logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 19

RHAIVEN'S POV
Pagkarating sa bahay ay hindi ko na pa inayos na ipark ang kotse ko basta ko nalang binigay ang susi sa bodyguard upang sya nalang ang gumawa nun.Hindi ko din nakuha ang bag ko sa pagmamadali pati na din ang pizza na binili ko.Basta dere-deretso nalang ang pasok ko sa kabahayan.I-snob ko nalang din ang mga maid na bumati sa akin.Dumiretso ako sa kwarto ko baka sakaling nandun ang babaeng yun.At hindi nga ako nagkakamali nandun nga sya at inaayos ang punda ng unan ko.
"BLAGGGGGG!" tunog ng pintong padabog kong isinarado dahil sa inis.Nakuha ko naman ang atensyon nya.
"Hoy mag usap nga tayo.."bungad kong singhal sa kanya pero lalo pa akong nainis ng humarap syang nakangiti sa akin.Nananadya ba sya o sadyang may saltik ang utak nya? Tsk!
"Hello Sir.."saka sya kumaway sakin."Ano pong pag uusapan naten? Yun po bang bayad na ipinangako nyo kagabi sakin?"masiglang tugon nya at kimikislap pa ang kanyang mga mata.
"NO!"Taas boses kong sagot na kanya namang ikinagulat."We're talking about how STUPID you are.."diin ko pa sa inis.Namilog naman ang mata nya sa gulat.
"Stupid? Tanga?"
"Oo yung KATANGAHAN MO MISMO!"
"Ehhh?"
Hindi na ako nagsalita pa at inilabas ang picture na nasa bulsa ko.Ipinakita ko sa kanya at iyon na naman ang painosente nyang mukha.
"Ano to ha?"
"Picture po"
"Alam kong picture hindi ako tanga gaya mo"
"Eh nagtatanong ka po eh.."
"Pwede bang sumagot ka ng maayos huh? Ginagalit mo ako eh.."
"Galit agad Sir? Sumagot lang ako eh.."kamot pa nya sa kokote nya.Tsk! Bakit ba ang tanga nya.Sya na ata ang pinakaslow na tao na nakilala ko.Tsk!
"Bakit napunta sa project ko to ha?Sinabi ko bang maglagay ka ng ganito?" Singhal ko at napatakip sya ng bunganga.
"Ahhh ehhhh..."
"Alam mo bang alanganin yung grades ko dahil sa katangahan mo ha?! Now tell me sinong matutuwa sa ginawa mo?!"bulyaw ko.
"Ehh...Akala ko po kasi kasali yan e kaya ginupit ko at sinali dun sa nakafolder.."paliwanag nya at yumuko.
Sobrang tanga nya...
"WHAT?" Hindi makapaniwalang tugon ko."Tsk! At sino namang teacher sa tingin mo ang magpapasubmit ng ganito?Bobo ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang?"hindi ko na pa mapigilan ang sarili kong magmura.Grades ko na kasi ang usapan e kailangan kong imaintain yun ayon sa gusto ni Mommy.
"Eh sorry na po...Malay ko ba kung kasali yan
o hindi..."
"Letche mo!"wika ko at napahawak sa sentido ko.Pakiramdam ko sasakit ang ulo ko sa babaeng to.Wala ng binatbat eh.Hindi sya makatingin ng diretso sa akin.Nasa sahig ang tingin nya at kapit na kapit sya sa basahan na hawak.
Ngayon mo ipakita ang kaangasan mo.Wala ka din pala kapag nagwala ako sa harapan mo.Para kang baliw na iniwan kung saan.Tsk!
"Alam mo ikaw mula ng dumating ka halos kamalasan na ang nangyayari sa akin.Nung wala ka ang tahimik ng buhay ko hindi gaya ngayon na umaga palang halos sira na ang araw ko!"bulyaw ko.
"Eh kaya nga po ako nagsosorry diba?"
"At anong magagawa nyang sorry mo? Mababawi ba nyan ang pagkapahiya ko sa harap ng Teacher ko ha?"
"Hindi ko naman po sinasadya eh..."
"Sinadya mo dahil nga may galit ka sakin.WALA KA NA NGANG SILBI PURO PROBLEMA PA BINIBIGAY MO.F*ck you!" Bulyaw ko at napatingin sya ng masama sakin.Padabog nyang ibinagsak sa sahig ang hawak nyang panlinis.Aba! Gusto pa ata nyang lumaban.Tsk!
"Sir mawalang galang na po ha,may atraso din naman kayo sakin pero hindi ko po kayo minura ng ganyan.Akala nyo po ba wala lang sakin yung about kaninang umaga? Hindi ko na po iyon pinansin pa kasi amo ko kayo pero sumusobra na po yang bunganga mo eh.Nakakabastos ka na po!"
"At ako pa ngayon ang bastos ha? Anong tawag dun sa ginawa mo?"
"Eh nagsorry na nga po ako diba? Kaso nag iinarte pa kayo.Hindi ko nga po yun sinasadya,ano pong mahirap intindihin dun?"
"At pinagbintangan mo pa talaga ako.."
"Ang galing.."saka sya pumalakpak na ikinais ko lalo."Huwag ka nga painosente dyan dahil alam kong ikaw ang may gawan nun sakin kaninang umaga.Hindi na ako pwdeng magtaka e kasi malayo ka palang alam kong kagagawan mo na yun..."mataray na paliwanag nya.
"And so? Ano magagawa mo ngayon? Wala diba?"
"Kita mo na? Demonyo ka talaga eh.."saka pa ako dinuro.Ayaw talaga paawat ng babaeng to.Para ba syang makikipagpatayan sa lagay nya.Tsk!
Napakagat ako ng labi at tinignan sya ng masama pero bakas sa mukha nyang di sya natatakot.Napakapalaban nya talaga.Konti nalang mapagbubuhatan na kita ng kamay kingina ka.
"Tsk!Mas dedemonyo pa ako pag dimo pa itinikom yang taenang bunganga mo!"
"Asus! Bakit? Naubosan ka na ba? Ang malas mo naman!"
Mas lalo akong nag apoy sa galit.Sinusubukan mo talaga ako eh.Sobra na tong pinapakita mo sakin at hindi na ako papayag na dagdagan mo pa.Masyado ka ng madaming atraso.Kababae mo pa namang tao.
"Hoy"dinuro ko sya sa mukha."Ayaw ko ng makita pa yang pagmumukha mo dito ha?Pag yan nakita ko pa tatadyakan ko talaga kaya lumayas ka na dito! I dont need you anymore!"bulyaw ko sa kanya ng sagad.
Tinaasan nya ako ng kilay at pinagkrus ang dalawa nyang braso.Takte nya! Ginagalit nya talaga ako.
"At sino ka naman para palayasin ako? Pagkakaalam ko si Sir Russel ang amo ko dito at hindi ikaw.Alaga lang kita hindi kita AMO!"pagdidiin nya pa sa huli.
"GET OUT OF MY SIGHT!"sigaw ko.
"Nyenyenye! Talagang aalis na ako dito dahil baka mahawa ako sa kademonyohan mo!"asar nya pa sakin kaya kinaladkad ko sya papunta sa may pintuan
Pilit syang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko dahil yata sa sakit dahil mahigpit iyon.Pero hindi ko iyon pinansin kinaladkad ko parin sya.Saka ko padabog na hinablot ang kamay ko na nakahawak sa kanya.Ang sama ng tingin nya sakin.Para syang bata na inagawan ng laruan.Sobrang talim at ngayon ko lang sya nakita na ganun tumingin.At ano ba naman ang pake ko!
"YOU'RE FIRED! Lumayas ka na dito NGAYON DIN!" sigaw ko sa kanya at padabog na isinarado ang pinto.Habol ko ang hininga ng maisara ko iyon.Pakiramdam ko napagod ako sa pakikiagbangayan sa kanya.
Padabog kong inihiga ang sarili ko sa malambot kong kama.Sana talaga lumayas na ang babaeng yun.Hindi ko na pa kakayanin pag nakita ko pa sya.Galit na galit ako sa kanya lahat ng sa kanya.Hindi ko alam kung bakit,hindi naman ako ganun sa ibang babae.Sa kanya lang talaga.Dahil ba nakakaya nya akong kalabanin kaya ako naiinis? Oo nga siguro dahil sya palang ang ganun sa akin na nakilala ko.
Nawalan na ako ng gana na kumain.Nagkulong nalang ako sa kwarto ko at nanood.Makalipas ang ilang minuto at dinalaw na ako ng antok.
HAILA'S POV
Hindi ko na pa kayang itago ang totoo kong nararamdaman.Nang kaladkarin ako ng demonyo kong alaga ay may bumagsak na isang butil ng luha sa pisngi ko.Kaagad ko iyong pinunasan at dalidali bumaba.Dumiretso ako sa banyo at doon inilabas ang sakit na nadarama ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang galit nya sakin.Sana maintindihan nyang kaya ako nagtratrabaho ay para sa gamutan ng lola ko.Kung hindi ako magtratrabaho saan kami kukuha? Alangan na mamalimos kami sa bangketa.Kahit kailan wala syang puso.Hindi nya matanggap na mali sya.Ako tanggap ko ang mga kamalian ko bilang kasambahay sa kanya.Pero hindi naman yata tama na ganun ang ipakita nya sakin.Nakakabastos na sa akin ang ganun e.Sa totoo lang sya palang yung unang alaga ko na nahirapan ako.Nahihirapan naman talaga ako sa kanya e hindi ko lang pinapakita.Alam kong igrab nya ang kahinaan ko kung ganon kaya mas mabuting hindi nalang nya malaman.
Humagulgol na ako sa iyak.Tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad ko.Maingat ako dahil baka may makarinig sa akin.Ayokong malaman pa ito ng mga kasamahan ko.Alam kong magsusumbong sila ni Sir Russel at iyon pa ang ikagalit ng alaga ko.
The way na sigawan nya ako kanina pakiramdam ko bumaba ang lakas ng loob ko.Sinabihan pa nya ako ng walang silbi.Ano sa tingin nya ang sinasabi nya? Halos mahirapan na nga akong pakisamahan ang napakasamang ugali nya e.Ang tanda na nya hindi pa nya alam gumalang at rumespeto.Mas marespeto pa yata ang bata kaysa sa kanya.
Hindi manlang nya kayang ikontrol ang emosyon nya.Sugod sya sugod na akala mo naman digmaan ang nagaganap.Kaya ko naman akuhin ang kasalanan ko e pero hindi ko naman talaga sinasadya na mailagay yun sa folder nya.Nagulat nalang ako ng pumasok sya at para bang leon na galit na galit.Minura ako at sinigawan na akala mo naman kung sino.Tanggalin pa naman ako sa trabaho.At ganun nalang kadali sa kanya.Hindi manlang nya naisip na kinakailangan ng trabaho para lang mabuhay.Palibhasa anak mayaman at hindi alam ang hirap.Sabagay wala talagang puso ang mga demonyo.Psh!
Pero sino ako para magpaapekto.Wala syang karapatan na palayasin ako dahil ang tatay naman nya ang amo ko dito.Sya ang kasama kong pumirma sa kontrata at hindi ang anak nyang kampon ni satanas.
Pinunasan ko ang mukha ko na nabasa ng luha saka tumingin sa salamin.Kaya mo yan haila pakatatag ka.Hindi sya ang makakahadlang sa lahat.Alaga mo lang sya at amo tandaan mo yan.Pinakalma ko ang aking sarili at inayos.Tama,hindi ako papatalo sa demonyo na yun.Para kay Lola gagawin ko lahat pero kapag sya na sumobra makikita nya talaga.
Bago lumabas ng banyo ay inayos ko muna ang sarili ko.Pagkalabas ko ay bumungad si Manang Erica na tumingin ng diretso sa akin.Umiwas ako ng tingin dahil namamaga talaga ang mata ko sa pag iyak.
"Okay ka lang ba? Namamaga yang mata mo ah nyare sayo?"nag aalalang tanong nya pero nakayuko paden ako.Ayokong sabihin kahit na sino ang nangyari samin ni Sir Rhaiven.Alam kong magsusumbong sila at madadali talaga ako kung sakali.
"Wala po okay lang po ako..."pagsisinungaling ko saka nginitian sya ng peke.Pinakita ko nalang na okay ako kahit hindi.
"Huwag ka ngang magsinungaling,narinig ko na nag away kayo ni Sir Rhaiven kanina.Ano sinaktan ka ba nya? Sabihin mo sakin?"usal nya.
Bumuntong hininga nalang ako dahil ayokong pag usapan ang bagay na iyon.Alam kong mapupunta na naman sa ibang usapan kaya mas mabuti ng umiwas.
"Pasensyahan mo na yun ah,ganun talaga yun mula ng dumating ako dito"wika nya at linapitan ako't hinawakan ang dalawang kamay ko.Makikita ko sa mukha nya na nag aalala sya sakin.Salamat nalang talaga at naiintindihan ako ni Manang Erica.Kahit papaano alam kong may nag aalala sakin.
"Wag po kayo humingi ng pasensya,sya dapat ang nagsasabi nyan at hindi kayo.."
"Lakasan mo ang loob mo,sya lang yun at naniniwala akong kaya mo syang paamuin.Konting tyaga lang makukuha mo din ang loob nun.Ikaw pa e ang tapang tapang mo.."
"Sana nga po kayanin ko..."
"Kaya mo kung hindi ka magpapaapekto sa mga sinasabi nya.Kahit ganun sya kasama pakisamahan mo nalang.Parehas naman tayong may pamilyang sinusuportahan.Tiis tiis lang ang magagawa naten..."
"Pinapakisamahan ko naman po kaso mas masama pa sa hayup ang ugali nya.."
"Ganun yun apekto padin sa pagkawala ng pinakamamahal nyang yaya intindihin mo nalang.Trabaho na ito sanayin mo nalang ang sarili mo okay?"
Ngumuti ako sa kanya."Kung may galit sya sa pagkawala ng yaya nya,hindi naman ata tama na pati ako idamay nya.Kailangan ko ng trabaho at hindi mura't sigaw...."
Tinignan nya ako ng makahulugan.Niyakap nya ako at ramdam ko ang pag aalala nya sakin.Inayos at hinagod hagod nya ang likod ko na kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa.Hindi ko na pa napigilan na mapaluha.Humihikbi na ako kaya naman kumalas sya sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang pisngi kong nabasa ng luha.
"Huwag ka umiyak,nandito naman ako e hindi ka nag iisa.Matapang ka diba? Huwag mo iyakan ang kademonyohan nun magsasayang ka lang ng luha.Tahan na..."pagpapakalma nya sakin at inayos ang buhok ko.
"Salamat po Manang..."ngumiti ako.Natutuwa ako sa kanya ng todo.Hindi ko naramdaman na mag isa ako dito dahil sa kanya.Sana lang makayanan ko ito.
"Sige na bumalik ka na sa trabaho mo at nang makapagpahinga ka na mamaya.Nandun lang ako sa likod pag kailangan mo ako ha?"
"Sige po Manang salamat po ulit..."
Niyakap nya ulit ako sa huling pagkakataon saka nya ako iniwan ng tuluyan.Bumuntong hininga ako ng malalim.Itutuloy ko ito.Para kay lola kakayanin ko ito.Hindi ikaw ang magiging hadlang sa mga pangarap ko.Kayang kaya kita.Hindi mo lang alam na sa pagiging brutal mo sakin ay yun ang nagpapalakas lalo ng loob ko.
Sakto naman na tapos ko na ang gawain ko kaya tumulong na ako sa paghahanda ng hapunan.Hindi alam ng ibang kasama namin ang nangyari kami lang ni Manang Erica ang nakakaalam.Ayokong pati sila ay mag alala.Hindi naman ganun kalaki ang problema kaya mas mabuting hindi ko na ibahagi pa sa kanila.Sapat na si Manang Erica lang ang pinagsabihan ko.
"Haila tawagin mo na si Sir Rhaiven dahil nandyan na si Sir Russel sabay sabay na silang kumain.."utos ng mayordoma sakin.Nagkatinginan pa kami ni Manang Erica saka tuluyang kumilos.
At tama nga sya nasa hapag kainan na sina Sir Russel at Maam Rhaivee.Ngiti lang ako naiganti ko sa kanila saka dumiretso sa may hagdanan upang tawagin ang anak ni satanas.Kabado ako habang paakyat sa hagdan.Ano kaya ang magiging reaksyon nun kapag nakita nya ako? Siguro mag aapoy na naman sya sa galit.Hindi na ako pwedeng magtaka pa.Lakas. loob akong kumatok sa pintuan nya ng makarating ako sa tapat ng kwarto nya.Kaagad naman nya iyon binuksan at namilog ang mata nya ng makita ako.Ngumisi ako at kita ko na naman ang irita sa mukha nya.
"Oh What are you doing here? Pinalayas na kita diba?"sarkastikong tugon nya.
"Pagkakaalam ko din po isang taon ang kontrata ko dito at hindi dalawang linggo..."ganti ko na ikinais na naman nya.
"Tsk! Look who's talking...."saka sya umirap at pinagkrus ang dalawang braso."Kapal talaga ng mukha mo no wala kang kadala dala..."pagpapatuloy nya.
"Ha!"mapaklang tawa ko."Sir hindi naman po ganun kadali na lumayas ako kasi may kontrata na pinirmahan namin ng papa mo.Buti sana kung ikaw ang kumuha sakin at pwede mo akong palayasin kung kelan mo gusto.Eh ke malas malas mo hindi naman ikaw ang amo ko dito..."asar ko sa kanya at ngumiti ng peke.Ganyan nga selp ipakita mong dika apekto.
"Eh kung ihampas ko sa mukha mo yung kontrata na sinasabi mo ha?"banta nya at napabuga ako ng hangin.
"Sa tingin mo matatakot mo ako sa mga paganyan ganyan mo? Sus! Wag na Sir mapapagod ka lang..."sarkastikong tugon ko at tumawa ng mahina.
"Ang yabang mo talaga.."
"Wala e pinanganak ata ako para maging kaaway mo hehe.."pabalang na sagot ko.
"Tsk! Mapapalayas din kita.Take note of that!"banta nya at dinuro ako sa mukha pero wala yun epekto sa akin.Sus! Mauna ka munang lumayas sunod ako.Hahaha!
"Hay naku! Gutom ka lang Sir tara na sa baba at susubohan kita ng sinigang na respeto at tinolang paggalang..."biro ko sa kanya.
"Linoloko mo ba ako ha?"
"Hindi ah, sorry wala akong balak magsayang ng oras sayo.Psh!"wika ko at nagpauna ng bumaba.Alam kong nainis sya sa sinabi kong iyon pero ano nga bang pake ko.Mainis ka lang lalo at tignan naten kung saan aabot ang kayabangan mo.
Ngiting wagi ang naisuot ko habang pababa ng hagdanan.Pakiramdam ko lahat ng sakit napalitan ng tuwa.Tuwa dahil sa nakaya kong kalabanin na naman sya.Hindi mo pa ako ganun kakilala kaya huwag kang pakampanteng kaya mo ako.Kung lokohan lang din ang usapan hindi ako magpapatalo.

Book Comment (146)

  • avatar
    Tissie Akut Aplaon

    ang ganda po. ready nako makapagpuyat ngayun. kaso nabitin. tulog nalang ako😪 peru hihintayin kopo ang book 2.

    13/01/2022

      1
  • avatar
    Mel Martinez Zerna

    i love the story

    1d

      0
  • avatar
    Jhazmine Tinaliga

    Ang Ganda sobra

    19d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters