logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 A bit

It's been a week since that incident and up to this day, we haven't exchanged a word yet. Paminsan ko lamang siya makita sa mansyon dahil sa umaga ay maaga akong naalis upang pumasok sa eskwelahan, at deretso na sa coffee shop kapag hapon at kung umuwi naman ako ay mag gagabi na.
Minsan kaming nagkita sa sala, nang minsang umuwi ako galing sa coffee shop and I saw him holding some documents when he saw me and ignored me at the same time.
Nilagpasan ko na lamang siya at dumeretso sa aking kwarto.
I once met him at the dining table one morning, ngunit kahit isang salita ay wala siyang sinabi. He was just busy holding his newspaper and enjoying his cup of coffee.
Beside that, nothing else.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung galit ba siya sa akin o sadyang hindi ko lang alam ang lugar ko sa bahay na ito, isa siya sa mga nererespeto na tao sa bahay dahil kung iisipin ay amo rin siya- hindi ko man alam kung paano, but technically the Solidad's let him stayed in their mansion so he is.
Pagod na pagod akong umuwi sa araw na ito dahil nagkataon na biyernes na at maraming tao ang coffe shop, it was already a week but I'm still adjusting from my life style now.
Nagsabay ang mga dagsaang requirements sa shool na kailangan kong habulin dahil ilang araw akong wala at ang pagod ko sa coffee shop.
Hindi naman ako nagrereklamo dahil ito ang pinili ko, infact I was glad to finally do something new and sensible. I'm feeling productive, well... kind of.
Hinihilot ko ang balikat ko dahil sa ngalay na nararamdaman nito habang papasok ako sa entrada ng mansyon, at naroon ko nanaman nakita si Sir Levi. This time he was leaning against a post with his arms crossed and looking at me intently.
Napatigil ako sa ginagawa ko at ngumiti sa kaniya ng alanganin.
Different from those days that I met him in this mansion, this time it seems like he was really there standing for a long time and waiting for someone. Who is he waiting for?
Tumango na lamang ako at lalagpasan na lamang sana siya,
"Are you busy with your school?" I looked at him when I heard him say. I kind of heard some hint of second thoughts on his tone but, i'm not sure if it was just my tiredness creeping out althrough out my body.
Nilingon ko lamang siya at nakita ko siyang tinitignan ang bag na nasa likod ko at ang hawak kong apron na hindi ko na nailagay sa bag dahil marumi na ito.
"Uhm, medyo." Hindi ko alam ang naiisip niya at gusto niyang marinig kaya't sinabi ko na lang ang totoo, dahil tototo namang abala talaga ako dahil ilang araw na lamang ay finals na, ngayon na naisip ko iyon, naalala kong may mga gagawin pa pala ako mamaya. Ang akala kong pahinga na gusto ko ay hindi ko pala magagawa.
Linagpasan ko na lamang siya dahil hindi narin naman siya umimik sa sinabi ko. I heard some foot steps following me, I was about to go upstairs when he said.
"I will be serving dinner, get back here if you're done with your things. I'm gonna wait here."
Nilingon ko siya at dere-deretso siyang umalis patungo sa kusina. Ngayon ay nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay at napagtanto ko na napakatahimik nito. Huli na ng maisip ko na wala ang mga kasamabahay rito . Ilang araw na akong abala at hindi ko pa nakakausap si Nanay Celia. Kaya't kung bakit walang tao rito ay hindi ko alam.
Pagkatapos kong maglinis ng aking katawan which is I'm not quiet sure kung nakapaglinis ba ako ng maayos dahil mas pinili kong bilisan nalang ang pagligo dahil hindi ko nakakalimutang may nag aantay sa akin sa baba. Nag ayos lang ako ng iilan kong gamit at nagdesisyon na akong bumaba.
Dumeretso ako sa kusina and here, I saw him leaning on the bar stool intently, at nang siguro ay mapansin na niya ang presensya ko ay dinala ang sarili sa isang upuan sa lamesa na may nakahaing plato. Looking at the table ay tila kanina pa naihanda ito dahil sa maayos na pagkakasalansan ng mga pagkain pinggan at kubyertos. Talagang ako nalang ang hinihintay.
Hindi naman siya nagsalita and me handling this cold air between us was the most nerve wrecking time of my life. Naglakad na lamang ako papunta sa isa sa mga upuan rito kung saan ay mayroon pang isang plato at yun ay sa tapat ng kaniyang inuupuan.
He started eating as if I'm not here, kaya kahit may pag aalanganin ay dahan dahan ko nalang sinimulan ang pagkain ko, may dalawang putahe roon at hindi ito basta lamang. Did he cooked this? Malamang Cyreese, Sino ba ang magluluto? Ang kapitbahay?
A few moments have passed and we're still like that, wala parin nagtatangkang magsalita sa amin at wala namang kaso sa akin yun, baka hindi lamang siya sanay na kumain mag isa kaya niya ako niyaya, sino naman ang nagsabi sayo Cyreese na gusto ka niyang kausapin?
I can't help but notice every single detail that he does, his flaws are screaming with manliness and table manners, walang wala sa "ako" na paminsan ay kumakalansing ang pinggan at mga kubyertos.
When I noticed that he's done,
"Ako na ang maghuhugas ng mga ito, salamat." Kahit ako ay hindi sigurado kung para saan ba ang pasasalamat na iyon. Hindi naman siya kumilos at tila ba wala siyang narinig at naramdaman ko ang malalamig na titig niya sa akin which made me feel uncomfortable.
"Which grade are you again?"
"12, Senior High."
Nag aalangan kong sabi bago ko isubo ang malapit ng maubos kong pagkain. Wala naman akong narinig sa kniya pagkatapos nun. At dahil hindi ko alam kung bakit hindi parin siya umaalis sa kinauupuan niya ay nagsalita nalang ako para mabasag ang katahimikan sa aming dalawa.
"Salamat pala sa niluto mong pagkain. Ako na lang ang-"
"And your instructors gives you ton of responsibilities to the point that you'll get home this late at night?"
Nung una ay hindi ko pa alam kung ano ang tinutukoy niya ngunit nang maalala ko ang pagtatanong niya kanina ay napagtanto koong siguro ay nagtataka siya kung bakit hapon o di kaya'y gabi na ako nauwi. He was probably irritated because he has to cook for dinner and I was just here enjoying his service.
"Uhm, Pasensiya na. Nagpapartime Job kasi ako, hindi ko naman alam na wala ang mga kasambahay ngayon, kung alam ko lang ay nagpaalam ako na uuwi ng maaga para magluto ng hapunan." ako.
"Part time Job?" Madiin niyang sinambit.
Tumango na lamang ako at sinubo ang huling pagkain sa aking pinggan and reach for my water. Pilit kong iniiwasan ang malalim na titig niya sa akin na hindi ko naman alam kung anong dahilan. Pagkatapos kong uminom ng mabilisan ay dali-dali akong tumayo upang ligpitin ang mga pinggan sa aking harapan para hugasan ito.
Ramdam ko ang pagsunod ng titig niya sa bawat kilos na gawin ko, I don't know how to act at this moment, I don't know if I can still pretend that I'm not affected by his presence.
"What time will you go home tomorrow?"
Akala ko ay may kausap siyang iba kaya't napalingon ako sa kaniya upang alamin kung tama nga ang hinala ko. But i wish I was right.
"Hmm?" Dala dala ko ang magkapatong na plato at lumingon sa kniya bago pumasok sa kusina.
Nag antay ng sagot niya kung ano bang ibig sabihin niya sa sinabi niyang iyon ngunit tila ba paligsahan iyon ng titigan dahil talo ako.
"M-may pasok ako ng umaga at sa hapon rin." Bakit? Gusto ko pa sanang isunuod ngunit natuptup na ang bibig ko.
Tumango lamang siya at tumango lang sin ako dahil hindi ko na alam ang dapat kong gawin sa mga ganitong sitwasyon. Dumeretso na ako sa kusina upang hugasan ang mga ito.
Paminsan minsan ay hindi ko parin maiwasang isipin kung bakit siya nandito sa mansyon ng mga Solidad, my curiosity won't leave me alone, at bakit nataunan pang wala ang mga Solidad rito.
Ito lang naman kasi ang unang pagkakataon na mayroong bisitang nanatili sa mga Solidad and it's been what? Weeks? The Solidad usually stays in Manila for a month or so, ibig sabihin ba nito ay ilang linggo pa na ganito ang magiging sitwasyon namin rito ? I'm not even sure if it is okay to talk to him dahil baka magalit sa akin ang mga Solidad.
Ngayon ko pa talaga ito naiisip kung kailan ay hindi na nga kami nagkakausap kumpara ng mga nagdaang linggo.
I shrug all my worries away and just focus on finishing the dishes.
Lumabas na ako ng kusina para sana umakyat na at makapagpahinga, ngunit may nahagip ako sa lamesang isang bagay, and looked like a wrap thing. Wala naman ito kanina ng iwan ko ito dito, bukod kay Sir Levi ay wala na akong iniwan rito.
Nang lapitan ko ito para sipatin ay kinuha ko agad ito. It was a plant.
A smiled crept in my face.
Kalabog lamang ng pinto ang sumira sa pag ngiti ko.
Bukas na lamang ako magpapasalamat.
---
"Cy. May kasabay ka bang mag break time?" Nagulat ako ng lumapit sa akin ang kaklase kong si Jomar.
Inaayos ko ang mga papel na ginamit sa aming pagsusulit kanina dahil napag utusan ako ng aming guro.
"Break time? Meron, si Oli."
Nakita ko naman agad ang pag ismid niya sa sinabi ko.
"Nobyo mo ba yung Oliver na yun?"
Agad nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya at marahas na iniling ng akin ulo bilang pagtanggi sa sinabi niya.
"K-kaibigan ko lang sa Oli."
Gusto kong kilabutan sa sinabi niya, hindi ko maisip na maging Nobyo si Oli. Para ko siyang kapatid.
Niyakap ko ang mga papel na dala ko at mag papa alam na sana.
"Bakit Cy? Tingin mo ba mag kaka interes tong kaibigan ko sayo? Umasa ka nalang! Tutal ay magmula ng inampon ka ng mga Solidad ay naging ambisyosa ka naman. " biglang singit ng isa kong kaklaseng babae na pulang pula ang bibig at ang buhok ay nakaipit ng mataas.
Humalakhak silang magkakaibigan hanggang sa pinagtinginan na kami ng buong klase na ngayon ay naglalabasan na at sari - saring panunuya ang sinambit.
Namuo ang mga luha sa mata ko at walang magawa kundi ang yakapin ng mahigpit ang mga papel na dala ko.
I tried to practice my breathing dahil nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko sa mga sinabi nila. I even tried to convince myself that nothing happened habang sinasabing "okay lang yan"
Hindi narin bago sa akin ang mga ganoong bagay, ilang taon na rin ngunit hindi ko parin maiwasang masaktan sa tuwing makarinig ako ng mga bagay na nangagaling sa kanila.
Dalawang oras na lamang at matatapos na ang klase ko para sa araw na ito. Nagmamadali kong nilakad ang pasilyo ng building namin papunta sa faculty dahil panigurado ay nag aantay na sa akin si Oli sa pathway kung saan madalas kaming mag antayan.
Nakabukas ang pintuanng faculty kung kaya't dahan-dahan at maingat akong pumasok para hindi maistorbo ang mga guro ruon.
Nakita ko naman ang iilan mga guro na nagkumpulan at mukhang may pinag uusapan , nagpasalamat na lamang sa akin si Ms. Rodriguez at dali-dali na akong lumabas.
"Ano ka ba naman Cy? Kinukulang na ba sa pagkain ang mga Solidad at ganyan na ang katawan mo? Parang hindi naman na yata tama yan." Oli irritatedly said habang nahihirapan pang magsalita dahil puno pa ang bibig niya ng pansit na kinakain niya.
I gave him a smile hearing his humor. Posible bang kulangin ng pagkain ang mga Solidad? Si Oli talaga. Umiling na lamang ako at pinigilan ang pag ngiti and proceed in finishing the sandwich that I bought.
Hindi ko rin naman maikakaila na tama si Oli. Napapansin ko rin ang pagbabago ng aking katawan dahil ang dating payat ko na talagang katawan ay mas lumiit pa yata. Siguro ay naninibago pa ang katawan ko sa trabaho at stress sa paaralan. Di bale na dahil alam ko naman ang kahihinatnan ng lahat ng pagod ko na ito.
"Cy, hindi ako makakasabay sayong mamayang uwian ha? Kasi may ipinagagawa nanaman ang matandang iyon."
Reklamo pa niya habang nagliligpit na ng pinagkainan niya. At alam ko narin na ang matandang tinutukoy niya ay ang kinaiinisan niyang guro na madalas niyang ireklamo sa tuwing mag uusap kami, kesyo masungit daw at hindi nagtuturo pero andami namang pinapagawa.
Tumango na lamang ako. Hindi rin naman na talaga kami madalas magkasama ni Oli sa pag uwi dahil nga deretso ako lagi sa coffee shop.
"Okay class, So matagal ko naman ng sinabi sa inyo na bibigyan ko kayo ng requirements for this subject." Pagbasag ng katahimikan ni ma'am Rodriguez. Ang Philosophy teacher ng klase namin.
Sinabi niya na igrupo namin ang mga sarili namin sa tig-6 na grupo bilang ito nag magiging grupo namin sa prroyekto na ibibigay niya.
"Remember that this is not just a project but this will be the last requirement of mine in this whole grading. So wag niyong gawing laro ang lahat. Dismiss" Yun lamang ang sinabi niya at dinala ang librong dala niya at umalis na.
Samantalang ang mga kaklase ko ay dali-daling nag ingay habang naghahanap ng mga ka grupo nila.
Sa mga ganitong pagkakataon ay alam ko naman na ang mga nangyayari. Kung may mga groupings ay madalas ako yung pang puno sa kulang na grupo dahil wala rin namang pumipili sa akin o dikaya'y ang guro na mismo ang magpupumilit sa mga grupo na isali ako.
Nanatili akong parang bato sa upuan ko sa pag asang may mag yayaya sa akin na sumali sa grupo ninla ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ay wla aprin. Kaya't napagdesisyunan ko ng tumayo at iligpit ang aking gamit para sna mag paalam nalang kay Ms. Rodriguez na kung pwede ay gawin ko na lamang ng mag isa ang proyekto.
"Cy, sa grupo ka nalang namin." Si Jomar. Sukbit-sukbit niya ang kaniyang bag habang nasa likod ang kaniyang mga kaibigan.
Matamtam kong tinignan ang mukha niyang may ngisi sa labi at inaantay ang sagot ko. Lumingon muna ako sa paligid at nakikita kong naglalabasan na ang ilan dahil siguro meron na silang mga ka grupo.
Sino ba naman ako para mamili at mag inarte pa? I'm grateful enough to have somebody welcome me in their group than the usual "mag isa" or "ipinipilit" lang.
Kaya't tuwang tuwa akong tumango kay Jomar kahit na ang ibang kaibigan niya ay masama ang tingin sa akin. Lalo na ang babae niyang kaibigan.
---
Pagod na pagod kong tinatahak ang kalsada papalapit sa bahay ng mga Solidad, malayo pa lamang ay kita ko na ang tatlong kotse na naka tigil sa harapan nito. The usual alone car of Sir Levi is now not alone.
Nabuo agad sa isipan ko na posibleng nakauwi na ang mga Solidad. Dahil ang isang kotse nila ay naruon.
Pinili ko na lamang na dumaan sa "back door" upang hindi na maka istorbo sa mga bisita ng mga Solidad dahil sa mga nanggagaling na ingay roon ay alam ko na agad na hindi ako pwedeng magpakita ng mukhang madumi at mukhang nanghimasok lamang.
Nagkagulatan namain kami ni Nanay Celia dahil pagkapasok ko ay halos mabitawan niya ang mga gulay na kaniyang dala. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling.
"Ay nako Hija. Buti ay dumating ka. Pwede bang tulungan mo muna ako sa kusina dahil si Letty hindi parin bumabalik." She nearly wept while saying that. Nahabag naman ako dahil mukha talagang stress na stress siya sa mga nangyayari.
"Sige po Nay, magpapalit lang po ako." She thanked me at pumanhik habang dala dala ng mga gulay.
Buong akala ko ay ang mga Solidad iyon na nasa sala, ngunit sa malayo ay natanaw ko ang iilang mukha na hindi ko kilala, at si Sir Levi, na--katabi ni At Celest? Niliiitan ko pa ang mata ko para malaman kung tama ba ang nakikita ko dahil hindi ko makilala si Ate Celest sa bagong kulay ng buhok niya ngayon.
Dali-dali akong naglakad deretso sa hagdan para hindi na nila ako mapansin. Ngunit ng lingunin ko ang lugar kung saan sila naroon ay nagtama ang paningin naming dalawa ni Sir Levi.
Para naman akong nabato sa titig na iyon. Paniguradong ang iniisip niya ay nakakahiyang magpakita ako sa ma bisita dahil sa hitsura ko ngayon ay mukha lamang akong pulubing nakapasok rito sa bahay.
--
"London was so great. The ambiance was so romantic, I bet it was more great if I am with you Levi-oh" Naputol ang sinasabi ni Ate Celest ng nahulog ko ang mga kutsarita sa plato dahilan para maglikha ito ng ingay.
Nanlamig naman ako sa kinatatayuan ko ng mapansin kong lahat ng mga mata ngayon ay nakatutok sa akin, dali-dali ko itong inayos at rinig na rinig ko ang pagtikhim ni Sir Levi.
Nagpatuloy ako sa aking ginagawa na parang walang nangyari.
"So as I was saying, you guys- should be there. It was a perfect place for a couple like you. Si Levi kasi sobrang busy."
Hindi ko mapigilan ang makinig sa mga sinasabi ni Ate Celest habang sobrang ingat ko ng inilalapag ang mga baso ngayon sa kaniya-kaniya nilang pwesto.
There's a man and a woman na hindi ako pamilyar na kasama nila ngayon sa hapag kainan. The man was so serious and in a grim while the woman looks young and carefree pero sa kutis at itsura nito ay halatang hindi rin basta basta ang katayuan nito sa buhay.
Inilapag ko ang baso sa pwesto ni Sir Levi na ngayon ay nasa madalas niyang posiyon. Magkahawak ang dalawang kamay habang parang hinahalikan ito ng kaniyang mga labi.
"Cut the crap Celest. We're here for business. " Malamig at matigas na sabi ng lalaking hindi ko kilala.
Dahilan para maiangat ko ang ulo ko sa tono ng kaniyang pananalita. The woman looked pale and shocked. She smiled and laugh like she was constipated.
"Ahhh, Ate Celest Next time. B-busy rin kasi tong si Erato sa Company." She look so nervous whiles saying that. At iniba niya na ang usapan at nag usap sila ni Ate Celest ng mga bagay na hindi ko na naiintindihan.
"You should rest." Napaka hina ng tinig na iyon na narinig ko kaya't nilingon ko ang pinaggagalingan upang makisugurado kung tama ba ang naririnig ko.
Nagtama ang paningin namin dalawa at halos hindi ko na malunok pa ang bara sa lalamunan ko dahil mukhang sinabi niya nga iyon.
Hindi na ako nakapag salita at inilagay na ang huling baso kay at Celest at iniwan na ang hapagkainan.
Nanghihina akong sumandal sa lababo habang pikit at dinama ang aking dibdib. Posible bang sumakit ang puso mo sa hindi maipaliwanag na dahilan?
"Hija okay ka lang ba? Masyado ka bang pagod? O siya magpahinga ka nalang kaya." Ramdam ko ang hawak ni nanay Celia sa aking braso.
"Nay Celia okay lang po ako. Ihahatid ko na po iyan." Ako, nang makita ko ang isang putaheng dala-dala niya.
Hindi ko alam kung ilang araw si Ate Celest rito sa Mar De Vena. Hindi naman kasi ako sanay na makitang siya lang ang umuuwi rito at hindi kasama ang mga magulang niya.
Saktong maaga ang uwi ko ngayon dahil sarado ang coffee shop. Mayroong outing ang mga regular employee at hindi nalang ako sumama dahil mas ginusto kong magpahinga. Matagal ko ring hindi nagawang tumambay sa harap ng mansyon at magbasa ng libro kaya't iyon ang ginawa ko noong maaga akong nakauwi.
Nakita ko ang paghinto ng kotse sa harapan ng mansyon. Ang balingkinitan at perpektong hugis na katawan ni ate Celest ang nakita ko. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang bagong kulay ng kaniyang buhok. Mas lalo siyang naging mestiza at lalo yata siyang gumanda sa paningin ko.
Hindi niya ako napansin rito dahil medyo natatakpan ako ng makakapal na halaman. I stared at her walking inside. Nang mawala siya sa paningin ko ay nalingon ko ang aking repleksyon sa bintana na mula sa mansyon.
Tinignan ko ang sarili ko at sandaling binaba ang libro na hawak. Ganun parin. Wala paring pinagbago. Ang layo-layo ng katawan ko sa matured na katawan ni ate Celest. Wearing a t-shirt and a shorts, tila lalo yata akong nagmukhang kalansay sa aking suot.
Parang isang biglang ideya na tigilan ko ang balak kong gawin at umakyat sa kwarto upang magpalit ng damit. I wore a racer back top na halos mabulok na sa aking damitan. Lumabas ang korte ng aking katawan ngunit hindi parin ganuon katulad ng katawan ni ate Celest na parang sinadya ang hubog. My collar bones are even showing!
Sinuklay ko ng mga daliri ko ang aking buhok at pinisil ang aking pisngi at agad itong pumula. Binasa ko ang maputla kong labi at sa huli ay nalungkot lamang ako sa aking ginawa. I look like a stick man, parang wala sa sarli akong ginagawa ang lahat ng ito.
Kinuha ko ang aking sketch pad at lumabas ng aking pinto.
Kahit na medyo madilim na ang pasilyo ng pangalawang palapag ay dere-deretso ang lakad ko patungo sa pintuan ng opisina. Dinungaw ko ang ulo ko roon at tahip-tahip ang kaba sa aking dib-dib na makita siya roon at seryosong nakatutok sa kaniyang loptop.
Bago ko pa man masipan na umatras ay nakita na niya ako. Halos mapatalon ako sa gulat ngunit wala na ako sa sariling nagpakita nang tuluyan sa kaniya.
His eyes are looking amused seeing me. Samantalang ako ay nahihiya at hindi makatingin sa kaniya. I saw how his lips parted as he trail his sight towards me.
"Yes?"
I bit my lip. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniya.
Tinanaw ko pa ang ginagawa niya. Ngunit nang makita niyang tinitignan ko iyon ay agad niyang sinara ang kaniyang loptop at inayos ang kaniyang lamesa na tila tapos na siya sa kaniyang ginagawa.
"Uhm, wala naman. Ipapatingin ko lang sana itong ginawa ko kung tama."
He tilted his head a bit. Tumayo siya sa kaniyang upuan at tangkang aabutin ang sketchpad sa aking kamay.
"Levi- Oh Cyreese?"
Nagitla ako nang marinig ko ang tinig ni ate Celest. Bakit nga ba ako narito?
"Ate Celest."
"Do you... need something from Levi?"
"Yes-"
"Wala po!" Pagpuputol ko sa kung ano man ang sasabihin niya.
"Sure you have."
Tila naguguluhan ang mukhan ni ate Celest na pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.
"Come on let me see."
Wala sa sariling tinago ko ang sketch pad sa aking likuran at umiling. Madilim ang mga matang kumunot ang kaniyang noo sa aking inasta.
"Well, whatever it is... Uhm, pwedeng mamaya na Cyreese? We have some important matters to do." Tingin niya kay Levi.
Nahinto ako at nabato sa narinig. Nilingon ko si Levi at nakitang tila hindi niya naintindihan ang sinabi ni ate Celest.
"O-okay po."
I stormed my way out without looking back. Narinig ko pa ang mahinang boses ni Levi ngunit hindi ko na naintindihan iyon. Basta noong araw na iyon ay nakatulog na lamang ako at hindi parin sila lumabas ng opisina.
That hurt. A bit.

Book Comment (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    3d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters