logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Seven

Chapter Seven
TAMA NGA ANG SINABI NI DAVEY, halos lahat ng taong naroroon sa event na iyon ay nakasuot na kulay green na damit. Dahil noong mga panahon ng kampanya, ang kulay na ito ang motif ng naturang Senator na pupunta ng araw iyon. Pero kahit maraming tao sa paligid, at kahit hibla lang ng buhok ay kilalang-kilala ni Lyra ang mga kapatid niya.
Nakita niyang kasama ni Jinjin at Yuki ang ilan sa mga kaklase nito. Mabilis na gumapang ang galit at pag-aalala niya sa kanyang kapatid. Kaya dali-dali niyang nilapitan ang mga ito.
"Ate?!" gulat nito.
"Umalis na kayo sa lugar na ito!" utos niya.
"Pero si Arjhay..." gumapang rin ang takot sa mukha ni Yuki nang makita nito ang pagkaseryoso ng mga mata ni Lyra.
"Pinauwi ko na! Umuwi na rin kayong dalawa!!" mariin niyang utos sa mga ito, "Ngayon na!"
"P-Pero..." tutol pa sana ni Jinjin.
"Ano ba Jinjin?!" bulyaw na niya rito. Aktong babatukan pa sana niya ito nang bigla na lang silang makarinig ng malakas pagtili sa di kalayuan. Nagsimulang magkagulo ang mga taong naroroon.
"Bumagsak ang target!" bulaslas ni Davey sa kabilang linya. At parang nagfeedback pa iyong sa tenga ni Lyra.
"Umuwi kayo! Delikado rito!" galit na niyang utos kay Jinjin, "Protektahan mo ang mga kapatid mo! Pumunta kayo sa ligtas na lugar!"
"O-Opo, ateh!" sa wakas nakaintindi rin ang kapatid niya. Nagsimula na rin itong tumakbo at halos kaladkarin na nito si Yuki.
Iyon naman ang pagkakataon ni Lyra, dali-dali niyang pinuntahan ang taong bumagsak. Naabutan na niyang nakahandusay ang lalaki sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Halos butas rin ang ulo dahil sa pagkakabaril.
"Isang snipper!" sabi ni Davey.
Nadinig iyon ni Lyra. Pero mas pinagtuunan niya ng pansin ang bag na bitbit ng naturang lalaki. Tama nga si Arjhay, bag nito ang ginamit. Dali-dali niya iyong binuksan, at bumungad sa kanyang paningin ang bomba. Katulad ito ng bomba kanina sa Male Toilet.
Ilang segundo na lang ang natitira.
Nilabas na ni Lyra ang kanyang balisong para putulin ang dilaw na kable. Pagkaputol niya, huminto ang timer pero kasunod niyon ang pagbagsak ni Davey sa sahig!
Nanlaki ang mga mata ni Lyra nang makita niyang tinamaan ng bala si Davey sa mismong ulo nito. Wala pang segundo, binawian na kaagad ito ng buhay.
Aktong lalapitan na sana niya si Davey nang ang pulang marka sa mukha niya. At bago pa may lumioad na bala patungo sa kanya ay mabilis na niyang hinala ang bangkay ng lalaki. Ginamit niyang pangdepensa sa snipper na tumatarget sa kanya.
"Abort mission! I repeat, abort mission!" dinig niyang sigaw ni Moca sa kabilang linya ng kanyang earphones.
Doon napagtanto ni Lyra na hindi na siya ligtas sa lugar na iyon kaya tumindig na siya. Aktong lalayo na siya sa lugar na iyon nang maramdaman niyang parang malakas na pwersang pumalo sa kanyang kaliwang tagiliran.
Dahil sa pagkabigla, halos mapasubsob siya sa sahig.
Walang ideya si Lyra kung saan ang snipper. Pero iisa lang ang tumatakbo sa isipan niya, iyon ay ang makaalis sa lugar na iyon.
Kahit duguan na kanyang tagiliran, mabilis pa rin siyang tumakbo sa kung saan. Wala siyang direksyon. Gusto niyang sundan si Jinjin at Yuki, gusto niyang malaman kung ayos lang ba ang mga itong nakatakbo. Pero naisip niya, mas magiging delikado sa kanyang mga kapatid kung susundan niya ang mga ito.
"J-Jinjin..." bulong niyang tawag sa pangalan ng kanyang kapatid. Kailangan niyang pagkatiwalaan sa pangangalaga nito sa mga kapatid nila kahit pa minsan ay sadyang pasaway rin ito. Kinse anyos na ito, at alam na nito ang dapat nitong gawin.
Nagsimula siyang lumihis ng daan. Malayo sa mga tao. Kailangan pa rin niyang mag-ingat na wala nang ibang sibilyan ang mapapahamak.
"Arjhay..." pabulong niyang tawag sa pangalan sa dose anyos niyang kapatid. Wala siyang ideya kung ligtas ba itong nakalayo kanina.
Napangiwi si Lyra nang maramdaman niya ang matinding pagkirot ng sugat niya. Sa tingin niya, hindi ito basta daplis lang. Halos hindi na niya makontrol ang pagdaloy ng dugo nito. Pakiramdam din niya namamanhid na ang nuong katawan niya, at bahagya na siyang nahihilo.
"Yuki..." muling tawag niya sa isa pa niya sa isa pa niyang kapatid. Si Yuki, katorse anyos na ito. Ito ang pinakatahimik sa kanyang kapatid. Sa liit nito, ito naman ang pinakamatapang. Malaki rin ang tiwala niya rito.
Napakagat ng ibabang labi si Lyra. Lihim niyang sinisisi ang kanyang sarili kung bakit hindi niya muna sinasabihan ang kanyang mga kapatid na huwag munang lumabas ng bahay ngayon?
Isa ito sa mga kinatatakutan niya.
Ang madamay sa kaguluhan ang mga kapatid niya.
Siniksik si Lyra sa masikip na eskinita. Wala na siyang ideya kung nasaan siya. Lihim na lang siyang nagpasalamat dahil nakarating siya sa isang bakanteng lumang gusali. Pumasok siya rito para bigyan ng first aid ang sugat niya.
Umupo siya sa sulok.
Hindi niya maiwasan ang mapaluha nang maramdaman niya ang matinding kirot ng sugat niya.
Dahan-dahan niyang hinubad ang suot niyang itim na polo shirt. Nagawa niyang kagatin iyon, at buong lakas na sinira. Sinubukan niyang itali iyon sa kanyang duguang tagiliran.
Gusto niyang sumigaw sa sobrang sakit!
Doon na rin pumasok sa kanyang isipan ang mukha ng kanyang mga kapatid. Si Jinjin, si Arjhay, si Cobi, si Yuki, si Jimmy, si Tata at si Jun. Paano na lang ang mga ito kapag nawala siya? Sino na ang mag-aalaga sa mga ito?
Muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata nang maalala naman niya si Davey. Halos dalawang taon rin niyang nakasama ito sa trabaho. Ilang beses nilang niligtas ang buhay ng isa't isa. Pero kanina halos wala siyang nagawa dahil sa bilis na pangyayari.
Sinubukan niyang kontakin si Moca.
Pero wala.
Alam niyang palpak ang naging mission nila. Ngayon hindi na niya alam ang mangyayari sa kanila.
Nasa ganoong pag-iisip si Lyra nang makarinig siya ng mga yapak. Napatingin siya sa dakong iyon, pero dahil nakakaramdam na rin siya ng pagkahilo, halos hindi na niya ito makilala.
Huminto ito sa harapan niya.
Yumuko at ngumiti.
"Mukhang naligaw ang prinsesa," sabi nito.
"Ikaw?" gulat ni Lyra nang makilala ito.
Si Agustin.
Tinangka pang tumayo ni Lyra pero sadyang nandidilim na ang kanyang paningin. Nagsisimula na rin mamanhid ang buo niyang katawan. Kaya hindi pa siya tuluyang nakakatayo ay nawalan na siya ng malay-tao.
Naging maagap naman si Agustin, at nagawa siya nitong saluhin.

Book Comment (906)

  • avatar
    Mea Sablaon

    ang ganda mo ng pag kagawa ng story

    2d

      0
  • avatar
    DiazJanberdiaz

    galing nyo po

    4d

      0
  • avatar
    Jinky Baldon

    i like the story .well done.want to read more like this.

    16d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters