logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6 Play Time

"You should know how to draw all the standard geometrical shapes, you will use this later for facade and planar studies." He said as he was looking intently on my work.
"And also, it will help you get proportions right for all your designs."
Ibinaba niya ang hawak niyang sketch book na inusisa niya kanina at ibinalik ang tingin sa akin.
"Those are the basics."
Andito ako ngayon at nakaupo sa paborito kong lugar sa hardin. He was giving me some lectures about architectural terms and I'm definitely rooting for this.
Matamis lamang akong ngumiti sa kaniya at tumango. It was early in the morning when he saw me here sitting and doing some artwork and drop by, nauna akong magising sa kaniya kung kaya't nauna akong mag almusal at siguro'y nang magawi ang atensyon niya rito ay napansin niya ako.
"Ginagawa ko iyon minsan sa iilang gawa ko, ngunit sa lapis at papel na ito ay limitado lamang ang kaya kong gawin. Sa susunod ay manghihiram ako sa kaklase ko at ipapakita ko sa iyo kung tama ba."
Kumunot ang noo niya sandali habang matamtam ako na tinitigan.He gave me a slight smile when his phone rang and he answered.
"Yes?," Inalis ko naman ang atensyon ko sa kaniya dahil ayokong magmukha akong nakikinig sa pinag uusapan nila.
"No. I don't wanna see Eduardo. Just drop by the plans here we'll discuss more of that."
Tungkol nanaman siguro ito sa trabaho niya. Hindi ko eksaktong alam kung ano nga ba ang trabaho na ginagawa niya rito sa Mar De Vena, ilang araw nang hindi nauwi ang mga Solidad kung kaya't hindi ko alam kung ano ba talagang mga kaganapan sa mansyon na ito. Hindi ko rin naman ugali ang makialam kung kaya't ayoko ng tanungin pa si Sir Levi patungkol sa pananatili niya rito sa mansyon ng mga Solidad o kung ano man ang koneksyon niya sa mga ito.
After some few words from his call he excused himself and I was left at peace. Hindi ko alam kung nakahinga ba ako ng maluwag o mas gusto ko pang pigilin ang hininga ko ng mas matagal. Being around him suffocates me but this suffocation makes me high and I'm not sure if I'm buyin' it or I want to stay out of it.
Ilang araw nalang at makakapasok na muli ako sa eskwelahan, wala na rin ang suot kong cast na nagsusuporta sa braso ko, hindi narin halata ang mga sugat at pasa sa aking mukha kung hindi ito pag tutuunan ito ng pansin.
Today I decided to go downtown, hindi ako sigurado ngunit ito lamang ang nakikita kong pagkakataon upang gawin ito. Dahil tatlong araw na lamang ay magiging abala nanaman ako dahil sa aking pagpasok. Matagal naman na akong nagpaalam sa mga Solidad ngunit hindi ko parin mapigilan ang pagkabagabag dahil natatakot ako na baka may masama nanamang mangyari sakin na ika-abala ng mga Solidad.
Mataas na ang sikat ng araw ng pumasok ako sa loob upang mag ayos ng sarili at maghanda sa pag alis. I was wearing a jeans and a simple polo shirt na binigay ni Ate Celest sa akin, I wore a simple white rubber shoes and a simple baseball cap para sa mataas na sikat ng araw. I tied my long black hair up and I'm good to go.
Bitbit ang envelope sa aking kamay ay marahan akong lumabas sa aking kwarto, nahagip ng mata ko ang pintuan ng opisina at ang maliit na awang nito. Hindi ko maiwasang isipin kung anong oras nanaman kaya ang itatagal ni Sir Levi riyan sapagkat nitong mga nakaraang araw ay halos hindi ko na siya maramdaman sa mansyon. Tanging ang mga katulong lamang ang nakakaalam kung anong lagay niya dahil nagpapahatid na lamang ito ng pagkain sa opisina.
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan dahil sa hinahabol kong oras, I look at my watch and It's past 11 AM already. Maabutan ko na ang Lunch break kung kaya't kailangan ko ng magmadali.
Magtatricycle nalang siguro ako kahit na mahal upang hindi mahuli sa pinag usapang oras. I used to walk going there but it won't be a help now.
Nagmamadali kong tinahak ang pasilyo ng hardin papuntang tarangkahan at napahinto ng makita ko ang parehong bisita noong isang araw na sinasalubong ngayon ni Sir Levi. It was the woman last time but she was alone, hindi niya na kasama ang lalaking nakaraan ay nang bastos sa akin nang wala akong kamalay-malay.
Hindi nakatakas sa mata ko ang pag alalay ni Sir Levi sa likod ng babae at ang pagsalubong ng babae upang bumeso sa kaniya.
Tumabi ako sa daraanan nilang dalawa upang hindi maging sagabal sa kanila. There were talking about something at pinilit kong i-iwas ang tingin ko upang hindi nila ako mapansin pa.
"Wait.", nakayuko ako ng mapansin ko ang paghinto nilang dalawa sa aking harapan. "Diba you we're that maid last time na--" Napaangat ang tingin ko sa kaniya ng sabihin niya iyon.
"Carmela, Let's go." Mariin na sabi sa kaniya ni Sir Levi.
Nabato lamang ako sa aking kinatatayuan at nakita ko ang pahapayaw na tingin nilang dalawa sa akin mula ulo hanggang paa.
"No, I'm sure you're that maid--" Pagpipilit pa nito. "Carmela It's none of your business." ma-awtoridad na sabi ni Sir Levi sa kaniya. Napalunok na lamang ako at ninais na kainin na lamang lupa dahil sa atensyon na binibigay nilang dalawa sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan sa pangmamaliit na ginagawa nito sa akin dahil kahit anong gawin ko ay totoo naman ang sinasabi niya. Nabastos man ako o kung ano pa man, I was just this "maid" in their eyes.
Linagpasan na lamang nila ako dahil narin sa ma-awtoridad na sabi ni Sir Levi sa kaniya.
Ganitong mga pagkakataon ko napagtatanto na kahit kailan ay alam ko dapat kung saan ko ilulugar ang sarili ko, dahil kahit kailan, the heavens will not adjust to hit the ground. Malabo.
--
"Miss, five minutes daw sabi ni Sir." Tumango lamang ako at ngumiti bilang sukli sa kaniya. Isa yata siya sa mga nagtatrabaho rito sa dahil sa suot niyang uniporme na nagsusumigaw ng pangalan nitong caffe.
Nagulat ako ng hilain niya ang upuan sa harapan ko at umupo roon. I was taken back a little dahil sa ginawa niya.
"Anong papasukan mo dito?" Inilayo ko ng kaunti ang sarili ko at inayos ang upo dahil naging agrisibisyo siya habang tinatanggal niya ang kaniyang apron at habang bakas ang malaking ngiti sa kaniyang labi.
I gave an awkward smile,"Waitress sana. Part time Job."
"Huh? Waitress? --" Nanlaki ang mga bilugan niyang mga mata at tinakpan ang kaniyang bibig dahil siguro sa nilikha niyang ingay. Lumingon muna siya sa pintuan na pinanggalingan niya kanina at mas lumapit pa sa akin while fixing her bouncy curly hair.
"Student ka palang?" she curiously ask. Tumango naman ako bilang sagot sa kaniya. "Hindi ka mukhang studyante. Tsaka, waitress? E ang kinis kinis mo tapos ang ganda ganda mo, mukha kang model. " She was spiting all those words in a tone as if she was accusing me of something.
"Marie," She offered her hand at tinanggap ko naman iyon. "Waitress din ako dito, pero parang all around nadin. Sigurado ka bang magtatrabaho ka dito?" Her personality can be seen based on how she talk to me and tapped my shoulder as if we've known each other for a long time.
Sasagutin ko na sana siya ng biglang may kumalabit sa kaniyang lalaki na kaparehas niya ng suot at kung di ako nagkakamali ay isa rin ito sa mga nagtatrabaho sa caffe na ito.
"Uy sandali a? May trabaho pa ako, antayin mo nalang si Sir, lalabas narin yun. Sana matanggap ka. Bye." Sunod sunod niyang sabi at wala naman na akong nagawa kundi ang sundan na lamang siya sa mabilis niyang pagkakatayo.
Ilang minuto lamang at lumabas nga ang sinasabing boss rito sa caffe na ito, after few interviews and certaain conditions sinabihan niya ako na pwede na daw akong magsimula kahit kailan ko gusto. Hindi ganun kataas ang sahod dahil nga sa hindi naman ako magiging full time ngunit mas mabuti na iyon kaysa sa wala.
Ayaw ko lamang iaasa lahat sa mga Solidad ang mga pangangailangan ko sapat na ang pagpapatira nila roon sa akin. Hindi naman nagrereklamo ang mga Solidad sa lahat ng mga pangangailangan ko sa eskwelahan at kung ano pa man ngunit mas maiging matuto na akong kumayod para sa sarili ko, nais ko pa sanang bumukod na kung makapg ipon ako sa trabaho na ito. Susuklian ko na lamang sila para sa lahat ng nagawa nila sa akin kapag nakapagtapos na ako sa kolehiyo.
It was past 1 in the afternoon at nandirito parin ako sa caffe dahil ipinapaliwanag sa akin lahat ng mga trabaho ko at ang magiging mga gampanin ko rito at marami pang iba. Ilang mga salita at palatuntunin ay ipinasa niya na ako sa counter kung saan naroroon si Marie.
Ipinakilala lamang ako ng aking boss at iniwan niya na ako rito.
"Sabi ko naman sayo matatanggap ka e." She exclaimed. Natawa naman ako sa napakasigla niyang tinig. Mabuti narin to at hindi ako mahihirapan dahil kahit papaano ay mayroon na akong kilala rito, hindi nga lang ako sanay na may kausap at may kasamang ganito. Parehong pareho sila ni Oli.
Napag alaman ko din na malapit lang sa bayan nakatira si Marie at matagal na siyang nagtatrabaho rito. Tinuro niya sa akin ang mg bagay na kailangan kong gawin at mga palatuntunan rito sa cafe, gaya ng utos sa kaniya ng aming amo. It was already past 5 in the afternoon at malapit ng gumabi, ganitong oras din matatapos ang schedule na binigay sa akin kung kaya't umuwi narin ako ngayon. Samantalang si Marie naman ay naiwan dahil siya ay full time roon.
"Maraming Salamat Oli, Isasauli ko na lamang ito sa iyo sa campus." Madilim na sa labas ng tanawin ko ito, dumaan muna ako sa bahay nila Oli para hiramin ang mga natitirang lecture na hindi niya naihatid kanina dahil sa kung anong dahilan, nakakahiya narin naman na pursigihin ko pa siyang ihatid ito gayong ako naman ang may kailangan, kaya't kahit na gabi na naisip ko na dumaan muna saglit rito mula sa bayan para maging madali na lamang para sa kaniya.
"Ihahatid na kita Cy, baka kung ano nanaman ang mangyari sayo ganitong gabi na." Ilang beses pa kaming nagpalitan ng mga salita dahil sa pagtangi ko at pagpupumilit niya. At sa huli ay hinayaan ko na lamang siya dahil nagpumilit narin si Aling Rona na kaniyang ina na ihatid ako.
Ilang layo lang naman ang bahay nila Oli sa bahay ng mga Solidad kung kaya't habang naglalakad kami ay naitanong narin sa akin ni Oli kung ano ang ginawa ko sa bayan at ginabi na ako, hindi ko rin naman magawang ipagdamot sa kaniya ito gayong matalik ko siyang kaibigan.
"Bakit naman kailangan mo pang magtrabaho Cy? E kayang kaya ka naman nang pag aralin ng mga Solidad. Atsaka, hindi mo ba naiisip na baka kung ano pang mangyari sayo? Ikaw pa naman napaka lapitin mo. Mula sa bayan, babyahe ka ng alanganing oras paano kung may masamang mangyari nanaman sayo?" May halong pangamba niyang sinabi.
Sa totoo lang ay hanggang ngayon ay naiisip ko parin iyon. Hindi ko alam kung napakatagal lamang ng araw na namalagi ako sa mansyon para magpahinga kung kaya't hanggang ngayon ay hindi parin maaliis sa akin ang takot. Hindi malubayan ng isip ko ang pangamba at takot na mangyari ulit iyon sa akin gayong papasok na ako sa mas maling mundo. Hindi na lamang ang libro at mga halaman ang kasama ko at pagututunan ko ng pansin.
When the wind wheeze, the ocean caugh my eyes. I don't know, it seems like the ocean will always be my calm in the chaos. Tumingin lamang ako rito, tila ba okay na ang lahat.
Ngumiti na lamang ako, "Wag kang mag alala Oli. Mag iingat ako."
Tinignan naman niya ako ng masama na pra bang hindi nagpagaan sa loob niya ang mga sinabi ko. Tumawa naman ako para asarin pa siya.
Natanaw ko na ang maliwanag na mansyon ng mga Solidad, hindi ko na na namalayan na nasa entrada na kami.
"Oli! Wag ka na ngang mag alala! Pangako ko sayo ililibre kita kapag sumahod ako sa coffe shop na iyon, ayaw mo ba nun?" Pagpupursigi ko sa kaniya dahil hindi niya na ako pinansin pagkatapos ng sinabi ko at hindi maiguhit ang mukha. Ayoko namang umuwi siya na masama ang loob niya sa akin.
Nakayuko siya ng iaangat niya ang kanyang ulo at halos matuptop ako sa gulat ng umamba siya ng yakap sa akin. "Cy! Hindi ko na kakayanin pag may nangyaring masama sayo!"
Gulat na gulat ako at hindi makagalaw sa inasta niya, sanay naman na ako kay Oli ngunit ngayon ay para siyang batang inagawan na laruan na hindi ko malaman. Tumawa lamang ako at hinaplos ang buhok niya, just to assure him with all his worries. "Mag iingat ako. Pangako."
Ang tagal na naming magkaibigan ni Oli, para ko narin siyang kapatid kung ituring, o pamilya. I understand where he's coming from, kahit na ako naman ay mag aalala sa kaniya kung may mangyari sa kaniya, lalo na't kung sangkot din ako.
Bumitaw siya sa pagkakayakap niya at kita ko parin ang nakalukot niyang mukha, tinalikuran niya ako ng hindi parin siya ayos a umalis na. Hindi ko parin mapigilan ang pagtawa, "Mag ingat ka!" Sinigaw ko na lamang at itinaas niya ang kamay niya bilang sagot. Para talaga siyang bata.
I entered the gate smiling in the thought of Oli's face when,
"Do the Solidad's know that you come home this late at night?" Hindi ko alam kung paanong gulat pa ba ang nangyari sa akin ng marinig ko ang lalim ng boses na yun kung saan sa katahimikang bumabalot rito sa labas. Sinundan ko naman ng tingin ang boses na iyon at nakita ko siyang nakaupo sa lamesang magdalas kong pagtambayan rito sa labas.
He was sitting with his both hands clasped near into his mouth almost touching his lips while his phone is lighted in the table in front of him. Sa sobrang dilim roon dahil hindi na ito masyadong naabot ng ilaw ay hindi ko na siguro siya napansin kanina nang daanan ko ito.
I can't even move because of the shockness with my thumping heart, kaya't ng tumayo siya at kuhain ang cellphone niya at ay saka lamang ako nagising sa katotohanan. Hindi siya umalis sa pwesto na iyon at nang magtagpo ang mga mata namin ay hindi ko ito magawang tignan, para akong batang nagnakaw ng piso nang mahuli ng mga magulang.
He tilted his head mockingly and raised an eyebrow.
"Y-yes.--No!"
Hindi ko na malaman ang isasagot ko sa kaniya dahil hindi naman talaga alam ng mga Solidad na umuwi ako ngayon ng ganitong oras. Wala namang kaso sa akin kung malaman nila ngunit hindi ko alam kung bakit ngayon ay kabang kaba ako habang tila naparusahan dahil may nagawa akong kasalanan.
I heard him chuckle with a hint of irritation.
"Get in. You're play time with your boy is over."
Nilapasan niya ako at dumeretso sa pintuan upang pumasok habang ako ay hindi parin maproseso kung ano ang sinabi niya.

Book Comment (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    3d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters