logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 Breaking Her Heart

"Hindi naman gano'n kalamig sa labas pero ang taas ng lagnat niya."
Iniayos ni Mang Elmo ang higaan para kay Chance. Wala pa rin itong malay. Nakamasid din si Sunny at hinipo ang noo ng binata.
"Baka naman may sakit na siya nang magpunta rito. O kaya naman, nabinat kasi kagagaling pa lang niya sa aksidente," may pag-aalalang puna niya habang matamang nakamasid pa rin kay Chance.
Tumango lang si Mang Elmo. "Kawawa naman siya. Pakiramdam ko, hindi naman siya masamang tao."
"Paano n'yo naman nasabi? Mahirap magtiwala sa gaya niyang mayaman at may matapobreng parents." Umismid si Sunny. Tutal kaka-break niya lang sa mayaman niyang nobyo, nagsisimula na rin ang prejudice niya sa mga mayayamang tulad ni Chance kahit hindi pa naman niya ito lubusang kilala.
"Mahirap din namang husgahan natin siya kaagad."
"Kunsabagay."
Kinumutan lamang ni Mang Elmo si Chance bago lumabas ng kwarto. "Ikaw muna magbantay sa kanya Sunny," habol ng matanda.
"Huh? Bakit po ako?" gulat na tanong ng dalaga.
"Maghahanda ako ng damit para sa kanya. Nabasa rin siya ng ulan eh."
"Sige po."
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Sunny nang makaalis na si Mang Elmo. Tiningnan niya ulit si Chance at hinipo ang noo nito, gano'n pa rin, mainit ang temperatura. Sa kabilang banda ay nakokonsensiya si Sunny dahil naging harsh ang approach niya kay Chance. She almost killed him. Paano pala kung namatay ito kung hindi siya lumabas ng bahay?
Iwinaksi niya ang possibility na may masama pang mangyayari kay Chance. She looked at Chance like she's scanning every detail about him. Medyo humanga siya sa mala-anghel na mukha nito pero sa paniniwala niya, sa likod ng mala-anghel na anyo, nagtatago ang demonyo. Like her ex-boyfriend who used to dump her unexpectedly. Mas lalong nasisira ang gabi niya kapag naaalala si Zed. Sana may memory eraser na lang para hindi na niya madama pa ang bigat ng kanyang loob.
Napaiwas siya ng tingin dahil biglang bumalikwas si Chance habang nakapikit ito. Tumagilid kasi ito sa pagkakahiga at nakaharap na sa puwesto ng kinauupuan ni Sunny. Ibinalik ni Sunny ang tingin sa binata. Namumula ang ilong at labi nito pero hindi niya maikakaila na special feature ng mukha ni Chance ay ang makapal nitong kilay. May pagka-brown din ang buhok nito na medyo kulot—tulad ng buhok ng dati niyang nobyo.
'Diyos ko! Bakit naikukumpara ko na kayo sa isip ko!' aniya sa kanyang sarili. Inabot ng dalawang minuto bago bumalik si Mang Elmo. "Pasuotin mo sa kanya pag nagising. May gamot din pala tayo para bumaba ang lagnat saka may mainit pang sabaw," ani Mang Elmo saka iniabot ang t-shirt at jacket kay Sunny. "Sige po 'lo."
"Diyan ka muna matulog, bantayan mo muna. Pasensiya ka na apo, inaantok na kasi ang lolo mo," nakangiting habilin ng matanda saka nagtungo sa kwarto nito. Wala namang nagawang pagtutol si Sunny, hindi naman siya madaling tablan ng antok at hirap din siyang matulog sa gabi lalo na't umuulan. Nagpaka-busy na lang siya sa cellphone niya. Ilang araw na rin siyang hindi nakakapagbukas ng social media at kahit papaano'y umaasa siyang mag-iiwan ng message si Zed para sa kanya.
Pagkabukas pa lamang ng data, unang lumabas ang messenger notification, si Zed ang may mensahe.
"Sorry kung biglaaan. But I have to tell you this Sunny, kailangan nating mag-usap nang personal sa huwebes. Pumunta ka sa office ko, kapag uwian na."
Kaagad naman siyang nag-reply, saktong naka-online pa pala si Zed. "Bakit? Hindi ba puwedeng dito mo na lang sabihin?"
Naghintay pa ng ilang minuto si Sunny para lamang sa reply ng nobyo ngunit 'di niya inaasahang madudurog ang puso niya sa kanyang nabasa.
"I'm getting married. But please let me talk to you for the last time, sa office ko."
Kusang tumulo ang luha ni Sunny. Dahil tulog na ang lahat, minabuti niyang umiyak nang tahimik. Masyado siyang nasaktan, kung ikakasal na pala si Zed, posibleng niloloko lang siya nito noon pa man. Para siyang sinaksak nang paulit-ulit.
Magdamag siyang umiyak at nagising na namumugto ang mga mata.
***
Hindi na namalayan ni Sunny na sa sahig na pala siya nakatulog. Halos sampalin niya ang sarili dahil hindi niya nabantayan si Chance. Pag-angat niya ng tingin ay si Chance kaagad ang bumungad sa kanya, suot na nito ang t-shirt at jacket na hinanda ni Mang Elmo. "Magandang umaga," nakangiting bati sa kanya ni Chance. Kinusot-kusot ni Sunny ang mata saka marahan itong itinulak.
"Huwag mo nga akong lapitan," inis niyang singhal kahit mahina ang boses.
"Pasensiya ka na, pina-check lang kasi ni Lolo Elmo kung gising ka na. May almusal na kasi," apologetic na sagot ni Chance.
***
Nakahain na lahat at kumpleto na rin sina Mang Elmo sa hapag kainan. Sabay-sabay nilang binati si Sunny na kalalabas lamang ng kuwarto kasabay ni Chance. "Ate, hindi ka pa nagsusuklay," puna ni Bitoy. "Ate, namamaga ang mata mo," pagatong na komento naman ni Raisa. Biglang napayuko si Sunny bago sumabay sa hapag kainan.
"Dito ka muna umupo sa isang bakanteng upuan Chance," paanyaya naman ni Mang Elmo saka tumalima si Chance. "May pasok ka ba Sunny?" tanong pa ni Mang Elmo. Marahang tumango si Sunny bago sumubo ng piniritong isda. Napakunot-noo pa si Raisa. "Ate, parang matamlay ka, pinasa ba sa'yo ni kuya Chance ang sakit niya?"
Napamaang si Sunny. Pag-iling lamang ang turan niya. Si Mang Elmo naman ay bahagyang umiling. Kilala naman niya si Sunny, tiyak na may pinagdaraanan ito kapag ganoong tumatahimik na ito. Hindi niya masabi kung dahil ba kay Chance. Sunny wasn't that bad to deal with others. Hindi ito bastos.
"Kuya Chance, kumakain ka ba ng isda?" singit naman ni Bitoy saka inilapit ang tinutukoy na pagkain sa puwesto ng binata.
"Oo naman," tipid na sagot ni Chance. Walang pakimi-kiming nilantakan niya ang pagkain. Nasiyahan siya sa lasa. Hindi pa siya nakakatikim nang ganitong luto. Napansin pa nina Mang Elmo na magana siyang kumain. "Kumusta na ang pakiramdam mo hijo?"
"Okay na po. Ganoon po kasi talaga ako eh, may cold tolerance po ako kaya madaling lamigin. Salamat po ulit sa pagtulong ninyo," sagot ni Chance habang walang humpay sa pagkain ng almusal.
"Ang guwapo ni kuya, para siyang si kuya Zed," pakli ni Raisa. Naibagsak ni Sunny ang hawak niyang kutsara nang marinig ang pangalan ni Zed kaya nawalan kaagad siya ng ganang kumain.
"Maghahanda na po pala ako sa pagpasok," dahilan niya upang tumakas sa kainan.

Book Comment (107)

  • avatar
    Liza Estopa Mactal

    maganda po Ang love story po n chance tatapusin kopa po Ang love story n chance sana making sila n sunny sa bandang huli bagay po sila n chance Buti po ako sa kanila n chance sana mawala nayung Galit n sunny para po maayos napo Ang loob s chance at Mang Elmo

    21/12/2021

      5
  • avatar
    AshLey Quintos

    ang hirap tlaga pang mahirap Kang pinanganak Kasi tatapak tapakan ka lang Ng mga mayayaman gagawin Kang alipin pero hind Naman lahat Ng mayaman ay mapagmataas ang galing din Ng gumawa Ng story nito my twice siya pero hind pa ko tapos baka mas maganda pa ito sa kalagitnaan haha excited na ko sa magiging ending baka sa huli sila pa magkatulungan haha tapos magkaroon Sila Ng mga anak syempre kakasal Muna Sila bago magkaroon Ng mga anak hahaha excited na ko sa magiging kapalaran nila than you author

    28d

      0
  • avatar
    CaparasJennylyn

    ang ganda po ng novelah

    29d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters