logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

White's pov
Bigla nalang akong hinablot ni Kuya Charles at itinago sa likuran nya.
"Sinasabi ko na nga ba! Hindi ka mapagkakatiwalaan!" Sigaw ni Kuya doon sa babae.
"Isa kang Aquaheart hindi ba? Konting dugo mo lang ang kailangan ko at maiaalis na ang sumpa ni Aqua Storm.. konting dugo mo lang," she look at me pleadingly.
"Kung sakaling makalaya tayo rito..ano ang una mong gagawin?" tanong ko sa kanya.
"White naman! Heto na naman tayo eh!" Angal ni Kuya Charles ngunit hindi namin sya pinansin. Tinitigan ko lang ang babae kahit hindi ko makita ang kanyang mukha.
She removed her black hooded Cloak. Nagulat ako sa bumungad sakin. Isang magandang babae na may silver na buhok at lilac na mga mata. I think she was on her thirties already, but it can't be denied that she's really beautiful.
"Ang natatanging rason kung bakit gusto kong makalaya dito ay, dahil...gusto ko nang makita ang dalawa kong anak. Sigurado Kasi akong malalaki na sila ngayon at hindi ko manlang sila nasilayan ng labinlimang taon dahil sa pagkakakulong ko rito." Sobrang lungkot nya nang sinabi nya 'yan at hindi nakaligtas sa paningin ko ang takas na luha na tumulo sa kanang mata nya.
"White, baka isa yang panlilinlang!" bulong ni Kuya Charles
"Sa tingin ko'y hindi ito panlilinlang kuya," bulong ko rin. Napabuntong hininga nalang siya dahil kapag buo na ang desisyon ko'y hindi na nya mababali pa. Napabuntong hininga na lamang ito at hinayaan na lang ako.
I have this magic ring that can stored anything I have. It was been with me since I was young. Ang kailangan ko lang gawin ay mag chant at isipin ang bagay na gusto kong palabasin mula dito. I stored in the ring all the valuable things I have.
"I summoned thee.. Sword Of Calamity!"
Biglang may lumitaw na espada sa harapan ko nagmula sa singsing kong suot. Meron itong disenyo ng ruby stones sa hawakan nito at umiilaw ito ng bloody red. Nawala ang ilaw nito ng aking hinawakan.
Sa tingin ko'y okay na ito, kesa naman sa wala. Well, I couldn't find any knife in here so I summoned the sword of Calamity.
I cut my left wrist using the sword. Not too deep but just enough to flow my blood out.
Suminghap silang dalawa ng sabay at tinignan ako na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.
"Revert! Sword Of Calamity!" Nawala sa kamay ko ang sword. Bumalik yun sa loob ng singsing.
"You want my blood, here you have it."
Nagulat ako ng kinuha nya ang kamay ko at sinipsip ang aking dugo. Isa ba syang bampira!?
"Hoy!sabi mo kaunti lang, tama na 'yan!" Sabi ni Charles at pilit na inaalis ang kanyang bibig sa sugat ko sa kamay.
"Maraming salamat. Ngayon kailangan na nating bilisan at pumunta na tayo sa tunnel. Ang daan palabas dito," sabi ng babae at tumayo na habang pumunit naman si Kuya ng tela sa damit n'ya na itinali n'ya sa sugat ko.
Nagmadali kami sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa sinasabi n'yang tunnel.
"Kapag nakalabas tayo sa tunnel na ito, bubungad sa'tin ang kagubatan ng esteria. Ang gubat ng esteria ay mayroong portal na pwedeng daanan para makapunta sa outcast nang walang kahirap hirap," pahayag ng babae.
"Paano nyo po nalaman ang bagay na iyon?" Tanong ni Charles sa kanya.
"Because I am a citizen of outcast land," sabi n'ya habang nakangiti.
Kung taga outcast pala sya, bakit sya ikinulong dito? Anong ginagawa nya dito sa holy land?
"I know you have a lot of questions but save that for later because we're now in a hurry," sabi nong babae.
Sabay kaming naglakad ng nakangiti papasok sa tunnel. Ngunit nawala ang ngiti ko ng makita kong unti unting bumagsak si Charles na may water arrow na nakatusok sa kanyang dibdib.
"Kuya CHARLES!"sigaw ko habang nag-uunahan nang pumatak ang aking mga luha.
Nilapitan ko agad si kuya at inilagay ang kanyang ulo sa kandungan ko. Nawala na parang bula ang water arrow na nasa dibdib ni charles, habang patuloy na dumadaloy ang dugo sa sugat nitong malapit sa kanyang puso.
"Ate, mukhang lubhang nasugatan mo si Charles." rinig kong sabi ni cloud.
"Wala akong pakealam cloud! Makakahanap pa naman ako ng mas deserving na fiancee kesa sa kanya." rinig ko ring sabi ni crystal at nag cast ulit ng magic.
"Rain Arrows!"
Bumubulusok papunta sa amin ang libo-libong water arrows ni Crystal. Hindi naman kami natatamaan ng mga palaso dahil nag cast ng magic shield 'yong babae.
Patuloy parin ang pag iyak ko habang hawak ko si Charles.
"Charles wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para pagalingin ka!" Sabi ko at sinimulan nang mag cast.
One time when I was reading books on the library, I saw a strange book that consist all of the forbidden magic that can be used in this world. However, forbidden magic has a huge toll on its caster.
"FORBIDDEN MAGIC! FAST HEALING!"
I cast a forbidden magic to save Charles. Ang mga forbidden magic type of magic skill ay kinukuha ang life force ng caster nito kapag hindi sapat ang magic pressure sa katawan ng Caster. Ang kadalasang gumagamit ng mga forbidden magic ay ang mga taong above normal ang magic pressure sa katawan. Ang magiging resulta ng pag cast ng isang taong below normal ay KAMATAYAN.
Marahas na umihip ang hangin at ako'y pinaligiran. Sa lakas nito'y sumasabay sa paggalaw ang aking mga buhok at damit. Kulay itim ang hangin na nasa aking paligid.
Sa pagkakataong ito ay wala na akong pakealam kung mamatay man ako. Mahalaga sakin si Kuya Charles dahil sya lang ang may pakealam sakin at sya lang ang nagparamdam sakin na meron akong kwenta. Sya lang ang itinuturing akong  kapatid at sa labinwalong taon ko sa mundo ngayon lang ako nagkaroon ng isang taong tutulungan ako sa lahat ng oras. Kaya naman.. hangga't may magagawa pa ako gagawin ko para maligtas sya. Because i don't want to lose the first person who made me feel like I'm a family.
Nabigla ako nang pinigilan ni Kuya ang kamay ko sa pag cast ng forbidden magic.
"Bakit mo ako pinigilan Kuya!" sigaw ko sa kanya habang patuloy na umiiyak.
Kainis! I can only cast it once!
"Pu-mi-kit....ka." pautal utal na sabi ni Kuya Charles na sinunod ko naman.
"Imulat mo na ang mga mata mo." rinig kong sabi ni Kuya sa tono na tila ba'y hindi siya sugatan.
Pagmulat ko sa aking mga mata, kulay itim ang paligid ngunit may mga basag na salamin ang lumulutang sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nakita ko si Kuya Charles na nakatayo hindi malayo sakin.
"Kuya Charles!" Tinakbo ko ang pagitan namin at niyakap sya ng mahigpit. Ang luha ko nang paghihinagpis ay napalitan ng luha ng kasiyahan. Ngunit alam kong ang kasiyahan na iyon ay panandalian lamang ngunit ang importante ay kasama ko ngayon si Kuya at hindi sya sugatan.
"White, ginamit ko ang natitira kong lakas para magamit ang gift ko, kaya kong makipag usap sa mga kaluluwa at kaluluwa mo ngayon at ang sa'kin ang nandito sa lugar na ito..kaya kita dinala dito ay dahil alam kong hindi na ako magtatagal na kasama ka. Ito ay isang pamamaalam." sabi ni Kuya Charles habang magkayakap kaming dalawa.
"Kuya! Wag ka namang ganyan! Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mabuhay ka!" Sabi ko sa kanya habang patuloy ang pag agos ng aking mga luha. Humahagulgol na ako sa pag-iyak at wala na akong pakialam.
He cupped my face and wiped my tears away. Then, he smiled at me sadly.
"Masaya akong nakilala kita. Marami akong gustong sabihin sayo pero wala na akong natitirang oras kaya 'yong mga importante nalang. You are a brave woman and you were like a sister to me. Kahit na minsan siraulo ka," He said seriously that I slap his arm because of irritation but it makes me laugh though.
"Wag mong sisisihin ang sarili mo sa mga mangyayari dahil ang nakatadhanang mangyari ay hindi mapipigilan, tandaan mo yan White. Alam mo, sa maikling panahon na nakasama kita, nalaman kong...MINSAN MASUNGIT KA! MATARAY RIN! MATIGAS ANG ULO! MAIKLI ANG PASENSYA! Pero, ikaw rin ang pinakaMABAIT na taong nakilala ko! Oh masaya kana? Yung lang ata ang good side mo! HAHAHAHA." Natawa pa ako sa mga pinagsasabi nya.
"So don't cry white. Dahil nasasaktan akong makita kang umiiyak. Promise me white, don't ever cry again. Kapag talaga may nagpa-iyak sayo, babalik ako at huhuntingin ko siya!" he said while smiling brightly at me. Tumango tango naman ako sa kanyang mga habilin. Pinapikit na n'ya ako pagkatapos.
Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita kong nasa kasalukuyan na ako. Tumigil na sa pagpatak ang aking mga luha. Nakita kong nakangiti sakin si kuya Charles habang pilit na pinupunasan ng may dugo n'yang kamay ang kaninang mga luha ko. Hinawakan ko ang kamay n'yang nasa pisngi ko.
" do-n't..c-ry..a..gain." 'yon ang huling sinabi ni Kuya bago sya nawalan ng buhay.
"I won't cry. I promise," I uttered sadly. Dahan dahan kong inalis ang kanyang ulo sa aking kandungan at inilapag ko s'ya sa sementong sahig.
"Paalam Kuya, Hanggang sa muli nating pagkikita," I said then, kissed him in the forehead.
Hinablot agad ng babae ang aking kamay at sabay kaming tumakbo papasok sa tunnel.
"Hindi na magtatagal ang magic shield. Masisira yun ano mang Oras dahil sa atake ng dalawa mong kapatid." rinig kong sabi nito habang nakatingin lang ako sa papalayong bangkay ni Kuya.
Si Kuya Charles ang unang tao na nagparamdam sakin na may halaga ako. He saved me twice already. Itinuring pa akong parang nakababata n'yang kapatid.
Sana s'ya nalang ang totoo kong naging kapamilya. Kuya, wag kang mag alala hindi kita lilimutin kailanman.
Hindi rin nagtagal ay unti unti ko nang nakikita ang liwanag sa hangganan ng tunnel. Laking gulat ko sa taong nakatayo sa bukana ng tunnel.
"Mama!?"

Book Comment (67)

  • avatar
    Lorenz Levy Jawod

    gg cchfh

    25d

      0
  • avatar
    James Russel Caliwan

    tyjsiuygwhuwysysyehehe7ddh

    27/07

      0
  • avatar
    Shehan S Amping

    Its was nice i like itt

    20/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters