logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 SIguro

Mabilis na lumipas ang araw at lahat ay puspusan sa pag-aayos ng sarili at ng props para sa presentation
"Louise, tara na! Game na..." tawag sa akin ni Julianne. Naabutan ko si Nathan na nagpapaint ng background namin. Si Dwayne naggugupit. Si Adrian nagtatayo ng props para matuyo ang paint doon.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa papel na hawak ko at sa kanila. Sana naman kaya nila itong gawin.
"Ano, Louise? Tapos mo na 'yung script?" Usisang tanong ni Adrian. Tumango ako. Napaupo sa tapat ng tirik ng araw. "Bakit pa kasi dito tayo pumwesto?"
Ngumisi si Adrian. "Ang kulit kasi ni Dwayne, sabing p'wede naman sa amin, eh." Napatingin kaming tatlo sa kan'ya nang matalim. Napangiwi s'ya at nag-peace sign.
"Tss."
Nakunot ang noo ko habang binabasa ang script nang mapansin ako ni Julianne.
"Bakit?" Umupo s'ya sa tabi ko.
"Wala naman."
"Kailangan mo pa ba ng tulong?" Napailing ako.
"HOY!" sigaw n'ya. Napatingin ako kaagad na nakabaling kay Nathan ang tingin n'ya.
"Huh? Bakit?" takang tanong ni Nathan.
"Bitawan n'yo muna 'yan! Tara na, practice na!" Tumayo s'ya. Tumutol ako bigla. "Mamaya na!"
Napatingin silang lahat sa akin.
"Ahh, ehh... s'yempre basahin n'yo muna!" Iniabot ko sa kanila ang kan'ya-kan'yang copies.
Bara-bara ko lang ginawa ang script kaya gano'n na ang kaba ko habang tinitignan nila ito. Hindi pa nga ako confident sa mga nilagay kong roles nila dahil mag-isa ko lang ginawa ‘yun.
"Ako ang asawa?!" Tutol ni Julianne.
"Wow! Basagulero!" Ngising sabi ni Dwayne.
"Asawaa." Nasabunot ni Nathan ang buhok n'ya sa inis.
Napangiwi ako. Si Adrian na lang ang hindi nagsasalita.
"Naks, superhero!" Sabay-sabay na kantyaw nilang lahat at tumingin kay Adrian.
Napahalakhak bigla si Adrian. "Kaya pala may tela tayo, para pala sa kapa!" At sabay-sabay silang tumawa.
Napatingin sa akin si Nathan at halatang naiinis. "Sorry na!" Matinis na sabi ko.
Napalitan ng ngiti ang labi n'ya. Nahinga naman ako ng maluwag.
"Maganda naman!" Sabi ni Dwayne.
"Tara, tara! Game na!" Pangungulit n'ya.
"Teka, wait..." Napatingin ako kay Julianne.
"O-okay lang ba sa'yo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat s'ya, "Okay lang.”
Buti na lang nagustuhan nila.
Habang sinasaulo ang mga linya nila, napatitig ako sa kawalan. Iniisip pa rin kung bakit nga ba naging gano'n si Alexis no'ng mga nakaraan na araw. Ang weird pero ang feeling close. Siguro kung kaharap ko s'ya ngayon, hindi ko na mapigilan na daldalin s’ya.
Ang script na 'to, ito raw 'yung pambawi n'ya, s’ya ang nagbigay ng plot. Tapos ang role ni Adrian ang binigyan n'ya ng pansin.
"Okay, game!" Sabay-sabay nilang sigaw.
"Bale ang first scene, syempre sa bahay muna...unang papasok si Julianne na susundan ni Nathan." Paliwanag ni Dwayne.
"Yung mga lines, ha! Kabisaduhin!" sigaw n'ya sa amin.
"Next scene, papasok na si Louise..." Itinuro n'ya ako.
"Tapos makikita n'ya ako na parang aping-api," tumawa s'ya.
"Then, pupunta ka sa akin para tulungan pero dahil nga basagulero ako tututol ako." Napangisi s'ya.
"Gusto ko sigawan tayo dito, Louise, ha!" Napatango naman ako't natatawa.
"Tapos ikaw..." Dinuro n'ya si Adrian.
"Dapat madrama ang pasok mo rito, ha! Yung parang superhero talaga. Tapos punta ka samen tapos ayun sisigaw ka ng 'Darna!" Bumulaslas kaming lahat sa tawa.
"Bwisit ka!" Usal ni Adrian.
"’Di, joke! Syempre magagalit ka sa 'kin tapos ilalayo mo sa akin si Louise Hannah tapos lilipad kayo! Whoosh!" Isip batang paliwanag ni Dwayne. Kami naman ay tawa nang tawa.
"Tapos, next scene... ito 'yung parang drama natin kasi patapos na nga." Patuloy na paliwanag ni Dwayne.
"Julianne, dapat medyo totoong luha 'to, ha! Si Adrian 'yan! Kaya 'wag ka!" Tumango naman ng mariin si Julianne.
"Tapos tuloy-tuloy na dialogue...gets?!" Taas-noong tanong n'ya.
"Yeap!" Sabay-sabay na sigaw nila.
Binalingan n'ya ako, "May idadagdag ka pa?"
Agad naman ako umiling. Nanatiling tikom ako at natatawa pa rin sa ginawa ni Dwayne kanina. Pagkatapos ng ilang practice...at tawanan. Itinuloy naman namin ang props kasabay ang pag-uusap sa costume.
"Magkano ba nagastos nating lahat?" tanong ni Adrian nang mapag-usapan ang meryenda.
"'Yung karton 100 pesos, paint ay 50 tapos yung ibang materials parang 50 pesos na rin." Paliwanag ko.
"Ahh, makatarungan naman pala 'yung inambag ko," sabi n'ya.
"Kasi?"
"Wala naman, pang-computer sana 'yun,eh." Napakamot s'ya sa ulo. Ibinato ko sa kan'ya ang isang poster paint.
"Alam mo, superman, kung inuna mo 'yang computer na 'yan bagsak ka ngayon!" bulyaw sa kan'ya ni Julianne.
"Oo na, oo na, joke lang, eh!"
"Pero seryoso, gutom na ako..." angal n'ya ulit.
"Edi kumain ka." bulyaw na naman ni Julianne.
"BAKIT BA PARANG GALIT NA GALIT KA?!" Mataas na tonong tanong ni Adrian sa kan'ya.
Nagsisimula na naman kaming tumawa.
"Itigil n'yo muna 'yan, kain muna kayo. Ako na magbabantay," sabi ni Dwayne.
"Ayun! Ayos!" Tumayo si Adrian, Julianne at Nathan.
Napansin nilang hindi ako tumayo.
"Hindi pa ako gutom. Sasamahan ko na muna si Dwayne," pagdadahilan ko.
Tumango naman sila at kumaripas ng takbo.
"Loko talaga, basta usapang pagkain!" usal ni Dwayne. Napatulala ako bigla nang pumasok sa isip ko si Alexis.
"Dwayne..." tawag ko sa kan'ya.
"Hmm?"
"Bakit ganun si Alexis?" Hindi talaga maialis sa isip ko kung paano kumilos si Alexis sa akin, madikit masyado.
"Hindi ba isinama ka n'ya sa simbahan nila?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako.
"Tapos halos gabi-gabing tawag?" Tango ulit.
"Ano pa ba? Edi gusto ko n'ya."
Natigilan ako.
"Eh, ano 'yung —"
"Kilala ko si Alexis, noh! Kung iniisip mo pa rin 'yung pagtulong n'ya sa'yo kay Adrian. Ipasawalang bahala mo na 'yun!" Napanganga ako.
"Torpe kasi," nahihiya n'yang sabi.
"Para ka na rin n'yang nililigawan nang hindi mo alam." Kumindat s'ya na s'yang nagpangilabot sa akin.
Huh?
"July pa lang kaya! P-paano naman n'ya ako nakilala ng ganoon?" tanong ko.
Napatingin s'ya sa akin. "Kilala ka na n'ya, first year pa lang."
"Lagi kaya s'yang nakasilip sa kwarto n'yo tapos nasa likod lagi ni Mikaela kasi nga natatakot baka mapaghalataan." Tumawa s'ya.
"Lalo na nung may event kayo sa room n’yo, grabe titig n'ya sa'yo nun! Para ka nang matutunaw. Siguro kung hindi kami pinapasok ni Ma'am noon baka matunaw ka na talaga ng tuluyan." Patuloy pa rin ang tawa n'ya.
"Ang creepy, ah?”
“Oo, ayan din ang sinabi naming sa kan’ya. Pero may dahilan s’ya, ewan ko. Sasabihin naman n’ya sa’yo.”
“Well, sorry kung naguguluhan ka, ha! Ang tagal n’ya kasing naghintay para sa’yo. Ganda mo kaya,” bola pa n’ya.”
“Okay lang ba sa’yo na gan’yan s’ya?” Dugtong n’ya.
“Siguro?” Hindi siguradong sagot ko.

Book Comment (35)

  • avatar
    Linsimhomertroy Mondiego

    salamat po

    05/08

      0
  • avatar
    Jimmy Cosgafa

    hello

    16/07

      0
  • avatar
    Ki Kay

    thanks

    26/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters