logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

42

Nope
"Palagi lang bang kape ang tanghalian mo?" tanong sa 'kin ni Kian habang inaayos ko na ang mga gamit ko sa lamesa para sana itaboy na siya nang tuluyan at makapag-trabaho na ulit.
"Hindi naman," sagot ko.
"Ba't kape lang ngayon?"
"Hindi naman ako ginugutom."
"Tss."
Mabilis siyang lumabas pagkatapos no’n. I stared at the door where he just went out for a minute.
Hindi pa rin ako tuluyang nakakabawi sa nangyari naming pag-uusap kanina. Hanggang ngayon ay lutang pa din talaga ako, at kanina ko pa gustong tumili para magising na nga ag sistema ko.
Pero dahil ang tagal pang tumambay no’ng lalaking 'yon kanina, matapos niya gawing mala-kamatis ang mukha ko dahil sa kaharutang sinabi niya, para na nga akong mamamatay kanina sa pag tinitipon na tili sa loob ko.
Nang maramdaman kong medyo malayo na nga siguro siya sa opisina ko, doon ko na nilabas ang tili na kanina ko pa pinipigilang makawala sa 'kin.
Tumili lang ako ng tumili habang hinihila-hila pa ang buhok hanggang sa matauhan ulit ako at magbalik na nga sa realidad.
Hindi ko naman talaga kasi inaasahan ‘yong sinabi niya kanina! Para s'an 'yon? Para lang asarin ako? Well, thank you Kian, ginawa mo na naman akong parang tanga dito! Porkchop ka!
Oo nga't matanda na ako. 27 na ako ang magti-twenty-eight na susunod na mga buwan, maganda at halos tipo nga ng kada lalaking tumitingin sa 'kin sa daan, pero hindi pa ako nasasabihan ng gano’n kalaswang biro! Si Kian lang 'tong malakas ang dugong pestehin ang utak ko sa ganung paraan!
I maybe innocent pero hindi naman ibig sabihin no’n eh mangmang ako sa mga makamundong bagay. I know exactly what he meant. Kaya nga kahit tinili ko na lahat ng frustrations, kinakabahan pa din ako! Baka kung anong gawin niya sa 'kin mamaya!
Okay, calm down now, Cianna. Baka nagkakamali ka lang sa pag-interpret. Baka ikaw 'tong masyadong berde. Baka aayain ka lang naman niya mamaya sa isang... date! Para ma-solo ka niya at... ma-angkin ka niya pansamantala. Gano’n!
Gulong-gulo na ang buhok ko at nakanganga pa din mula sa kakasigaw nang bigla na namang bumukas ang pinto.
At gaya ng inaasahan, si Kian nga iyon.
His face was unexplainable as he watched my also unexplainable state. Nakakunot ang noo habang nasa gilid yata ng bibig niya ang dila niya, habang nakahawak pa din sa doorknob ng pinto dahil nga kakapasok niya pa lang.
Nanlaki din ang mga mata ko, at nagsimula na namang mataranta kung anong gagawin.
Nagmamadali akong ayusin ang sarili ko at maging ang lamesa kong nagulo ko din yata kanina. Tuluyan ko nang naramdaman ang presensya ni Kian sa kwarto. At nang isara niya ulit ang pinto, nagsimula na namang bumalik sa paghina ang bawat hininga ko.
Napapasulyap ako sa direksyon niya habang natatarantang inaayos ang mukha ko. Wala naman siyang pinapakitang kahit anong ekspresyon sa mukha niya, pero hindi pa rin n'on napakalma ang sistema ko.
Nakita niya kaya kung anong pinaggagawa ko kanina? Ano na lang ang iniisip niya? Na kinilig ako?
Gago! Pinakaba mo lang ako! Hindi na ako kikiligin sa 'yong gago ka!
"I bought you lunch." sabi niya sabay lapag ng isang Tupperware na may laman yatang pagkain.
Hindi ko man lang namalayan na nasa harap na pala siya mismo ng lamesa ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya para lang makitang inaayos niya ang buhok niya sa isa niyang kamay habang ang kabila naman ay nasa bulsa ng pantalon niya.
I gulped. Dahil sa tangkad niya, at dahil medyo mababa din ang lamesa ko, at nakaupo ako sa pareho lang na lebel niyon, katapat ko na nga ngayon ang... gitna niya.
Napasinghap ako bago iniwas ang tingin. Nagkunwari akong inaayos ang mga pile ng dokumentong nasa lamesa ko.
"Kumain ka muna, Attorney."
Napasulyap ako sa kanya, pero nanatiling naka-anggulo ang ulo ko sa mga dokumento sa harap ko.
"Hmm, sayo na lang 'yan. Hindi naman ako nagugutom-"
"Para sa 'yo 'yan Attorney,"
"Sa'yo na lang. Tutal ikaw din naman ang bumili niyan-"
"Meron din akong sa 'kin, Attorney. Sabay na lang tayo dito. Madaming lalaki d'on sa malapit na mga resto dito, eh. Baka pagkaguluhan ka."
I turned to him with a disgusted face. Really? Nand’yan na naman siya sa pagiging seloso niya.
"Stop being so possessive, Kian. Kakasabi ko lang na wala na tayo, eh."
He sat down the chair opposite to mine, just right in front of my table coolly.
"Kakasabi ko lang din, 'di ba? Na mamaya na natin 'yon pag-uusapan."
"But you're still acting so possessive. Kung 'yong tungkol lang din pala sa paghihiwalay natin ang pag-uusapan natin mamaya, itigil mo na lang 'yang pag-aangkin mo sa 'kin. Sinusulit mo pa talaga ang oras mo."
"It's not like I'll be submissive to you this time, Cianna. Para namang mapapapayag mo talaga akong hiwalayan ka."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Why on earth is he still acting this way? He should just give up immediately. It's not like he really cared for me back then.
Or am I just being bitter? Baka pinipilit ko na naman ang sarili kong baka nga totoo ang nalaman ko sa kanya noon, na pinaglaruan niya lang ako, kasi ayokong umasa na naman sa mga kilos niya ngayon. Ayoko nang bumalik sa kanya kasi, isang tingin lang sa kanya bumabalik talaga sa 'kin lahat ng ginawa ko sa nakaraan.
Lahat ng makasariling desisyon ko sa pagpapakalayo, bumabalik at bumabalik sa 'kin basta tinitignan ko siya. At isa 'yon sa mga masasamang epekto niya sa 'kin. Kahit na ilang beses ko nang inamin noon na sa kanya lang ako nakakaramdam ng kapayapaan, ngayon, ibang mga emosyon na ang nararamdaman ko kapag nandito siya.
Sakit, pagkadismaya, at pagdadalamhati sa iniwan kong buhay noon. Ang simoy ng hangin ng nakaraan, malakas ang hampas sa mukha ko, kapag kaharap ko siya.
"Kumain na nga lang muna tayo," yaya niya kaya wala na akong naging choice kundi kumain na lang. Mukhang masarap na kimchi ang laman no’ng dala niya.
Hindi na ako gumalaw pa sa posisyon ko at doon na lang din binuksan ang dala niya. Ganun din siya. Kaya ngayon, magkatapat kami sa pagkain.
Tahimik lang kami habang inuubos ang pagkaing dala niya. At parang wala din naman siyang balak na magsimula ng panibagong mapag-uuspaan. He looks like he's in deep thoughts, too. Pero imbes na gayahin siya at mag-isip na naman ng mga bagay-bagay, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa kinakain. Ayoko nang bumalik sa mga naisip ko kanina.
"K-kailan ka uuwi?" hindi ko na napigilan ang ilan pang minutong katahimikan sa pagitan namin.
Inangat niya ang tingin niya sa 'kin mula sa pagkayuko, siguro galing nga sa malalim na pag-iisip, habang ngumunguya pa. Tinapos niya muna ang kinakain niya bago ako sinagot.
"Pagkatapos kitang ihatid pauwi mamaya."
"H-hindi, I mean..." napatingin ako sa chopsticks ko. "K-kailan ka uuwi sa...Pilipinas?"
Sinandal niya ang sarili niya sa upuan niya. "Kung kalian ka uuwi."
Natahimik ako. I inhaled a large amount of breath and let it out slowly, before deciding to not talk anymore. Kung ano man ang rason o dahilan niya, ayoko munang marinig.
"I won't be pressuring you, though. You can take your time to decide on when to go-"
"Wala na akong balak bumalik." mataman kong sambit.
He stared at me for a while, looking like he did expect that kind of an answer from me and is now contemplating on how to properly react in front of me.
"You should, you know." he said slowly, now playing with his chopsticks.
"Why? Pauuwiin mo ako para harapin ang mga atraso ko sa mga taong iniwan ko sa nakaraan? Kian, I'm already living peacefully here, kung nakikita mo. Ayoko- ayaw ko nang balikan pa kung anong naiwan ko d'on. Wala na akong uuwian. Wala na akong balak na uwian."
I saw him lick his lips. "May bago ka nang uuwian d'on, Cianna. May bahay na tayo d'on."
Nagulat na naman ako sa sinabi niya.
"H-ha?"
"May bahay na tayo d'on. Sa Siquijor. Gusto mo d'on 'diba?"
I was left speechless. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. What on earth did he mean by that? Bahay, as in, bahay talaga?!
"Hindi masyadong malaki, Cianna. Baka maalala mo lang 'yung mansion niyo dati kapag pinasobraan ko sa laki ang bahay natin. 'Yong ayos lang ang sukat, para sa 'tin at... sa kung ano mang ibibigay sa 'tin sa future."
Hindi pa rin ako nakapagsalita. Bahagya ko na lang ding sinandal ang sarili ko sa swivel chair ko, nawalan na ng gana pang ubusin ang pagkaing dala niya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin, o kung necessary pa ba ang opinyon ko sa pinagsasabi niya.
"You have all the necessary time to think and decide, Cianna. At mag-uusap pa naman rin tayo mamayang gabi. I'll give you more options to consider."
Iniwas ko ang tingin sa harap ko, at inanggulo ang mukha ko para sa gilid na ako ng kwarto nakatingin. I heard him sigh heavily.
"But make sure you don't wear that same attire tonight. Baka hindi ko na nga mapigilan ang sarili ko sa 'yo."
Mabilis niyang niligpit ang pinagkaininan namin at lumabas na. I was left there, frozen and still so shocked with his words.
Hanggang sa iilan kong dinaluhan na hearings kanina ay para lang akong lumulutang. Patuloy akong sinusundan ng mga huling sinabi sa 'kin ni Kian. I bet even Briann noticed my strange behavior. Kung noon ay confident na confident talaga ako kapag nagha-handle ng kliyente, ngayon ay kahit yata inayos ko na ang mukha ko kanina ay klaro pa din ang pamumutla ko.
"Alright, Ma'am. We'll discuss about that next time. I already gathered enough information that's necessary for my analyzation for the case. Thank you and we'll keep in touch with you."
I shake hands with my elderly yet elegant client after that. Her wrinkly cheeks smiled at me while giving me the same thank you I get everytime I finish a meeting with a client. Medyo angat nga yata ito sa buhay at parang palipat-lipat nga ng lugar sa mundo kasi malimit lang mag-Nihongo at madalas na Ingles nga ang ginagamit kapag nagsasalita.
Her case is just about a confusion on whether her relative that have just recently died really passed away in this country or not. Duda raw siya na baka nga wala dito kasi hindi niya naman nakita kung saan 'to nakalibing, according sa iba niyang relatives na pinagtanungan niya.
She said she'll file a case kung may tinatago nga ang mga relatives niya sa kanya tungkol sa pagkamatay ng pamangkin. If proven, they would fall in a case of spreading wrong information, or even in keeping in secrecy the true death of that person.
This is one of the things I love about this career. Medyo creepy at ang astig tignan na pwede akong parang maging spy o ano. Ewan, pero kapag nagbabasa ako ng mga ganitong investigations, ang sarap sa pakiramdam na baka bukas makalawa, lilibot na naman ako sa buong bansa na para ngang detective para makakuha pa ng dagdag na impromasyon. Even with the tons of risk I will put on with my life, the idea of adventure still excites me.
Hindi naman talaga siya kailangan na ako talaga ang mangalap d'on ng impormasyon. I can hire detective, o pwedeng ang kliyente mismo ang maghanap n'on. Pero dahil nabalitaan din yata ng matandang 'yon na gusto kong hands-on ako lagi sa trabaho, sa akin niya na lang inasa ang lahat. And I gladly accepted it, too.
Pabalik na kami ngayon ni Briann sa firm. Ayaw yata ng kliyente ko kanina na sa opisina ko na lang niya ako bisitahin, kaya sa malapit na pastry niya kami inaya. Sinama ko na lang si Briann kasi parang masyado nga akong lutang kanina, at baka may makaligtaan akong mga detalye na sinabi ng kliyente.
Dahil malapit lang naman ang pastry shop kung s'an kami nanggaling ay nilakad na lang naming ang distansya pabalik sa firm. Madami na ngang tao sa kalsada at parang halos lahat din ng malapit na resto ay punong-puno ng mga tao.
I smirked. S'an naman kaya ako dadalhin ni Kian mamaya? Baka i-postpone niya na lang mamaya ang date namin at ayaw pa naman yata niyang pumunta kami sa mga resto na madami ang tao. Kapag nakita niyang punuan na ang halos malapit na resto malapit sa syudad, baka nga mapikon na nga 'yon at ihatid na lang ako pauwi.
Sana nga! Ayokong matuloy 'yong sinabi niyang mag-uusap kami mamaya, eh. Baka kung anong gawin ng gagong 'yon.
Malapit na ngang mag-alas singko at hindi naman masyadong tambak ang gawain ko kaya naisipan ko na lang na maaga nan gang umuwi. In times na madami nga akong kailangang tapusin na basahin, nagtatagal pa talaga ako dito. Pero dahil wala naman masyado ngayon, edi uuwi na lang ako ng maaga.
That's an advantage, though. Baka kahit gabihin na nga ako dito ay maghintay pa din sa 'kin si Kian. Pero kung ngayon na ako agad uuwi at makita niyang wala nang bakanteng resto sa malapit para sa date namin, baka nga hindi na matuloy ang mga dapat pa naming pag-usapan ngayong gabi at iuwi niya na lang ako kaagad.
Wala naman talaga siyang binaggit na date kanina, 'di ba? Pero parang ganoon na din naman ang gusto niya. Pasalamat na lang siya at hindi ko siya tinaggihan.
Nang mapunta na nga ako sa labas ng firm, nasa gilid na ng entrance si Kian, nakapamulsa at parang kanina pa din naghihintay sa 'kin.
Hindi naman niya ako kinausap at iginiya lang ako papunta sa sasakyan niya. Kahit noong pinaandar na niya ito, patuloy siyang walang imik. I didn't mind it, though.
Hindi naman sa pabor 'yon sa 'kin, kas nga mas kinakabahan yata ako kapag tahimik kami. Pero hindi ko din naman 'yon pinuna pa. Ang tanging ginagawa ko lang ngayon ay ang ipagdasal na sana nga ihatid niya na lang ako pauwi at 'wag nang isipin pa ang gusto niyang mangyaring pag-uusap namin.
Pero parang hindi yata dininig ang dasal ko. Besides, I don't think prayers will work if you don't mean it. Tanging ang Diyos lang naman siguro ang nakikinig ng mga panalangin, at siguro dahil hindi naman ako naniniwala sa kanya, kaya hindi natupad ang hiniling ko.
Akala ko ay nakaligtas na nga ako nang nilagpasan na namin ang mataong daan ng siyudad, pero hindi naman siya sa direksyon ng bahay ko lumiko. Instead, he took the other way! Nagsimula na naman akong mag-panic.
I still have no idea on where he's staying for the time he's been here. Pero duda kong... baka d'on kami papunta ngayon!
Pero sana din naman hindi. Ayoko. Porkchop ayoko. 'Wag naman sana... nga.
Hoy, Cianna! Ano 'yon?!
At... ayon. Napunta nga kami sa isang sikat na hotel sa malayong bahagi ng siyudad. Nagsimula na namang sumikip ang dibdib ko. Parang gusto ko na lang na biglang buksan ang pinto at lumabas para lang makatakas sa kanya, bahala na kung umaandar pa ang sasakyan.
Sa hotel siya tumutuloy sa buong oras na nandito siya? Wow ha? Splurging na si Doc. Sanaol.
Binigay niya sa valet ang susi niya at hinapit ang bewang ko habang naglalakad papasok sa hotel na 'yun. Unang tapak ko pa lang, porkchop. Pang high class nga 'to. May nabuo na naman yatang harang sa lalamunan ko kaya hindi man lang ako makapagsalita para tanungin kung dito ba talaga siya tumitira. O kung...may ibang dahilan ang pagpunta namin dito at... ngayon lang naman talaga siya nag-book dito para...
Suminghap ako para pigilan ang sarili kong umiling-iling at magmukhang tanga. Baka mawirduhan 'tong katabi ko. At baka ang ibang tao rin sa paligid.
Hindi ko alam kung makakahinga na ba ako ng maluwag nang makitang sa restaurant lang pala ng hotel na 'yon. One of the waiters, which is usually uncommon in this part of the country nowadays, greeted us and guided us on the way to our table. Nagpa-reserve din pala ang mokong. Wala din palang halaga ang kasiyahan ko kanina nang makitang okupado lahat ng malalapit na restaurant sa mismong siyudad. Wala pa din pala akong takas sa lalaking 'to.
Sinabihan ko na lang siya na siya na ang pumili ng kakainin, pero ngumisi lang ang mokong.
"Malapit na 'yong maluto."
Mas lalong tumindi ang kaba ko. Atat ba 'to? Bakit? Dito lang ba talaga kami mag-uusap o... kaya atat siya kasi sa ibang lugar niya pala gusto?
Porkchop Cianna manahimik ka na lang.
Hindi pa nga umaabot ng ilang minuto ay nasa harap ko na ang mga inorder na pagkain ni Kian. This hotel is one of the few European influenced one in the country. Kaya ang mag pagkain din na sine-serve nila, puro mga Italian dishes.
I carefully took my utensils, biting my lip so I can really be very careful with my actions. Hindi nagsalita si Kian sa unang mga minuto naming pagkain. Kaya ako, bilang tanga kapag nababalot kami ng katahimikan, pati sariling pagnguya ay pinipilit kong lakasan para idistract man lang ang utak ko sa tahimik na paligid.
"Do you like the food?" bigla niyang tanong kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Uhh, oo. Masarap naman, hehe."
"Have you been to this kind of hotels, then? Kapag nagmi-meet ng clients? Or just to stroll around the city?"
Binaba ko ang tinidor ko na may spaghetti na sana at umubo muna bago siya sinagot.
"Minsan. Hindi naman ako basta-bastang nagb-book lang ng hotel kung saan dahil may bahay din naman ako. Pero no’ng nasa law school pa lang, madalas nga akong madalas sa mga ganito ng mga kaklase ko."
He raised an eyebrow. "Madalas kang dinadala sa mga hotel ng mga kaklase mo?"
"Uhh, oo. Kapag may mga programs na sa kabilang siyudad nagaganap. Alam mo na. Kapag may mga events na... nakakatulong din para sa pag-aaral ko. Mga seminars."
Binalik niya ang tingin niya sa pagkain. "So... where are we gonna start, hmm?"
"Uhh…" pinag-isipan ko muna ang sinabi niya.
So...dito nga lang kami mag-uusap?
Hindi ko alam kung bakit imbes na magdiwang ay parang nabigo pa nga ako. Ano na namang nangyayari sa 'yo, Cianna? Tumigil ka nga!
I pretend to scan the place while biting my lip. "D-dito ka ba nags-stay?"
Narining ko ang pagbuntonghininga niya, "Yeah."
Bumalik ang tingin ko sa kanya. "Talaga?"
He nodded while pouting his lips.
"I-ilang araw ka nang nandito?"
"7 weeks, I guess..."
Nanlaki ang mga mata ko. So matagal na nga siya dito?
He smirked, "Nahirapan akong hanapin ka ngayon, ha? Gumagaling ka na sa pagtatago."
Natahimik ako.
"Why'd you chose this place, anyway? Nang malaman kong parang wala ka na nga sa Pilipinas, naisip kong baka nasa States ka na o somewhere in the West, 'yong malayo talaga sa Pinas. But then you were just a few countries away from me all this time. So tell me, bakit dito?"
Nilabanan ko rin ang malalim niyang titig sa 'kin. While staring at his eyes, I contemplated for a while if I should really tell him my reasons.
I mean, wala naman talaga sa plano na sa Japan ako mapapadpad. Pero dahil baka iniisip niya na pinag-planuhan ko 'to, ngayon ay parang may utang nga ako sa kanyang eksplenasyon.
But why would I tell it to him, anyway? It's not like I'm being close to him again, am I? Besides, plano ko lang namang tapusin na kung ano pang balak niyang gawin sa 'kin ngayon. All I want is to somehow befriend him for now because of my rush decisions way back in the past in where, he may be somewhat included in the people that I had affected. Maybe not severely, but still, I think I owe him a proper closure. Not to have him crawl under my skin again. Not to let him own again my liberty. And most of all, not to let him own my starting independence.
"It's crowded and... can give me lots of opportunities."
"So you did wanted to be in crowded places, so you won't be found easily, huh?"
"Wala din naman sa plano na mapunta ako dito."
"Of course,"
I felt that he wasn't convinced with my words. And as a lawyer, I have learned on how to properly convince people. But just when I was about to open my mouth to speak, inunahan na niya ako.
"Hindi naman sa inaakusahan kita. It's just that, natakasan mo talaga ako." tumango-tango siya. "Ang tagal kitang nahanap."
"Bakit mo pa ba kasi inabala ang sarili mo sa paghahanap sa 'kin?"
"You think I'll just let you go like that? Hmm?" he now has a challenging look, but still with a hint of disappointment in his eyes.
Napasinghap ako. "Bakit naman hindi? Wasn't the truth I found out that day wasn't actually... true?"
He shook his head while looking at me with utter amazement and still... with hurt and disappointment.
"You didn't even give me time to explain, Cianna. Kaya ngayon, hindi ka pa rin mapakali. You left everything without even knowing my side-"
"It was clear when I saw you with Reign that day, na kayo naman talaga-"
"So that's the reason why you assumed so quickly that I was not serious of you, huh? Because I was with her?" he interrupted my words.
May namumuo na naman tensyon sa pagitan namin. Hindi ko nga yata napag-isipan kanina na baka matuloy sa alitan ang magiging pag-uusap namin ngayon. I thought he will just use tricks to hit on me again. I wasn't ready to talk about the past.
I clearly just thought that this conversation will be just about our proper breakup ang closure. Pero bakit naman biglang umabot sa ganito?
"Just by that, Cianna? Are you serious?"
I was slightly affected by the tone of his voice. Para bang sinasabi sa 'kin na parang ang babaw nga ng rason ko. Na parang isang langgam lang ang naging rason ko para bigla humantong sa ganoong sitwasyon.
That situation traumatized me. Even when I now have people whom I trust in this place, hindi ko na yata kayang maulit ang ginawa kong sobrang pagtitiwala sa mga tao noon. That moment was written in the corners of my brain. Even if I now use it to inspire others, there still exist an agonizing pain whenever I think about it.
That moment, I literally blamed myself for being so stupid. Because before that truth was spilled, I did try to have a taste of happiness in life by starting to appreciate even the little things. I tried. And when I already gave my all, saka ako sasampalin ng isang pangyayaring hindi ko inaasahan. And because it was so unexpected, I was immediately shattered, leaving no hope for myself or for the future ahead of me, even the consequences of my actions.
Bago ako humantong sa sinabi nilang 'pag-iinarte', sumubok ako. Sinubukan kong 'wag balikan lahat ng pagkamuhi at hinanakit sa nakaraan. Pero anong ginawa nila? Dinagdagan lang nila 'yon.
Now this guy's tone seems like he's blaming me for not just being stupid, but also for being outrageous.
Gago. Nawalan na tuloy ako ng ganang kausapin pa 'to. Baka takasan ko 'to ulit ngayon.
"I know you've always been jealous and insecure about her but I have always assured you that-"
"Na ako lang. Ha? Na ako lang talaga? Talaga ba? Kasi n'ong nakita ko kayo, ang saya-saya niyo, eh. The look in your eyes looks just the same way that you look at me."
"Don't you dare compare what I feel for her at 'yong nararamdaman ko sa 'yo. What I feel for you is so differen-"
"Tapos no’ng nakita mo pa ako, nag-panic ka. Parang hindi mo inaasahan na makita ko kayong dalawa. And even when I was being dragged out of there, in front of you, wala kang ginawa-"
"Of course, I looked panicked, Cianna. We were talking about my proposal for you."
Natigilan ako sa sinabi niya. Like, it really felt like my world stopped. Kahit ang hininga ko ay tila mas lalong bumabagal. The lights of the large chandelier above that were perfectly mirrored in his gorgeously dark eyes, that are now also glistening with seriousness yet also softness from looking at my features, gave me another reason to purposely hitch my breath and deeply contemplate about what he just said.
What?
Talagang hindi ko inaashan ang sinabi niya. He can’t possibly mean that!
"Ha?"
Another smirk formed in his lips. "Proposal, Cianna. Engagement. Gusto ko nang magpakasal sa 'yo. Noon pa."
I remained frozen and shocked in my seat. Habang siya naman, dahil naramdaman na naman ang tensyon sa pagitan namin, ay sinandal ang sarili niya sa upuan niya.
"Kaso bigla mo na lang akong tinakasan."
I looked away, now feeling guilty. Ilang beses akong nagpakawala ng mahahabang hininga, naninikip na nga ang dibdib sa nangyayari.
Nagulat na lang ako nang bahagya na naman siyang lumapit sa 'kin, casually leaning on the table and gently reaching for my hand.
At nang mahawakan na niya ang kamay ko, nanatiling nanlaki ang mga mata ko, mas lalong hindi makagalaw at hindi na alam kung ano na nga ang gagawin.
He stared at my hand for a long time, or parang natagalan lang yata ako kasi hindi na ako mapakali. He played with my fingers, his rough hand gently and constantly keeping in contact with my smooth ones.
"Have you already absorbed what I just said?" inangat niya ang tingin niya sa 'kin.
Not being able to stand his gaze, ako na naman ang yumuko.
"I didn't cheat, Cianna. I don't love someone else. And your friends did approach me in the past, at baka 'yong ginawa nila noon ang sinabi nila sa 'yo. But babe, that was already a year after I started stalking you around the city. Siguro dahil hindi ko tinugon ang mga pabor nila, kaya naisip nilang ginawa ko na nga lang 'yon dahil sa utos nila. But I was already so smitten with you even before they told me that little favor, baby. I will definitely do anything to get back to you again and give you the happiness you deserve. Hindi ko na kailangan pang utusan ng iba."
Napatingin ako sa tao sa paligid nang unti-unti niyang pinatakan ng halik ang likod ng palad ko. My systems are literally going crazy inside me. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin!
"Have I already told you how whipped I am for you, huh?" he gave my hand another small kiss. "And how in love I am with you, hmm?" isang patak na naman ng halik.
I'm already sure that I look like a ridiculously red mess in here. Kanina pa ko pa pinipigilan ang sarili kong bawiin ang kamay ko sa kanya. I don't think I can take any more of these sweet actions of his. Hindi ko na yata makakayan pang itago ang kilig ko.
Inangat niya ang tingin niya sa 'kin. Still with my hand in his, he smiled at me as he continued his affectionate gaze on me. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Even with the uncertainty of the moment, or the still unknown consequences of my rush decisions again, I smiled also smiled at him.
"I'm in love with you, Cianna." he gave my hand another small kiss, now at the very top of my left ring finger.
"And that only means that I'm not up for a breakup. Or any kind of thing that you're willing to offer me for now. Baby, I'm willing to get you again. But I don't want it to happen when we're over. I want to happen even if we're still like this. Together and even without the same mutual peace between us, can still have that small drop of affection when our gazes meet."
He leaned closer to my face, even with our distance because of the not so big table between us, and whispered in my face.
"I'll get you back, kahit na hindi ka naman talaga nawala sa hawak ko. Kahit alam kong hindi Rin naman ako nawala sa puso mo. I'll still get you back. And this time, talagang wala ka nang kawala sa 'kin. Wala ka nang takas." his deep voice sounded so possesive.
He then leaned even closer, and kissed me.

Book Comment (38)

  • avatar
    DiandaJhoy

    gfcydigijgdysyvibibvvkk onmppnpnppnnphiyrxcvhcsk

    19d

      0
  • avatar
    Marjorie Alfante

    plsss 🙏🙏🙏

    07/08

      0
  • avatar
    Shayera Louisse Francisco

    so very nice

    11/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters