logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 22

HAILA'S POV
                Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa binigay ni Sir Rhaiven sakin.Natutuwa ako na parang hindi.Hayts! Basta ang gulo ng nararamdaman ko.At paano nya kaya nalaman na paborito ko ang ubas? Hala! Nakikita nya kaya ang ginagawa ko sa dining table nila lagi pag ako naglilinis dun? Nakakahiya!
Pero bakit ganun? Inaasahan ko na may sasabihin sya dahil iniwasan nya ako ng ilang araw.Gusto ko man syang kausapin hindi ko kinaya dahil sa hiya.Batid ko ay dahil sa nangyari,naiintindihan ko naman sya e.Maski ako walang lakas ng loob para harapin sya.Naging tahimik ang nagdaang araw ko dahil hindi kasi nag iimikan ni Sir.Masasabi kong masaya kaso iba talaga pag sanay kang may kabangayan ka araw araw.Ganun na lang talaga ang gulat ko ng pumunta sya sa likod bahay at inabot ang isang supot ng ubas.Nagdadalawang isip pa ako kanina kung tatanggapin ko.Nahihiya din kaya ako kahit pa man takam na takam ako sa ubas.
Pagkabigay nun sakin ay tumakbo ako papunta sa kwarto namin.Naramdaman ko naman na sinundan ako ni Manang Erica at napag usapan namin ang tungkol sa bagay na yun.Madami syang katanungan gaya ko.Kay manang ko nalaman na nagtanong pala si Sir sa kanya bago pumunta sakin.Kinikilig si manang sa maliit lang na bagay.Ni hindi ko mga maramdama yun e.
"Alam mo hindi na ako magtataka kung bakit ka binigyan ni Sir Rhaiven ng ganyan eh.Siguro nagsisimula na syang manligaw sayo ihhhh" kinikilig na tugon nya habang nakaupo sa tabi ko.Kanina pa sya nang iingay habang ako nag iisip ng malalim.
"Ligaw agad? Eh sinabi nya nga kaninang peace offering eh.Eto oh may sulat pa syang iniwan sa loob ng supot..."wika ko at inilabas ang maliit na papel na may nakasulat na "sorry".
"Ay sabi ko nga oa ako.."wika nya at nawala ang ngiti nyang napakatamis kanina."Pero bakit ganun,imbes na sinulat nya ang salitang "sorry",dapat sinabi nalang nya sayo ng harapan para mas damang sincere sya."
Maski ako ay ganun din ang naisip.Hindi naman mahirap sambitin ang "sorry" bakit kaya sinulat pa nya?
"Ewan ko dun.Alam mo bang pagkabigay nya sakin neto ay iniwan na nya ako.Napakawirdo nya.Pakiramdam ko tuloy ako ang may kasalanan sa nangyari eh..."wika ko na nakayuko habang nilaro-laro sa daliri ko ang piraso ng papel na kasama saa binigay ni Sir.
"Anong kasalanan mo? Hindi mo kasalanan,kahit saan anggulo mo tignan hindi ikaw ang nagkamali.Eh diba nga sabi mo pa hindi mo naman sinasadyang mailagay mo yung picture na yun sa folder ni Sir Rhaiven.Huwag kang mag-overthink.Pasalamat ka nalang at natauhan sya kaya nagsorry sayo kaso dinaan nya lang sa sulat.."
"Eh anong gagawin ko?"tanong ko ng diretso.Kailangan may gawin na ako para magkasundo na kaming dalawa.Mahirap tong sitwasyon namin na daig pa namin ang mag asawa.
"Wala"tipid nyang sagot kaya nagtaka ako.
"Wala? Ganun lang yun? As in wala akong gagawin?" Depensa ko.Alangan naman na tumunganga nalang ako at maghintay sa kawalan.Ang susi lang para hindi ako mawalan ng trabaho ay makasundo ko sya.Pero mukhang mahihirapan ako dahil sa ugaling meron sya.Hayts! Bakit ba ginugulo mo ang utak ko Sir?!
"Oo,wala kang gagawin kasi ikaw ang babae.Hayaan mong suyuin ka nya o di kaya hayaan mong sya ang gumawa ng paraan para magkaayos kayong dalawa.Ganun lang kasimple..."sagot nya.
Imposible naman na gagawa yun ng paraan para magkaayos kami.Baka ibang paraan ang magawa nya na imbes maayos ang gulo namin ay mapalayas nya ako.Kilala ko pa naman ang isang yun.Amoy na amoy ko ang kademonyohan ng utak nya.Psh!
"At naniniwala ka naman Manang na sincere yun? Aba!  Malay naten kung palabas lang tong pabigay-bigay nya ng ubas para sa ganun makuha ang loob ko't mapalayas nya ako.Hindi naten alam ang takbo ng utak nun at natatakot ako kung ganun man ang balak nya talaga..."sambit ko at nasa malayo ang tingin.
Kung ganun man ang binabalak nya,kailangan kong ihanda ang sarili ko.Hindi ko alam pero ang dami na naman tumatakbo sa isip ko na puro negatibo.Normal lang naman ito pero napakabigat sa pakiramdam.
"Malay naten sincere talaga,wala namang mawawala kung maniniwala  tayo eh.Saka isipin mo,sa tingin mo magsasayang sya ng pera pambili ng ubas kung hindi sya sincere?"tanong nyang deretso sakin at napaisip naman ako.
Oo nga no,bakit hindi ko naisip yun?Sa ugali pa naman nun,ayaw magpatalo.Kahit talo sya sa bangayan namin,ayaw nya paring magpatalo ganun sya kapalaban.Napapaisip tuloy ako kung sincere talaga sya o hindi.Pero sa mungkahi ni Manang na magsasayang ba sya ng pera ay mas lalong dumagdag sa palaisipan ko.At may punto naman sya eh,kung ako ang palaban,bakit pa ako magsasayang ng pera makipag ayos lang?hayts!
"Naguguluhan ako..."wika ko at nasabunot ang aking buhok sa inis.Hindi ko talaga alam ang gagawin.Kung alam ko na dapat kanina pa ako tumakbo papunta sa kanya at makipag-ayos,kaso hindi.
"Kainin mo nalang yang ubas na binigay nya,baka yan ang susi sa puso mong gulong-gulo hehe..."biro nya sakin at nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin.
"Isip ko ang naguguluhan hindi puso manang" inis kong depensa.Iba na naman kasi ang iniisip ng isang to eh.At wala akong panahon para dun.Kailangan maayos ko ang gulo na ito dahil kung hindi baka saan pa ang tungo nito at ikapahamak ko.
"Owwkay sabi mo eh.Maiwan na kita dahil may trabaho pa ako at ikaw huwag masyadong mag assume.Mamaya na ulit naten pag usapan ang problema mo baka masisante tayo e.Huwag ka din magpadala sa ubas lang huh?"wika nya at tinap ang kanang pisngi ko bago nya ako iwan.
Naiwan na naman akong madaming tanong ang tumatakbo sa isip ko.Sa sobrang lutang hindi ko namalayan ang oras.Mabilis na nagdaan ang oras at naramdaman kong dumaan ang pananghalian pati rin ang hapunan na lutang ang isip ko.Pasalamat ko nalang at hindi iyon napansin ng mayordoma at talagang yari ako kung sakali.Buti at nagawa ko ang lahat ng trabaho ko ng maayos.Minabuti din ni Manang na hindi na muna ako kausapin sa mga nagdaang oras dahil okupado ang isip ko.Hindi ko na din nakita pa si Sir Rhaiven mula ng maibigay nya ang ubas sakin.Hindi na ako magtataka dun,siguro kaya ko ay lutang din ang isipan.
Namalayan ko nalang ang sarili kong nakahiga sa aking kama.Tahimik na ang buong mansyon at pati tunog ng orasan ay rinig ng dalawang teinga ko.Tumingin ako sa wall clock at gulat ako ng alas nuebe na't hindi pa ako dinadalaw ng antok.Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang aking palad.Hindi ko akalain na mahabang oras ang ginugol ko sa pag iisip.Pakiramdam ko ay kanina lang kami nag usap ni Manang at ngayon ay gabi na.Hayts! Ano ba tong nangyayari sakin? Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa aking kama.Tumingin ako sa mesa na kung saan ko inilapag ang supot ng ubas.Hindi ko pa pala kinakain yun.Basta ko nalang ito inilapag kanina dahil lutang ang isip ko.Kinuha ko ito at tinignan ng matagal.
Napangiti ako ng hindi malamang dahilan.Masaya ako kasi mukhang magkakasundo na kami ni Sir.At may halo ding takot dahil hindi mawala sakin ang usapan namin kaninang umaga ni Manang.Sana lang ay makisama ka na Sir dahil kailangan ko ng trabaho alang-alang sa lola ko.
Hindi ako makatulog kaya naman tumayo ako at nagtungo sa kusina.Iinom nalang ako ng kape para sa ganun ay antukin ako.Maingat ang pagbukas ko ng pinto dahil tulog ang mga kasama ko,ayoko silang magising dahil maski sila ay pagod din sa trabaho gaya ko.
Abala ako sa pagtali ng buhok ko nang may naaninag akong tao sa may sala.Napatigil ako sa aking ginagawa at tinignan ng mabuti kung sino yun.Baka mamaya ay magnanakaw pero imposible yun dahil doble ang lock ng bawat pintuan ng mansyon. Dahan dahan akong lumapit at doon ko napagtanto na si Sir Rhaiven iyon.
"Ehemm.."pekeng ubo ko ng medyo malapit na ako sa kanya kaya naman nakuha ko ang kanyang atensyon.Inaasahan ko ng magugulat sya sa pagdating ko."Bakit gising pa kayo Sir?" Minabuti kong hindi mautal para di ako mapahiya sa kanya.Bigdeal pa naman sa kanya ang mautal ako at talagang iisipin nyang naiilang ako sa kanya.
"Im just waiting for Rhaivee.."tipid nyang wika at tumulala sa kawalan.Noon lang sya sumagot ng malumanay sakin at para bang hindi interesado na kausap ako.
"Ahh ganun po ba?" Kagat lagi ako pagkatapos nun."Gusto nyo magkape Sir? Ipagtitimpla ko kayo para hindi kayo antukin kakahintay sa kapatid nyo..."wika ko na nakatingin sa kanya ng diretso.Nakahiga kasi sya sa may sofa na para bang bata na pinilit pagkasyahin ang katawan.
"Hindi ako umiinom ng kape.."walang emosyon na sagot nya.Natatawa man ako pero pinigilan ko iyon.Para kasi syang bata na naagawan ng laruan sa lagay nya.Walang kaemoemosyon at makikita sa kanyang wala sya sa mood makipag usap.
"Ay oo nga po pala hehe"saka ako kumamot sa ulo ko."Edi gatas nalang po kung hindi kayo umiinom ng kape.Sige po Sir maiwan ko muna kayo magtitimpla lang po ako.."wika ko at wala manlang ako natanggap na sagot kaya naman tinalikuran ko na sya't nagtungo sa kusina.
Nagtimpla ako ng gatas para sa kanya at kape naman sakin.Naghanda rin ako ng cookies para kahit papaano ay may kainin kami dahil sasamahan ko sya sa paghintay kay Maam Rhaivee.Hindi pa naman ako inaantok.At pagkakataon na din yun para makausap ko sya.Mukhang wala sya sa mood pero ayos na yun kesa sa dati na halos bulyawan ako.
Hindi matagal ang ginugol ko sa paghahanda.Nang matapos ay maingat akong pumaroon sa sala at nadatnan ko parin sya na nakahiga.Nakakatuwa syang tignan.Para syang bata na walang kaalam alam sa mga nangyayari sa mundo.
"Sir here's your milk and syempre naghanda na din ako ng cookies para kapag nagutom ka ay may kakainin ka.."wika ko at inilapag sa malapit na mesa ang mga dala ko.Pinanood nya lang ako na nakakunot ang kanyang noo.Alam kong nagiging wirdo ako pero kailangan ko itong gawin magkaayos lang kami.
"Thanks.."tipid nyang sagot.Kinuha nya ang baso ng gatas at uminom nun.Medyo mainit kasi ang gatas na inihanda ko para sa kanya.
Tumango lang ako at kinuha ang tasa na may kape saka ako umupo paharap sa kanya.Nanlaki ang mata nito na nakatingin sakin.
"What are you doing?"tanong nya na nakakunot noo.Siguro hindi nya malaman kung bakit ako umupo.Kung ano nga ba ang dahilan ko.
"Nakaupo po Sir tas nagkakape.."sagot ko at nginitian sya pero walang nagbago sa itsura nya.Mas lalo pa atang sumama ito dahil sa sagot ko.
"I know na nakaupo ka,what im asking is bakit pa?You can leave now,maaga ka pa bukas sa trabaho mo dito sa mansyon.."usal nya.Inilapag nito pabalik ang baso ng gatas saka isinandal ang katawan sa pang isahang sofa.
"Sasamahan po kita Sir.."tipid kong sagot.
"What?" Gulat na tanong nya na deretso ang timgin sakin.Nakakagulat ba na sabihin kong sasamahan ko sya? Ang wirdo naman to kala mo naman nasa horror film kung makasigaw.
"Kawawa naman po kayo kung iiwan ko kayo dito mag isa.Saka gabi na po baka magsilaban mga multo hehe.."
"Tss! Im not scared to that stupid ghost.And besides i dont need you here.Kaya ko mag isa kaya makakaalis ka na..."pagsusungit nito at nagdekwarto ng panglalaki.Iba din ito jusmi choosy pa.Psh!
"Si Sir naman ang kj"saka ako kumamot sa buhok ko."Sasamahan na nga po kita kasi hindi po ako inaantok.."pagpupumilit ko.Nakita ko nalang sya na napabuga ng hininga at umirap sa gawi ko.
"Eh hindi nga kita kasi kailangan dito bakit ba ang kulit mo?"muli ko na naman nakita ang mukha nya kapag naiinis.Ilang araw ko itong hindi nakita kaya iba nalang ang tuwa sakin.
"Sige ka Sir kukunin ka ng mumu dito awuuuu!" Saka ako umungol na parang aso  para takutin sya pero mukhang walang epekto iyon sa kanya.
"Wala akong pake.."pagtataray nito at iniiwasan ang tingin sakin.
"Kung hindi ka magpapasama sakin Sir ibig sabihin nun krass mo ako yiee sige subukan mo ko Sir haaha!"asar ko sa kanya at tumingin ng masama sakin.Yung tingin na para syang nandidiri.Haha!
"Tss! Bahalakajan.."usal nya at inalis na ang tingin sakin.Tawa nalang ang nagawa ko at ng natauhan ay tumahimik na din ako.Baka sabihin nya baliw ako sa lagay kong ito.
"Sir" tawag ko sa kanya at nakuha ko naman agad ang atensyon nito."Bakit nyo po ako iniwasan nitong nakaraang araw?"prangka ko sa kanya na ikinagulat nya.
Pakapalan nalang ng mukha.Gusto ko talaga malaman ang dahilan nya.Matindi kayang ilang ang pinagdaanan ko kung alam nya lang.Sa pagsilbi sa kanya pagkakain sya at lalo na pagpumapasok ako sa kwarto nya nilalamon ako ng hiya.Hiya na halos ayokong ipakita maski dulo ng daliri ko.
"Anong klaseng tanong yan? Tss.."
"Edi tanong po...Sige na Sir sagutin nyo na po"
"Pano pag ayaw ko?"
"Si Sir talaga ang kj grabeee!"
"Tsss"
"Sige na Sir sagutin nyo na po parang nagtanong lang eh.."saka ako umakto na parang bata mapagbigyan lang.Gusto ko talaga malaman.Desperada akong malaman ang dahilan nya para masagot lahat ng katanungan na lumalason sa isip ko.
"Tumahimik ka nga,ang ingay mo!"sita nya sakin na pilit umiiwas na sagutin ang tanong.
"Tatahimik po ako pagkasinagot nyo na po yung tanong ko hehe"
"WALA"
"Huh? Anong wala po Sir?"
"Wala ang sagot ko sa tanong mo.So ngayon tatahimik ka na siguro no?"
Napakamot na naman ulit ako sa buhok ko.Kahit kailan talaga wala kang matatanggap na matinong sagot mula sa taong yan.Nakakainis.Akala ko bibigay na sya sa kakulitam ko hindi pala.
"Yun lang Sir? As in wala lang? Wala kang explanation Sir?"sunod sunod na tanong ko.Hindi ako kontento sa sagot nya sa tanong.Parang may salita akong hinahanap mula mismo sa kanya at nais ko talaga iyon na marinig.
"Sasamahan mo ba talaga ako o mangungulit ka sa mga walang kwentang bagay!" Inis na tugon nya at bigla akong nahiya.
"Nagtatanong lang eh"saka ako ngumuso.Napalahighblood naman neto.Psh! Wala talagang pinagbago ang isang to.Sarap ibalibag sa sahig.
Minabuti ko ng manahimik.Nabalot ng katahimikan ang buong sala.Tahimik akong sumimsim ng kape at ganun din sya.Sumusulyap ako sa kanya pero hindi manlang nagtama ang aming tingin.Siguro nag aalala lang sya sa kapatid nya kasi lumalalim na ang gabi.At hindi ko alam nakakaramdam din ako ng kaba lalo na babae si Maam Rhaivee baka may nangyari na sa kanyang hindi maganda.Sana mali lang ako ng iniisip.
"Ahh Sir salamat pala dun sa ubas na binigay mo ha.."wika ko at tumingin sya sakin.Hindi nya siguro inaasahan na sasabihin ko yun sa kanya.
"Uhmmm"tipid na sagot nya sakin at umiwas na.Napakawirdo nyang kausap grabe.Pasalamat sya nagthank you pa ako.Ano bang nangyayari sayo?Ganyan ba epekto ng pag iwas mo sakin ng ilang araw? Psh!
"Pano nyo po pala nalaman na gusto ko ng ubas?"nagtatakang tanong ko ulet.Hindi ko naman nasabi sa kanyang paborito ko yun e.Yun lang kapag nakikita nya ang ginagawa ko sa dining table nila.Shock! Nakakahiyaa!
Tumingin sya ng nakangisi sakin.Natuwa naman ang ilang parte ng dibdib ko.Imbes na maasar ako ay natuwa pa talaga ako.Namiss ko lang yung pagiging ganyan nya.Hehe!
"Tss! Akala mo siguro walang nakatingin sayo kapag naglilinis ka dun sa dining table namin hahaha"mahinhin pa itong tumawa.Nagulat ako sa sinabi nyang iyon.Pakshet! Nakakahiya lamunin na ako ng lupa.Ngayon naaaa!
Napakagat ako ng pang ibabang labi saka yumuko.Nahihiya talaga ako.Bakit hindi ko manlang naisip na meron isang Rhaiven na matalas ang mata? Baka isipin nyang patay gutom ako.Ano ba naman yan!
"Tumikim lang naman po ako e masama po ba iyon?"depensa ko at ngumuso.
"Ahh tumikim ka lang kaya pala naubos na yung grapes dun.."prangka pa nya at pinagkrus ang mga braso.Diretso syang nakatingin sakin at nakangisi pa.Ayun na naman ang ngisi nyang panimula  ng away eh.
"Eh sayang po yun kapag nabulok eh kaya kinain ko na lahat..."
"Hahaha! Tirador ng grapes" asar nya sakin at nainis naman ako dun.Tinawag pa akong tirador ng ubas.Wow ah! Ubas lang naman yun e.Eh sa nasasayangan ako baka mabulok yun.Palibhasa mayaman kaya hindi nasasayangan sa mga pagkaing pwedeng mabulok.
"Parang yun lang"singhal ko.Natawa naman sya sa itsura ko.Inis na inis ako e.Pinapahiya nya ako sa simpleng ubas lang na kinain ko.Aba! Kahit sino naman maglalaway sa grapes e lalo na ako.Paborito ko yun kaya gagawin ko lahat makakain lang nun.Bihira lang ako makatikim ng ganun kasi wala akong pambili.Ngayong libre lulubusin ko na.Masama ba?
"Hoy"tawag nya sakin matapos tumawa.Napatingin naman ako at bumungad sakin ang seryosong mukha nya."Im sorry..." wika nya na ikinagulat ko.Nang mapansin ang pagtataka sa mukha ko ay umiwas sya agad ng tingin sakin.Siguro nailang sya kaya ganun nalang ang kilos nya.
May halong tuwa at hiya ang nararamdaman ko.Natutuwa ako sapagkat ngayon narinig ko na mismo sa kanya ang katagang nais kong marinig.Iba ang dulot nun sa sistema ko at pinabilis pa nito ang tibok ng aking puso.Saglit na nabalot ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.Nagpaulit ulit sa utak ko ang katagang lumabas sa bibig nya.
"Im sorry"
"Im sorry"
"Im sorry"
"Im sorry"
"Im sorry"
Napangiti ako at ayun sya nakayuko parin sa hiya.Hindi ko akalain na sasabihin nya sakin yun.Napakawirdo ng lagay namin at gusto kong magsalita kaso para bang may sariling utak ang bibig ko't ayaw bumuka.Sobrang sarap sa pakiramdam.
"Naks! Alam mo pala magsorry Sir ha! Ayiee sabihin mo nga ulit Sir.Sarap kasi sa pandinig ko e.."asar ko sa kanya at dinuro ang teinga ko.
"Tss! Wag na narinig mo na eh.."
"Isa lang po eh sige na"
"Yan ka na naman ah"
"Di na ako mangungulit pag pinagbigyan nyo ako Sir pramis!"usisa ko at tinaas ang kanang kamay.
Napabuga nalang sya ng hininga.Siguro naubos na ang pasensya nya sakin.Kahit kelan napakaikli ng pasensya ng taong to.
"Im sorry...oh ano okay na?"
"Hihihi! Bat ka nagsosorry Sir?"asar ko dahil gusto kong may marinig syang paliwanag.
"Kailangan pa bang malaman yun? Tss!" Inis na singhal nya sakin.Napakabilis naman nyang mainis.Ang kj talaga.
"Syempre Sir para perfect package, kasi may peace offering ka,nagsorry ka din at dapat may explanation din para dama hehe..."
"Tss! Masyado kang abusado.Alam mo naman yung nangyari kaya bakit kailangan ko pang mag explain? Dami mong arte!"
"Si Sir talaga  nilamon ng killjoy psh!"
"Hindi ako kj sadyang maarte ka lang.Dami mo pa kasing satsat dyan e sapat ng narinig mo yun sakin."
"Oo na Sir,oo na may puso ka na hehe."
"Tss!"
Humagikgik ako ng tawa at pinagmasdan sya.Pinagdilatan naman nya ako saka inirapan.Para syang babae kung umasta.Napakacute nya.Bihira lang ako makakita ng lalaking maattitude.Totoo ang sinabi ng kaibigan ko na nakakaattract ang lalaking maattitude.Hayts! Bakit parang gumagwapo sya sa paningin ko kapag nagsusungit?Pakiramdam ko sa oras na ito ay nabura lahat ng pangamba at takot sa puso ko.Sa paraan na nagsorry sya sakin ay halos nalunasan nya lahat yun.Iba talaga sa pakiramdam.Akala ko kasi magmamatigas sya't hintayin ako pa ang makipag ayos.Kahit wala syang explanation alam kong sincere sya.Sa mukha nya kanina ay dama at ramdam kong bukal sa puso ang paghingi nya ng tawad sakin.Pero hindi ko kailangan magpakampante dahil posibleng mangyari ang kinakatakutan ko.Kailangan kong maging handa kahit nagiging mabuti na ang pakikitungo nya sakin.
"Sir kailan nyo ako matatanggap bilang yaya nyo?"tanong ko.Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para matanong yun sa kanya.Yun kasi ang pangunahing gumugulo talaga sa isip ko na nais ng kasagutan.
Napatingin sya sakin at nawala ang mga ngiti ko na suot kanina lamang.Natauhan ako sa tanong na binitawan ko.Mukhang hindi maganda ang tanong ko na yun sa kanya.Iba yata ang naging epekto nun saming dalawa.
Rinig ko ang bawat pagkawala ng hininga naming dalawa.Hindi nya ako magawang sagutin at nakatingin lang sya ng makahulugan.Pero kailangan ko ng sagot.Sagot na kayang pakalmahin ang buong sistema ko.
Ganun na ba ako kahirap tanggapin bilang yaya mo Sir?.....

Book Comment (146)

  • avatar
    Tissie Akut Aplaon

    ang ganda po. ready nako makapagpuyat ngayun. kaso nabitin. tulog nalang ako😪 peru hihintayin kopo ang book 2.

    13/01/2022

      1
  • avatar
    Mel Martinez Zerna

    i love the story

    1d

      0
  • avatar
    Jhazmine Tinaliga

    Ang Ganda sobra

    19d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters