logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1 (Part II)

*kriiiiiiiinggggggggggggg* tunog ng telepono namin.
Nanonood ako ng pangtanghaling tv show at kandong ko si Mia. Kaya hinayaan ko na lang na magring ang telepono at si mama ang sumagot.
"Aba Mika, bingi ka ba?! Bakit hindi ka tumayo riyan at sagutin iyong telepono?" sigaw ni mama mula sa kusina. Nakakainis! sabi na nga ba at mapapagalitan na naman ako.
Padabog akong tumayo at sinagot yung tawag.
"Hello? Corpuz Residence, how can I help you?" tinatamad at medyo yamot kong tanong sa kung sino mang nasa kabilang linya.
"Ako to gaga! Bakit ang tagal tagal mo namang sumagot?" na excite ako ng marinig ko ang boses ng aking kaibigang si Cassey.
"Gaga ka din! Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Wala bang signal diyan sa Canada?! Impaktang to, nakakainis!" bakas ang tampo sa boses ko.
"Sorry na okay?? By the way nakauwi na ako. Kita tayo ngayon pwede? Babawi ako sayo." mas lalo akong na-excite sa sinabi ng kaibigan ko. Agad akong nagpaalam kay mama, buti naman at pinayagan ako nung malaman na si Cassey ang kasama ko.
"Wag kayong magpapagabi masyado ha!" bilin ni mama sa amin ni Cassey.
"Opo tita, ihahatid din po namin si Mika mamayang pauwi." sabi ng kaibigan ko kay mama.
Sumakay na kami sa kotse nila Cassey, at agad namang pinaandar 'yon ng family driver nila.
May inabot sa akin na mga paper bag si Cassey at nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Ano 'to? " tanong ko sa kanya.
"Pasalubong, may mga pangalan niyo na yan para hindi mag kapalit-palit." sagot niya sa akin ng hindi tumitingin, busy sa pagsasalamin ang bruha.
"Asus! Nag-abala ka pa." paismid kong sabi sabay ngiti.
Mayaman ang pamilya nila Cassey kumpara sa amin, kaya nga pabaka-bakasyon lang sila sa ibang bansa eh.
Pero kahit ganun ay naging kaibigan ko pa rin siya, mabait siya kaya nagkasundo kaming dalawa. May pagka lukaret nga lang kung minsan. Madalas siyang sabihan ng iba na spoiled brat. Ang favorite quote niya?
'What Cassey wants, Cassey gets.' pero hindi naman ibig sabihin niyon na maldita siya.
Nagmalling lang kaming dalawa at kumain sa labas pagkatapos ay hinatid na nila 'ko sa bahay.
May usapan kami na sabay kaming mamimili ng school supplies.
Tuwang-tuwa ako habang ibinibida kila mama at papa ang mga pasalubong ni Cassey sa amin, pati na yung mga binili niyang damit sa akin.
"Hindi maganda yan anak ha. Mamaya sabihin ng parents ni Cassey na inaabuso mo ang kabaitan ng anak nila." sabi sakin ni papa habang busy sa paper works na nasa harap niya. Ganyan lagi si papa, aalis ng maaga, uuwi ng tulog na kaming magkakapatid tapos minsan kapag nasa bahay busy pa rin sa paper works.
CEO kasi si papa sa isang Airline Company kaya sobrang busy siya palagi.
Wag niyong tanungin kung anong klase ba ang trabaho niya dahil hindi ko alam, naiimagine ko dati na maraming eroplano roon dahil Ariline. Sadyang marami talaga akong hindi alam sa mundo, uso research pero masyado akong maraming kailangan gawin sa buhay.
"Minsan lang naman po ito pa." katwiran ko kay papa.
"Anak kung gusto mong magshopping pwede naman eh, kaya nga ako nagtatrabaho para maibigay ko ang lahat ng gusto niyo." sabi ni papa sa 'kin at sinulyapan lang ako saglit.
"Sorry po pa, siya nga po pala pwede po bang ako na lang ang bumili ng school supplies ko? Kasi may usapan po kami ni Cassey na sabay kaming mamimili." sana pumayag sila para mabili ko yung mga gusto kong gamit. Paano naman kasi kapag si mama ang bumili ng note books ko eh ang pangit ng cover!
Kung hindi sikat na mukha ng mga artista sa bidang palabas sa TV eh cartoon characters.
Akala yata ni mama ay Elementary pa rin ako :<
"Maganda yan para hindi ka nagrereklamo sa mga binibili ko sayo. Pero papayag lang kami ng papa mo kung hindi ka bibili ng masyadong mamahalin na brand. Hindi porke't maganda ang income natin ay pwede na tayong maging maluho sa buhay. Isipin niyo yung ibang bata r'yan na hindi nakakapag-aral dahil mahirap lang sila. At saka nung bata nga kami blah blah blah blah blah and so on and so fort. . Di ba hon?" mahabang litanya ni mama. Nagpaalam lang naman ako na ako na lang ang mamimili ng gamit ko nauwi na naman sa mahabang sermon.
At ang hindi mawala wala sa linya ni mama,"nung kabataan ko/namin."

Book Comment (385)

  • avatar
    Jessica Malagad

    I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞

    31/03/2022

      0
  • avatar
    Christine Degamo

    this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun

    24/01/2022

      0
  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..

    19/01/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters