logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 5.1: Natitirang Pag-asa

Unti-unti na silang nawawalan ng pag-asa nang mga oras na iyon na makalabas pa sa bus nang ligtas.
"May suhestiyon ako para makaligtas tayo mula rito," seryosong wika ni Bon na nasa bandang likuran malapit sa pintuan na mahigpit ding nakahawak sa poste sa gilid ng mga upuan malapit sa pinto ng bus.
Biglang nabuhayan ng pag-asa ang mga estudyanteng naroon ng masilayan nila kung sino ang nagsalita, habang yung guro naman ay tulala pa sa pangyayari. Kilala itong matalino sa klase at lagi itong may solusyon sa problemang kinakaharap maging sa paksa man o buhay ng isang tao.
"B-bon?!" Manghang sabi ni Ms. Trey na sa wakas na nabuhayan na at nakagising sa paninigas.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito at tila'y nabigyan ng liwanag. Sumiklab ang pag-asa sa mga kamay nito.
Ngumiti lang si Bon at tinignan niya ito. Inikot niya ang paningin sa paligid at dahan-dahang ibinalik ulit ang tingin sa mga estudyanteng naroon. Hindi siya napansin ng mga ito kanina dahil okupado ang isip niya sa iba pang bagay na pwedeng makaligtas sa kanila mula sa sitwasyong iyon.
"Ano ba yung suhestiyon mo?" atat naman na tanong Tanya na mahigpit paring nakayakap sa upuan
Napahinto si Bon at parang may ginagawang kalkulasyon sa utak nito. Marahan niyang pinagmasdan ang mga pasilyo at sulok ng upuan na pwedeng gamitin nila. Maya-maya pa ay natigilan ito na para bang may naisip na ideya.
Bigla itong humarap sa kanila ng seryoso at nagsalita,
"Kailangan nating magkaisa kung gusto pa nating makalabas ng buhay."
Nagkatinginan ang mga nandun at sa huli ay tumango ang mga ito. Inaasam na sana nga'y magagawan pa ng paraan ang sitwasyon na iyon.
"Wala munang gagalaw para maiwasan ang paggalaw ng bus." Pigil ni Bon sa mga ito.
"Pero-" tangkang sabi ni Sunny.
"At magsitahimik kayong lahat." Putol nito sa kanya.
Umiwas ng tingin si Ms. Trey dahil sa hiya.
"Gusto kong alisto kayo at nasa akin ang mga atensyon niyo." Pagpapatuloy pa nito.
Impit na napalunok naman ang iba sa sinabi niya, wari'y parang binabalaan niya ang mga ito. Pero pumaibabaw pa rin ang pananabik na makakaligtas sila mula sa bangungot na iyon kaya nabuhayan sila ng loob.
Sumilip si Bon sa bintana na para bang sinusuri ang paligid. Maya-maya'y parang nag-iisip na naman ito.
"Torque equation, Static equilibrium, kung ang length ng bus ay 14 meters," itinaas baba ni Bon ang tingin sa bus.
"Height ng bus mga 3.81 meters at ang weight 11 to 12 kgs." pagpapatuloy niya.
"Ang mga taong karga nito ay…"
Napatigil ito na parang binibilang ang mga estudyante at mga gurong naroon.
"Thirty-two, thirty-three. So to speak, it needs to balance the equilibrium at dapat ang ibang estudyante ay dahan-dahang lumipat sa kabila para hindi ito tuluyang mahulog sa bangin." Paliwanag ni Bon sa mga kasama.
Kinuha nito ang marker na nasa kanyang bulsa at nagsulat sa salamin, nagsilbi itong blackboard sa kanya. Wari'y parang nagso-solve ito ng math problem. Hindi nito inintindi ang umaalog na bus.
"Wala na tayong oras! Baka tuluyan na tayong malaglag nito!" Wika naman ng isang Estudyante na labis nang pinagpapawisan dahil sa sitwasyon niya at sa pwedeng mangyari.
Takot na takot ito at putlang-putla na animo'y naging papel dulot ng paggalaw ng bus. Hindi ito inintindi ni Bon at nagpatuloy pa rin sa pagsusulat hanggang sa tuluyang natapos.
"Alas! Eureka!" bulalas nito.
"Ano ng gagawin namin?" tanong ni Claire na halata ang labis na pangamba. Dahil na rin sa takot na mauwi sa peligro ang kanilang mga buhay.
Lumingon siya rito at isinawalat ang plano niya.
"Kagaya ng paglalaro ng seasaw, dapat nating balansehin ang bus para makalabas tayo ng ligtas at matiwasay. Kailangan din nating magdahan-dahan sa paggalaw upang maiwasan ang gravity at force sa bus na magdudulot sa pagkahulog nito." Paliwanag niya habang nakatingin sa kanang bahagi ng bus na nakatiwarik.
"Kayong mga nandyan sa bahaging iyan, hinay hinay kayong gumapang papalapit dito. Iwasan niyo ang agresibong paggalaw, walang magpa-panic, dapat dahan-dahan lang." Mariing paalala ni Bon sa mga ito.
Agad namang tumalima ang karamihan. Wala na silang sinayang na oras at nagsimula na nga silang umabante sa kabila. Nagmistulang duyan ang sinasakyang bus dahil gumagalaw-galaw ito dulot ng hanging humahampas rito. Hindi maiwasang mapasinghap ang iilan bawat sandali sa takot at pag-aakalang anumang oras ay pwede silang bawian ng buhay.
"Dapat sabay-sabay kayong gagalaw at hindi pwedeng may mauuna. Hintayin niyo ulit na huminto ang galaw ng bus at mabalanse ito." dagdag pa niya.
Maingat naman nilang sinunod ang payo ni Bon. Samantalang tahimik naman siyang nagmamasid sa galaw nila, hindi pinapalagpas ang mga estudyanteng pasaway at tatanga-tanga.
"Maghihintay ako sa harap ng pinto para hilahin ko kayo palabas." Wika niya habang dahan-dahang gumagapang papunta sa pintuan ng bus.
"Magfocus ka naman! Ano ba!" saway ni Tanya kay Azlan dahil napadapa ito nang wala sa oras at umalog bigla ang bus. Nanlaki ang mga mata nito at biglang nangatog ang mga tuhod. Pilit pa rin siyang tumatayo habang sinusubukang balansehin ang katawan kahit na nanginginig na ang mga kamay niya. Nagtagumpay naman sila sa umpisa, dala na rin ng pagkadesperado at pursigido nila.
"Salamat Lord!" sigaw ng ilan habang pinupunasan ang kanilang luha. Sa wakas nga ay nakalabas na ang mga ito mula sa kapahamakan.
Nagpatuloy pa ang ganoong eksena hanggang sa unti-unti nang nakakalabas ang iilan. Biglang silang nabuhayan nang loob at pursigidong binalanse ang kanilang sarili habang mariin na kumakapit sa bus. Hinihila naman ito ni Bon kung malapit na ito sa kinaroroonan niya papuntang pinto. Gaya nung nauna ay nagtagumpay rin ang mga ito.
"Dalian niyo para makalabas na rin ako!" sigaw ni Ms. Trey na natatanaw na ang pag-asa.
"Umabante na kayo at sabay kayong lumabas pagkaharap niyo sa pinto. Hihilahin ko naman kayo kung sakali mang mahirapan kayo. Kung sa bintana naman kayo dadaan, siguraduhin niyo lang din na magkasabay kayong tatalon upang mabalanse pa rin ang bus kahit papano. Para na rin maiwasan ang hindi kanais-nais na pwedeng mangyari." Muling paalala ni Bon sa lahat.
Patuloy pa rin niyang ginagabayan ang mga estudyanteng naroon at nagagampanan naman niya ito nang maayos. Sa kaloob-looban niya’y masaya siya dahil matagumpay na nakakaligtas ang mga tinulungan niya.
Halos kalahati na ng mga estudyante ang nakalabas. Tuloy-tuloy na sana ang paglabas ng mga taong naroon ngunit biglang kinabahan si Bon nang mapansin niya ang unti-unting pag-abante ng bus dulot ng mga taong gustong makauna at nagpapanic na lumabas ng bus. Tila nawalan ng balanse ang bus at mas lalo pa itong bumaliktad.
"Magtulungan tayong lahat! Wag kayong lumabag sa patakaran. Dapat may kooperasyon kaya sana makinig kayo kung gusto niyo pang makauwi ng ligtas!" singhal niya sa kanila.
Pero parang nanadya nga naman ang panahon, tila mas lalo pa silang nagkagulo dahil unti-unti na ngang nahuhulog ang sinasakyang bus sa bangin.
NAKATIWANG-WANG na ang bus sa bangin at unti unting umaabante ito habang ang ibang parte naman ay nakavertical na sa pangpang.
Nahulog si Ms. Trey sa salamin ng bus at sa bigat nito ay unti unting nagka crack ang screen.
kitang kita ng dalawang mata nya ang bangin na labis na ikinabahala nya na sya ring pagkabahala ni Bon kasi yung bigat ng bus ay nakasentro na sa ibaba na dahilan ng pagkawalang balanse at pagkasira ng plano niya na maligtas ang lahat.
Naging malikot ang mga mata ni Bon sa paligid, hindi na niya makontrol ang mga pangyayari. Bagkus ay hinihila na lamang niya ng mabilis ang mga taong malapit sa kanya. Tanaw niya mula sa malayo si Ms. Trey na pumapalahaw sa pag-iyak habang unti unting nagkacrack yung salaming pinapatungan nya.Di ito makagalaw, kasi isang galaw lang neto ay sya ring pagkasira ng unti unting nababasag na salamin. Pinakalma nya ito at hindi pinagalaw para magkaoras pa syang masagip ito.
"Hilahin mo ako bilis!" tarantang sabi ng babae habang inaabot ang kamay niya.
Agad naman niyang tinulungan ito. Paglingon uli niya sa gitnang bahagi ng bus ay nakita niya ang kaibigan na si Vincent. Bigla siyang kinabahan at nag-alala rito. Napansin niyang tumutulong din ito sa ilang estudyanteng naroroon ngunit sa halip na magmadali ang mga ito ay tila balisa pa rin dahil sa aksidente. Hindi sila halos makagalaw na halos ipagtulakan pa ng iba dahil sa bagal nila.
"Vincent?" Sigaw niyang tawag rito na hindi pa rin makapaniwala.
Agad siyang nilingon nito at bahagyang ngumiti ngunit mababanaag sa mga mata ang lungkot, alam ni Vincent na maaari silang mamatay sa mga oras na iyon.
Rinig na rinig ni Bon ang tunog ng makina ng bus, hudyat na ito nga'y babagsak na pababa. Isang galaw lang paabante ay malamang tuluyan na ngang mahuhulog ito pababa. Napasulyap uli siya sa kaibigan, dahil anumang oras ay mawawala na ito sa paningin niya.
“Kumapit ka Vincent!”
“Vincent!!!” sigaw ni Bon sa kaibigan.

Book Comment (221)

  • avatar
    Luuuuuuucccaaaasss

    Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3

    08/05/2022

      0
  • avatar
    Gemma Depalan

    High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!

    12/12/2021

      1
  • avatar
    Analiza Rivas

    Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...

    10/12/2021

      6
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters