logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 Stop

Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin, I blinked my eyes for a couple of times until I've finally adjust my sight into a luminous light.
Ramdam ko ang bigat ng aking katawan at ang sakit ng aking ulo. Hindi ako pamilyar sa lugar kung nasaan ako ngunit nang makita ko ang mga aparato na katabi ko ay nalaman ko na. Hindi malinaw sa akin kung paano ako nakarating rito, hindi rin malinaw sa isipan ko ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay.
"Cyreese! Thank God you're okay. " Napalingon ako sa pintuan ng may tinig ako na narinig mula rito.
"Ate Celest." hindi ko inaasahang nabanggit. Isang magarang pares ng damit ang bumabalot sa katawan niya at hindi ko man kilala at siguradong sikat at mamahaling damit ito. Papaanong nandito siya?
Tila ba narinig niya ang tanong ko sa sarili ko at sinagot niya ito.
"Levi called mom when the incident happened. Hindi na sila nakapunta dahil maaga ang flight nila at ako nalang naiwan mabuti nalang afternoon pa ang flight ko dahil may tinatapos pa akong project. How are you feeling? Do you need something?" Sunod sunod niyang sabi at halatang nag aalala pa sa akin.
Sinundan ko ang kamay niyang humaplos sa aking kamay.
Hindi ko naman maiwasang makadama ng saya sa puso ko, hindi ko alam kung kailan pa huling may nag alala sa akin ng ganito simula ng nawala ang inay at itay kung kaya ngayon ay talagang lumalambot ang puso ko.
Sanay na ako sa pagiging maalalahanin ni ate Celest, kung ituring niya ako ay para niya akong nakababatang kapatid, kahit na may panahon talaga na seryoso si ate Celest at hindi nakikipag usap at nakakapagmaldita, at naiintindihan ko ito dahil normal lang ito sa mga babae. Kung paano niya namana ang malambot na puso ng kaniyang Ina ay ganun naman din niya namana ang pagiging seryoso ng kaniyang ama.
Paminsan niya nang nakwento sa akin na gusto niyang magkaroon ng kapatid dahil nag iisa lang siyang anak at malungkot daw na parte ito ng buhay niya, sa parteng ito kami nagkasundo dahil kagaya niya ay nag iisa lang rin akong anak at lumaking magulang lang ang kasama.
"Pasensiya na sa abala ate Celest. Huwag na po kayong mag alala at maayos na ang pakiramdam ko. Wala po akong ipangbabayad sa bill ko dito kaya pwede po bang umuwi na ako? "
Nag aalala ko pang sabi na pinutol niya agad.
"No, don't worry about it. Magpahinga ka muna hanggang sa sabihin ng doctor na pwede ka nang umuwi. For now, Levi will be in charge of you hanggang sa makalabas ka dito. I have to catch my flight in a couple of hours kaya siya narin ang maghahatid sayo pauwi." Now that she mentioned it, nahagip ng paningin ko ang isang maletang nakatigil sa tabi ng upuan.
Hindi ko alam na luluwas pala ang pamilyang Solidad pa-Maynila.
Madalas silang lumuluwas dahil sa mga trabaho ngunit wala naman na akong alam kung hanggang kailan ang mga luwas nila na ito, at ngayon, nataunan pa na may nangyari sa akin at kinailangan ko pa silang maabala. Ako na katulong lamang nila.
"Pasensiya na po talaga ate Celest. Pakisabi nalang po kay Ma'am Mira at Sir' na maayos po ako at pasensiya na dahil nagpunta pa ako sa bayan."
Hindi ako makatingin sa mata ni ate Celest habang sinasabi ko iyon, kung hindi na sana ako tumuloy pa kagabi at nagpadala nalang ako sa pakiramdam ko ay wala sana akong naabalang tao.
"No Cyreese, I'm sure mommy will do the same. " pag iling niya lang sa sinabi ko. Sabay kaming napalingon sa pag awang ng pintuan at bumungad doon ang lalaki na hanggang ngayon, palaisipan.
His dark eyes made it's way into mine and I hardly scape in it. Hindi nga ako nananaginip at naghihisterya kagabi, siya nga ang lalaki na tumulong sa akin at nag dala sa akin dito. Ewan ko ba, para sa akin, imposibleng makita ko pa siya duon at sa ganung pagkakataon pa.
Binanggit ni ate Celest ang kaniyang pangalan at lumapit siya dito at may sinabi na sa tingin ko bilin at pag pagpapaalam. Tipid lamang itong tumango at sandaling pinadaanan nanaman ako ng madilim na tingin at tumikhim lang.
Lumapit naman muli si ate Celest sa akin at nagpaalam, duon ko lang napagtanto na umaga na at ang dilim na naranasan ko kagabi ay lumipas na. I was too busy reprimanding myself for lying down here because of my reckless decisions, I'm not even sure if I can call it reckless dahil ito naman ang unang beses na gumala ako but, I was hurt. I was harassed. And worst, who will ever know what will happen to me kung hindi ako sinagip ni Sir Levi?
Humalik lang si ate Celest sa pisngi ni Sir Levi at yumakap ng marahan umalis na siya. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa nakita. What exactly are they?
Isang marahan na buntong hininga ang narinig ko at ng pinilig ko ang ulo ko sa banda niya ay pirmeng nakasuksok ang dalawang kamay niya sa kanyang dalawang bulsa. He was still wearing the same pants that I saw last night or not? Pero ngayon isang hapit na puting v neck shirt na ito, wala na ang polo na suot niya nang huli ko siyang makita.
Naramdaman ko ang matamtam na pagtitig niya sa akin na tila ba may gusto siyang ibato na mga salita ngunit tinatatsa niya pa kung ano ang aking gagawin.
Siguro ay dapat na akong magpasalamat at magpa alam at sabihin na hindi niya na ako obligasyong asikasuhin dahil sobra sobra na ang abala na ibinigay ko sa kaniya.
Kahit nahihirapan ay pinilit kong umupo at agad kong naramdaman ang pamilyar na sakit ng ulo na kagabi ko pa nararamdaman, umikot din ng kaunti ang aking paningin ngunit pinag sumikapan ko parin alang-ala sa utang na loob ko sa kaniya.
"Maraming salamat sa pagtulong sa akin kagabi. Tatanawin kong malaking utang na loob iyon. Pasensiya na kung kailangan ko pang makaabala at-" Natigil ako ng magtama ang aming mata at mula roon-- sa kaniyang gilid ng labi na halatang malala dahil sa kaunting dugo na namuo rito.
Nanlaki ang mata ko at tinangkang abutin ang kaniyang sugat ngunit walang lumabas na kahit ano sa aking bibig at napapikit na lang ng mariin sa sobrang inis na naramdaman .
Look at what you've done Ava.
"Pasensiya na. Kung hindi dahil sakin ay hindi mo sana natamo iyan. Hindi mo naman kinakailangan gawin iyon, kaya... salamat."
Ilang sugundo kong inantay ang sasabihin niya ngunit umigting lamang ang panga niya at matalim na itinuon ang pansin sa maliit na bintana.
Wala na akong nagawa kundi ang yumuko at paglaruan ang daliri ko at tignan ang aparato na naka kabit sa aking kamay. Kung hindi dahil sa akin ay walang ganitong mangyayari, hindi sana ako nasaktan at walang nasaktan na iba. Kung sana ay pinagsumikapan ko na lamang ang proyekto na iyon ay hindi ko na sana kinakailangan pang tuparin ang pabor ni Oli sa akin.
"You rest. We will be needing your statement once you get out of here. We will file a case for those idiots who did this to you. " Hindi ko alam kung ilang beses pa ba akong magugulat sa araw na ito ngunit nagpantig ang tenga ko ng marinig ko iyon sa kaniya.
No. Hindi niya nga pinansin ang sinabi ko at ako padin talaga ang pinunterya niya. Samantalang siya itong nasaktan.
"Kaso? H-hindi na. Wala rin naman silang nagawa sa akin. Maayos naman ako, at isa pa, hindi na mahalaga pa iyon dahil wala rin naman akong pera at panahon na... mailalaan para duon. " I swallow the lump on my throat when I met his eyes who's starring so dark at me. Tila ba may mali akong nasabi na kailangan kong pagsisihan at hinding hindi niya ako mapapatawad.
Hindi ko alam kung paano ko siya nakumbinsi na wag nang ituloy pa ang sinasabi niya ngunit nang makita ko ang sarili ko sa salamin ng kotse niya habang hinahatid niya ako sa bahay ng mga Solidad ay alam ko na kung ano ang pinupunto niya.
Mayroon akong sugat sa gilid ng labi at iba ang kulay nito dahil sa pasa pero hindi naman ito kasing lala ng kaniya. May cast din na sumusuporta sa aking kamay dahil malaki ang pamamaga ng aking kaliwang braso na base sa doctor ay kinakailangan ng pahinga dahil kung igagalaw ito ay mas mababagal ang paggaling at baka hindi pa ako makapasok sa paaralan.
Kailanman ay hindi ko nakita ang sarili ko na nakaupo sa sasakyan ng isang lalaking sasagip sa akin, sa lalaking hindi ko pa nga lubusan na kilala.
Ngayong nakikita ko siya ng malapitan ay kitang-kita ko kung gaano kadepina ang hubog ng kaniyang ilong, ng kaniyang panga, at ang malinis na pagkaka-ayos ng kaniyang buhok, ang mahigpit na pagkakahawak niya sa manibela ay mas nagpakita ng perpektong hubog ng kaniyang braso hanggang sa pulso na kagaya kahapon ay mayroong nakasuot na relo. Gusto ko sanang magpasalamat muli sa kabutihan na ginawa niya para sa akin pero natatakot ako na baka isipin niya na masyado akong magpahatid ng pasalamat. Tama na siguro ang isa, dahil hindi naman niya ako pinansin kanina. I was able to deliver my gratitude already, now, kung tanggapin man niya yun o hindi ay magpapasalamat padin ako.
Nakita ko ang pag awang ng labi niya at ang sunod na paglunok niya.
He cleared his throat and said, "Take your meds, it will take a li'l bit of time for your recovery. Do you study?" Nilingon niya ako sandali at tumango ako at matamis na ngumiti.
He just nod and cleared his throat again. "It's better if you to stay at home for now." he tapped the steering wheel a couple of times and looked at me again. Hindi ko padin inalis ang tingin ko sa kaniya at natigil lang sa sinabi niya, hinihintay kung may kasunod pa ba ito.
"It's... according to the doctor." ngumiti lamang ako at umiling.
"Okay naman ako. Kaya ko pang magsulat at naigagalaw ko naman ang katawan ko. " nilingon ko ang dagat na natatanaw ko na, hudyat na malapit na kami sa kalupaan ng mga Solidad.
"At isa pa, Hindi ako pwedeng lumiban sa klase dahil malapit na ang pagsusulit namin. " sunod kong sinabi habang tinitignan ang kahabaan ng kalsada kung saan naruruon kami.
Ramdam ko na kung gaano kapayapa ang hatid sa akin ng dagat, tila ba dito ako magiging okay, sa lahat ng nakakapagod na naranasan ko ito ang kapahingahan ko.
"You are so stubborn." I almost forgot that I'm with him.
Sa binitiwan niyang salita ay halos maramdaman ko ang bigat ng pagkakabanggit niya rito. It was so serious that you would feel that you're obliged to do whatever that pleases him.
Nakayuko nalang ako, not sure what I'm gonna reply to him. I was intimidated. Pakiramdam ko ay may nagawa akong kasalanan sa kaniya at hindi ko Alam kung paano ako hihingi ng tawad. Tila nakalimutan ko ang layo ng estado naming dalawa. Kailangan ko siyang respetuhin dahil bisita siya ng mga Solidad.
Nakita ko na ang matayog na bahay na tinutuluyan ko at ngayong huminto ito ay tinangka ko agad buksan ang pinto sa upuan ko kasabay ng pagbagsak ng pintuan ng katabi ko.
I was able to do it, although I struggled a bit, he opened it widely for me. Nang nakababa ako hinintay kong umalis siya sa harapan ko upang makalakad na ako ngunit hindi ito nangyari.
"Hey." He said and as if it was my cue I met his eyes. Kind of bothered and worried at the same time. Ngayon, nakita ko nanaman ang sugat sa kaniyang labi.
Bitbit ang mga gamot sa aking kamay lumapit ako ng mas maigi sa kaniya upang usisain ito. Halatang hindi pa ito nabibigayan ng paunang lunas.
Kaya't bilang pasasalamat,
"Gagamutin ko iyan." I stared at his wound and he just shifted in his position and shrugged. "...kung, ayos lang. " His eyes made it's way into mine and nodded.
I was moved a bit. At least, through this I can show my gratitude to him.
Nauna na ako papasok sa loob ng bahay at nakita ko ang iilang kasambahay na gumagawa ng kaniya kaniya nilang trabaho. Nakabalik na sila mula sa kani kanilang pamilya. Hinanap ko pa muna si nanay Celia, ang punong kasambahay dito ngunit ayon sa kanila ay wala pa raw ito.
Kaya't nilapag ko muna sa sala ang dala kong mga gamot at nagtungo ako sa powder room upang kuhain ang medicine kit. And when I came back I saw him sitting intently waiting for me.
Nakita ko ang dalawang kasambahay na nagbubulungan habang nakatingin sa pigura ng lalaking ito na sinasakop ang buong sala. Siguro ay nagtataka sila kung bakit andito ang lalaking ito at bakit ko siya kasama.
Inilabas ko na ang mga kailangan ko at nang handa na ay humarap na ako sa kaniya. I dabbed to it little by little nag iingat na masaktan ko siya.
Lilinisin ko lang ito at lalagyan ng gamot.
I can feel his eyes tracing every part of my face as I continue. Hindi ko maiwasang mailang sa tindi ng pagtitig niya sa akin. Gustong gusto kong mag concentrate ng mabuti sa paggagamot but just as I have said, whenever I met his eyes, wala akong magawa kundi ngitian siya ng matamis upang itago ang kaba na nararamdaman ko.
"Maraming Salamat. " I smiled. He stared at me for God knows how long.
"Okay na." at inilayo ko na ang sarili ko sa kaniya. Tanda na rin nang pag papa alala ko sa aking sarili na duon na dapat iyon matapos.
---
"Cy! "
Natigil ang payapang oras ko dito sa lilim ng puno sa dalampasigan ng marinig ko nanaman ang boses ni Oli. Lumapit siya sa akin at niyakap ako na nagpagulat sa akin. Impit akong napa aray sa sakit nang maipit niya ang braso ko na hanggang ngayon namamaga padin.
"Sorry, sorry. Cy! Sorry! Kasalanan ko to e!" He brushed his hair for a time and his guiltness was visible in his eyes.
Slightly, I patted his head habang siya ay sinasaktan padin ang sarili.
"Hindi mo kasalanan Oli." Pang aalo ko pa sa kaniya.
Isa ito sa mga bagay na napagtanto ko simula ng sunod-sunod ang dumating na unos sa buhay ko. May mga taong naliliyo ang landas dahil sa mga bagay na nangyayari o nangyari sa buhay nila. Sa sarili kong pananaw kung may dapat ka mang sisihin ay hindi ang kahit ano o ang kahit sino.
Naniniwala ako na may puno't dulo ang lahat ng ito, katulad ko. Kung sana ay nagsumikap nalang ako na gawin ang proyekto ko hindi ko na sana kinakailangang pumunta sa bayan at mangyari ito sa akin. Hindi ko Alam kung para ba sa lahat ang isipang ito pero iisa lang ang masisigurado ko, maliko man ang landas mo at hindi mo man ito mabalikan para maitama pa, kailangan mo munang patawarin ang sarili mo para mapatawad ka niya.
Hindi mo man mabago ang mga bagay na mali mong nasimulan, pwedeng pweede ka namang gumawa ng panibago upang makasihan ang nagawa mo noon. Higit sa lahat hindi mo na ito kailangan pang ulitin.
"Nakilala mo ba yung mga humarang sayo? Ipapa-baranggay natin Cy! " Naghihisterya niya pang sinabi.
Now that he mentioned it, naalala ko iyong pagtatalo na ginawa namin ni Sir Levi kanina.
"Hindi na, mag iingat nalang ako sa susunod. " timid kong sinabi.
Iilang minuto pa ng magpaalam si Oli sakin dahil may ipinagagawa raw ang kaniyang Ina.
Wala naman na akong gagawin ngayon kaya hindi naman siguro magiging aksaya sa oras kung pupunta muli ako roon.
Iilang puno ng buko ang binilang ko bago pa ako makarating sa aking patutunguhan, ang mga tunog ng tuyong dahon lamang ang kasama ko pati ang lagaslas ng alon sa dagat. Ang nag aagaw na kulay kahel at pinag halong pula at dilaw ay kitang kita narin sa kalangitan- dapit hapon na pala.
Narating ko na ang lugar kung saan tunay na mapayapa, pero hindi na ito katulad ng dati. Ang dating mga pawid na bahay na nakatayo sa lupang iyon ay napalitan na ng mga matataas na construction ng gusali, ang payapang paligid ng isla ay napalitan ng mga maiingay na instrumento sa paggawa ng mga gusali.
Dali-dali akong nagtungo sa mismong pwesto na tinatayuan ko palagi.
Takang-taka kong tinitigan ang mga abalang manggagawa roon hindi alintana ang mga makakapal na alikabok duon. Ilang linggo pa lamang ang paggitan magmula ng nagtungo ako dito ngunit ngayon ay ganito na kalaki ang ipinagbago.
"Ineng, hindi ka pwede rito. " Sabi ng isang dumaang lalaki habang bit-bit ang isang sako ng semento.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko, ngunit dahan-dahan na lamang akong umatras habang tinititigan parin ang mga pangyayari.
Nakakita ako ng isang troso at duon naupo ako. Mula sa construction ay tinungo ng aking mata ang dalampasigan.
Anong nangyari? Buong akala ko ay isang pampublikong portahan ng mga barko ang ginagawa nila rito ngunit napagtanto kong hindi dahil sa isang larawan na nakita kong nakadikit kung saan saan.
"Oo na...Yes..." Napalingon ako sa pinang galingan ng tinig na narinig ko, isang lalaking may kausap sa telepeno habang nakatayo at nakapamulsa, naroon siya sa mataas na bahagi ng lugar na ito, tila giniba ito na patag noon at ngayon ay naging mataas na.
"Well, I don't get the point of me being here at all. Bakit ba hindi na lang ikaw ang nagpunta dito at andami mong tanong?"
Marahan ko pang tinitigan ang lalaki at kitang-kita ko ang pag irap nito sandali at agad nahagip ng paningin niya ang pagtitig ko.
"Wait. Call you later." Narinig ko pang sabi nito.
As if it was my cue dali-dali akong tumalikod at tinahak na ang daan na pinanggalingan ko kanina, hindi alintana ang medyo basang mga dahon sa aking daan.
"Hey!"
Hindi ko pinansin ang siguradong pagtawag niya sakin at tinuloy-tuloy ko lamang ang aking paglakad.
"Stop."
Napasinghap ako sa narinig ko at agad akong tumigil, takot sa diin ng kaniyang tinig at awtoridad nito.
I swallow the lump on my throat before facing the man behind me.
Hindi ako pwedeng magkamali, this man.. I know him. Sinong hindi makaka kilala sa kaniya kung nagkalat ang litarato niya sa iilang magazine na nababasa ko sa bahay ng mga Solidad?Minsan ko narin siyang narinig na pinag uusapan ng mga kaklase ko at kinahuhumalingan nila ito.
Nagtama ang aming paningin at kitang kita ako agad ang lamig ng titig niya na parang ramdam ko na gumapang sa buong pagkatao ko. And with that I found myself slowly looking down avoiding his gaze.
Ano bang meron at ganito laging mga mata ang natatagpuan ko? Sambit ko sa likod ng aking isipan.
"Bawal ka dito. Paano ka nakapasok?" Malamig na sambit nito sa akin.
Dali dali kong inangat ang ulo ko at,
"H-ha? Uhm..." Hindi ko pa mahanap ang tamang mga salita kung kaya't ng tinaasan niya na ako ng kilay ay nilingon ko na lamang ang daan na pinanggalingan ko kanina umaasang maiintindihan niya ang gusto kong sabihin.
Walang gana niya namang sinundan ng tingin ang daan na nilingon ko at pagtapos ay humakbang papalapit sa akin. I was trying to hold my breath the whole time, ngayon ko nga lang napagtanto na kanina pako hindi makahinga dahil sa presensya ng taong ito sa harap ko.
He is Lourd. Hindi ako interesadong pinakikinggan ang mga kaklase ko sa tuwing pinagku-kuwentuhan nila ito kung kaya't pangalan niya lamang ang alam ko sa kaniya, sa pagkakaalam ko ay isa siyang modelo na nag-aaral sa bayan, hindi ako sigurado ngunit base sa mga nakikita ko sa magazine at ilang patalastas sa telibisyon ay baka nga totoo iyon. At kung bakit nandito siya ngayon sa aking harapan at lumalapit sa akin ay hindi ko malaman kung anong dahilan.
I was nearly gasping when he suddenly said.
"You know that when someone disobeyed sone rules, they have their own punishments. And I know you're in your right sense to know that."
Tila nanunuya niya pang sabi habang kabang kaba ako dahil sobrang lapit niya, hindi ako makahinga.
Kaya't hindi ko alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas para sumagot sa kaniya.
"Ha? E hindi naman ako lumabag sa kahit anong palatuntunan dito." Nag aalangan kong sabi at lumingon-lingon pa.
Tinaas niya ang kaniyang kamay at nang sinundan ko iyon ay nakita ko kung saang direksyon nakaturo ang kamay niya at nagsusumigaw na NO TRESPASSING ang nakalagay sa harapan na bahagi ng lugar na ito. Hindi ko iyon napansin sapagkat sa mga puno nga ako nanggaling kung saan lagi naman talaga akong dumaraan.
Napalunok na lamang ako at nang tignan ko ulit siya ay isang nakakalokong ngiti na ang naka plaster sa kaniyang mukha.
"Sumama ka sakin" Muntikan nakong mabuwal sa paghila niya sa akin at tuluyan nakong tinakasan ng aking sarili.

Book Comment (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    4d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    22d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters