logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 10 Wannabe

"Shet. Ang ganda naman pala talaga ng bahay ng mga Solidad!" Alicia said with amusement.
Hindi ako mapakali at hindi ko malaman ang gagawin ko. This is the first time I brought someone in this mansion.
Kahit na pumayag naman na si Ate Celest ay hindi ko parin maiwasang mag alala na baka pagalitan ako ng mga Solidad.
Binigyan ko na lamang sila ng panahon para matapos ang pagka mangha nila sa bahay ng mga Solidad bago ko sila akayin sa tanggapan.
Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha sa bahay na ito?
I can't help but to remember my face when I first came here.
Yakap ang litrato ni inay at itay, I was wearing a black lace type of dress . Sukbit-sukbit ko ang isang backpack na may iilang piraso ng damit at dukumento na tanging naisalba ko sa gabing iyon.
With full devastation, I'm trailing the path of Mar De Vena without even knowing my destination.
Pinupunan ng mga hikbi ko ang katahimikan na bumabalot sa madilim na kalsada na tinatahak ko ngayon.
"Inay, Itay." Hikbi ko parin at hindi malaman ang gagawin. I can't believe that my life would end up like this.
Ilang araw pa lang ang lumipas magmula ng umuwi ang itay sa pangingisda at masaya kaming nag aabang ng inay sa pag daong niya.
Ilang araw palang ang lumipas ng masaya pa kaming kumakain sa hapag.
I can't even think of everything else.
Hindi ko alam kung saan nagmumula ang sakit dahil tila ba walang katapusan ito.
Wala na sa ulirat ko ang mag alala kung saan ako pupunta at magpapalipas ng gabi, tanging ang sakit sa dibdib ko at pag tangis lamang ang kayang intindihin.
Mar De Vena is a place that doesn't demand anything of you or expect you to be someone you're not - where you can just be. For some reasons this lovely place turned out to be a curse.
I don't know myself anymore.
Ang mga punong tumatakip sa dinaraanan ko at ang maputik na kalsada ay hindi naging ganito kahalaga sa akin. I'm all alone now at ito lamang ang kasama ko sa mga oras na ito.
That fear that I never felt before lingers. I'm 15. And I'm already orphaned.
"Inay, Itay." Pagtawag ko pa na parang posibleng marinig nila ako at patahanin sa sakit na nararamdaman ngayon.
With the creeping growl of the heavens, and the lightning that scares me the most. Napaluhod ako sa pinaghalong sakit at takot.
Kahit kailan ay hindi na ata ako kakampihan ng langit.
Gusto kong isigaw at marinig lahat ng tao ang paghihinagpis ko, I want every body to know that I'm grieving. That I was all alone in here. But of course, asking for impossible will just left you hanging in a full blown vexation.
There's no point at all, ang humiling na kampihan ka ng isang bagay na kumakalaban sayo.
Paulit-ulit ka lang sasampalin ng katotohanan na gigising sayo.
Ramdam ko ang pag dami ng mga patak na nanggagaling sa itaas. Ngunit gusto ko mang utusan ang sarili ko na tumayo ay hindi ko na magawa.
I was too damn scared, ang yakap ni inay at itay ang kanlungan ko sa tuwing kumukulog at kumikidlat. And now that they're not here and never ever will come back, iyon na lamang yata ang pinaka nakakatakot para sa akin - ang maiwang mag isa.
I crampled myself more and more, screamed every second of the continuous thunder. Hoping that it'll all fade away.
Ramdam ang pagkahilo at pagkapagod ng ilang gabing hindi nakatulog sa pag aasikaso ng libing ni inay at itay.
Humalo ang katawan ko sa maputik na daan. Can't even manage to get up.
This is my limit. This is all i've got. Just take me, so I can be happy.
Isang maliwanag na ilaw ang sumakop sa kanina ay madilim na kalsada.
And before I knew it, I passed out and woke up in a high ceiling room, a warm and fluffy blanket was right above me.
"Cy! May juice pa ba? Pahingi naman." Napangiti ako kay Leo ng makitang halos mabulunan na siya sa tinapay na kinakain niya.
"Sige sandali lang." I giggled. Kinuha ko ang pitsel at iniwan silang nagsasaya sa tanggapan, habang tahimik kong tinahak ang kusina.
There, I saw Levi in front of the open fridge holding an empty glass and cleared his throat when he saw my presence.
"M-may kailangan ka?" Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil paniguradong may gusto siya at kinailangan niya pang bumaba dahil wala siyang mautusan dahil walang mga katulong ngayon.
"Pasensya ka na. Dapat ay tinawag mo na lamang ako kung may kailangan ka." Inagaw ko ang baso sa kaniya. Kita kong napasinghap siya sa ginawa ko.
"Juice? Kailangan mo ba ng meryenda? Hahatiran nalang kita sa taas." Taranta kong pinuno ang baso niya ng fresh orange juice na itinimpla ko kanina.
Wala akong narinig sa kaniya na kahit ano. Ngunit ramdam ko ang sunod ng tingin niya sa bawat galaw ko.
Hinarap ko siya at tumingala ng kaunti para makita ang mata niya. Inabot ko ang baso sa kaniya ngunit inatras niya lang ito at ibinalik sa akin.
"I needed some water though." He smiled.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Tila nag iba na ata ang lenggwahe ko para maintindihan ang gusto niyang sabihin.
Tulala kong ininom ang juice na hawak ko at hingal na hingal matapos maubos ito. Hindi ko alam na uhaw na uhaw ako.
He chuckled seeing me at that moment, I probably look dumb right now.
Isang hakbang at lumapit siya sakin at pinunasan ang gilid ng labi ko. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa basong wala ng laman ngayon.
"Don't exhaust yourself too much." He seriously said.
Sinundan ko ang madilim niyang mga mata at napansin ko rin ang pag igting ng kaniyang panga.
"And don't smile too often. Baka lahat na sila magtanong sayo."
And he left.
Hmm? Ano bang ibig niyang sabihin? Ano namang koneksyon nun sa pag ngiti ko?
"Cy! Tulungan na kita." Ang boses ni Jomar ang sumira sa pagkakabato rito sa kusina.
Pagkatapos niyang lumapit ay kinuha niya ang pitsel na may laman na ngayong juice at kumuha naman ako ng mga iilan pang cookies para kung sakaling manghingi sila ay hindi na ako bumalik pa.
"Kung ganito ba naman kaganda ang meet up place natin palagi na kong gagawa ng project." Halakhak naman ng isa kong kagrupo na si Oscar.
"Oo nga! Cy! Dito na kami palagi ah?"
Palipat lipat ang tingin sa panunukso nila na dito nalang sila palagi dahil talagang mangha na mangha sila sa mansyon ng mga Solidad.
Agad naman umismid si Mariel na nananahimik sa isang tabi.
"Tss. Kung sambahin niyo naman yang si Cyreese e parang sa kaniya itong bahay." Sabi niya at nang magtama ang paningin namin ay agad niya akong inirapan.
Natahimik naman kaming lahat sa sinabi niya. Nanginginig ang labi ko na ngumiti sa kanila. Tototo naman kasi ang sinabi niya. Why would somebody praise me into something that is not mine? Lahat ng mayroon ako ngayon ay hindi sa akin.
"O-oo nga, tama si Mariel. Gumawa nalang tayo ng proyekto."
Wala naman na akong narinig na kahit ano sa kanila, nagpalitan lamang sila ng tingin sa isa't isa at kaluna'y nagpatuloy na sa proyekto.
"Ayusin niyo naman ang trabaho niyo Leo at Oscar! Kailangan nating matapos to sa loob ng tatlong araw!" Alicia nagged.
Nasa isang sulok ako at inaabala ang sarili sa mga pag gupit ng mga letra at pagdikit nito sa mga colored paper.
Kanina pa sinasaway ni Alicia si Leo at Oscar dahil tila wala silang matatapos sa pag aasaran nilang dalawa.
"Cy. Tulungan na kita dyan."
"Kaya ko na ito Jomar. Mas maiging tulungan mo na lamang si Mariel sa pagle-lettering." Lingon ko kay Mariel na iniwan niyang mag isa.
Nilingon niya rin si Mariel ngunit parang hindi niya naman inintindi ang sinabi ko dahi hindi parin siya umalis sa harapan ko at umayos pa ng upo roon. Nginitian ko na lamang siya at nagpatuloy sa aking ginagawa.
"Bakit hindi nalang kasi ang Mayor ng Mar De Vena ang kuhain nating persona?" Reklamo ni Leo kay Alicia habang nilalapatan niya ng kulay ang ilang mga cut outs.
"At anong makukuha natin dun? Na andami niyang tinatagong cocaine at yumaman dahil sa kurap siya?" Tatawa tawa si Mariel ng sinabi niya iyon.
"Tama si Mariel, hindi natin pwedeng gawing persona ang Mayor ng Mar De Vena dahil madaming masasamang balita patungkol sa pamilya nito." Saad naman ni Alicia.
"Cy. Gusto mo bang sumama samin sa Lagoona?"
At first I though Jomar was talking to someone but when I saw him looking at me,
"Lagoona?"
"Oo, yun yung maliit na lawa sa kabilang bayan."
Lawa? Ngayon ko lamang nalaman na mayroon palang lawa rito sa Mar De Vena, buong akala ko ay sa malawak na dagat lamang ang hangganan ng lugar na kinalakihan ko.
"Wag kang mag ala-ala. Kasama natin sila." Sunod niya pang sinabi dahil ilang segundo rin akong napa isip sa pagka mangha.
"Kailan ba iyan Jomar?" Hindi ko naman balak na sumama sa kanila ngunit kung sasagot siya ng araw na may pasok ako sa coffee shop ay magkakaroon ako ng sapat na dahilan para tanggihan siya.
"Sa lunes. Pagkatapos nating maghanap ng magiging Persona natin."
Lunes? iyon nga ang itinakdang araw ng grupo namin para maghanap ng taong iinterviewhin namin. Paano pa ako makakatanggi nito sa kaniya?
His hopeful eyes and slight crack of smile was waiting for a desired answer, ngunit iba ang gusto kong mangyari. Kung tatangihan ko naman siya ngayon ay wala akong sapat na dahilan para gawin iyon. Baka magalit pa siya sa akin pag ginawa ko iyon.
"Magpapa alam muna ako sa mga Solidad Jomar." Tama, kung sakali man na tumanggi ang mga Solidad ay magkakaroon na ako ng dahilan para tanggihan siya. Sa ngayon ay iyon muna.
Halos dalawang oras rin ang lumipas at unti-unti ng nagtatago ang sikat ng araw. Wala ring nakapansin nito dahil abala ang lahat sa mga naka atas na gawain. This Group is not bad afterall.
"Umuwi na kasi tayo. Malalagot nanaman ako neto kay tiya Maleng!" Paulit ulit na sinasabi ni Mariel sa kanila. Kanina niya pa ito ipinipilit at maya't maya rin ang pagyugyog niya kay Jomar na ihatid na siya nito dahil malalagot na raw siya sa kaniyang tiya.
"Kay Oscar ka nalang magpahatid! Dadaan rin naman sila bahay niyo. Tatapusin nalang namin ito nila Alicia." Sagot naman ni Jomar.
"Wag na nating antayin yang si Jomar Mariel! Umuwi na tayo at gustong gusto ko ng magpahinga." Reklamo ni Leo habang kumukuha ng tirang cookies sa platito.
Marahas ang pagbuntong hininga ni Mariel at tinignan ng masama si Jomar, ngunit ilang segundo lamang ay nalipat ito sa akin.
Nagpupuyok ang mata niya sa inis at padabog na tumayo at isinukbit ang maliit niyang bag.
"Alicia, mauuna na ako." walang tingin niyang sabi at maingay na lumabas.
Kinabahan ako sa mga kinilos niya at gusto ko pa sana siyang sundan at ihatid sa labas ngunit naunahan na akong tumayo ni Leo at Oscar.
"Cy, mauna na kami. Maraming salamat sa hinanda mong pagkain."
Nginitian ko lamang sila at nagpasalamat. Sinundan ko sila sa pintuan para ihatid. I saw how they call Mariel a couple of times at balik na kumaway sa akin. Ngiti naman ang ginawad ko sa kanila at inilagay ang dalawang kamay sa aking likuran.
Am I making friends finally? They're not bad after all.
"And your wannabe friend is not going home yet?" Gitlang gitla ako ng makitang nakaupo si Levi sa lamesa rito sa labas. His legs was on number 4 at pinaglalaruan niya ang kaniyang telepono ng makita ko siya sa ganung posisyon.
What is he even doing here? Buong akala ko ba ay nasa itaas siya at nagtatrabaho? Napaka rami ng mga insekto rito sa labas baka kung anong sakit pa ang makuha niya.
"U-uhm, malapit na kaming matapos."
Siguro ay naabala siyang masyado sa ingay ng mga kagrupo ko kanina kaya't hindi na siya nakapag trabaho pa. Dahilan kung bakit gusto niya narin sigurong pauwiin si Jomar at Alicia.
Tamad niya akong tinignan at tamad siyang tumango pagtapos nun. Gusto ko sanang sabihin na pumasok na siya sa loob dahil dumidilim na at dumadami na rin ang mga lamok rito ngunit pasigaw akong tinawag ni Alicia.
"Sandali lang."
---
"Maraming Salamat Cy."
Alam kong may pagka maldita si Alicia kaya napakalaking bagay na nagpapasalamat siya sa akin ngayon. Hinatid ko sila ni Oli sa gate para pormal na magpaalam.
"Wag mong kalimutang mag paalam Cy ah?" Singit naman ni Jomar. Hindi parin pala niiya nakalimutan. Baka sa susunod na araw ay makalimutan niya narin iyon.
Nginitian ko lang siya at tinanguan bilang pag sang-ayon.
Itinaas niya ang kamay niya sa ere at nag aabang na lumapat ang mga palad ko duon.
Natatawa si Alicia sa ginawa ni Jomar at tumalikod. Niyaya niya na si Jomar na umalis dahil naabutan na talaga sila ng dilim.
Natatawa ko na lamang din siyang pinagbigyan upang makaalis na sila ngunit ng pagdikit ang palad namin at pinagsaklop niya ito at talagang ikinagulat ko iyon.
"Pwede naman siguro diba?" Ngisi niya.
I don't even know how to act. Ilang beses namang nahawakan ng inay at itay ang kamay ko, maging si Oli ay nahawakan narin iyon ngunit may kakaibang pakiramdam ako sa ginawa ni Jomar.
Parang napaso kong binawi ang kamay ko at iniwas ang tingin sa kaniya. Tinawag na siya ulit ni Alicia na ilang hakbang narin ang nailakad at tuluyan narin siyang nag paalam.
Ang malamig na hangin ang gumising sa diwa ko kaya't pumasok narin ako sa entrada ng mansyon. Gulong gulo ang isipan ko ngunit nagawa ko paring isipin ang mga kalat sa loob na kailangan kong linisin.
"And finally, you're free?"
I don't know if I'm too tired or it's just that I'm not use into this kind of day because so much have happened, until now.
Hindi ko na maproseso ang mga sinasabi niya.
What does he mean? Why would he always talk as if he's speaking some giberish because i can't understand any of it.
I stood in front of him like some dumb person, cause who would do that? Dama ko ang pagod sa aking sistema.
"May ipapagawa ka ba? Lilinisin ko lang ang kalat sa loob, sandali lang." Nilagpasan ko siya but in one swift move I felt his hands on mine.
I was stunned.
His skin was thick and raspy but I felt secure. With his hands wrapping mine, I felt so small. It feels like i can hold unto it until I go further and fade away. Ito ang pakiramdam na hindi ko maikumpara sa kahit ano, hindi sa haplos ni inay at itay, hindi sa pagyayaya sa akin ni Jomar at hindi sa masayang ngiti ni Oli.
Tumigil ba ang oras at parang ito na yata ang pinaka matagal na minuto ng buhay ko. I wish this was all true.
Hindi ko maialis ang tingin magkahawak naming mga kamay. His fingers are quite playing with mine. His veins are somehow popping but it just gave more accent to it.
A step of two and he's near in front of me. Hindi niya parin binibitawan ang mga kamay ko at mapupungay ang mga mata niya na halos i-hele ka ng mga ito.
My lips parted as I felt his warm hands on my waist. Sinundan ko ang mga mata niya dahilan para mapatingala ako. He's slightly looking down at me.
"I waited for hours." Natakpan ng kabilang palad niya ang paningin ko dahil sa pag alis ng mga tikwas na buhok sa aking mukha. Halos magreklamo ako dahil ayaw kong alisin ang titig ko sa mga mata niya.
Dumeretso ang palad niya sa aking pisngi and brushed it softly, halos pumikit ako sa init ng balat niya na dumampi sa akin. Pakiramdam ko ay pilit kumakawala ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.
"Can we have dinner at least?" He smiled. But his eyes says other wise.

Book Comment (15)

  • avatar
    TiongsonDavid

    Been looking for some books that interests me, and i found one. Thank you author. looking forward to your other works ☺️

    23/12/2021

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    nice

    3d

      0
  • avatar
    Esthephany Burabod

    maganda yung story po nila

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters