logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 4: Walang Karapatang Pumalag

(Pre-Apocalypse Preparation)
Dahan-dahang iminulat ni Bon ang kanyang mga mata, tapos mariin niyang kinusot kusot ito. Nagising siya dahil biglang sumakit ang kanyang kaliwang balikat at naramdaman nya ang malamig na bagay sa kanyang katawan.
“Pre, tulog mantika ka talaga. Kanina ka pa namin ginigising pero ayaw mong magpatinag. Ayan tuloy nahulog ka sa sahig kasi ang likot mong matulog. Buti na lamang hindi ka nakita ni Prof. kanina habang natutulog.” bungad ni Vincent sa kanya habang tinulungan siyang makatayo.
“Siguro nasa ibang planeta na naman nakarating ang panaginip niya. Oh di kaya nanaginip siya na may jowa siya at nawili na ng sobra.” natatawang sabi ni Garry kay Vincent.
Naghagalpakan sila ng tawa sa sinabi ni Garry. Napabungisngis na lamang ang mga girlfriend nila sa kanya. Si Bon naman ay walang imik at humihikab pa rin, na tila gusto pa rin ulit matulog.
Napansin naman ito ng isa niyang kaibigan.
“Pre uwi na tayo, mamaya ka na lang ulit matulog kapag nakauwi ka na sa bahay n’yo. Tayo na lang ‘yung naiwan dito oh.” reklamo naman ni Roy.
Nagpasya ang magkakaibigan na umuwi na ngunit inihatid muna nina Garry at Vincent ang kani-kanilang mga girlfriend na sinamahan naman ni Bon. Pagkatapos nito'y tinahak na ng tatlong lalaki ang daan pauwi.
Dumaan sila sa masukal na bahagi ng kagubatan at aksidenteng nakakita ng mga taong hindi pangkaraniwan ang suot, nakasuot ito ng lab gown. Napansin din nila na parang may hawak itong mga kemikal na inihahalo rin sa ibang uri ng likido. Mukha silang mga scientist na gumagawa ng eksperimento sa gitna ng kagubatan. Palaisipan talaga kung anong ginagawa ng mg siyentipiko doon at sa mga oras na ýun.
Nakapagtataka man ngunit sa halip na makiusyoso ay pinili na lamang ng magkakaibigan na ipagsawalang-bahala ang bagay na iyon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad, pero biglang na-curious si Bon.
"Pre, ano kaya ‘yun?" nagtatakang tanong ni Bon sa mga kaibigan habang nakakunot noo ito.
"Researchers ata ‘yun pre." tugon naman ni Vincent sa kanya na parang hindi rin sigurado.
“Nga pala pareng Vincent, maaari ba akong makitulog sa bahay ninyo ngayong gabi?” tanong ni Garry kay Vincent.
“Malayo pa kasi rito ‘yung bahay namin eh at wala ng sasakyang pumapasok doon kapag ganitong oras. May dala na rin naman akong mga gamit sa bag ko eh kaya hindi na ‘ko mahihirapan pang maghanda at mag-empake.” dagdag pa niya.
“Oo naman pare. Alam mo namang malakas ka sa akin eh, ‘tsaka alam ko ding natatakot ka ayaw mo lang aminin.” natatawang tugon ni Vincent sa kaibigan. Napakamot na lang ng ulo ang kaibigan nito. Si Bon naman ay nanatili pa ring walang imik dala ng pagkabagot at pagka-antok.
Nang makauwi na sila ay kumain na sila ng hapunan at natulog nang maaga.
Nagising sina Bon at Vincent sa lakas tunog ng alarm clock sa tabi nila. Pagtingin nila sa orasan ay alas kuatro pa lamang ng madaling araw.
“Pre, bibili muna akong ng ulam sa tindahan ah para makapag-agahan na tayo.” paalam ni Vincent kay Bon.
“Oh, sige pre, ako na lang ang magsasaing.” tugon naman ni Bon sa kaibigan at naghanda ng bigas na isasaing.
“Sige pre, salamat.” sabi ni Vincent at umalis na ng bahay.
Mabilis na nakarating si Vincent sa tindahan at buti na lamang ay maaga itong nagbukas.
“Kuya, pabili po ng dalawang sardinas at tatlong itlog.” sambit ni Vincent at iniabot ang dalawang daang piso sa tindero.
“Naku Vincent, ‘wag mo na akong tawaging kuya magka-edad lang naman tayo at saka magka-batchmate pa.” anang lalaki at iniabot sa kausap ang mga binili nito.
“Teka, bakit alam mo ang pangalan ko?” nagtatakang tanong ni Vincent. Doon niya lang din napagtanto na ito nga pala si Azlan na ka-school mate niya, Hotel & Restaurant Management (HRM) nga lang ang kurso nito.
“Ganito kasi ‘yun. Sa room namin bukambibig ng mga kababaihan ang pangalan mo, eh siyempre nakiusyoso ako, tinanong ko kung sino ka at itinuro ka nila kaya ayun, nalaman ko ang name mo. Natawa rin ako nang malaman kung nasa iisang barangay lang pala tayo.” paliwanag nito bagay na ikinahiya naman niya.
Sa pagkakaalam niya, tinatawag itong “Mind” sa seksyon nila dahil sa kakayahan niyang bumasa ng isip ng tao maliban na lamang sa kaklase niyang si Tes.
“Ah ganun ba, nga pala Azlan mauna na ‘ko ah. Salamat.” paalam ni Vincent at tila nakalimutan ng kunin ang sukli niya.
“Teka, yung sukli mo!” sigaw naman nito buti na lang at hindi pa nakakalayo si Vincent sa tindahan.
“Sayo na ‘yan, Azlan. Keep the change!” sigaw naman pabalik ni Vincent at nagpatuloy na sa paglalakad.
“Salamat ah!” bulalas naman ni Azlan dito.
Tuwang-tuwa naman si Azlan dahil may natanggap na naman siyang biyaya kaya inilagay niya kaagad ito sa sariling alkansiya.
Ilang sandali pa ay umalis na si Azlan at pumunta na sa paaralan nila. Maaga pa kaya kakaunti lamang ang mga taong naglalakad sa bawat pasilyo at tanging mga HRM students lamang ang makikitang kumakain sa canteen.
“Hey bro! Sumama ka sa field trip mamaya ah. Ikaw ang magbabayad sa fee ko.” utos ni Jay na kaklase ni Azlan. Siya ang tinaguriang “Boss” dahil siya ang founder ng isa sa mga kinatatakutang grupo sa paaralan nila.
"Boss?! Hindi yata kaya ng pera ko eh, wala pa kasing construction si Papa tapos si Mama naman wala pang sahod hanggang ngayon, kaya kakarampot lang yung perang dala ko.” bakas sa boses ni Azlan ang takot sa kaklase.
"Wala akong pakialam kung kakarampot lang ‘yang pera mo, humanap ka ng paraan! Hindi yung tatamad-tamad ka at tatayo-tayo na lang diyan! Baka gusto mong magulpi?.” tugon naman ni Jay na ngayo’y nag-aapoy na sa galit.
"Eh ano po kasi boss eh wa--" sabi ni Azlan ngunit hindi na niya natapos pa ang sasabihin sapagkat sumingit kaagad si Jay.
"Aba't nagdadahilan ka pa ah. Sa ayaw at sa gusto mo, ikaw ang magbabayad ng field trip fee ko!" sigaw ni Jay habang nanlilisik ang mga mata nito.

Book Comment (221)

  • avatar
    Luuuuuuucccaaaasss

    Ang ganda ng story at medj nakakaiyak dn HAHA pero sana may update soon susubaybayan k po ito!<3

    08/05/2022

      0
  • avatar
    Gemma Depalan

    High quality and meaningful story! it's not just a horror but it is how people change when having difficult situations in their lives. sacrifices, betrayal and lies. wow! antalino! You Deserve my tip!

    12/12/2021

      1
  • avatar
    Analiza Rivas

    Ilang kabanata pa lamang ang nabasa ko ngunit ngayon pa lang ay masasabi ko na maganda ang nobelang ito. Maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari, malinaw ang karakterisasyon ng mga tauhan at kahit puno ng katatakutan ang mga kabanata ay hindi maikakailang iniugnay ng manunulat sa tunay na buhay ang ilang eksena o tagpo. Aabangan ko ang update ni Author...

    10/12/2021

      6
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters