logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 5: Ang Trahedya

(POST-APOCALYPSE - THE FALL ARC)
Napakabilis ng mga pangyayari, nagpagulong- gulong ang sinasakyan nilang bus at nagkagulo ang mga pasaherong lulan nito. May mangilan-ngilan din sa kanila ang nagkaroon ng kaunting sugat sa katawan dahil sa aksidente. Halos magkandaugaga ang karamihan sa paghawak sa mga upuan o kahit anong matitigas na bagay na maaaring makapitan habang mabilis naman itong nagpadausdos pababa sa bangin.
Tanging mga tili at hiyawan ang siyang maririnig sa buong paligid hudyat na sila’y nasa panganib. Magkahalong takot at pangamba naman ang nadarama ng bawat isa sapagkat sa wari nila’y malabo na silang makaligtas pa.
Nakaramdam ng labis na pagkahilo ang mga studyante dahil sa biglaang pangyayari.
Kasunod nito ay panlalaki ng mga mata nila nang mapagtantong nasa bingit na sila ng bangin. Kung saan tanging ang dalawang gulong na lamang nito na sumabit barrier ang pumipigil sa tuluyang pagkahulog nito. Pigil ang paghinga ng mga studyante habang tanaw mula sa ibaba ang mga punong kahoy at naglalakihang mga bato.
Tahimik ang lahat at halos walang ni isa ang nais huminga.
Ramdam ng lahat ang pag-ugoy ng bus na parang duyan dala na rin sa bigat nito na kailangang mabalanse upang hindi tuluyang malaglag.
Ilang saglit pa ay tila nagising si Ms. Trey mula sa pagkakawala ng malay. Nagtaka sya sa naging nasilayang pwesto nya, nakita nya si Ryan na sumisenyas gamit ang mga kamay. Nilibot ng tingin ng ginang ang paligid at saka pa lamang nya napagtanto ang sitwasyon nila, agad na natutop ni Ms. Trey ang bibig ng biglang tumunog at gumalaw ang upuang kinauupuan niya tila ay kakalas na mula sa kinakapitan.
“Ms.Trey,” tawag ni Prof. Alcantara dahan dahan naman siyang tinignan.
“Take off your seatbelt, and reach my hand.” Instruction nito sa ginang na dahan dahan namang tinanggal ang seatbelt.
“Try to reach my hand, you can do this Ms. Trey, slowly…” wika pa ni prof Alcantara
Ngunit nang malapit na maabot ng ginang kamay saka tuluyang natanggal ang ang upuan nito kasama siya.
“Tita!” tawag ni Ryan
“Ms.Trey!” tawag naman ng ibang mga studyante.
Nagulantang ang lahat sa pangyayaring iyon lalo na si Ms. Trey na ngayo'y nakadapa na patiwarik sa harap ng salamin nito. Tagaktak ang pawis at kumakabog ang dibdib sa labis na takot sapagkat mula sa kanyang kinaroroonan ay tanaw na niya ang mga punongkahoy na nasa ibaba. Napansin din niyang basag na ang salamin na kanyang kinaroroonan.
"Diyos ko po!" Muli ay sigaw ng karamihan dahil na rin sa takot na kanilang nadarama. Pawang naluluha na ang mga mata sa nerbyos at takot.
Napatingin ang ginang kay Mang Anton na siyang driver ng bus. Pero wala itong kibo at balisang-balisa pa rin. Nakatuon lang ang mga mata nito sa manibela na parang wala sa sarili.
Napatingin siya sa salamin na pinagbagsakan niya. Biglang napasinghap siya dahil napagtanto niya na kung gagalaw pa siya ay tiyak na malalaglag siya. Lumakas ang tibok ng puso niya ng napansin niyang tumutulo na rin ang dugo mula sa kanyang noo dulot ng pagkakabagok niya sa salamin. Kinapa kapa niya ang noo at biglang nanlaki ang mga mata niya na hindi nga siya nagkakamaling may sugat sya roon.
"Ayoko pang mamatay." Nangangatal na sabi ni Ms. Trey habang tinitignan ang kamay na may mga dugo at nakadukwang pa rin sa baba. Tuluyan na nga siyang napaiyak sa sitwasyong iyon.
"P-pasensya na po maam." Pagsusumamo ng driver sa kanya.
Napalingon sya rito dahil bumalik na ang huwisyo nito. Umiiyak ito at nakikiusap ang mata. Wala siyang masagap na salita para sabihin sa driver hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay. Duguan rin ang mukha nito dulot ng pagkakauntog sa salamin ng bus.
Hindi malaman ni Ms. Trey ay gagawin, blankong blanko ang isip niya.
"Mamamatay na ba tayong lahat?" Tanong ni Yonie habang panay ang kapit sa upuan at bakas sa mukha ang paghihinagpis.
"H-hindi ko a-alam." utal na sabi naman ni Trevor nasa kanyang likuran. Nagsimula na ngang manlabo ang kanyang paningin at hindi na namalayang may tumulo na mainit na likido sa kanyang mga pisngi.
"Gusto ko ng umuwi." Sumamo ni Alexa sa pagitan ng paghagulgol.
Napayuko na lamang sila at buwis buhay pa ring kumakapit sa iba't ibang parte ng bus kahit walang kasiguraduhan kung makakalabas pa ba sila ng buhay o hindi.
"Ako din, marami pa akong gustong gawin sa buhay. Paano na lang ang pamilya ko." Umiiyak na sabi Paul. Natatakot sila sa mga pwedeng susunod na mangyayari.
Walang ano-ano'y narinig nila ang parang nababasag na salamin na nanggagaling sa harapan ng bus. Nabaling ang kanilang atensyon kay Ms. Trey na ngayo’y umiiyak na rin. Batid nila ang hirap nito habang nakahawak ang sa salaming unti unti nang nabibiyak. Kahit mainitin ang ulo nito ay awang-awa sila sa sitwasyon niya, ngunit wala silang magawa kundi tingnan na lamang ito.
"T-tulungan n-niyo ako! Dalian niyo, gusto ko pang mabuhay!" bulalas ni Ms. Trey na hindi alam ang gagawin.
Sa kasamaang-palad ay unti-unti ng nababasag ang salamin na pinapatungan nito dahil na rin sa kabigatan ng ibang estudyanteng nakapatong sa kanyang likuran.
"P-pakiusap, t-tulungan n-niyo ako." Pagmamakaawa ni Ms. Trey na hirap na hirap ng magsalita.
"Kami man po Ms. Trey ay nahihirapan sa sitwasyon namin." Paumanhin naman Keisha habang umiiyak na mahigpin na nakahawak sa pole
First time nilang makita si Ms. Trey na magmakaawa at nanghihingi ng tulong na tila ba handang gawin ang lahat, maligtas lamang sa panganib.
"P-patawarin niyo rin kami Ms. Trey, pero hindi namin alam kung paano” Umiiyak na wika ni Trixie
Hindi rin sila makaalis dahil sa limitadong espasyo at dahil na rin sa nakatiwarik ang bus.
"Sorry po talaga Ms. Trey." Mangiyakngiyak na wika ni James habang kumakapit pa rin sa pole ng bus.
Tanging luha na lamang ang kanyang maaasahan sa oras na 'yun. Napatingin ulit sya sa baba kung saan maraming punongkahoy na naghihintay sa kanilang pagbagsak. Nangangatog ang mga tuhod niya habang tanaw na tanaw niya 'yon, dahilan para muli siyang mapabaling sa mga mag-aaral na nandun.
Napalunok siya dahil alam niyang lahat sila'y mababawian ng buhay nang wala sa oras.
"Hanggang dito na lang ba tayong lahat?" Humihikbing sambit ng Lea.
Napapikit na lamang si Ms. Trey at sinubukang pakalmahin ang sarili. Bukod sa kanya ay labis din ang pagkabalisa ng ibang mga guro na nandun. Hindi nila alam kung ano ang dapat gawin dahil bukod sa nanganganib ang kanilang buhay ay palaisipan pa rin kung bakit umabot sila sa ganoong sitwasyon.
"Oh, Diyos ko, kayo na po ang bahala sa amin." dasal ng naman ni Bea na nakayapos sa gitna ng upuan at panay pa rin ang pag-iyak.
“Makakalabas tayo rito.” Wika ni Bon. Agad naman na napatingin sa kanya ang mga kamag aral.
“P-pano?” naguguluhang tanong ni Vincent sa kaibigan.

Book Comment (221)

  • avatar
    Luuuuuuucccaaaasss

    Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3

    08/05/2022

      0
  • avatar
    Gemma Depalan

    High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!

    12/12/2021

      1
  • avatar
    Analiza Rivas

    Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...

    10/12/2021

      6
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters