logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 33 | Jeon Siblings

Ciara's pov
"HOY!! Hoy! Teka! bata, akin 'yan! Cellphone ko 'yan, bumalik ka!!" Sigaw ko do'n sa batang nakapulot ng phone ko na ngayon ay tumatakbo na palayo sa akin! Grabeng bata 'yun, snatcher! Ang bilis ng kamay!
"Hoy!" Pagtawag ko at laking pasalamat ko dahil lumingon siya sa direksyon, pero hindi ko inaasahan na madadapa siya dahil sa ginawa niyang paglingon.
Hindi ko alam kung matatawa o maawa ba ako, pero hindi naman 'yan mangyayari sa kanya kung hindi niya tinakbo 'yong phone ko. Gosh.
Agad ko namang nilapitan si totoy at inagaw 'yung phone ko mula sa kamay niya.
"Mali ang kumuha ng gamit na hindi mo pag-aari, bata. Mali 'yon, okay?" Pangangaral ko dito, pero tinakbuhan lang ako. Sinundan ko pa siya ng tingin papalayo. Bakit niya kasi itinakbo ang phone ko, pwede namang manghingi na lang siya sa akin ng pera kung nangangailangan talaga siya.
Pinagpagan ko naman ang phone ko at agad na ring bumalik sa kotse matapos kong magpaalam sa puntod ni Tyron. Dumidilim na rin kasi ang langit at mukhang uulan kaya nagmadali na rin akong umuwi. Ilang saglit lang din naman ang inabot ay naka-uwi na ako.
"Mabuti naman at nakauwi ka agad bago bumagsak ang ulan. Oo nga pala, may bisita ka, naroon siya sa kwarto mo, hinihintay ka." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni yaya.
Si Jennifer? Akala ko ba may susunduin pa siya sa airport? Nasundo niya na ba?
Agad akong umakyat sa kwarto at pumasok, nage-expect na may sasalubong sa akin na mukha ni Jennifer, pero agad akong nakasimangot dahil katahimikan lang ang naabutan ko.
"Wala namang tao," ambit ko at dumiretso sa kama para humiga.
Si yaya talaga niloloko ako.
Someone's pov
Pagkatapos kong maligo ay nagulat ako nang may babae nang nakahiga sa kama pagka-labas ko ng banyo. Sino 'to? Siya ba 'yung bestfriend ni Ate? Bakit siya nandito sa guest room?
Agad ko naman itong nilapitan at pinakatitigan ang mukha niya. Napansin kong tulog ito dahil sa mabagal na paggalaw ng dibdib niya. Bahagya pa akong lumapit sa kanya at gumuhit ang ngiti sa labi ko nang maamoy ko ito.
Awit lods, ang bango.
"Smells good, she looks cute, pwede na." Tatango-tangong sambit ko habang nakangiti. Mabilis naman akong naupo muna ako sa gilid ng kama katabi niya at pinanood siyang matulog nang mahimbing.
She looks tired, where did she go?
Ciara's pov
Naalimpungatan ako mula sa pagtulog nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Saglit ko pang pinakiramdaman ang presensya nito, pero parang hindi pamilyar sa akin kaya naman agad kong nilingon ito.
What the—
"Aaaaaaaaah!!" Malakas na sigaw ko nang bumungad sa akin ang mukha ng isang hindi pamilyar na lalaking walang saplot pang-itaas, agad kong hinablot ang kumot ko at lumayo sa kanya.
"S-sino ka?! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?! Bakit ka andito?! M-magnanakaw ka, 'no?! Aaaahh!! Tulong! May magnanakaw dito! Manyakis ka! Lumayas ka sa bahay ko! Aaaaaah!!" Pagpapanik ko.
"Hey, hey! Calm down! Hindi ako man-"
Bago pa niya matapos ang sinasabi niya ay pinagbabato ko na siya ng unan na mga nahahablot ko.
"Wala akong pake! Magnanakaw! Rapist! Lumayas ka! Ang lakas ng loob mong mag-akyat bahay?! Lumayas ka rito kung ayaw mong ipadampot kita sa police!" Pagi-iskandalo ko, agad namang siyang napakamot sa batok at parang naaasar na sa pagbato na ginagawa ko sa kanya gamit ang mga unan.
"Omayghad, Ara!" Agad akong napahinto at nagtatakbo papunta sa likod ni Jennifer nang pumasok ito sa pintuan.
"Jennifer, paalisin mo 'yang rapist na magnanakaw na 'yan!" Duro ko sa lalaking nakatayo pa rin sa harap namin at parang gulong-gulo na nakatingin lang kay Jennifer.
Bastos talaga!
"A-ano? Teka nga, bakit ka nandito? Guest room 'to, ah? Nasa taas 'yung kuwarto mo, bakit ka napunta dito?" Sunod-sunod na tanong niya, dahilan para saglit akong matigilan. Iginala ko pa ang paningin ko ay hindi nga ito ang kuwarto ko. Paano ako napunta dito?
"H-hindi ko alam. Basta, palayasin mo 'yang lalaki na 'yan! Akyat bahay! Manyakis!" bulyaw ko pa do'n sa lalaki na hindi makapaniwalang nakatingin lang sa akin. Tignan mo! Ang kapal ng mukha, feeling dito nakatira. Parang kasalanan ko pang palayasin siya sa pamamahay ko, ah?!
"Sandali nga, huminahon ka. Ano ka ba? Hindi siya magnanakaw at mas lalong hindi siya rapist, okay? Sa gwapo niyang 'yan, napagkamalan mong rapist?!" Nagugulat na tanong nito sa akin, habang nakaturo do'n sa lalaking topless.
Tinaasan ko naman ito ng kilay, habang hine-head to toe. Well, may abs- eh! Hindi! Anong abs?! Bsh-@++2;6$k+;@!!!!
"Magbihis ka nga, Tyler!" Utos dito ni Jennifer na ikinakunot ng noo ko.
Sandali..
"Kilala mo ang manyakis na 'yan?" Takhang tanong ko sa kanya.
"Malamang, kapatid ko 'yan e. Saka, hindi nga siya manyakis, ano ba!" Sagot niya.
"Pero kapatid mo talaga siya? May kapatid ka?" Gulat na tanong ko dito.
"Ay, hindi! Boyfriend ko 'yan! Kakasabi lang e, kapatid ko nga," pamimilosopo nito. Napaawang naman ang labi ko, saglit pang nagsalit-salit ang tingin ko sa kanilang dalawa at doon ko lang napagtanto na magkamukha nga talaga sila.
Paanong may kapatid siya?? Kailan pa? I mean, bakit hindi ko alam?? Sa tagal na naming mag-kaibigan, ngayon ko lang nalaman na meron pala siyang kapatid? Tf?
"Bakit hindi mo sa akin sinabi before na may kapatid ka pala?" Tanong ko at bumaling do'n sa Tyler na nagbibihis na ng pang-itaas na damit.
"Hindi ka naman nagtatanong. Sa thailand siya nag-stay, kaya hindi ko rin naiku-kuwento," paliwanag niya.
Thailand?
"Oo nga pala, tumawag sila Raiza. Alam na daw nila kung na saan 'yung mga magulang mo." Masayang balita niya, dahilan para muling mapaawang ang labi ko nang dahil sa gulat.
"Hindi nga? Totoo? Nakita na nila? Saan daw?" Interesadong tanong ko, hindi na mapakali.
"Hindi ko pa alam, magkita na lang daw tayo sa Lulu Restaurant," sagot nito, napatango naman ako at para akong nabunutan ng kung anong nakabara sa dibdib ko dahil nakahinga na ako nang maluwag.
Finally.. makikita ko na sila.
"Saka si Tyler pala, dito muna siya, ha?" Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
A-ano?!
"Bakit?! Ayoko nga! Manyakis 'yan e!"
"Hindi nga 'yan manyakis! Masiyado lang madikit sa babae!" Natatawang sabi niya. Ganoon na rin 'yun!
"Ingat ka na lang sa kanya." Natatawang paalala nito.
"Bakit hindi sa inyo?" Tanong ko.
"Hindi alam ng parents ko na nakauwi na siya, buti nga ako ang unang tinawagan niya." TULOY niya sa kapatid niya.
"Ah, siya 'yung sinasabi mong susunduin mo sa airport?" Tanong ko na ikinatango niya.
"Kumusta naman 'tung kay Kyro?" Agad siyang napasimangot nang tanungin ko yon.
"Tss, wala! Nagkakilanlanan lang, nag-meeting lang yung parents namin. Psh!" Parang nanghihinayang niya pang sabi kaya natawa ako.
"Teka, bakit ayaw mo mag-stay 'yang manyakis mong kapatid sa inyo?" Curious na tanong ko.
"Eh, paano! Paniguradong ia-arrange lang din siya kung kani-kanino na namang business family para lang mas lumago pa 'yung kompanya namin. Ayoko pa namang mangyari sa kanya 'yun. Bata pa siya, gusto kong ma-enjoy niya muna ang pagiging binata niya, no!" Sabi niya.
"Bata pa ba yan?"
"Isip bata, minsan."
"Bakla?" Inosentent tanong ko.
"May abs, bakla?" Tanong niya.
"Hindi lahat ng may abs, lalaki."
"Hindi rin lahat ng naka-bra, may dinadala!" Natatawang pangaasar nito sa akin at pinasadahan ng mapang-asar na tingin ang dibdib ko.
Aba!
"Subukan mong magpatayo ng flaternity, madaming sasali, hahahaha!" Narinig kong pagsingit sa usapan namin nung Tyler. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
Close kami? Close kami?
"Alam mo kung anong pinakamaliit na tea?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya, tinaasan niya rin naman ako ng kilay na ikinangiwi ko.
"Tea-tea mo!" Dugtong ko, bago tumayo at lumabas ng kwarto, rinig na rinig ko pa ang hagalpak ng tawa ni Jennifer.
"Hahahahahahahahahahahaha!! Wala ka pala eh! Liit daw teatea mo? Boom! Hahahahahahahahahahahaha! Payag ka no'n?" Narinig kong pang-aasar ni Jennifer sa kapatid niyang lalaki dahilan para mapailing ako.
Tss! magkapatid nga.
Nang tuluyan akong makababa ay dumiretso ako ng kusina at naabutan doon ang mga kasambahay namin na nag p-prepare ng hapunan.
"Sino daw ba ang magi-stay sa kanilang dalawa dito?" Tanong ni nanny, ang Isa pa naming kasambahay. Naupo naman ako sa chair at kumain ng pipino na tinimpla.
"Yong lalaki po, si Tyler," sagot ko.
"Ay, iyung gwapong lalaki? Kaswerte naman pala!" Nakangiting sabi ni nanny, nanliit naman ang mga mata ko.
"Magkano ang binayad sa'yo ng abnormal na 'yon, nanny?" 
"Gwapo naman talaga siya! Bagay nga kayo e!" Natatawang saad ni nanny, dahilan para bahagya akong maduwal. Jusko po, hindi ako pumapatol sa bata!
"Good ebning leydis 'nd jerms!"
"Aish, parang biglang bumagyo!" Pagpaparinig ko nang biglang dumating ang baliw na kapatid ni Jennifer.
"Well, malakas naman talaga ang dating ko." Mayabang na sabi nito at naupo sa tabi ko.
"Oh, ayan na si Ara! Sabihin mo na 'yung ka-cornyhan mo kanina. Sariling joke, sariling tawa ampucha, hindi na kita kapatid," sambit ni Jennifer.
Dumikit naman sa akin si Tyler at tinaas baba pa talaga ang kilay nito, kadiri!
"Lumayo ka nga! Baka masapak kita!" Sambit ko at inambahan siya ng suntok.
"May tatanong lang ako, Atciara. Gaganti lang naman ako hehehe." 
"Anong Atciara?!" Inis na tanong ko dito.
"Oo, Atciara. Ikaw yun, hindi ba? kaamoy mo 'yun eh. Maasim! HAHHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!" Tawang tawa na sabi nito, nanliit naman ang mga mata ko.
K.
"Anong shoe ang pinakamaliit?" Tanong nito, habang may nakakalokong ngiti. 
"Ano?" Nakangiwing tanong ko. 
"Edi, shoe-shoe mo! BWAHAHHAAHHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHHHAHA!!" Malakas na tawa niya, habang nakahawak pa sa tiyan niya.
Nakatingin lang kaming dalawa ni espren sa kanya.
"You know what's the most awkward feeling?" Tanong ko kay Jennifer at tumingin kay Tyler.
"When you laugh at your own corny joke and everyone is looking at you." Nakangiwing sagot ni Jennifer, habang nakatingin kay Tyler, dahilan para matigilan ito.
"Ang kj niyo naman! Hindi na lang sumabay sa kagwapuhan ko! Tss!" Sabi pa nito, dahilan para mabulunan ako.
"Oh, tubig! Tubig! May nalulunod!" Sigaw ni Tyler, dahilan para mabatukan ko siya.
"Gwapo ka?! Gwapo ka?!"
"Oo, ang dami-dami kayang naglalaway sa akin kapag nakikita ako." Pagmamayabang niya. 
"Ah, hinahabol ka ng mga aso? Ayos 'yon. Hindi naman nalalayo ang itsura mo sa kanila. Mukha ka rin namang aso." Natatawang pang-aasar ko sa kanya.
"Boom, ano rebat!" Natatawang sabi ni Jennifer.
"Sabi pala ni ate Jeni kanina, gusto niya daw sumali sa flaternity mo," sabi ni Tyler na nagpatigil kay Jennifer sa pagtawa.
"Pft-" pagpigil ko sa tawa.
"Ah, talaga? Ikaw nga balita ko, nakuha kang model ng sabon," sambit ni Jennifer, halatang napikon.
"Oh, well-"
"Ikaw nga lang 'yung germs," dugtong nito, dahilan para matawa ako lalo.
Omg HAHAHAHA!
"Matagal niya ng role 'yon, Jen. Remember?" Natatawang sabi ko, napatingin naman ako kay Tyler na masama na ang tingin sa akin.
"Alam mo, Atciara. Madaling sabihin na maganda ka, eh," sabi nito na tumatango tango pa.
"I know, right!" Saad ko at nag-flip hair pa.
"Mahirap nga lang hanapin kung saan banda WAHAHAHAHHAHAHHAHAHHAHAHA!" Natatawang asar nito na nagpawala sa ngiti ko.
"Hindi man ako maganda. At least hindi kita kamukha, pwe!" Sabi ko at tumayo.
Bwiset!
"Ara!" Napalingon ako kay Jennifer nang sumunod ito sa akin, hanggang ngayon tumatawa pa rin siya.
"I need to go home na, baka magtaka na sila mommy, hindi pa naman ako nagpaalam," sabi nito, napatango naman ako.
"Sige, magiingat ka pauwi. Nagpaalam ka na ba sa tukmol mong kapatid?"
"Oo, baka naman pagbalik ko dito bukas, may world war three na, ha?" Natatawang sabi niya.
"Sira. Sige na, umuwi ka na," sabi ko at nakipag beso, bago siya umalis.
Muli akong lumabas ng kwarto at kumuha ng wine sa may mini bar. Matapos no'n ay lumabas ako ng bahay at pumwesto sa gilid ng pool at nagsimulang mag-inom. Pinagmasdan ko lang ang tala at hinayaan ang sarili kong mag-muni muni. Iniisip ang lahat ng bagay na napagdaanan ko sa buhay.
Bahagya akong napatingala at pumikit nang maramdaman kong may papatak na luha.
I miss him.
"Ayos ka lang?" Napadilat ako nang tumabi sa akin si Tyler. 
"May problema ka, 'no?" Tanong niya, pero hindi ako umimik.
"Miss mo na siya, 'no?" Tanong pa nito, kaya napatingin ako sa kanya.
"Kahit hindi mo sabihin, nakikita ko 'yun sa mga mata mo." Ngumiti ako ng pilit, kahit pala papaano, nakakausap nang matino 'to.
"I miss him so much, hindi ko alam kung bakit iniwan niya ako nang ganon kabilis." 
"Sumama sa iba?"
"No. He's dead."
"Woah! Sorry, hindi ko alam," paumanhin nito.
"Ayos lang, hindi mo naman alam."
"Gusto mo?" Alok ko ng alak sa kanya.
"Sure!" Tuwang tuwa na saad niya at inilabas ang sariling.. baso.
Wtf? Gago, bakit may dalang baso agad 'to?
"Hehehehe, nakita kasi kitang nag-iinom at naisip kong yayayain mo ako kapag naupo ako sa tabi mo." Tatawa-tawa niya pang sabi nang mapansin niya ang pagkakunot ng noo ko.
"Psh. Abnormal ka ngang talaga." Nakangiwing saad ko habang sinasalinan ang baso niya.
Tahimik niya namang sinimsim yon. Habang ako ay nakatingala lang sa langit habang pinag-kokonekta ang mga bituing nakikita ko gamit ang isip ko.
"Huwag ka nang malungkot. I'm sure hindi siya masayang nakikita kang nasa ganyan ang kalagayan, kaya ngumiti ka na." Napalingon ako kay Tyler nang magsalita ito.
Tama siya, Tyron won't like seeing me crying.
"Yie, nakangiti na siya! Nakita mo lang ang gwapo kong mukha e, crush mo na ako niyan?" Natatawa niyang tanong.
Ano daw?!
"Ang kapal talaga ng mukha mo."
"Biro lang, ang pangit mo kasi kapag malungkot." Kunot noo ko siyang binalingan muli ng tingin.
"Hahahaha! Biro lang ulit! Tss, pinapatawa ka lang eh, huwag mong masiyadong seryosohin ang mga sinasabi ko. Ako ang seryosohin mo!" Banat nito.
"Napaka-corny mo!" 
"Crush mo naman." 
Wow.
"Kadiri ka, naririnig mo ba 'yang mga sinasabi mo. Bahala ka nga diyan! Isipin mo na lahat ng gusto mong isipin! Duh, Isip batang katulad mo, magugustuhan ko? Dream on!" Sabi ko, sabay irap.
"Ang ksp mo!" 
"Ako pa ang kulang sa pansin?!"
"Sinabi ko bang kulang ka sa pansin?!" 
"Kulangot sa pader kasi 'yon!" Natatawang dagdag niya pa, kaya nabatukan ko na naman siya.
Ang lakas talaga nang trip ng lalaking 'to. Ang lakas manira ng mood!
"Aray naman! Pero may tanong ako," sabi pa nito.
"Ano na naman?" Inis na saad ko.
"Ano ang tawag sa taong walang baga?" Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.
Taong walang baga? May ganoon ba?
"Ano?" Taas kilay na tanong ko.
"Edi wala lung! Hahahahaha!" Nanliit na lang ang mga mata ko dahil sa mga pinagsasabi niya.
Siya na ang pinaka-corny na taong nakilala ko. Bukod kay Axel. Bakit ba may mga klaseng taong tulad nila ang nag e-exist sa mundo, parang mga tanga.
"Oy, saan ka punta?" Natatawang tanong niya nang tumayo ako.
"Ako ang maraming nainom, pero ikaw ang unang nalasing. Tulog na 'ko, pwe!" Sabi ko, pero bago pa ako makaalis, narinig kong may sinigaw pa siya.
"SIGE TULOG KA NA! YUNG EYEBAGS MO KASI BUNTIS NA! HAHAHAH!" Sigaw nito.
Bwisit!

Book Comment (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters