliktad ng mga isda na binilad sa dalampasigan habang tinatanong ko siya. Tanaw ko ang kaniyang kapatid na kinukulayan ng buhok ang kaniyang ina dahil marami na raw itong putingn buhok.
"Ah? Oo, alam mo naman yan, kung ano-ano na lang kaartehan ang nalalaman." Pagkibit balikat niya.
I just nodded and looked at them. I touched my hair and look at it sinisipat kung anong hitsura nang akin.
"Oh? Bakit? Gusto mo ring magpakulay?"
"Huh?" Gulat kong baling sa kaniya. "Uhm, hindi naman. Pero sa tingin mo ba bagay sa akin kung magpapa kulay ako?"
I mentioned remembering how Ate Celest's caramel like hair bounce into her shoulders. And also at the side of my thoughts, remembering how she use to brush her hair with her fingers while talking to Levi.
"Bakit ka naman magpapakulay Cy? Para sa akin okay na yang itim mong buhok. Natural at maganda ka na. Baka mas gumanda ka pa lalo niyan!" He exclaimed.
Nangiwi naman ako at natawa sa pakikipag biruan niya sa akin.
For how many days it bothered me. Hindi ko alam kung naiimpluwensyahan ba ako ng mga nakikita ko sa magazine o masyado ko lamang iniidulo si ate Celest.
Before going to the office, I spend more time brushing my hair. Nakalugay ito ngayon kahit na ang normal ko na gawin ay ang ipusod lamang ito dahil tila sagabal sa akin. Nakikinig ako sa guro namin kaya't alam ko ang salitang puberty, kaya baka iyon lang ang pinag dadaanan ko.
"You forgot to put an arch here." He corrected me.
Sinundan ko ang pagguhit niya sa parteng kaniyang tinama. I touched my hair falling in my shoulders. I saw him lift his head a bit and stopped from what he's doing but I did not met his eyes and he just continue checking my work.
Marami pa siyang mga tinama na pinakikinggan ko lamang. Medyo hinahangin ang aking buhok dahil sa nakabukas na terasa rito sa opisina. At sa huling pagkakataon na ayusin ko ito ay tuluyan nang inangat ni Levi ang tingin niya sa akin.
"Is your hair bothering you? Should I close the door?" He concernly asked.
Kinabahan ako sa tanong niya sa hindi ko malaman na dahilan, kaya't hindi ako nakasagot agad.
"You did not tie your hair today."
A pinch of joy in my heart suddenly get into me. Hindi ko man maamin sa sarili ko ngunit tila ito ang rason kung bakit ko ginawa iyon. At iba pang usapan na napansin niyang nakalugay ang buhok ko ngayon.
I smiled at him and fixed my hair for the nth time. His lips rose looking at me.
"Ayos lang ba? Napansin ko kasing maganda rin kapag nakalugay katulad nang kay ate Celest." I compared. Para mas maintindihan niya ang punto ko at gusto kong sabihin.
His lips twitched as he lean on the table that was in between us. Hindi niya sinagot ang aking tanong kaya't walang preno ang bibig ko dahil sa kaba.
"Yung kapatid ni Oli nagkukulay siya ng buhok. Balak ko sanang magpakulay rin pero hindi ko alam kung bagay sa akin." Hilaw na tawa kong sinabi.
I was a bit startled when his hands made its way into the strands of my hair as he tucked it behind my ears.
"It's okay. I like it this way." He smiled.
Tila nagkagulo ang isipan ko at lahat nang laman ng tyan ko sa narinig. Sa ikli ng kaniyang sinabi at sa kaparehong sinabi ni Oli ay naghanap ako ng pagkakaiba kung bakit iba ang naramdaman ko ng sabihin niya iyon sa akin.
Then I realize there was no difference on what they've said. The only difference is him.
It was Saturday at ngayong hapon na ang araw na pupunta ang mga kagrupo ko upang gumawa ng proyekto. Inabala ko muna ang sarili ko sa mga gawaing bahay dahil sabado at walang mga katulong ngayon. Hindi pa mataas ang sikat ng araw nang gumising ako ngunit ng matapos ako sa aking mga gawain ay mainit na ito.
It was almost ten in the morning ng napag desisyunan kong maghanda ng aking makakain.
Brunch. Tutal ay mag isa lamang ako rito sa bahay. I feel so busy in the kitchen trying to cook something to fill my stomach.
"Paminta" I said to myself ng tikman ko ang aking nilutong adobo. Sa pagmamadali ko ay nakaligtaan ko na palang maglagay nito.
Sinubukan kong abutin ang container ng paminta na nasa itaas na cabinet ngunit sadyang alam ata nitong nagugutom na ako dahil pinahihirapan ako nito.
"Arggh." Daing ko ng pilit ko parin itong inabot, tinalon ko pa ito ngunit dahil wala ng lakas ang aking mga binti ay napa upo na lamang ako.
Imbes na tumayo ay isinubsob ko na lang ang aking mukha sa dalawang palad.
Tatayo na sana ako para kuhain ang bar stool ngunit napatingala ako ng makita ko si Sir Levi na nilalagyan ng paminta ang niluluto ko.
Nanlaki ang dalawa kong mata sa nakita.
Inilapag niya ang container ng paminta at inilahad ang kamay sa akin. Wala sa sarili kong tinanggap iyon at nagpadala sa pagtayo niya sa akin.
"Are you okay?" He said and reached for the lid of the pan. Tinakpan niya ito at lumingon siya sa akin.
Nginitian ko naman siya, "Akala ko ay wala akong kasama rito sa bahay. Buti na lamang at sinobrahan ko itong niluto ko." Dahil hanggang gabi ko na sana na pagkain iyon.
"I went out for a jog." Sumandal siya sa counter na nasa likod niya at ininom ang laman ng basong nasa harap niya. Ni hindi ko na napansin pa iyon kanina.
That explains kung bakit umaga palang ay alam kong wala talaga akong kasama rito.
"W-wala kang trabaho?" Halos pitikin ko ang bibig ko sa nasambit, tila ba nawala ako saglit sa sarili.
I noticed how his lips parted for a moment and after some seconds ay humarap siya sa akin nang nakasuporta ang kaliwang parte ng kaniyang katawan.
Sinundan ko ang tingin ko sa kamay niyang nakatukod rito,
"I do have," He said, almost whispering. "How about you? It's a good thing that you know how to rest."
Hindi naman ako makasagot sa sinabi niya dahil para lamang akong dinadala ng mga titig niya sa ibang dimensyon. I bit my lip and took off my sight on him.
Hilaw akong tumawa para hindi niya mapansin kung bakit ako natatanga,
"Gagawa kami ng proyekto ngayon, at bukas." Tumango pa ako at kada isang segundo ay ibinabalik ang tingin sa kaniyang mata na hanggang ngayon ay sinusundan parin ang tingin ko at galaw ko.
I don't know what to say next dahil wala naman siyang sinabi at hindi rin siya gumalaw sa pwesto niya.
"Kain na tayo. Maghahain ako." Yun lang at agad ko siyang tinalikuran.
The lunch was not bad as i expected it to be, paulit ulit ko pang ipinaliliwanag sa kaniya na hindi ako marunong magluto ng mga sosyal na pagkain kagaya ng inihain niya noong nakaraan. And he kept on convincing me na masarap naman daw ang niluluto ko.
"How's your works by the way?"
"Hindi ko na nga naipagpapatuloy. Wala na po kasi akong panahon." I looked at my plate at halos hindi ko na ito magalaw sa hindi ko malamang dahilna. Kanina pa ako nanghihina sa pagod at gutom ngunit ngayon ay para naman kong maduduwal kapag kinain ko ito.
"Stop addresing me with your 'po.", putol niya agad sa sinabi ko. "We have...what? 7 years gap?" He asked himself. "Shit. That's seven years."
Hindi ko narinig ang huling sinabi niya but I saw how his brow turned into one line and his mouth filled with grim.
So He's 24? And how did he knew my age? Oh maybe because of my grade.
"Still, Levi would be good." He sipped in his coffee na tinimpla niya kanina.
Tumango ako at pinigalan na magsalita ng kahit anong ikagagalit niya.
"What time will your friends will be coming here?" Pagsira niya sa katahimikan.
"Mamayang hapon po-" Naiangat ko agad ang tingin ko sa kaniyia at napalunok , "Mamayang hapon...mamayang hapon." Pag ulit ko pa.
"Then you rest, come to the office after, I'll teach you some lessons."
Napaangat ulit ako ng tingin sa kaniya at kulang nalang ay kuminang ang mga mata ko sa narinig sa kaniya.

Book Comment (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    3d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters