logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4: Just cry, dear

~JUST CRY, DEAR~
|ELLAH'S POV|
Nagising ako dahil sa sikat ng araw mula sa aking bintana. Napabangon ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo para maligo. Ilang minuto akong nakababad sa bathtub. Nang matapos na ako ay 'tsaka lang ako pumunta sa dressing room ko.
Hindi kalakihan ang kwarto ko. Parang nasa isang normal na bahay lang kumbaga. May dressing room ito, may sofa, at sariling banyo.
Nang makapasok ako sa dressing room ay agad kong pinili ang fitted-black pants at color gray oversized T-shirt na may printed sa harap, "I know how to play jerks"
Dahil sa byernes 'din ngayon ay 'yon ang sinuot ko. Friday o Free-Day kumbaga. Lahat ay pwede mong suotin. Parang legal lang ang susuutin kung tutuusin.
Kinuha ko rin ang sapatos ko na kulay itim at sinuot 'yon. Pagkatapos kong magbihis ay nag make-up naman ako. Sakto lang ang mild na kolerete sa mukha. Ayos lang 'din sa 'kin ang foundation at liptint. Naka messy-bun 'din ang buhok ko.
Lumabas na ako sa kwarto at nagtungo sa baba para kumain. Hindi pa ako tuluyang nakababa ay nakita ko si lolo na nagka-kape habang nagbabasa ng magazine.
Lumapit ako sa kanya ay umupo sa bakanteng silya. Kumuha ako ng hotdog at ham at nilagay 'yon sa plato ko.
"So, nagkakaintindihan na ba kayo ni Mhri?" Pag-uumpisa ni lolo. Nagtaka ang itsura ko.
"Who's Mhri?"
Bahagyang tumawa si lolo. "Ay, oo pala. Hindi pala niya 'yon totoong pangalan. I repeat, nagkakaintindihan na ba kayo ni Markuz?"
Wala sa sarili akong napatango. "Are you sure?"
Napatingin ako ng diretso kay lolo. "I heard ay nagbasa lang siya kahapon ng libro at hindi pumasok sa tatlong subject? Anong ginawa mo?"
Kumuha ako ng tubig. "Wala ah, I just asked him kung b-bakit hindi siya pumapansin. Siguro pride niya lang 'yon." Sagot ko at uminom.
"Ye'ah... Susuko ba ang nag-iisang tagapagmana ko?"
Napangiti ako sa katanungan ni lolo. "Never,"
Pagkatapos naming kumain ay hinatid naman ako ni Manong Escob, family driver namin simula noong bata pa ako.
Ilang minutong umandar ang makina ay huminto naman ito sa tapat ng Brooklyn High University. Nakita ko ang pagbukas ni Manong Escob sa 'kin ng pinto.
Napangiti ako sa kanya. "Thank you, manong" wika ko.
"You're welcome madame," tugon ni manong at bumalik na sa kanyang kotse at pina-andar ito papa-alis sa University.
Inayos ko ang iilang hibla ng aking buhok bago pumasok. Hindi kalayuan ay nakita ko si Jazrel na papalapit sa aking kinalalagyan.
"Hey!"
Ngumiti ako sa kanya. "Zup,"
"HAHAHA, malumanay tayo ngayon, ah? May problema ba sa bahay niyo?"
Napatingin ako sa kanya at nandoon sa kaniyang labi ang mapapaklang ngiti. "Nothing... Hindi pa kasi ako ready sa paparating na quiz bee sa division." Sagot ko at umiling na nawawalan ng lakas na loob.
Naramdaman ko ang paghagod ni Jazrel sa aking likod. "Keep fighting. Kaya mo 'yan... By the way, kailan ba ang quiz bee niyo?"
"Ngayong lunes,"
"HAHAHA, talagang problema nga 'yan. Two days nalang ang nakalaan para mag-aral tapos kailangan mo pang basahin ang tatlong libro sa library... Gusto mo tulungan kita?" Tanong niya kaya mabilis akong napatingin sa kanya.
Partner kami ni Nerdy Guy, hindi ni Jazrel. And what's wrong naman diba? Si Markuz mismo ang nagsabi kahapon na kaya niya ng walang kasama. Hindi naman ako FC o papansin para umayaw at ipagsiksikan ang sarili ko.
"Okay, thanks," tanging tugon ko bago magpa-alam sa kanya. Naglakad ako sa hallway nang walang tinging binibigay sa mga iilang estudyante na naroon.
Pag-akyat ko sa second floor ay nakita ko si Timothy, isa sa mga badboy na classmate namin. Walong bago, araw-araw ko siyang nakikita dito sa tagong lugar, naninigarilyo.
Bahagya akong napatigil. "Don't you know that cigarette can kill your life?" Wala sa sarili kong tanong. Nakita ko siyang bumaling sa akin.
"And so? May paki ba 'yon sa 'yo? I thought life is perfect when I was a child. Day by days, Year by Year had pass. I realize that life is  cruel... I thought if you will come to the age of adulthood your life will be succeed but here I am... Tatlong taon ng hindi nakaka-graduate sa Senior High."
Bahagya siyang natawa. "Now tell me Ellah Brooklyn, maganda ba ang pagsalubong sa 'kin ng mundo?"
Naawa ako sa dinadala niya. Alam ko naman na lahat ng tao ay may probelma pero bakit ganto? Bakit feeling ko siya ang may mabigat na dinadala?
"B-Bakit hindi ka grumaduate? Bakit hindi nag-college?" I ask, trying to stop my tears for falling beacuse of Timothy's life story.
"It's unecessary to tell pero ginusto ko ang bagay na 'yon... Isang babae na gusto kong pakasalan balang araw. Dalawang taon na akong naghintay sa kaniya at ngayon ang huling taon, na gusto ko ng bumitiw. Sa tingin ko mas mabuting maging classmate ko siya para mabilis naming makuha ang mga bagay na pinapangarap namin. But I was wrong, naging classmate ko nga siya pero sinampal naman ako ng katotohanan na hindi ako ang totoong mahal niya. Alam mo 'yon? Tatlong taon akong naghintay sa kanya pero nalaman ko nalang isang araw na may iba na pala siya?"
Tuloy-tuloy ang mga luhang bumabagsak sa kaniyang mapupungay na mata. "Ell!" Nabaling ang tingin ko sa bandang likuran ko. Nakita ko napapalapit si Mika sa 'min.
"Mika..." Naluluhang tawag ko sa pangalan niya. Gusto ko siyang lapitan pero parang napatigil ako ng napako ang tingin niya kay Timothy.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Iba ang tingin nila sa isa't-isa... Hindi kaya?
"Ell, tara na," mahinang bulong sa 'kin ni Mika.
"Wait!" Tumayo si Timothy at mabilis na kinalabwit ang pulsuhan ni Mika. Napatingin ang kaibigan ko dahil doon. "Please. Stay with me..." Mahinang bulong ngunit naluluhang wika ni Timothy.
Anong ibig sabihin nito? Ang alam ko walang nagugustuhan si Mika. Pero tinago lang niya ang lahat sa 'kin? Tinago lang niya sa loob ng tatlong taon?
"Mika..." Bahagya silang napatingin sa 'kin.
"I-Im sorry, Ell," aniya at nag-umpisang mangilid ang tubig sa kaniyang mata.
"I t-thought... Y-You..." Hindi ko na magawang ipatuloy dahil tuluyan ng kumawala ang luha sa 'king mata.
"Im sorry... Pasensya kana..." Gusto ko sana siyang sampalin. Ye'ah, it's OA naman diba? Pero nag-promise kami sa isa't-isa 'eh. Alam mo 'yon? You promise to each other na kung sino ang magiging boyfriend mo ay dapat ang bestfriend mo ang unang makaka-alam sa bagay na 'yon... But she ruined that promise.
"Stop..." Pinigilan ko siya gamit ang aking kamay. "Pabayaan mo muna ako ngayon" dugtong ko at mabilis na umalis. Mabilis akong nagtungo sa library... Wala akong nakikitang tao doon except sa librarian na nasa dulong table.
|MIKA'S POV|
"ELL!" pasigaw na tawag ko kay Ellah ngunit sadyang gusto na niyang umalis. Nag-uunahan paring tumulo ang mga luha ko pero wala akong kakayahan na pigilan 'yon.
"Mika... Please," nagsusumamong saad ni Timothy.
Matagal na kaming boyfriend, 2 years na at inalay niya lahat sa 'kin. He wait for me kaya kami naging classmate. But my mon tell me to stop loving this guy. Hindi nila ako papa-aralin sa kolehiyo kung ayaw ko siyang pakawalan.
Masakit man 'yon para sa akin ay ginawa ko. I never tell Ell about this. Ayaw kong may gawin siyang bagay na muling magpapabalik sa 'min ni Timothy. Kilala ko si Ell, lahat ay gagawin niya para lang maging masaya ang mga mahal niya. Somethimes, she's sarcastic and rude but all the time... She has a good heart.
"Please... Mika. Mag-usap muna tayo." Aniya na hindi parin ina-alis ang pagkakahawa sa 'king pulso.
"I need to go... Kailangan kong sundan si Ell," nagmamaka-awang saad ko sa kaniya. Nakita ko siyang nalungkot. Hindi ko kayang tignan siya ng gano'n.
"Paano naman ako?" He ask. I can't understand why I feel this. Isang taon ko na siyang iniiwasan pero bakit nanumbalik nalang ang kilig sa isang iglap lang?
|MARKUZ POV|
It's early in the morning ng pumasok ako. Dean tell me yesterday na hindi ko na kailangang pumasok sa mga subject ng lecturer. I should focus for this coming monday.
Dumiretso ako sa cafeteria para bumili ng tubig at biscuit na madalas kong kainin habang nagbabasa. Nang ibigay ng kahera ang sukli ko ay agad naman akong nagtungo sa library para doon magbasa.
"Hi, Markuz," narinig kong may bumati sa likuran ko. Napatingin ako sa kaniya. I think she’s a grade 9 student. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya.
Nakita ko pa itong kinilig bago pumasok sa kanilang silid. Nakapamulsa akong naglakad papuntang library. Walang tao ng nasa pintuan na ako kaya agad naman akong pumasok at pumunta bookshelf para hanapin ang libro na dapat kong basahin.
Nang makita ko na 'yon ay agad naman akong pumunta sa mga tables. Then I saw a girl sobbing... Halatang umiiyak. Napa-iling nalang ako na lumapit sa kaniya.
"Cry it out," walang reaksyong sabi ko sa babae. Nakatalukbong ang bag niya sa kaniyang ulo habang umiiyak siya dahilan para hindi ko maaninang ang kaniyang mukha.
"Sino ka?" Pamilyar na boses ang tumanong sa 'kin.
"My name can't help your sadness gone"
Umayos siya ng upo at humarap sa 'kin. Pulang-pula ang mata niya ngunit kahit gano'n, nanatiling kumikinang ang kaniyang natural na ganda.
"Nerdy Guy?" Gulat niyang tanong. Gusto kong matawa sa reaksyon niya but I hide it.
"What is the reason behind your tears?" Seryosong tanong ko. Dahil sa katanungan kong 'yon, ang kaninang gulat sa mukha niya ay pinalitan na naman ng lungkot.
"Friendship problem,"
Bahagya akong tumango sa kanya. "I don't know what is the reason after all but my mom said when I was a kid that 'Sometimes you just need a good cry even you don't know the reason why are you crying'."
~~~~~~~~~~

Book Comment (42)

  • avatar
    Charlon Listana Barcelon

    your story is beautiful so that's how I ended your story and it's not boring to read.

    28/12/2021

      1
  • avatar
    Nickie Rio Bungor

    so sad

    24/08/2024

      0
  • avatar
    Maryjoy Rasonable Juan

    ang ganda basahin

    17/04/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters