logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

07: The Old Building 03

Kaagad na dinala si Ronn sa clinic, hindi ko alam kung bakit hindi na lang siya diniretso sa ospital, mukhang masyado kasing marami ang dugo na halos bumalot sa buong katawan niya.
"Ma'am okay ka lang ba?" tanong ng guard kay Mrs. Mendoza, halos nanginginig ito at namumutla sa nakita kanina.
"I'm fine..." sinikap niya na maging matapang sa pagkakataong iyon. Mabuti na lamang ay nagsimula na ang klase kaya naman iilan lang sa mga estudyante ang nakakita at napagbawalan ang mga mang-uusyoso na lumabas ng room.
"Kayo po Sir?" tanong sa akin ni Manong guard.
"Ok lang po, medyo nagalusan lang ng kaunti pero wala naman pong malala sa tingin ko." sagot ko kay Manong.
Ipinasok si Ronn sa isa pang kwarto sa clinic at kasama naman si Mrs. Mendoza, ilang minuto pa ay dumating naman si Mr. Morgan.
"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Mr. Morgan sa akin. "Nasaan si Mr. Atienza?" sunod niyang tanong nang makita niya na mukha namang okay ako. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at mabilis niyang pinasok ang kwarto kung saan naroon si Doktora at si Mrs. Mendoza.
Tumayo ako sa kamang inuupuan ko at kinuha ang panlinis ng sugat para linisan ko ang mga galos at ilang maliit na sugat na nakuha ko sa pagbagsak mula sa second floor.
Ayos. Kahapon sugatan mukha ko, ngayon sugatan ang katawan ko. Ano naman kaya mangyayari bukas? Second day ko pa lang, paano pa kung pang one hundred days ko na?
Makalipas ang ilang minuto lumabas na si Mr. Morgan at Mrs. Mendoza.
"He's okay, don't worry about Mr. Atienza." sabi sa akin ni Mr. Morgan. Huh? Hindi ko naman tinatanong kung okay lang ang bugok na iyon.
"Mr. Alegre, what are you doing at the old building?" tanong ni Mr. Morgan sa akin, tumingin lang ako sa dalawang tao sa harap ko.
"Sir, naligaw po ako akala ko nandoon ang cr." pagsisinungaling ko kay Mr. Morgan.
"Section earth have their own comfort room." sagot ni Mr. Morgan, halatang hindi kumbinsido sa sinagot ko kanina.
"Huh? Meron po ba? Sorry po hindi ko po alam." maang-maangan kong sagot. Nakatitig lang sa akin si Mr. Morgan saka siya bahagyang umiling.
"...at sinong kasama mong mag-cr sa old building? nakita ka ni Mrs. Mendoza na may kasama kang bata, mukhang grade 7 ang kasama mong babae."
Tumango lang si Mrs. Mendoza saka umupo sa isang upuan na malapit sa kama. Halata kasing nanginginig pa rin ang mga tuhod niya.
"Ako lang po mag-isa doon Sir." sagot ko ulit kay Mr. Morgan.
"Don't make me a liar Mr. Alegre." nanginginig pa ang boses ni Ma'am nang sumabat sa amin ni Mr. Morgan.
"Hindi ko naman po sinasabi na sinungaling ka Ma'am, pero ako lang po talaga mag-isa doon sa lumang building kanina."
"So, sino ang nakita ko na katabi mo nang nasa railing ka? Multo?" galit na ang boses ni Ma'am.
"Ma'am kung hindi po multo nakita n'yong katabi ko kanina, bakit po ako tumakbo palayo? Siguro naman po Ma'am narinig n'yo ang ingay ng mga gamit sa second floor bago ako nalaglag pababa." paliwanag ko kay Ma'am, gusto ko magalit kay Mrs. Mendoza pero dahil siguro sa pagkabigla sa nangyari kay Ronn medyo maikli ang pasensya niya.
"Sir, may namatay po ba na bata sa building na 'yon?" tanong ko na lang kay Mr. Morgan. Hindi nakaligtas sa gilid ng mga mata ko na nabigla si Mrs. Mendoza pero kaagad naman niyang tinakpan ng mga kamay niya ang bibig niya. Kung ganoon, may namatay nga.
"Wala." mabilis na sagot ni Mr. Morgan. Tsh. Sinungaling.
"Ipinagbabawal pumunta sa building na 'yon ang mga estudyante, dapat mong tandaan 'yan Mr. Alegre." istrikto ang tono ng pagkakasabi niya kaya alam kong seryoso siya.
"Bakit po bawal?" tanong ko ulit, hindi ko alam kung bakit pero may kung ano ang bumuhay sa curiousity ko sa mga oras na ito at sila lang sa ngayon ang makakasagot sa mga tanong ko. Kahit pa kasinungalingan ang ilan sa mga iku-kwento nila. Alam ko naman na para maging kapani-paniwala ang kasinungalingan dapat may kasama pa rin itong kaunting katotohanan.
"Dahil delikado, you see what happened to you."
"Kung delikado po siya dahil luma bakit hindi n'yo po ipademolish?"
Natigilan si Sir at talagang naningkit ang mata niya. Hindi niya pwedeng sabihin na walang budget ang school dahil hindi iyon magiging kapani-paniwala.
"Because I said so."
"Ganoon lang 'yon?" sa huli ginamit ni Sir Morgan ang posisyon niya bilang principal ng Sacred Morning.
"That's unreasonable..." reklamo ko naman magsasalita pa sana si Sir nang bumukas ang pinto sa kwarto at lumabas si Doktora.
"How's the kid Dr. Aldama? bungad ni Mrs. Mendoza, nakaupo pa rin siya sa silya.
Umupo naman si Doktora sa isa pang silya malapit kay Mrs. Mendoza at isinandal ang likod sa sandalan nito.
"He's fine. Nawalan lang siya ng malay." sagot ni Doktora.
"Kamusta naman ang sugat niya? Malalim ba?" tanong ni Mr. Morgan, tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng tatlo.
"Walang sugat ang bata, Sir." sagot ni Doktora, napakunot ang noo ko sa narinig. Kahit si Mr. Morgan ay ganoon din ang reaksyon sa kanyang mukha. Walang sugat pero duguan, saan galing ang dugo?
"Walang sugat?"
" Yes, I can't believe it either when I looked closer. Technically wala siyang sugat na masasabi kong sanhi ng matinding pagdurugo but only some scratches and binding marks at the wrist and at the ankle parts ng bata."
Walang sugat pero duguan...ibig bang sabihin? Napa-isip ako sa mga nangyayari.
"Hindi sa kanya ang dugo na nasa katawan niya?" tanong ni Mrs. Mendoza.
"Sino naman ang maglalagay ng gan'on sa bata?" malalim na nag-isip si Mr. Morgan.
Bumukas muli ang pinto ng clinic at pumasok ang dalawang estudyante. Si Angelo at Alfred.
"What happened to Ronn?" tanong ni Angelo kay Mr. Morgan. Kaagad naman lumapit si Alfred kay Mrs. Mendoza upang tignan kung kamusta ang lagay ng ina.
"He's fine..." maikling sagot ni Mr. Morgan. "...why are you here? Class has already started?"
Nagtinginan muna ang dalawa bago sumagot.
"Nasa canteen po kami." si Alfred ang sumagot sa tanong ni Sir Morgan.
"Canteen?" napasabat na ako sa usapan nila. "Ang alam ko tatlo kayong magkakasama na bumaba ng building."
"Why are you here?" tanong ni Angelo na naiirita na kaagad pagkakita pa lang sa akin.
"He's the one who saw Mr. Atienza at the old building." sagot ni Mrs. Mendoza.
"What are you doing at the old building?" tanong ulit ni Angelo. Tsh. Kanina pa tinanong 'yan ni Mr. Morgan nakakasawa na.
"Sir, tatlo sila na umalis kanina sa building habang break, si Angelo at Alfred ang pwedeng makapagpaliwanag kung paano napunta si Ronn sa lumang building." baling ko kay Mr. Morgan sinadya kong hindi pansinin ang tanong ni Angelo.
"Is it true?" nagdikit na ang dalawang kilay ni Mr. Morgan nang tanungin niya si Angelo, sasagot sana si Alfred pero pinigilan siya ni Mrs. Mendoza habang tahimik lang kami ni Doktora na nanonood sa nangyayari.
"Well... Yes... we're together earlier, but he left us on our way he said that he needs to see someone." paliwanag ni Angelo, bigla namang sumulpot ang ulo ni Daldalita mula sa pader malapit sa pinto ng clinic.
"Oi! nand'yan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap!" masaya ang bati sa akin ni Daldalita saka siya lumipad palapit sa akin, sinenyasan ko siya na tumahimik dahil nag-uusap ang magkapatid na Morgan.
"Sino naman ang imi-meet niya sa lumang building? 'di ba alam ninyo na bawal ang pumunta sa old building?" seryoso ang mukha ni Mr. Morgan.
"I don't have an idea that he's going to meet someone at the old building." katwiran ni Angelo pero parang nate-tense siya.
"Nagpunta silang tatlo sa lumang building, pina-akyat pa nga niya sa second floor si Ronn." sumbong sa akin ni Daldalita, habang nakatingin sa magkapatid. "Parusa n'ya raw 'yon kay Ronn." dagdag pa niya.
Tumingin sa direksyon ko si Mr. Morgan at sandaling pumikit. "May pinagawa ka ba kay Mr. Atienza?"
Nagkatinginan kami ni Daldalita nang marinig namin ang tanong ni Mr. Morgan. Ano 'yon? Narinig kaya niya ang sinasabi ni Daldalita? May sixth sense ba ang taong 'to?
"I-ipapagawa? Ano naman ipapagawa ko sa kanya?" halatang nawala sa composure si Angelo, tumingin si Mr. Morgan kay Alfred.
"Out. You stay outside, I'll call you later." utos niya kay Alfred.
"K-Kuya!" reklamo ni Angelo.
"Are you going to tell me the truth now or should I find it myself?" seryosong tanong ni Mr. Morgan hindi ko alam kung bakit parang natakot si Angelo sa kuya niya. Hindi na rin tuluyang lumabas ng clinic si Alfred at nanatiling nakatayo sa tabi Mrs. Mendoza.
"Okay!" bugnot na sagot ni Angelo "I told him to stay at the old building for 10 minutes."
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ulit ni Mr. Morgan parang sila lang dalawa ang tao sa kwarto dahil lahat kami ay pinapanood ang magkapatid.
"Oo nga, pina-akyat n'ya si Ronn para raw parusa niya sa kadaldalan niya kanina tungkol kay Aya." Kami lang pala ang tahimik, si Daldalita lang ang nagsasalita, wala siyang pakialam kung ano ang atmosphere sa paligid, siguro dahil wala naman nakakarinig sa kanya.
"B-Because, I just wanted to." bumalik ang ere ng kayabangan ni Angelo. Dahil lang sa gusto niya? Iyon na ang dahilan n'ya? Iba ba talaga kapag anak ka ng may-ari ng school?
"Is it about a person?" naningkit ang mga mata ni Mr. Morgan, napatingin ulit ako kay Daldalita.
"Hm? Bakit?" inosenteng tanong naman ni Daldalita.
"T-Tao? Anong sinasabi mo Kuya?" na-tense na naman si Angelo.
"Alam mo ba na halos nahirapan ako kanina mapalayo lang sila sa building? Kaso naka-akyat na si Ronn nang natakot ko sila, pinagalaw ko ang isang upuan, ang bibilis nilang tumakbo palayo." natatawang kwento ni Daldalita. Mukhang nakalimutan na niya ang inis sa akin kanina.
Pero ang nakakainis hindi ako makapagfocus sa kadaldalan niya, hindi ko alam kung sino pakikinggan ko.
"May nagawa si Mr. Atienza na hindi mo nagustuhan kaya pinapunta mo sa old building." sagot naman ni Mr. Morgan
"W-Wala ah!" umiwas ng tingin si Angelo sa Kuya niya at napunta naman sa akin ang atensyon niya.
"Maybe you're right..." bulong ni Angelo. "...dahil sa isang tao, inutusan ko si Ronn na pumunta sa lumang building."
"What do you mean?"
"Si Alegre, pinag-bibintangan niya kami na kami raw ang nagpadala sa mga outsiders para abangan siya pauwi sa labas!"
Teka, bakit nadamay ako?
"Ako?" Sa akin naman ngayon natoon ang atensyon ng lahat.
"Hala, sinungaling siya! Pinaakyat niya si Ronn sa taas kasi pinarusahan niya sa pagdaldal na pinopormahan niya 'yong tomboy na si Aya!" reklamo ni Daldalita pero sa akin siya nakatingin.
"Hoy wag mo 'ko idamay-"
"So that's the reason you're at the old building? To settle the matters with these three?" singit ni Mrs. Mendoza.
"Yes Ma, pinagbibintangan niya kami." sinuportahan talaga ni Alfred si Angelo. Heto na naman kami.
"Sinungaling!" nanggigil na si Daldalita. "Sana pala hindi ko na lang sila pinalayo sa building na 'yon para atakehin din sila ng bad spirit na 'yon kagaya ng nangyari kay Ronn." dagdag pa nito.
Napalingon na naman ako kay Daldalita. Ang masamang espiritu ba na sinasabi niya ang umatake kay Ronn? Pero mas nagulat pa ako ng humarap si Mr. Morgan sa akin at nakatalikod siya kay Angelo, Alfred at Mrs. Mendoza, biglang kumindat si Mr. Morgan sa akin.
"Ha?" gulat na nabigkas ko.
Napatingin ako sa kanya. Anong gusto niya mangyari?
Tumango lang sa akin si Mr. Morgan. Bumalik siya sa posisyon niya at muling hinarap ang kapatid na si Angelo.
"Mr. Alegre, totoo ba ang sinabi sa'yo ni Angelo?" tanong sa akin ni Mr. Morgan, nakuha ko naman ang mensahe niya.
Sandaling tumahimik ang clinic kahit si Daldalita tumigil nang tanungin ako ni Mr. Morgan.
"O-Opo..." mahina ang pagkakasagot ko pero sapat na 'yon para marinig ng lahat ng nasa kwarto.
"I knew it. Talagang you're up to no good nang nakita kita doon sa old building." nanggagalaiting singit ni Mrs. Mendoza, hindi ko siya pinansin.
"Hala! Anong nangyari? Bakit ka nakikisakay?" naguguluhang tanong sa akin ni Daldalita
Kumunot ang noo ni Angelo, alam niya na nagsisinungaling ako at inaasahan n'ya siguro na itatanggi ko ang paratang n'ya.
"Hindi po ako mapakali na hindi ako nakakaganti sa mga naka-away ko kaya pagdating na pagdating ko hinamon ko ulit ang tatlo ng away." napangiti si Doktora sa sagot ko, ewan ko ba parang bigla na naman uminit ang pisngi ko napa-iwas tuloy ako ng tingin.
"Ibig sabihin ikaw ang dahilan kung bakit nandoon si Mr. Atienza?" tanong sa akin ni Mr. Morgan, Ano ba gusto nitong mangyari?
"Aaahh! Sumasakit ang ulo ko sa inyo! Puro kayo sinungaling!" Galit na sigaw ni Daldalita, napapadyak pa siya sa inis kahit pa lumulutang siya.
"Hindi ko naman po alam na matatakot itong si Angelo at magpapadala ulit ng alipores niya." dagdag ko pa.
"Hindi ako takot sa'yo!" nagalit na kaagad si Angelo sa sinabi ko.
"Then bakit si Ronn ang pinapunta mo?" tanong ni Mr. Morgan.
Tumayo si Doktora at pumasok sa kwarto kung nasaan na si Ronn. Si Mrs. Mendoza naman nagpalipat-lipat ang tingin sa aming tatlo nina Mr. Morgan, kay Angelo at sa akin.
"This is getting out of topic." napa-iling pa si Mrs. Mendoza. Hindi siya pinansin ni Mr. Morgan, hinihintay lang niya ang sagot sa tanong niya kay Angelo.
"I... because... he...ah..." parang biglang nag-loading si Angelo dahil hindi pa siya makasagot kaagad.
"See, you're lying. Kilala kita. Hindi mo kaya panindigan ang mga kasinungalingan na sinasabi mo. Should we start over again or you're going to tell me why did you sent Mr. Atienza to the old building?"
"Sabi ko nga 'di ba? Bilang parusa dahil sa kadaldalan niya kay Aya! Nalaman na kasi na siya ang secret admirer niya kaso basted!" singit ni Daldalita nakapameywang pa. Hindi ba niya naiisip na madaldal din siya?
"Mr. Alegre, kindly keep your friend silent, she's getting annoying." utos ni Mr. Morgan.
Nanlaki ang mata ni Daldalita. Kahit ako nagulat. Si Mrs. Mendoza, Alfred at Angelo naman ay parang nagkaroon ng malaking question mark ang mukha.
"Ano?" naguguluhang tanong ni Angelo.
"Never mind me. Now tell me the whole reason." pagpapatuloy ni Mr. Morgan na parang wala lang ang sinabi niya sa akin kanina.
"Nakikita niya rin ako Trick." maluha-luha si Daldalita, sa ngayon tatlo na kami na nakakakita sa kanya. Kitang kita sa mukha ni Daldalita ang kasiyahan sa nangyari.
"I-I can't." tanggi ni Angelo sa Kuya n'ya. Napayuko pa nga siya para lang maiwasan ang tanong.
"Is it because of a girl?" tanong ni Mr. Morgan, mabilis na napaangat ng mukha ni Angelo.
"H-How?"
"I won't elaborate what I discovered but you should remember, what you did almost killed Mr. Atienza."
Bumukas ang pinto sa room kung saan naroon si Ronn at sumilip palabas si Doktora.
"He's awake." pagpapaalam ni Doktora kay Mr. Morgan, iniwan niya kami nang walang sabi-sabi at dumiretso sa loob, bigla na lang sumunod sa loob si Daldalita hindi ko naman siya mapipigilan kahit pa tawagin ko siya.
Tahimik lang kaming apat na naiwan. Sa akin nakatingin ang tatlo at syempre nakakamatay ang tingin na ginawa nila, parang gusto nila ako saksakin sa tingin hanggang mamatay ako sa mga titig nila. As usual unaffected ako sa ginagawa nila, sa halip ay nilinis ko na lang ang galos na nakuha ko sa pagkabagsak ko mula sa second floor ng lumang building.
"I'm warning you Mr. Alegre, don't you ever try to lay a finger on my son or else..." hindi na tinapos ni Mrs. Mendoza ang sasabihin niya saka siya tumayo at inayos ang medyo magulong buhok ni Alfred.
"Ma..." reklamo ni Alfred nahihiya sa ginagawa ng Mama niya dahil ibinalik ang pagka one side na style ng buhok niya na mala Jose Rizal.
"You look better." nakangiting sabi ni Mrs. Mendoza bago lumakad papunta sa kwarto kung saan naroon sina Mr. Morgan at Ronn.
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa Kuya ko at parang magkakampi kayo pero tandaan mo Alegre, hindi pa tayo tapos." may pagbabanta sa tinig ni Angelo at kahit ilang beses pa siya magbanta hindi ko alam kung bakit wala akong maramdamang takot.
"Ako dapat magsabi sa'yo n'yan. Akala mo siguro matatakot na ako sa'yo kapag nabugbog ako ng mga alipores mo? Malas mo lang sila ang napunta sa ospital." sagot ko kay Angelo.
"Anong sinasabi niya?" naguguluhang tanong ni Alfred kay Angelo. Hindi naman sumagot si Angelo sa halip ay tahimik na lang siya na umupo sa isang silya kung saan nakaupo kanina si Doktora.
Bumalik ang katahimikan sa aming tatlo habang hinihintay kung anong nangyari sa loob kung nasaan si Ronn. Sinulyapan ko ang orasan sa konkretong pader. Pasado alas-onse na.
Nakamiss na kami ng ilang subject.
Mula sa pader ng kwarto kung nasaan si Ronn biglang tumagos palabas si Daldalita na nakasimangot at halatang inis na inis.
"Hindi ako pinapansin ni Mr. Pogi." sumbong n'ya sa akin. Talagang hindi ka papansinin, may mga tao eh.
"Ano kaya pinag-uusapan nila sa loob?" tanong ko kay Daldalita pero hindi ako sa kanya nakatingin, nakapako lang ang mga mata ko sa pinto ng kwarto para kunwari kausap ko ang sarili ko. Napatingin naman sa direksyon kung saan ako nakatingin sina Angelo at Alfred.
"Tinatanong lang ni Mr. Pogi si Ronn kung anong nangyari at napunta siya sa kisame sa hallway at kung paano nagkaroon ng dugo ang buong katawan niya." sagot ni Daldalita halata pa rin sa boses ang disappointment.
Makalipas pa ang lang minuto ay lumabas na ng kwarto sina Mr. Morgan, Mrs. Mendoza at si Doktora. Kitang kita ko ang pag tense ng mga balikat ni Angelo nang lumabas ang Kuya n'ya.
"Can we see him now?" tanong kaagad ni Angelo sa kapatid.
"He needs rest." singit ni Doktora.
"Kamusta naman po siya? Paano po nangyari sa kanya ang ganoon?" tanong naman ni Alfred kay Mrs. Mendoza.
"Hindi n'ya masyadong maalala ang nangyari, basta bigla na lang daw nagdilim at wala na siyang alam pagkatapos." sagot naman ni Mrs. Mendoza.
Sa sinabing 'yon ni Mrs Mendoza, saka lang nagrelax ang balikat ni Angelo.
Bumukas bigla ang pinto ng clinic at pumasok ang isang guard.
"Sir, may nasasaniban na naman sa grade 10." sabi ng guard. Kaagad na lumabas si Mr. Morgan kasunod ng guard.
"Hindi na ba matatapos ang pagpapa-pansin ng mga estudyanteng 'to?" umiiling na sabi ni Mrs. Mendoza, halatang stress na stress na siya sa mga nangyayari. Sumunod naman sa paglabas ni Mr. Morgan sina si Mrs. Mendoza at si Doktora.
"Tingnan natin?" yaya sa akin ni Daldalita, tumayo ako saka dumiretso palabas ng clinic at iniwan ang dalawa sa loob. Akmang tatayo na si Alfred para lumabas din sana ng clinic pero pinigilan ni Angelo.
Kitang-kita ko ang pagkukumpulan ng ilang estudyante sa labas. Nasa third floor ang mas maraming estudyante ng grade 10.
"Bantayan mo ang tatlo sa loob, alamin mo kung anong pag-uusapan nila." utos ko kay Daldalita. Alam ko na may plano si Angelo na kausapin si Ronn habang sinasamantala ang pagkakataon na may kaguluhan dito sa labas.
"Eh?" reklamo kaagad ni Daldalita. Tinignan ko lang siya at nakuha naman niya na seryoso ako saka bumalik doon sa clinic na nakabagsak ang mga balikat.
"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakaganti!!!"
Isang malakas na sigaw ang nanggaling doon sa third floor ng grade 10 building. Kita ko naman mula rito sa baba na nandoon na sina Mr. Morgan at ang iba pa kasama ang mga guard.
Haunted ba ang school na 'to? Bakit gustong gumanti ng espiritu na 'yon? Pinatay ba siya dito sa school?
Dumami na ang mga estudyante mula sa grade 10 building ang naglabasan sa kani-kanilang classroom para maki-usyoso, kaagad naman na pinabalik ni Mrs. Mendoza ang mga ito sa loob para hindi na madagdagan pa ang gulo.
"B-Barbara..."
Napalingon ako sa nagsalita, isang babae at may kasama pang iba na nasa tabi lang niya. Bakas sa mukha nito ang takot maging sa isang kasama niya. Pinagmasdan ko ang babaeng nagsalita, pamilyar ang mukha nito.
"Miss, taga-section earth ka ba?" tanong ko sa babae. Bahagya siyang nagulat ngunit, hindi naman siya sumagot, sa halip hinatak nito ang kasama niya at naglakad palayo.
Nice talking. Lumakad ako palayo sa clinic at umupo sa isang bench na nasa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang kaguluhan sa itaas, kahit pa hindi ko makita lahat ng nangyayari ay nakapako lang doon ang mga mata.
Barbara.
Hindi naman ako bingi para hindi ko marinig ang sinabi ng supladang 'yon at siguro isa na 'yong clue sa kung anong nangyayari sa school na'to.
Habang pinagmamasdan ko sila sa taas ay parang may nakita akong gumalaw sa lumang building. Kulay puti ang uniporme namin kaya naman makikita ito agad kahit medyo malayo. May kung ano na naman sa old building na 'yon.
Alam kong kagagaling ko lang sa building na 'yon at ka-muntik na rin akong mapahamak sa multong naroon. Siguro naman kung sumanib ang multo sa grade 10 student, wala siya ngayon sa building na 'yon, pero bakit may nakita akong nakaputi na gumalaw? Wala namang multo ang omnipresence, kahit saglit ko lang siyang nakita sigurado ako na hindi ako namamalik-mata.
Ayaw ko na sanang tumayo pero mas malakas ang hatak ng curiosity sa katawan ko. Tumayo ako mula sa bench kahit medyo masakit pa katawan ko sa pagkakalaglag.
Nalampasan ko kaagad ang ilang estudyante rito sa baba, naglabasan na rin kasi sila kahit ang ilang mga teacher ay lumabas na rin at hindi na napigilan ang alamin kung ano ang nangyayari. Wala na rin naman sigurong makakapansin sa akin.
Sa 'di kalayuan din naman ay may nakita ako na nakatayo ang isang estudyante kasama ang isang guard na nakatingin sa third floor ng grade 10 building, mukhang close ang dalawa pero di ko na sila masyadong pinansin at dumiretso ako sa paglakad papunta sa old building.
Nandoon pa rin ang mga bulok na kahoy na kasama kong nalaglag mula sa itaas. Bumalik sa ala-ala ko ang mga nagliliparang mesa at upuan, ang sakit kaya sa pakiramdam matamaan ng bakal sa katawan.
Lumakad ako papunta sa hagdan kahit pa dahan-dahan akong maglakad paakyat, ang mga umiingit na tunog ng kahoy na sahig ang mag-iingay para sayo kaya non-sense rin kung may plano akong sorpresahin o hulihin kung anong ginagawa ng isang tao rito sa lumang building.
May narinig akong tunog na parang pagbagsak ng isang bagay. Nagpatuloy lang ako sa pag akyat. Malapit na ako sa itaas nang may marinig akong ingay mula naman sa baba ng hagdan.
"Cloud!" napatigil ako, nasa ibaba si Gello medyo hinahabol ang paghinga. "Anong ginagawa mo rito?"
"Ikaw? Ano ginagawa mo rito?" tanong ko rin sa kanya. Bakit naghahabol siya ng hininga?
"Nakita kita papunta rito kaya sinundan kita agad, tumakbo ako para maabutan ka." nakangiting sagot niya sa akin.
Bumaba na lang ako ng hagdan, magtatago na rin siguro ang kung sino man ang nakita ko dito dahil alam niya na may tao na.
"Bakit mo ako gustong maabutan?"
"Hm? Ah wala naman, 'di ba bawal tayo rito? Baka pagalitan tayo ni Mrs. Mendoza nand'yan din ang principal sa kabilang building lang baka mahuli tayo."
Bakit pa siya sumunod? Para lang sabihin na bawal? Pwede naman na ako lang pagalitan ah? Concern lang? Kaya ba hinabol ako? Pinunasan ni Gello ng panyo mula sa bulsa ang mukha at leeg niya na medyo napawisan dahil siguro sa pagtakbo paghabol sa akin.
"Ang dumi ng kamay mo, maalikabok." puna ko sa kamay niya.
"Ah, s-salamat." pinagpag naman niya ang kamay at kumuha ng sanitizer mula sa backpack niya.
Bakit maalikabok ang kamay ni Gello?
★★★★★ITUTULOY★★★★★

Book Comment (238)

  • avatar
    Li Liah

    I really enjoy reading your story, I found myself laughing all the way through it. The story was very enjoyable to read. I don't remember the last time I read something as good as your story, No words can describe this story another then great. My words won't be enough

    18/02/2022

      9
  • avatar
    Jol Cyndrelle Quiñones Bajenting

    hi po, gusto ko lang po sabihin na ang ganda po ng story sobrang nagustohhan ko po , sana po marelease na po sunud na chapter po, 💙💙

    08/02/2022

      0
  • avatar
    JU DY

    Hello po, I really love your story kaya po sinundan na kita dito kasi dalawang pasko na ako naghihintay sa update ng story na to.

    08/01/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters