logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4 (Part I)

Nanlaki yung mga mata ko at feeling ko kasing pula na ng mansanas yung mukha ko sa sobrang hiya ng iabot niya sakin yung isang pack ng napkin.
Of all people bakit siya pa?
"Ahmm salamat Mr. President, ibabalik ko na lang itong jacket mo pag nalabhan na." nakayuko lang ako habang sinasabi ko yun sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang hiya ko. Aissh Mika engot ka talaga! Pinukpok pukpok ko pa yung ulo ko sa sobrang inis ko.
" It's okay wag kang mahiya sakin. Just be careful next time. By the way don't call me Mr. President, masyadong pormal eh. Kenneth na lang tutal isang taon lang naman yung tanda ko sayo." nakangiting sabi sakin ni Mr. President ay este ni Kenneth. Kinikilig ako sa sinabi niya, hayyyy ang gwapo niya talaga tapos ang bait bait pa.
Nagnod lang ako tapos pinat niya yung ulo ko.
" Sige na ayusin mo na sarili mo. May gagawin pa kasi ako. Mauna na ko." nakangiti parin siya habang sinasabi niya yun tapos umalis na siya.
Para kong tangang ngiting ngiti at todo kilig. Niyakap at inamoy amoy ko pa yung jacket niya.
Napabuntong hininga ko ng makita ko na ang sasama ng tingin sakin ng mga babae.
Di ba siya si Mikaella? Yung nasa section 1, balita ko siya daw yung top 1 dun. May tinatago palang landi yan, kala ko mahinhin!
Hindi naman siya kagandahan bakit pinansin siya ni Kenneth?!
OMG bagay silang dalawa! Parehong matalino, cute naman yung babae kahit papano.
Ah basta mas maganda pa rin ako!
Nagmadali na ako sa paglakad bago pa may manabunot sa akin. Mga student talaga dito kung makagwardiya sa Kenneth ko wagas!
Napangiti na lang ulit ako ng maalala yung nangyari.
———
"Mika sayo ba tong jacket na 'to? Saan galing to bakit nasa laundry basket mo?" sunod sunod na tanong ni mama sakin.
"Ah e-eh, hindi po sakin yan' ma. Kay Kenneth po yan." kinakabahan kong sagot kay mama. Panigurado sermon na naman abot ko nito.
"Oh sinong Kenneth yun? At bakit nasa'yo?" tanong pa rin ni mama sakin habang hawak niya yung jacket.
"Eh kasi po pinahiram niya sakin, di ko po kasi alam na may period pala ako." mahina kong sagot kay mama.
"Ano? Ikaw talagang bata ka hindi ka talaga nag-iingat, dalaga ka na Mika hindi ka na bata! Blah blah blah nung ganyang edad ko blah blah blah... " kinurot kurot pa ko ni mama sa singit.
"Maaaaa sabi mo nga hindi na po ako bata kaya wag mo na kong kurutin sa singit!"tapos nagdadabog na umakyat ako sa kwarto ko.
"Aba't tong bata na ito marunong nang sumagot! Papa kausapin mo yang anak mo ha! Mukhang nababarkada! Blah blah blah. . " narinig ko pang sabi ni mama, hayyss hanggang kelan ba ko sesermunan ni mama? Sabi niya hindi na ko bata tapos sabay sabi na "tong bata na to marunong nang sumagot"
Isip bata nga ba ko? Burara? Hayyss alam ko naman na nagpapakatotoo lang ako eh.
Kung anu-ano lang iniisip ko, nag eemote, panay ang nguso hanggang sa nakatulog na ko.
KINABUKASAN.
Tinignan ko muna ulit yung sarili ko sa salamin bago lumabas sa CR. Kinakabahan ako, hawak hawak ko sa isang kamay ko yung paper bag na pinaglalagyan ng jacket ni Kenneth, sa kabilang kamay ko naman yung isa pang paper bag na may lamang disposable lunch box. Pinagbaon ko kasi si Kenneth ng lunch.
Parang tumalon yung puso ko ng matanaw ko na siya.
"Hi Kenneth, ibabalik ko sana yung jacket mo." matamis ang ngiti na sabi ko.
"Oh hi Mikaella!" huh? Alam niya pangalan ko?
AHHHHHHHHHHH! KILIG OVERLOAD!!!!
Pakiramdam ko ay nagblush na naman ako.
"Ahm.. pinagbaon din kita ng lunch para hindi ka na pumila sa canteen. Masarap yan paborito mo." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Huh? Paborito ko? Paano mo nalaman kung ano ang paborito ko?" nataranta ko sa sinabi niya
"Ah? Eh. . Ano hindi, h-hindi ko alam, hinulaan ko lang oo tama hehehe." palusot ko sa kanya.
"Ikaw talaga ang cute mo." sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
"Kung ganun sabay na pala tayong maglunch." aya niya sakin.
dugdug— dugdug —dugdug..
Bigla ay ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa sinabi niya.
Ang saya saya ng araw ko, todo ngiti ako at para akong nakatungtong sa ulap habang naglalakad pauwi.
Para kaming nagdate ni Kenneth. HAHAHAHA! ang saya lang talaga.
Habang  naglalakad ay hindi ko namalayan na may sasakyan pala.
Peeeeep!!!!! peeeeeep!!!! Busina ng motor.
"Ay palaka!" napatalon pa ko sa sobrang gulat ko. Nasa gilid na ko at lahat, kung makabusina itong loko na 'to kala mo pagmamay-ari niya 'tong daan, hmp!
"Sakay!" sigaw sa akin ng familiar na boses ng lalaki.
Tumingin ako sa likod at nakita siya.
"Ako??" nagtatakang tanong ko habang nakaturo pa sa sarili ko.
"Oo ikaw, tayong dalawa lang naman yung nandito eh." masungit na sagot niya sakin sabay tanggal sa suot na helmet, at— Oh~la~la ang gwapo niya, ay este hindi pala! Ano ba tong pinagsasasabi ko? At bakit may pa-slow motion pa?!
"At bakit naman ako sasakay? Close ba tayo? Mamaya kung ano pang gawin mo sakin." pairap na sabi ko sa kanya tapos naglakad na ko ng mabilis. Naramdaman ko naman na sinundan niya ko kaya mas binilisan ko pa yung lakad ko.
"WAHHHHHHH! IBABA MO KOOOO!" sigaw ko ng bigla niya kong buhatin na parang sako ng bigas. Pinaghahampas ko yung likod niya.
"Awww sh*t stop!" sigaw niya pero hindi niya ko binaba. Sinakay niya ko sa motor niya tapos agad siyang sumakay at pinaandar yun. Nasa harap niya ko habang nagdadrive siya. Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba!
"Ano ba Kiel saan mo ba ko dadalin?!" sigaw ko habang mabilis ang takbo ng motor.
"Ahhh! Will you stop screaming? you're so annoying!"
Ilang minuto pa ang lumipas ay bigla kaming huminto sa harap ng Private Hospital.
"Baba!" utos niya sa akin, seriously? Am I his slave para utos-utusan niya ko??
"Pano kung ayaw ko?" irap ko sa kanya sabay cross arms ko.
"Ahhhhhhh!" tili ko ng alog-alugin niya yung motor. Napapikit ako kasi akala ko mahuhulog na ko.
Hinanda ko na yung sarili ko sa sakit ng pagbagsak pero hindi ko alam kung anong nangyari basta bigla na lang ay buhat na naman niya ko na parang sako ng bigas.
Nagpapalag na naman ako at pinagsusuntok siya sa likod. Panay ang pagmumura niya.
I sighed with relief ng sa wakas ay ibaba niya na ko nung nasa tapat na kami ng elevator. May pinindot siya dun sabay lagay niya ng kamay sa bulsa ng jacket niya. Cool.
"Ano ba talagang ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya. Tanging buntong hininga lang niya ang narinig ko.
"Wait! Wag mo sabihing si Kyla?" biglang binundol ng kaba ang dibdib ko ng pumasok sa isip ko yung bagay na yun.
"Psh. Oo." tipid lang niyang sagot na hindi mababasa sa reaksyon kung anong nararamdaman niya.
Bigla akong napaiyak ng maisip ko yung itsura ng payat na si Kyla. Mahina kasi yung loob ko lalo na pag bata ang pinaguusapan.
"Wag ka ngang umiyak! Wag kang papasok ng kwarto niya ng ganyan ka ha. Hindi niya kailangan ng awa, kailangan niya ng magpapalakas ng loob niya." seryoso ang mukhang sabi niya sa'kin.
"Eh, kasi bakit hindi mo agad sinabi sakin? Huhuhu edi sana naiready ko yung sarili ko huhu may pabuhat buhat ka pa dyan! Ano ako sako ng bigas? Huhuhu." ngawa ko sa kanya.
"Aish she's really unbelievable." bulong ni Kiel sa sarili sabay buntong hininga, animo rinding rindi sa akin.
"Fix your self bago ka pumasok sa loob." sabi niya sakin bago ako iwan sa labas ng hospital room ng kapatid.
Pumasok siya sa loob at talagang hindi na ako pinansin.
Pumunta na lang muna ako sa comfort room at kinalma ang sarili ko, naghilamos ako ng mukha at nagsuklay bago pumunta sa room ni Kyla ng may ngiti sa labi.
"Ate Mika? Totoo ka ba o imagination ko lang?" kinusot kusot pa ng batang si Kyla ang mga mata niya.
"Oo totoo ako, totoong nandito sa ate Mika, kaya magpalakas ka agad kasi maglalaro pa tayo." pilit akong ngumiti nang sabihin ko yun, matapos kong makita yung kalagayan ni Kyla ay parang nawala ulit yung pagiging kalma ko. Nakakaiyak yung itsura niya, naka oxygen at namamaga na yung kamay dahil sa dextrose. OA lang ba 'ko dahil naiiyak ako na makakita ng batang tulad niya sa ganung sitwasyon? Sa edad niya kasi dapat nageenjoy lang siya sa buhay niya.
"Wow ang galing, Thank You po Jesus binigay Mo po agad yung wish ko." nakangiting umakto pang nagpepray si Kyla.
Napangiti na 'ko ng makita ko yun.

Book Comment (385)

  • avatar
    Jessica Malagad

    I love this story hope this book2 its too? 💞 💞 💞 💞 💞

    31/03/2022

      0
  • avatar
    Christine Degamo

    this story is so amazing because its so romantic omg I can't wait until the end I love you the one who wrote this story I'm your supper fun

    24/01/2022

      0
  • avatar
    Bernadette Reychel Ildefonso

    I really really loved it ...cause I really love to read stories when it comes for a gangster thingy...and for everyone ..come and read her story ..no regrets I promise..

    19/01/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters