logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 16

Zedic's POV
Dumagdag sa dumidilim na paligid ang madilim na kalangitan kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan, marahan ang pagmamaneho ko ng sasakyan dahil na rin sa madulas na kalsadang dinadaanan ko nakikita ko pa ang pagtaas baba ng windscreen wiper ng sasakyan upang punasan at palinawin ang salamin upang malinaw kong makita ang daan dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.
Maaga akong lumabas ng kumpanya at hindi ko naman akalaing masasalubong ko ang malakas na ulan, ngunit hindi na rin naman masama dahil ang panoorin ang bawat patak ng ulan ay isang bagay na nagpapaalala rin sa akin kay kuya hindi ko alam kung paano siya nagiging masaya sa ganoong sitwasyon dahil sa bawat buhos ng ulan madalas nakikita ko itong nakatanaw roon at nakangiti.
Pluviophile - iyon ang tawag sa mga taong gustong-gusto ang ulan, ganoon si kuya. Tila ba kapag umuulan ay nakakahanap siya ng katahimikan at saya pakiramdam niya siguro ay sinasabayan siya lagi ng ulan sa bawat pinagdadaanan niya.
Nakakatawa mang isipin ngunit minsan na niya akong inayang maligo sa ulan, may ngiti sa labi niya ngunit pinagtawanan ko lang ito noon at hindi ako pumayag.
Kung alam ko lang na iyon ang gusto niya sana sinabayan ko na s'yang maligo sa ulan noon, sana sinabayan ko s'yang maging masaya kung paano niya nararamdaman iyon habang nakatitig sa ulan. Dahil ngayon malabo nang mangyari iyon lahat.
Mahigpit akong napahawak sa manibela nang maramdaman ko ang mabigat na pakiramdam sa dibdib nang maalala iyon, paulit-ulit kong naiisip ang mga sandaling iyon tuwing bumubuhos ang ulan at ang ulan ay dahilan lamang para makaramdam ako ng lungkot sa loob ko.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko alam kong kahit anong gawin ko hindi ko na rin naman iyon maibabalik pa.
Pinanatili ko ang marahang pagmamaneho ko wala namang masyadong sasakyan kaya hindi ako makakaabala sa kanila, gusto ko munang sabayan ang malakas na ulan baka sakali ring mapagaan nito ang loob ko.
Ilang metro pa naman ang layo ko sa bahay at masyado pang maaga para umuwi, iniliko ko na ang kotse ko papasok ng village dito ko na lang balak mag ikot-ikot.
Habang nagmamaneho ay naagaw ng atenyon ko ang babaeng mag-isang naglalakad sa kalsada at nagpapaulan, kapansin-pansin na basa na ang buong katawan nito. Pamilyar sa akin ang babaing iyon kaya upang makasigurado ay mas binagalan ko ang pagmamaneho at hindi nga ako nagkamali sa akala ko, si Miss Flor iyon.
Malayo ang natatanaw ko ngunit sigurado na akong siya 'yon dahil sa bagsak at mahaba nitong buhok na abot bewang ang haba.
Anong ginagawa niya sa kalsada ng ganitong oras at nagpapaulan pa?
Bakit nandito rin siya sa village na ito hindi kaya dito rin siya nakatira malapit lang sa bahay ko?
Anong problema ng babaeng 't?
Magkakasunod na tanong ko sa isip kahit alam ko namang malabo ang kasagutan kung hindi ko mismo itatanong sa kaniya.
Sunod na nabaling ang tingin ko sa dalawang lalaki na nakasunod kay Mischell, pamilyar din sa akin ang dalawang iyon dahil sila ang inutusan kong mag-imbistiga sa ina ni Mischell kaya ipinagtaka ko kung bakit si Mischell ang sinusundan nila ngayon.
Hininto ko ang kotse at pinagmasdan lang si Mischell at sina Tiago na nakasunod dito mukhang hindi rin nahahalata ni Mischell na may nakasunod sa kaniya. Napapalinga pa ang dalawa sa daan na tila ba nagmamatyag rin sa paligid.
Malakas ang ulan kaya kung may mangyari man na hindi maganda sa parti ng lugar na ito ay walang makakapansin malayo na kasi ang parting ito sa mga kabahayan.
Hindi ko na kinayang manatili lang at sundan sila ng tingin habang papalayo, mabilis akong bumaba ng kotse at hindi na inisip ang ulan kong mababasa ba ako dahil pauwi na rin naman.
"Tiago!" Kalmado kong tinawag si Tiago na sapat lang para sila ang makarinig at hindi na mapansin ni Mischell.
Halata ang gulat sa dalawa ng lingunin ako, ilaw sa medyo malayong poste ang nagbibigay liwanag lang roon.
"Boss ikaw pala 'yan," saad ni Tiago.
"Anong ginagawa niyo rito? Bakit n'yo sinusundan ang babaing 'yun?" sunod kong tanong.
"Sinong babae boss?" pagtataka naman ni Robert, ang kasama ni Tiago.
"'Yong sinusundan n'yo?" Tinuro ko ang papalayong bulto ni Mischell sa mga ito.
"Naku boss 'di namin alam ang sinasabi mo, napadaan lang naman kami rito at hindi namin iyon kilala. Bakit kilala mo ba 'yon boss?" Maangmaangan ni Tiago, kapansin-pansin na nagsisinungaling lamang ito dahil na rin hindi niya magawang makatingin ng diretso sa akin habang nagsasalita.
Pinagkakatiwalaan ko ang dalawa dahil nagagawa nito ang mga utos ko ngunit hindi sa lahat ng bagay kagaya nito, na para bang mayroon silang gagawing hindi maganda lalo na sa paraan ng mga galawan nila.
"Wala ka na ro'n," sagot ko sa tanong niya kong kilala ko si Mischell.
"Sige boss mauuna na kami?" pamamaalam na ni Robert.
"Sandali kung hindi niyo nga sinusundan ang babae kanina anong ginagawa ninyong dalawa rito?"
"Boss naman ikaw nag-utos na mag-imbistiga kaya kami narito, dito nakatira sa village na ito 'yung babaeng pina-iimbistigahan mo sa amin." Paliwanag ni Tiago na bahagya ko pang ikinagulat, ibig sabihin ay dito nga rin nakatira si Mischell.
Masasabi ko ngang may kaya ang pamilya niya dahil ang village na ito ay exclusive sa mga taong may kaya at halos karamihan sa bahay na nandito sa village na ito ay mga mansion.
"Ganoon ba anong balita?" tanong ko sa mga ito.
"Wala pa boss, pero pag may malaman kami agad naming sasabihin sa inyo," sagot ni Robert.
"Uuwi na rin kami boss, umuwi ka na rin basa ka na ng ulan," usal naman ni Tiago.
Hindi na ako sumagot pa ng magsimula nang maglakad ang dalawa palayo, mabilis na akong bumalik sa kotse ko at naramdaman ko na rin ng panlalamig sa katawan ko dahil sa medyo nabasa na rin ng ulan.
Nakita ko nang sumakay sina Tiago sa itim na kotse at tuluyang umalis, saka ko naman muling pinaandar ang kotse ko. Tinunton ko ang daan na dinaanan ni Mischell sinundan ko iyon at nakitang nagpapatuloy pa rin ito sa paglalakad at tila ba hinahayaan niya lang ang paghakbang ng mga paa niya kung saan siya dadalhin nito.
Hininto ko ang kotse sa mismong tapat nito ng maabutan ko na siya.
"Miss Flor!" tawag pansin ko rito habang nakababa ang bintana ng kotse ko upang makita niya ako, agad naman itong nagulat.
"Prof?" gulat na saad niya.
"Bakit nagpapaulan ka, halika na sumakay ka na ihahatid na kita." Alok ko ritong ihahatid ko na.
"Hindi na prof, nagpapaulan talaga ako e pangarap ko 'to nu'ng bata ang makaligo sa ulan hahaha." Tumawa pa ito matapos ang sinabi niya.
"Sumakay ka na miss Flor," pagpipilit ko rito.
"Salamat na lang po masaya kaya magpaulan," natatawang sagot parin nito.
"Anong masaya magkakasakit ka n'yan pasaway ka talaga," pigil sa inis ko nang sabi dahil napakapasaway naman talaga nitong si Mischell.
"Hindi po, kung gusto mo prof samahan mo na ako magpaulan haha," nahihiya na nitong sabi.
Napaisip naman ako bigla, tutal pauwi na rin naman ay babalikan ko na lang ang kotse ko kapag tumila ang ulan.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at mabilis nga akong bumama ng sasakyan, naulan na rin naman ako kaya sulitin ko na.
"Anong ginagawa mo prof?" takang tanong nito ng sa akin ng makababa ako.
"Sasamahan kita magpaulan, bakit may angal ka?" Pinandilatan ko pa ito ng mata saka naman ito ngumiti sa akin.
"Sabi ko nga okay lang."
Sinara ko ang kotse ko at nagsimula kaming maglalad.
"Bakit hindi ko alam na dito ka rin pala nakatira?" mayamaya'y saad ko rito upang basagin ang katahimikan.
"Hindi ka naman nagtanong e."
"Napaka pilosopo mo sumagot ano?"
"Totoo naman po, pareho lang naman tayo hindi ko rin alam na dito ka rin sa village na 'to nakatira," aniya.
"Bakit ka nagpapaulan gabi na ah?"
"Nagpapalamig lang ng utak siguro, 'tsaka may binili kasi ako kaso naabutan na ako ng ulan kaya ayon."
Nagpatuloy kami sa paglalakad, pantay ang linya ng mga hakbang namin at halos limang pulgada na lang siguro ang layo ng pagitan ng mga braso namin bago magdikit.
Tumama ang paningin ko sa mukha nito, hindi masyadong maliwanag ang lugar na dinadaanan namin ngunit nakita ko ang mukha nito, ang kanang mata lang nito ang natatanaw ko at sa pagkakataong ito muli ko na namang nakikita ang malungkot nitong mga mata na itinatago ang lahat ng emosyon.
Tila ba muli ko na namang naramdaman ang awa katulad kung paano ko ito unang nasilayan, 'yung lungkot na iyon ay tila ba gusto kong alisin sa mga mata niya ngunit hindi ko alam kong paano.
"Are you okay miss Flor?" wala sa sariling naitanong ko iyon sa kanya, dahilan para sabay kaming mapahinto sa paglalakad.
Ngumiti ito ng mapait sa akin at ramdam ko ang sakit sa ngiting iyon.
"Ako si Mischell kailan ba ako hindi naging okay," saad niya.
"You're lying right, kasi alam mo simula pa lang hindi ka naman talaga okay."
Katahimikan ang bumalot sa paligid namin at mukhang naunawaan naman nito ang sinabi ko, ang buhos ng ulan na iyon ay tila ba sinasabayan na kami ay ayaw tumila.
"Timigil ka prof pinapaiyak mo naman ako e." Narinig ko pa ang pagsinghot nito matapos ang sinabi niya.
"Then cry I won't stop you to do that." Nakatitig sa mga mata nitong usal ko.
Ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya sa pamamagitan lang ng pagtitig sa mga mata nito, ngunit kasabay noon ay ang isang pakiramdam sa loob ko na hindi ko magawang ipaliwanag sa sarili ko, ang puso ko ay tumitibok ng napakabilis at alam kong hindi iyon normal na pagtibok lang, tila ba nagwawala ito at hindi ko magawang kuntrolin ngunit kahit gano'n ay nagdudulot iyon sa akin ng masarap na pakiramdam.
Sumabay sa pagpatak ng ulan ang pagragasa ng mga luhang iyon sa mga mata niya, nakita kong lumuha ang mga mata niya sa unang pagkakataon ngunit hindi ko iyon makayang panoorin lang dahil tila ba maililipat sa'kin ang sakit na nararamdaman niya. Para bang nasasaktan din ako habang nakikita siyang umiiyak.
Hindi ko maipaliwanag sa sarili ng bigla ko na lang itong yakapin, kahit ako ay nagulat sa ginawa ko ngunit wala akong pakialam pa roon dahil gusto ko s'yang tulungan na gumaan ang nararamdaman niya at nagbabakasali akong kaya iyong alisin ng yakap ko.
Ngunit tila ba mali ako mas dahilan lang kasi iyon upang mas lalo s'yang umiyak at mas lumakas ang hagulgol nito.
Samanta ay ako ang labis na nagulat ng yakapin ako nito pabalik, ramdam ko ang higpit ng mga yakap niyang iyon sa'kin na tila ba ayaw na akong pakawalan pa.
Gustuhin ko mang kumalas roon ay hindi ko magawa, hinayaan ko lang siyang gawin iyon na dahilan lamang upang mas tumindi ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon habang magkayakap, ramdam kong napapatingin na rin ang ibang dumadaan sa amin ngunit hindi na lang namin pinansin.
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong nito habang nakayuko.
'Siya pa talaga ang may lakas ng loob itanong sa akin 'yon e siya nga itong yumakap sa akin ng mahigpit nahiya naman ako tsk,' isip ko.
"Anong ginawa?" maangmaangan ko.
"Bakit mo 'ko niyakap?"
"Dapat ba hindi, walang malisya 'yon dapat gano'n ang ginagawa ng mga kuya kapag nakikita nila ang bunso nilang kapatid na umiiyak," paliwanag ko rito.
Nagsinungaling ako dahil hindi ko alam kong anong iisipin niya sa ginawa ko, alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang totoong dahilan kung bakit ko iyon ginawa, kaduwagan lang itong ginagawa ko e.
Nakita kong bumagsak ang mga balikat nito matapos ang sinabi ko.
"Okay, ginawa mo lang pala iyon dahil parang kapatid mo lang ako at kuya kita, okay okay noted kuya." Napapatango pa nitong sabi.
"Anong kuya?"
"Sabi mo ginagawa iyon ng kuya sa nakababatang kapatid, edi kuya pala kita," saad pa nito.
Tila ba ayaw tanggapin ng sistema ko na kuya ang itatawag niya sa akin, hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.
"Sabi ko nga," sumang-ayon na lang ako kahit taliwas iyon sa nararamdaman ko.
Nagpatuloy kaming muli sa paglalakad hanggang marating namin ang tapat ng isang bahay nang huminto si Mischell.
Malaki ang bahay na iyon mula sa labas kung titingnan dahil sa dalawang palapag na taas na iyon, hindi maipagkakaila na may kaya nga sa buhay si Mischell.
"Dito na ang bahay ko papasok na ako kuya," saad niya upang magpaalam.
"Stop calling me like that, hindi naman kita kapatid kunwari lang 'yung sinabi ko bilang example p'wede ba."
"Hahaha charot lang po, sige prof ingat ka pauwi." Tinanguan ko na lang ito at nakitang tumuloy na siya papasok.
Saka naman ako naglakad ng diretso upang makauwi na rin at hindi ko akalaing metro lang pala ang layo ng bahay naming dalawa ng makauwi ako agad, siguro gano'n talaga wala akong pakialam sa mga nasa paligid ko kahit isa manlang sa mga kapit-bahay ko ay hindi ko kilala.

Book Comment (287)

  • avatar
    gomezmaicy

    ❤️❤️❤️adik n talaga ako sa mga story about sa professor isa na naman sa mga favorite k na story ito..ang ganda ng story n ito simula palang matatawa kana kaya nakaka gana syang basahin at super kilig tapos nakaka iyak din kaya na enjoy k pag babasa..thank u author sa napaka gandang story

    05/08/2022

      1
  • avatar
    MinMin

    ang ganda super hindi lang love between student and prof yung umiikot sa kwento pati pagmamahal sa magulang sa kaibigan, kung paano maging matatag, at higit sa lahat mag patawad, kaya basahin niyo na para malaman niyo kung gaano kaganda tong kwento na tohh supeeeeeer!!!!!😭💖💖

    08/02/2022

      2
  • avatar
    Willy Quilatan

    lol

    6d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters