logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 32 | visit

Ciara's pov
Ilang araw ang nagdaan at puro higa, kain, tulog lang ang ginagawa ko, hindi pa rin naman ako binibisita ni Jennifer simula nang dalhin niya ako dito dahil busy rin siya sa business na pinapahawak sa kanya ng magulang niya ngayon. Sa ngayon ay wala akong ibang libangan kung hindi ang makipag-pikunan kay Axel sa chat na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinitigilan.
Speaking of him, here he is.
Axel Cipriano
Active now
Axel: Good morning.
Hindi manlang ako binati. Hindi mo ba ako nami-miss?
Oxygen: may dahilan ba para ma-miss kita, ha?
Axel: wala ba? idk.
I just know that you have a crush on me.
Oxygen: wow. grabe. wow. :)
Axel: stop saying wow, oxygen. you're not an ambulance.
Oxygen: ang kapal kapal mo talaga ng face mo, 'no? sino bang nanay mo? nakakahiya ka.
Axel: why do you want to know her?
handa ka na bang maging daughter-in-law niya?
Oxygen: hindi at wala akong balak.
aga-aga, sinisira mo agad ang araw ko.
Axel: too early, but you're not even greeting a good morning to me?
why don't you just say good morning, master, first hmm, oxygen?
Kita niyo 'yan? Ang kapal ng mukha 'no? Ang sarap i-block ulit.
Axel: hey, oxygen, i'm waiting.
Oxygen: pake ko.
Axel: what
Inis kong nilapag ang phone ko at tinapos ang pagsisintas sa sapatos ko, saka ako tumayo mula sa kama nang matapos. Agad naman na akong bumaba sa sala at nakasalubong ang mga kasambahay, pero kay Yaya Percy ako lumapit.
"Yaya percy, ayos lang po ba ang itsura ko?" Tanong ko sa kanya habang ipinapakita ang kabuuan ko.
"Oo naman. Teka nga, dadalaw ka lang naman ngayon sa asawa mo, hindi ba? Bakit naman kailangan ay ayos na ayos ka?" Takhang tanong ni yaya, napangiti naman ako.
"I just want to look good and presentable sa harap niya yaya, kahit hindi niya ako makikita." Nakangiting paliwanag ko at isinuot na ang sling bag ko.
"O' siya, mag-iingat ka!" Paalala ni yaya bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
Axel: Tss, oxygen, one more seen, iisipin kong may pagtingin ka sakin.
Agad napaawang ang bibig ko nang bumungad sa akin ang mensahe ng baliw na 'to.
Oxygen: Ano namang connect nang pagtingin sa pag-seen ko sayo?
Axel: dahil tinitignan mo lang ang message ko, sa sobrang pagtitig mo, nakakalimutan mo nang replyan ako.
Oxygen: Bilib rin naman ako sa imagination mo.
Axel: bakit? hindi ba?
Oxygen: Hindi, dahil nasusuya akong kausap ka.
Axel. Hahahaha  That's why you're still talking to me.
Saglit akong natigilan.
Oxygen: Wala naman akong choice kundi replyan ka, diba?!
Axel: You have a choice, oxygen. Pwede namang i-ignore mo na lang ang message ko, hindi ba?
Hahahaha! That only means na interesado ka sa akin, oxygen.
Oxygen: WOW.
hindi ako interesado sayo, huwag kang feeling.
Axel: relax, don't be so defensive.
I just hate it when you are just ignoring my messages, oxygen.
Seen 8:35 am
Axel: Oxygen.
Oxygen: Ano na naman ba? Anak ka ng nanay mo, ang kulit mo, alam mo 'yun?
Axel: Kakasabi ko lang, don't seen me.
Oxygen: Kakasabi mo lang rin na pwede kitang iignore!
Axel: But I didn't say na gawin mo.
Oxygen: Tss. Shut up. I'm going.
Axel: This early? Where are you going?
Pupuntahan mo ako?
Hahahaha! I knew it, you have a crush on me, oxygen!
Oxygen: crush your face.
Aalis ako. Bibisitahin ko 'yung asawa ko.
Bye.
Axel: Bibisitahin mo ako?
But I'm too far from you. :(
Oxygen: asa namang ikaw?
Mukha bang ikaw si Tyron?
Axel: No. But I'm sure I'm more handsome than him.
Oxygen: Talaga ba? Saan banda?
Axel: Mula mukha.
Oxygen: Mukhang paa?
Axel: Hey!
That sucks.
Stop it.
Tsh.
-_-
Oxygen: Hahahahaha!
Axel: You're laughing, does that mean I'm your happy pill now?
Oxygen: hindi. -_-
Axel: Hey! That's my emoji.
You're a stealer, oxygen.
Oxygen: Tigilan mo nga ang kakatawag sa akin ng oxygen?
Axel: What should I call you then?
Hmm..
Cat?
Oxygen: Mukha ba akong pusa?
Axel: No. But you gave miming to my life.
Oxygen: Lol. Sa sobrang corny mo, gusto na kitang pasabugan.
Axel: ng pagmamahal?
Oxygen: ng granada!
Letse!
Aalis na ako.
Bye.
Axel: hey. Oxygen, wait! One question before you go.
Oxygen: Ano na naman?!
Axel: Can you tell me kung anong english ng sanggol?
Oxygen: Jusko, wala bang google diyan sa inyo? Bulok niyo naman.
Oxygen: Baby!
Axel: Yes, baby?
Agad nagkasalubong ang dalawang kilay ko nang dahil sa nireply niya. Anak ng hilaw na mangga.
Oxygen: Anak ka ng kagang, Axel. Tumigil ka kung ayaw mong mablock ulit ah.
Axel: I'm just kidding, oxygen. Hahahaha! Have a safe trip!
Hindi ko na siya nireplyan pa at agad na denial ang number ni Jennifer.
"Hello?" 
"Asan ka na, Jennifer Jeon?!" Inis na singhal ko nang sagutin niya ang tawag.
"Woah! Relax, bakit ang init ng ulo mo? Anong nangyari sa'yo?" Natatawang tugon nito pero napairap lang ako.
"Asan ka na nga?" Muling tanong ko bago sinimulang paandarin ang kotse.
"I can't go eh."
"Nasaan ka na naman ba ngayon?" Tanong ko.
"Andito sa ewan kong resto, I'm with my parents," sagot niya, kumunot naman ang noo ko. Am I getting a deja vu? Dito rin kami nagsimula noon na magkakilala.
"Ewan ko ba kila mommy, may ipapakilala daw sa akin," pagrereklamo niya.
"Ipapakilala? Hindi ba't kayo nung Carlo?" Tanong ko.
"Wala na kami, bahala siya sa buhay niya."
"Agad? Teka, ano ba 'yan? Arrange marriage?" Natatawang tanong ko.
"Parang gano'n, pero sana hindi. Jusko! Ayoko pang ikasal, 'no!" Singhal niya sa kabilang linya, dahilan para matawa ako. Ano pa nga bang inaasahan sa mga tulad naming lumaki na puro business ang ipinapakilala?
"Ayos lang yan. Masasanay ka rin."
"Anong okay?! Palibhasa kasi ay bata ka pa lang, ikinasal ka na!" Bulyaw niya pa, hindi ko naman maiwasang mapangiti nang may lungkot. Naalala ko ang mga nakaraan. Siguro kung maibabalik ko lang ang panahon, pipiliin ko nang hindi sila pilitin na ipakasal ako kay Tyron. Para sa pangalawang pagkakataon, wala akong buhay na masisira at walang buhay na mawawala. Walang Hannah Soriano ang mag p-planong pagtangkaan ang buhay ko at walang siya na magawang traydurin ang nag-iisang lalaki na nagmahal sa kanya.
"Kapag 'yang pinakilala nila, ituturing ako tulad ng pagturing sa'yo noon ni Tyron? Ay nako! Sisiguraduhin kong hindi pa niya ako nahahawakan, nakalibing na siya!" 
"Teka, andyan na daw.. omg!" 
"Omg.." muling saad niya pero sa mabagal na ritmo. 
"Hoy, ayos ka lang ba diyan? Ano nang nangyari sa'yo?" Takhang tanong ko nang hindi na ito magsalita sa kabilang linya.
"Hoy!" 
"Omayghad, Ara! Kyaaah!" Bahagya kong nailayo ang cellphone ko mula sa tainga ko dahil sa gulat nang sumigaw ang babae na 'to.
Siraulo talaga, ano bang nangyayari sa kanya?
"Ano ka ba naman?! Huminahon ka nga." Inis na saad ko dito, narinig ko pang kinausap niya yung sarili niya sa kabilang linya. Napa-praning na naman siya.
"Alright, Jennifer! Relax ka lang, relax. Relax! Inhale, exhale! relax lang, Jennifer! Si Kyro lang 'yan! relax," pagpapahinahon niya sa sarili niya.
Kyro?
"Omg, Ara! Naalala mo pa ba si Kyro, ha?! siya 'yong matagal ko ng gusto simula noong high school pa lang tayo! Naaalala mo ba?! Omg, he's here. He's here! Siya 'yung ipapakilala nila mommy sa akin! Teka, kinikilig ako!" Tili nito at na i-imagine ko na sa utak ko ang pagtalon niya, maswerte ako dahil wala ako sa tabi niya ngayon, dahil kung hindi malamang ay ako ang hinampas niya sa sobrang tuwa.
"Yung ultimate crush mo? Baka nakakalimutan mo na ubod ng sungit ang lalaking 'yan?" Pagpapaala ko dito, natahimik naman siya. Ang totoo ay pareho kami ng taste ni Jennifer 'pagdating sa lalaki. Nang una ko ring makilala si Tyron ay nung high school pa lang ako.
Captain siya ng basketball team sa university namin noon, he's always active too sa lahat ng activities sa school kaya talagang maraming nagkakagusto sa kanya, pero sa sobrang dami no'n si Hannah lang ang nakapukaw ng atensyon niya. Pero hindi no'n nabago ang pagkagusto ko sa kanya, na kahit pa ilang taon na ang lumipas, hanggang mag-college kami at grumaduate ay siya pa rin ang gusto ko, kahit alam kong sila na ni Hannah.
Sa sobrang pagkagusto ko sa kanya, hindi ko alam na ganito ko pala isasakripisyo 'yung buong buhay ko para sa kanya, makasama lang siya. Tapos iiwan lang din pala ako sa huli.
"Eh.." hindi siya nakapag-salita kaya natawa ako.
"Huwag ka ngang masyadong matuwa, wala naman sigurong sinabi sayo na ia-arrange ka sa kanya, diba?" Natatawang tanong ko pa.
"Pero kung si Kyro naman kasi ang usapan, why not naman, no! Papayag na akong ma-arrange sa kanya! Omg!"
"Ewan sayo." Natatawang sambit ko.
"O' siya, tss! ibababa ko na, isusumbong kita kay Tyron, hindi ka manlang sumama." Kunyaring pananakot ko pa.
"Hoy! Ano ka! May susunduin pa kasi ako mamaya sa airport, kaya hindi talaga ako makakasama." Pagdadahilan niya pa.
"Oo na, sige na, bye."
"Ingat ka, bye! Muah! See yah later!" Paalam niya bago ibinaba ang tawag.
Hininto ko na rin naman ang sasakyan ko nang makarating ako sa sementeryo. Saglit pa akong naglakad patungo sa puntod niya habang may dala-dalang bulaklak at kandila.
Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago tuluyang makalapit sa kanya.
"Gloomy morning, Ty. Kumusta ka na? Ang linis naman ng puntod mo. May nagaalaga ba sayo?" Inilapag ko ang bulaklak sa puntod niya at naupo.
"Alam mo ba, sobrang miss na kita? Pero naiinis pa rin ako sa'yo." I sighed.
"Paano, kung kailan naramdaman ko na 'yung pagmamahal mo, saka mo pa ako iniwan. Ano 'yon? Gosurf 50? Pang tatlong araw lang yung saya?" Biro ko at pilit na tumawa.
"Hanggang ngayon presko pa rin 'yung mga alaala sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala na 'yung babaeng mahal na mahal mo noon ay siya din pa lang magiging dahilan nang pagkawala mo sa akin ngayon." Muling kumurba ang pilit na ngiti sa aking labi.
"Iniisip ko kung na saan na si Hannah ngayon, hanggang ngayon kasi, kinakabahan pa rin ako. Hindi ako nakakampante, kahit pa alam kong may mga hinire sila Jen na private security ko."
"Natatakot ako na balikan niya ako muli para maghiganti. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako dapat na nadadamay. Dahil bukod sa hindi ako ang may kasalanan."
"Hindi rin sila ang tunay kong mga magulang," tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.
"Ang sakit sakit isipin na lumaki ako ng puro kasinungalingan lang. Tsh, ninakaw na nga nila ako, hindi ko pa alam ang tunay nilang pagkatao." 
"Bakit ba kasi iniwan mo na lang ako bigla, ha? Nakakainis ka!" Pinagtiklop ko ang dalawang tuhod ko at doon yumuko, habang nakayakap ang dalawang braso ko sa mga binti ko. Ilang oras pa akong nanatili sa harap ng puntod niya na puro pagkukwento at pagtitig lang sa puntod niya ang ginagawa. Ang dami dami kong kinwento sa kanya.
Ang tungkol sa katotohanang nalaman ko sa mga itinuring kong magulang. Nagawa ko ring ikwento sa kanya kung paano ko sinisimulang baguhin ang takbo ng buhay ko, sinasanay na wala na siya sa tabi ko. Natukoy ko rin ang kasalukuyang ginagawang paghahanap nila Raiza sa totoong magulang ko, may mga kaonti na akong nalaman pero hindi pa rin sapat para malaman ko kung sino talaga sila.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang mag-vibrate ang phone ko. Saglit kong pinasadahan ng tingin iyun nang muli itong tumunog, hindi ko rin naman binigyang pansin. Pero maya-maya lang ay kusa nang kumunot ang noo ko nang sunod-sunod itong tumunog.
Sinilip ko ang screen ng phone ko para i-check kung ano ba 'yung dahilan at hindi tumitigil sa pagtunog ang notification bell. Pero agad nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang huling mensahe.
Axel Cipriano sent you a message.
Axel: Can I court you, Cia?
W
TF! Dali-dali kong binuksan ang notification at bumungad sa akin ang tadtad niyang messages. Hindi ko na binasa pa ang iba, 'yung mga bago lang.
Axel Cipriano
Active now
Oxygen!
I know you're busy rn but..
Can I ask you something?
I have thought of this already, a lot of times and..
I decided to ask you if..
Can I court you, Cia?
Madalian kong itinago ang phone ko dahil sa gulat sa mga nabasa ko. Lumingon ako sa puntod ni Tyron at kabadong nakagat ang labi.
"Gusto mo bang malaman kung anong sinabi niya?" Pakikipag-usap ko sa puntod niya. Kinwento ko rin kasi sa kanya ang tungkol kay Axel.
Agad kong sinilip ang phone ko nang muling tumunog ito.
Axel: Oxygen!
Finally!
Hey?
Why are you just seening me?
Oxygen: Ano bang sinasabi mo diyan? Nababaliw ka na naman ba?
Axel: Tapos na ang April fools, tigilan mo ako.
Axel: No. I'm deadly serious, oxygen.
Oxygen: You don't know me to be that serious, Axel.
Axel: I know little things about you.
Oxygen: Like what?
Axel: You're wearing black today.
Agad nanlaki ang mga mata ko dahil tama 'yung sinabi niya. NAKA-BLACK NGA AKO NGAYON! Wtf? Paano niya nalaman??
Kabado kong nilingon lingon ang paligid ko, naghahanap ng kung sino, pero wala akong napapansin o nakikitang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.
Ano na naman bang palabas 'to, sinasabi ko na nga ba at may binabalak talagang hindi maganda ang taong 'to sa akin, eh. Paano niya nalaman anb kulay ng suot ko ngayon? Nandito ba siya? Nakikita niya ba ako? Sino siya?!
Axel: Hahahaha! Hey? Don't look for me, wala ako sa paligid mo.
Oxygen: Paano mo nalalaman?!
"Ate."
"Ay!" Wala sa wisyo kong naihagis ang phone ko dahil sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. Nanginginig ang kamay ko nang dahil sa nerbyos, tapos biglang susulpot itong bata sa harap kong, paanong hindi ko mabibitawan ang phone kom
Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mabilis na dinampot ng batang lalaki 'yung phone ko sa damuhan at itanakbo!

Book Comment (356)

  • avatar
    Karen

    this is so cute, i love how tyron did anything to make ciara's back and the ending was good.

    19/08/2022

      0
  • avatar
    JimenezDesiree

    This is a good novel. The plot is interesting and I love every character's personality.

    20/01/2022

      1
  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    sobrang ganda ng story. Love really conquers all. akala ko Hindi magiging happy Ang ending. grabe Yung twist NG story. unexpected. I really recommended this story. Sana basahin nyo Rin. may moral lesson kayong matututunan dito. great job for the author. I'm looking forward for more stories/novels. babasahin ko Rin Yun. God bless you. 😊❤️

    15/12/2021

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters