logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

36

Fooling
Tatlong araw at dalawang gabi kaming mananatili dito sa Siquijor. Gusto ko pa ngang mas magtagal, pero hindi ko naman siguro kakayaning iwan ng matagal ang mga magulang ko. Nagpaalam naman ako sa kanila bago ako tuluyang pumayag sa mga kaibigan na pumunta dito. At, parang wala lang naman din kay Mommy kung anong gawin ko sa buhay ko.
If I was just starting my adjustments to my mother's attitude, I'd probably be crying all night because of her lack of care for the happenings of my life. Pero wala na. Nasanay na ako sa kanya. Pwede na talaga akong makagala kung saan na hindi na siya iniintindi pa. Ngayon tanggap ko na na wala talagang pakialam ang ina ko sa 'kin.
Nandito ako ngayon sa buhangin, nakaupo at nakatanaw lang sa payapang dagat sa harap ko. Medyo maaga pa kaya hindi ko na lang muna ginising si Kian. We share the same room pero magkaiba naman kami ng bed. Dahil medyo naglasing pa muna kami ng mga kaibigan kagabi, halatang hindi pa nga handa ang mga 'yon kung gigsingin ko na.
At si Kian naman, iba ang inuman nila ng kapatid niya kaya duda akong mas marami 'yong nainom kesa sa 'kin. It's not like I mind it, though. Hindi ko naman siya pinagbabawalan sa mga gan’on.
Ilang minuto akong payapang nakatingin sa dagat. Walang nakakadistorbo sa munting pagmuni-muni ko dahil wala pa rin naman masyadong tao sa paligid. Nasa isang hindi masyadong sikat na resort kami nag-check in. Hindi naman talaga kasi kailangan na sa maganda kami mapunta, dahil nakapalibot naman talaga sa buong isla ang napakaputing mga buhangin ng mga dalampasigan.
Ilang sandali pa ay bigla kong naramdaman ang init ng palad sa likuran ko, at agad itong dumiretso sa bewang ko. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino 'yon.
"Morning," Kian said in his husky voice. Halatang bagong gising pa nga.
Nakayakap siya sa 'kin habang nakatalikod ako at ang ulo niya naman ay nasa balikat ko. I hummed softly before finally facing him.
"Good morning!" masigla kong sambit kaya medyo naalimpungutan ang inaantok niya pang mga mata.
I laughed at his reaction. He looks so cute. My boyfriend looks so cute. And yes... I can finally admit that loud and proud! He's now my boyfriend!
We spent a few minutes just sitting there and hugging each other. Natigil lang ang maiksing moment namin nang narining ko na ang mga halakhak ng mga kaibigan ko sa likod.
Agad akong kumalas sa yakap ni Kian at tumayo na. Pinagpag ko muna ang puwitan ko at sa buhangin pa naman kami umupo. Pagkatapos ay saka pa lang ako dumiresto sa mga kaibigan, hindi na pinansin pa si Kian dahil alam kong baka gusto pa niyang manatili d'on at inaantok pa nga siguro 'yon.
The day went smoothly. My cheery and joyful friends filled my day with games and laughter. I hate to admit it but, this day is one of those rare times in where I really laughed and smiled genuinely.
Magaling ang mga kaibigan kong magpatawa. Lalo na si Ronald na talagang mastermind ng mga kalokohan. At dahil kasama namin ngayon ang kapatid niyang si Astrid, madalas ko ngang makita na nahihiya siya sa pinaggagawa ng Kuya niya.
Meanwhile, the other two Caballero brothers have their own worlds. Minsan ay nakikisali naman sila sa 'min pero madalas ay nasa malayo lang sila at nakatanaw sa amin na maglaro.
On our last day, we spent our time packing our things since we are going home to Dumaguete already. Days went by in a blink, and now I'm already saying goodbye to the beautiful island of Siquijor. My stay here will remain as one of my most memorable travels. I really enjoyed all the wonderful sceneries.
And the vibes, damn. All I can say is that this island is such a go-to place for relaxation. In every corner, you'll see peace. Malayong-malayo sa siyudad na tinirhan ko sa mga nagdaang taon. My hometown is beautiful but compared to Siquijor especially in the category of peace and nature, I can admit that this island remains superior for me.
Alas sais pa ng gabi ang schedule namin sa pagsakay sa barko. Ala una pa lang ngayon kaya may oras pa kami na magliwaliw pa ng konti sa isla. My friends decided that they want to visit a famous church on Enrique Villanueva first, so I let them have their liberty.
Nasabi na sa 'kin kagabi pa ni Kian na pupuntahan namin ang bahay nila dito. He said it's some place in Larena kaya medyo malapit lang siya mula sa resort kung nas'an kami. The church that my friends want to visit is somewhere farther.
Kasama namin ngayon si Dalaz pati si Astrid. Ronald will be having his proposal for Mia on the church where they'll be going. Medyo nakokonsensya nga ako na hindi ako makakapunta. But here is Ron's sister, also unbothered by his upcoming proposal for the love of his life. Sa pagkakaalam ko ay hindi din naman masyadong close sina Ron at ang kapatid niya kaya, siguro wala lang din sa kanya na hindi siya sasamahan ni Astrid.
Pero ako, I've been friends with Ronald since I can remember. He's always been a good friend to me, and so is Mia. Talagang hanggang ngayon ay nakokonsensya ako na hindi ako makakasama, at pinili pang samahan si Kian. My worries were just silenced when Kian held my hand as we are on the backseat of his brother's car.
I looked at him only to see him smile softly at me, as if he just heard my thoughts. And he somehow calmed me down, and so are the concerns in my head.
Sina Dalaz at Astrid ang nasa harap ng sasakyan, magkahawak kamay din habang tinatahak namin ang daan ng probinsyang kinalakhan nila. At nang makaabot kami sa bahay na sinasabi ni Kian sa 'kin, I unconsciously started to squeal on the back of my head.
Porkchop. Kinikilig na naman ang malanding Cianna. Naiisip ko na naman na kung magkatuluyan nga kami ni Kian, at magpakasal, ang ganda ng bahay na ito para maging tahanan namin.
Their house is just like their house in Negros, not so big but also not so small. Kasya lang talaga sa kanilang dalawang magkapatid. At nang makapasok kami, doon ko lang natanto na medyo may kalakihan nga pala ito sa inaasahan ko, lalo na kung silang dalawa lang pala ang tumira dito noon.
There weren't any fancy designs on the interiors, but small picture frames hang on the walls. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot na tumingin doon. I already know what to expect in there. Their a complete and happy family before, but my parents ruined them.
Umiling ako bago nagpatuloy sa pagsuyod sa bahay. Nakasunod sa likod ko si Kian, acting like a tour guide as he discusses things about their house.
"N’ong nandito pa kami, medyo nahirapan talaga kami na mag-adjust sa mga tao. Lalo na kasi, nasa kabilang barangay pa naman y’ong mga kakilala namin at... medyo matagal na din mula noong huli kaming nakabalik dito."
Napapalibutan ng mga niyog at iba pang mga puno ang kabahayan kung saan nakatayo itong bahay nila Kian. It's a typical neighborhood in the province. Mahangin at tahimik. Nagkalat ang mga berdeng halaman at gaya ng mansion namin noon, malapit ito sa dagat ngunit nasa mataas na lugar ito. It's on a cliff. Kita ang dagat pero dadaanan mo pa ang mabatong daan para makapunta sa ilalim.
Hindi ko na inabala pa ang sarili na pumunta d'on at tanawin ang dagat. I think I've had enough of the beach already. Now it's time for me to enjoy the green beauty of the nature surrounding me.
"Lalo na sa accent nila dito. Natawa na naman ako sa kung pa'no sila magsalita noong bumalik kami. Like, totoong nanibago talaga ako. Ang tagal ko nang hindi nakakapagsalita ng gan’on."
"Bakit? Pa'no ba magsalita ang mga tao rito?" tanong ko sa kanya habang nasa bakuran na nila kami. Siguro ay nasa mga kwarto na sina Dalaz at Astrid.
"Aynaman ni siya... Nigwapo man gud ka uyy... Tinood, promise."
Napatawa ako sa kung pa'no niya gayahin ang pagsasalita ng mga tao dito. Ngayon ko lang din napansin 'yon. Medyo may kurba talaga sa pagsasalita nila ng Bisaya, parang mas pinapataas tapos pinapababa din sa huli. Ewan. Mahirap i-explain. Pati si Kian ay napatawa sa ginawa niya.
"Ngayon ko lang din 'yon napansin..." I said between my laughs.
Tumatawa pa rin kami nang igiya niya ako sa dulo ng bakuran ng bahay nila. Mula d'on, kita ang mga manok na siguro ay pagmamay-ari ng kapitbahay nila. May mga sinampay din sa gilid. Hindi ko na pinansin 'yon. Tinagilid ko ang katawan ko para harapin siya.
"Ilang buwan kayong nanatili dito bago kayo bumalik sa Dumaguete?" I asked while my hands are intertwining with each other behind me, looking like a scared kid in front of her teacher. Para nga yata akong tanga sa posisyon ko. Nagpapa-cute na naman ang malanding Cianna.
He thought about it for a moment. "Siguro mga siyam na buwan din. Ewan. Basta, naisipan lang naming bumalik para ipagpatuloy ang med school at... para makita ka na rin ulit."
He let out a boyish grin and I returned a smile, too.
"Naalala mo n’ong niyakap mo ako sa kwarto ko? Tapos nahuli kita. Pagkatapos, nagmadali kang umalis at tinanggi mo pa na nangyari 'yon. Anong nangyari n'on?"
Natigilan siya ng ilang segundo bago tumawa nang mahina. Kumunot ang noo ko.
"Nagmadli akong tumakas kasi... wala lang." tumawa siya ulit.
"Ano?" singhal ko.
"Ilang beses na kitang pinuntahan noon bago mo pa ako nahuli..."
My eyes widened on what he just said. Ano?
"Unang araw pa lang na bumalik kami sa Negros, hinanap na kita agad. Hindi ka naman gan’on kahirap hanapin, eh. Lalo na dahil sa nangyari sa... pamilya mo... mas napadali ang paghahanap ko sa 'yo."
Naglakad siya papunta sa isang malapit na silya na gawa sa kahoy, at sumunod naman ako sa kanya. Naupo kami d'on habang pinagpatuloy niya ang sinasabi.
"Like what I said to you before, I've always dreamed of you when I was away. Gabi-gabi akong dinadalaw ng mukha mo, Cianna. Kaya hindi pa kami nakakabalik sa Negros, hinanap na kita. I was surprised to find you at such a very crowded city. I was worried on all dangers you must've been in."
"It's my only choice. Lots of jobs can be offered in the city and I so badly need money so..."
He nodded. "Yes, I knew that. And I actually considered that reason for you to go to such a dangerous place after your family's...downfall,"
I stayed silent as he spoke. Now's one of those times on where we peacefully talk about the past. Walang galit, walang away, tanging pagbabalik sa nakaraan ang pinag-uusapan.
And when we talk about the past, that doesn't mean that we're going to talk about the tragedies. Instead, we talk about our experiences on our absence on each other's life. We reminisce, and that's when I feel like I'm being connected to him again, after years of not seeing each other, and just merely existing for the hope of reconnecting our paths someday.
"I visited you every night since then. It was just a surprise that you really didn't catch me until that night."
I laughed silently, "Magaling kang magtago. At mas lalong magaling kang manahimik. Kalian mo ba ako binibisita? Kapag tulog na ako?"
"Yup." he answered immediately.
"Eh madalas akong hindi na natutulog. Ba't di kita nakita?"
He chuckled. "Magic."
Mahina kaming nagtawanan pagkatapos n'on. Narinig din namin ang papalapit na mga hakbang galing sa likod kaya sabay namin iyong nilingon. Nagkukulitan sina Dalaz at Astrid at nakita ko pa kung pa'no sapakin ni Astrid si Dalaz deretso sa mukha. They look really close with each other. I once heard that they actually started as best friends. Now they look as a very cute couple.
Doon kami nagpalipas ng oras hanggang sa pumatak na ang alas singko. Tumawag na din ang mga kaibigan ko sa 'kin kaya ngayon ay papunta na nga kami sa pantalan.
Evana sounded so happy when she called me. She happily informed me that our two friends are now officially engaged. Hindi pa natapos ang paglalahad niya sa 'kin sa balita. Habang nasa byahe ay patuloy ang pag-chika niya sa nangyari kanina sa proposal ni Ron.
"Super kilig ako kanina, Ci! Shocks! Sana ma-experience ko din 'yon. I hope my man is like Ron. Jusko! Kung gan’on hindi ko na talaga 'yon bibitawan!" Evana squeeled as if we're not going to see each other in a few minutes.
"Edi sana all may man." dinig kong sambit ni Cha sa kabilang linya.
I laughed with them. Malapit na kami sa pantalan ng Siquijor nang tuluyang binaba ni Evana ang tawag. At nang tuluyan na din kaming nakarating sa pantalan, hindi pa din niya naman ako tinantanan.
Agad ko namang binati sina Mia at Ronald nang makasalubong ko na sila. They gave me a simple thank you and proceeded to flirting nonstop as we enter the barge.
Hanggang umabot na kami sa barko ay panay daldal pa rin si Evana sa nangyari kanina. Hindi na nga ako nakatabi pa kay Kian. Na-sandwich ako kina Evana at Cha. Evana is happy for what happened on our friends, talking even nonsense opinions about marriage and other stuff. Cha on my left is also talking but she sounds so bitter. It's like they're having a debate in front of me, but I can't seem to stop watching them. Not even to look at my boyfriend who's just on my back.
Nang tignan ko naman siya, tahimik lang siyang natutulog habang naka-headset. I was about to focus my attention again on my friends when I heard him murmur something.
"Hmm, ako din."
I'm not quite sure if that's the right thing he said, but he sure looked like he was actually talking to someone through his headphones. Umiling na lang ako sa sarili ko bago binalingan ang mga kaibigan.
"Hmm, miss..."
Tinagilid ko na naman ang ulo ko para pakinggan si Kian. So he really is talking to someone over his phone, and through his earphones?
Tuluyan ko siyang nilingon para lang makita na nakapikit siya at malapit nga sa bibig niya ang mic ng earphones niya. He's wearing a blue hoodie, at medyo natatago ang earphones niya sa hood nito.
Without properly thinking on my actions, I grabbed his phone that was once in his hand as well as his earphones. Nakita ko kung paano siya nagulat sa ginawa ko. Agad niyang tinanggal ang pagkakasuot niya sa hood niya at napaayos na din siya sa pag-upo.
"Cianna!"
Pati ang mga kaibigan at ko na katabi niya ay naalerto sa sigaw niya. I also saw some other passengers who turned their heads towards our direction because of Kian's loud scream.
When he realized that he actually caused a scene, he immediately calmed himself down. Pero ang tingin niya sa 'kin, nanatiling masama. He's looking at me like he really didn't like how I just acted. At gan’on din ako. Hindi ko din inaasahan ang ginawa niya kaya masama rin ang tingin ko sa kanya.
He clenched his jaw as he looked around, observing his surroundings and seem to find a place for us to fight.
At nang binalik niya ang tingin niya sa 'kin, pinilig niya ang ulo niya sa isang bahagi ng barko kung saan wala masyadong pasahero. Napansin ko pa ang bahagyang pandidilat ng mga mata nina Evana at Cha sa gilid ko patungo sa direksyon ni Kian. Pero parang hindi yata nahalata ni Kian ang tingin na iginawad sa kanya ng mga kaibigan ko. Dere-deretso lang siyang naglakad patungo sa kung saan niya yata kami gustong mag-away.
Kanina pa umandar ang barko at malapit na yata kami sa gitna ng pagitan ng Siquijor at Dumaguete. Meyo malakas ang alon kaya nang tinahak ko ang daan patungo sa kung saan ako giniya ni Kian, napapahawak ako sa railings dahil medyo gumagalaw na ang barko kahit na medyo may kalakihan ito.
"May katawag ka?" bungad ko sa kanya nang makaupo na ako sa tabi niya.
Kanina niya pa ako hinihintay dito, at mas nauna siyang naupo kesa sa 'kin. Magkasalubong ang kilay at nakaigting ang panga, mukhang galit nga sa 'kin.
"Eh ano naman? Ba’t bigla ka na lang nanghahablot?" kalmado pero halatang galit niyang sabat sa 'kin.
I scoffed. "Ha! Bakit 'di mo na lang sabihin kung sino 'yong katawag mo?"
"Si Reign ang katawag ko, ayos na?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa deretsahan niyang sagot.
"Ano?"
He rolled his eyes. "Tumawag sa 'kin si Reign tungkol sa sitwasyon niya ngayon. She's admitted in NOPH. Nagsusuka raw at kinailangan niya pang mag-undergo sa iba't-ibang mga test. She's just asking for my kind advice sa sitwasyon niya. Stop overthinking, will you?"
Natahimik ako sa sinabi niya. Okay, Cianna. He's right. Quit thinking too much. Baka kung anong isipin niya sa 'yo.
Because now, we're in a relationship. I should be more careful and responsible. Hindi na pwede 'yong mga excuse ko noon na pwede akong walang pakialam sa kanya kasi in denial pa lang ako sa nararamdaman ko. Now I'm committed to him, and to this relationship. I should be more understanding. I don't want him to give up on me just because of my attitude.
Niyuko ko ang ulo ko. "Sorry..."
I heard him sigh then he pulled me closer to his chest. Nagpaubaya naman ako at sinandal na lang din ang ulo ko sa dibdib niya. Tinanaw ko ang payapang tanawin ng karagatan sa harap namin habang nasa ganun kaming posisyon.
"Quit thinking of her as a rival, Cianna. Wala kang kaagaaw sa 'kin." he whispered on my ear while he's hugging my waist from behind me.
"Hindi naman sa gano’n. Akala ko lang..." I trailed off.
"Akala mo ano?"
I pouted, "Akala ko... kasi... pwede namang... niloloko mo lang pala ako. Ewan! Basta! Malay ko sa'yo! Ewan ko din sa sarili ko!" himutok ko.
But instead of hearing a concerned sigh from him, I heard him chuckle.
"Wala ka ngang dapat ipangamba, Cianna. Sa'yo lang ako..."
Porkchop.
At 'yon na nga. Hindi na lang kami umalis d'on hanggang sa dumaong na ang barko sa Dumaguete. Now I'm back to this crowded place. Sure, I'll have to spend more years here as I will be having a job here sooner or later, but I do wish I can still go back to Siquijor again. That place is a sure go-to place for a relaxing vacation after a hard year from the city.
I'm really be going back there someday.
I looked at the man beside me and smiled. Still with him, of course.
The next months were actually my happiest days. With Kian whose always with me throughout every step of the way, I am now a paralegal under a middle-aged lawyer in the city.
Malamang ay may nauna pang board exams. But again, with Kian's help and patience, I survived it all while still keeping our relationship stable.
Of course, there were bumps along the way. Minsan ay hindi talaga maiiwasan na mag-away kami. It could be about our busy scheds, or just from our insecurities with other people that we see as a threat to our relationship. But still, at the end of the day, we're still together. And as we continue to face the unknown, blind curves can be found everywhere.
A few months after our first anniversary, I started noticing simple odd actions from him. And I don't know if that's just my thoughts over-consuming me, or there really is something that we should talk about.
Kakatapos ko lang ngayon sa trabaho at inaasahan kong susunduin ako ni Kian sa law firm na tinatrabahuan ko, gaya ng palagi niyang ginagawa simula no’ng naging kami. Pero ngayon, ilang araw ko nang napapansin na hindi na niya 'yon pinagpapatuloy. He doesn't even answer my calls anymore. Not when it's on this specific time already.
Magaalas-sais na at kanina pa ako naghihintay sa kanya sa labas ng law firm, pero talagang hindi siya dumating. I convinced myself that maybe he's just busy with his work. Besides, this isn't the first time this happened. Madalas talagang busy ang sched niya lalo na't madalas siyang paborito ng mga consultant. I should really stop overthinking again.
Especially about him. I should stop doubting him. We already agreed that it should always be trust who comes first in this relationship. I should just shake these thoughts off my head.
I ended up commuting on my way home. Wala na akong ibang choice. And it was actually okay, though. It was just a small sacrifice. Baka mas madami pa siyang pinoproblema sa ospital.
Nang makarating ako sa bahay, isang malakas na sampal agad ang natanggap ko. Kahit nasa pintuan pa lang at hindi pa nga tuluyang nahuhubad ang sandals ko, iyon na agad ang bungad sa 'kin.
But this is something I can say that I'm already used to. It's just, now, the situation's different. Even when I already prepared myself for this, hindi ko pa rin mapigilang mabigla.
My mother's staring at me with angry eyes, like accusing me of something. I already have a clue on what she's going to say, or even shout at me. But please, baka pwedeng hindi muna ngayon. As much as I hide it, I am really starting to doubt our relationship already. The last thing I want right now is somebody questioning it.
"You're now dating that Caballero?!"
For a whole year of being in a relationship with Kian, I still didn't have the courage to tell my family about us. Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin talaga akong gawin y'on. And whenever I tell Kian about this, he'll always just shrug it off and tell me that maybe we shouldn't rush things regarding my parents.
"Mom..." I tried to reach her out.
In extinct from the anger she sure is dealing right now, she took a step back from me. Napapikit ako ng mariin at inulit ang ginawa ko. I reached her out again, but she just did the same thing. Still with her accusing gaze at me, I let out a long sigh.
Bahagya kong sinilip ang loob ng bahay sa isang maliit na espasyo sa gilid ng pintuan, at nakitang wala naman yata sa malapit ang Daddy at ang caretaker. I felt relieved for a moment but nervousness then consumed me again as I return my attention to my mother.
"Mom... Calm down," I said gently to her.
Pero mas lalo lang yatang sumama ang tingin niya sa 'kin. Even when I'm now worried about her health and on how she reacts on this, kung talagang pipigtasin niya ang natitirang mga hibla ng pasensya ko, sasagutin at sasagutin ko talaga siya.
Pero hindi naman siya nagsalita. And that's not an indication that she's now calm. Masama pa rin ang titig niya sa 'kin.
"You..." I can clearly see her breathing heavily, seemingly trying to contain her shouts for me. I equaled the intensity of her stare, mirroring her anger on me.
"I can't believe you," she whispered under her breath, but still, I heard it.
"You... you little traitor!" her scream almost blew my entire soul.
Hindi ko siya sinagot. Kahit pagod na nga galing sa isang mahabang araw sa trabaho ay nakayanan ko pa talagang tumayo lang d'on at harapin ang galit kong ina.
But if it's the truth that she wants to know, then, that's what I'll give to her.
"So what if I really am dating him?"
Nanlaki ang mga mata niya bago ito naningkit.
"I really can't believe you, Cianna! He's an enemy! That man you're with just ruined your family's name-"
"Stop using that on me, Mom! All of those tragedies happened because of your doings! It was karma. Your karma! Don't you dare blame people who are actually innocent from all that has happened to us! This is all your fault! You're just not strong enough to admit it!"
Nakita ko na naman ang panlalaki ng mga mata ni Mommy. Bahagya niya pang nilagay ang isang kamay niya sa kanyang dibdib, umaarteng nasaktan sa mga salita ko.
"How can you call them innocent, Cianna?" she asked in an intriguing tone, then smirked. "Of course, you didn't really know what happened."
Naghintay lang akong magsalita siya ulit, since it seems like she's purposely trailing off to cause a drama.
"He and that stupid brother of his was willing to spill all those nasty information they know about me and your Dad because they have always been wanting for revenge. He was the one who pushed every senator to hate your Dad and this family! Dahil lang sa mga ginawa namin sa kapatid niya! His petty reason caused all these tragedies in our life! Yet you still call them innocent? How dare you!"
Mariin kong pinikit ang mga mata ko, pinapakalma ang sarili dahil baka masigawan ko na nga ang ina ko. Even when I just decided na talagang sasagutin ko siya, I still don't want to shout at her. I'm already tired from all that has happened to me today. If she wants us to talk about this through fighting, then all I can give her is a calm argument.
I sighed before I speak. "And that was still on you and Dad, Mom. Kung wala lang kayong ginawang mga kalokohan sa kahit na sino, the you shouldn't have been worried about Kian or any other threats to your career. If only you don't have any evil in your blood, then all of these tragedies shouldn't have happened. This is all still a product of your evilness, Mom. Stop putting the blame to someone who wants revenge, because their reasons aren't petty. You hurt them, Mom. You ruined their peace. All of it will still come back to you."
Mom went silent for a moment. Sinulit ko ang oras na 'yon upang tanggalin na ang sandals ko at pumasok na sa bahay. Nilagay ko ang sandals ko sa shoe rack, at sinuri ang paligid kung nasa malapit ba si Daddy o wala.
Of course, my Dad is included in my hatred against this life of mine. Pareho sila ni Mommy na may kasalanan kung bakit naging miserable ako sa buhay. If Kian didn't show up and tried to help me, I'd be stuck in that miserable life forever.
Pero wala na akong panahon para isama pa si Daddy sa away namin ngayon. Mom is already too much to handle. Ayoko nang madagdagan pa ang pagaaway na 'to. Gusto ko ng magpahinga.
"That's the point, Cianna. We've done them wrong. They already dumped us to this lowest part of the world. They've already done revenge, and there can always be a chance that they can do it again."
Nakatalikod ako kaya pinilig ko ang ulo ko para pakinggan si Mommy. Hindi ko na inabala pa ang sariling tuluyan na harapin siya. Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita ngayon, didiretso na ako sa kwarto para magpahinga. Kanina pa akong pagod.
"I just want you to be careful, Cianna. Pinapaikot ka lang ng lalaking 'yon. Don't fall for him. He's an enemy. He's the reason why we're struggling right now. Be careful on your actions, Cianna."
I rolled my eyes and scoffed. "As if you care, Mom."
Humakbang na ako patungo sa kwarto ko. Pero bago pa naman ako makapasok, may narinig pa akong dinagdag ni Mommy. I didn't know if I heard it right, but I just couldn't care about that right now.
"Bakit pa nga ba hindi pa nagpapakita sa 'kin 'yang Caballero na 'yan?" I heard her laugh evilly.
"Malamang, tapos na ang paghihiganti niya sa 'min ng Daddy mo. Ngayon, it's your time, my daughter. That boy hates our family so much that he'll make sure all of us get an equal slice from his revenge. Now's your schedule, honey. I'm sure he's just fooling you to satisfy his anger. You'll cry because of him again sooner or later,"
Hindi ko na lang dinibdib ang away namin. Pagkaabot ko sa kwarto ko, agad ko na lang binagsak ang sarili ko sa kama. Hindi naman ako talagang masyadong pagod ngayon. masakit lang ang ulo ko kaya kailangan ko na nga sigurong magpahinga agad.
Inabot ko ang cellphone ko para tignan kung tinawagan ba ako ulit ni Kian, dahil baka nakita niyang ilang tawag ko kanina ang hindi niya nasagot. Pero wala.
Napabuntonghininga ako bago inihilamos ang kamay sa mukha ko. I really should stop overthinking about this. As long as hindi pa namin 'to napag-uusapan, hindi pa talaga ako pwedeng magduda ng magduda. I just can't immediately doubt him just because of my thoughts. I knew I'm more than that.
Nakatulugan ko na ang pag-iisip kay Kian. Alas diyes na nang makagising ako ulit. Doon ko lang natanto na hindi pa pala ako nakakapagbihis sa suot ko kanina galing sa trabaho.
Kinusot ko ang mga mata ko bago bumangon at naglakad patungo sa kusina. Hindi pa din pala ako kumakain.
Bitbit ang cellphone sa kamay, umaasang tawagan ako ni Kian kahit gabing-gabi na, sinuyod ko ang bawat bahagi ng kusina para maghanap ng pagkain. Wala na yata silang tinira para sa 'kin sa lamesa, kaya naghanap na lang ako kahit de lata lang.
Sardinas na lang ang inulam ko habang blanko na nakatingin sa cellphone ko. Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na lang akong kumain, wala pa rin akong natanggap na tawag galing kay Kian. Pilit ko na lang binaliwala iyon, at bumalik na naman sa kwarto para makapagpahinga ulit.
Habang nagbibihis ako, doon ko pa lang narinig na biglang tumunog ang cellphone ko. Kahit nakasando pero naka-panty lang ay nagmadali akong pumunta sa lamesa sa gilid ng kwarto ko at kunin ang cellphone kong nag-iingay.
I laughed at how silly I looked while hurriedly getting my phone just to answer Kian's call. At nang makumpirma na si Kian nga ang tumatawag sa 'kin, mas lalong lumawak ang ngiti ko. Agad kong sinagot ang tawag.
"Ay, hala! Napindot!"
Iyon ang una kong narinig sa kabilang linya. Agad na kumunot ang noo ko. Who was that?
Babae ang boses no’ng nagsabi n'on. Hindi ko naman alam kung paano ako mag-rereact. Hindi ko pa nga alam kung ano ba talaga ang nangayari. Sino ba kasi 'yon?
That female's voice sounded so familiar and yet I still can't figure out who she really is. Bakit siya ang sumagot sa tawag? Is she the one holding Kian's phone? Bakit naman ibibigay ni Kian ang cellphone niya sa ibang babae? He's not even used to sharing his phone with me.
He's not a secretive guy, but then noon ko pa napapansin na ayaw niya talagang pinapakialaman ko ang cellphone niya. And now, to hear another woman use his phone, who was probably checking it out, I'm enraged.
"Hala, ayaw ma-end!" narinig ko pang dagdag ng babae sa kabillang linya, halatang natataranta. Mas lalong kumunot ang noo ko at umawang ang labi ko.
"Anong ginagawa mo d'yan?" my eyes widened when I finally heard Kian's voice.
"Eh kasi, may napindot-"
The call suddenly ended. Seems like that woman finally knew how to end the call. But then here I am, left confused and shock by what just happened.
Hindi ko yata kayang itikom ang bibig ko. Nanatiling nakalaglag ang panga ko habang hinihilamos ang mga palad sa mukha. Now my supposedly peaceful night got ruined. Ayoko na namang mag-isip pa ng kahit ano pang mga masasamang bagay kay Kian.
Sumasakit na ang ulo ko. Ayoko munang pag-isipan ang nangyari.
But I am now left with no choice but to think about it. This matter involves the stability of our relationship. Sino ang babaeng 'yon at bakit hawak niya ang cellphone ni Kian? And if she mentioned that she just 'accidentally' pressed something on his phone, and it landed on my number, she probably must be checking it out. How lucky.
Meanwhile, the girlfriend never even had the chance to access my boyfriend's phone.
I am already on the verge of doubting this relationship. Tapos biglang nagka-ganito.
Mas lumalala ang pagsakit ng ulo ko sa mga pinag-iisip. But then, why would I take this easy? Now, I definitely have to ask Kian what's happening. I need to confront him. Or else, my soul would be forever bothered.
Bahala na kung anong magiging sagot niya. For now, I need answers from him. If that woman is someone I know or someone he's actually seeing behind my back. I need to know if my overthinking was worth it, or if my thoughts were right.
I need to know if... Kian is actually just... fooling me.

Book Comment (38)

  • avatar
    DiandaJhoy

    gfcydigijgdysyvibibvvkk onmppnpnppnnphiyrxcvhcsk

    20d

      0
  • avatar
    Marjorie Alfante

    plsss 🙏🙏🙏

    07/08

      0
  • avatar
    Shayera Louisse Francisco

    so very nice

    11/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters