logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 Aice

BLIXIENE CAWIE
Nakakapagod rin palang umupo rito ng ilang oras nang paghihintay. Napasinghap ako ng hangin habang kinakalikot ang aking mga daliri, naka pang maid ako na damit, hindi ko iyon kinakahiya ngunit sa mga tinginan ng tao sa 'kin ay parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
"Miss.. okay ka lang?" napaangat ako ng tingin nang may magsalita sa harap ko.
Agad akong napaayos ng upo't malapad na ngumiti.
"Ahh opo, bakit po?" Inosente kong tugon.
"Don't smile when it's fake, please." seryoso nito biglang sambit.
Napawi ang ngiting aking ginamit, at napabalik sa pagkakayuko. Nakakahiya, ngunit ano naman ang magagawa ko kung tama ang sinabi niya? Napabuntong hininga ako nang walang maipanglalaban sa kanyang salita.
"Wala pa ba sila?" naramdaman ko ang pagupo nito sa 'king tabi.
Umiling ako't sinandal ang sarili. "Sino ka at paano mo nalamang may hinihintay ako?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Hindi ko siya kilala, ni-hindi rin siya pamilyar sa akin kaya bakit siya narito at kinakausap ako?
Napatingin ako sa kanya nang siya'y mahinang natawa. Kumunot ang noo ko sa kanyang inasal, baliw ba siya? Nakangiti itong bumaling sa akin bago tumikhim ag nagsalita.
"I already saw you earlier, and followed you because you caught my attention. Minsan lang ako makakita ng maid na naka uniform sa mall, sometimes they're wearing formal clothes though." nakangiti nitong saad. "You look young, how old are you?" pagiiba niya sa usapan.
Umiwas ako ng tingin. "16. Wala ako sa tamang edad ng pagtatrabaho kaya sana ay huwag mong ipagkalat iyon."
Ramdam ko ang titig niya sa akin. Nakakakilabot. Mariin at madilim ang kanyang mga mata, mabigat sa pakiramdam ang ganito.
"Oh, okay." muli akong napabaling sa kanya ng sabihin iyon. "I'm Aice by the way, and you are?" Inilahad nito ang kamay sa harap ko.
Napatitig ako roon.
Sasabihin ko ba ang totoong pangalan ko? Pero paano kung isa pala siyang kidnapper?
"Blixiene." peke akong napangiti at tinanggap ang kamay niya.
Hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi ko alam kung tama bang sinabi ko talaga ang pangalan ko sa kanya. Kahit hindi ko sinabi ang aking apelyido ay kinakabahan pa rin ako.
"Mga amo mo ba 'yong kasama mo kanina? Sila ang hinihintay mo 'di ba?"
"Oo sila nga, bakit?" tanong ko.
"Dexter Herrera ang pangalan no'ng lalaki, tama ba 'ko?"
Ilang beses kong tumango dahil tama nga siya! Sikat ba ang boss ko sa lugar na 'to?
"Sabi na, pareho kasi kami ng pinapasukang school. Same age at grade kaming dalawa, section lang ang pinagkaiba."
Nalaglag ang aking panga sa gulat at ilang minutong hindi agad nakasagot. Kung ganoon ay schoolmates pala sila? Saan naman kaya sila pumapasok? Sabagay, maliit lang rin naman ang lugar na ito.
"Isa siya sa member ng squad nilang mga lalaki sa school, magto-tropa kumbaga. Ang ilang kaibigan niya roon ay may lahi, at lahat sila ay mayayaman. Naggagwapuhang mga kalalakihan, ngunit mas gwapo naman ako." ngumisi ito sa 'kin.
Natawa ako. "Eh ikaw? May squad ka rin ba?"
Umiling siya. "Wala, hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga lalaki. Lalo na't kung puro babaero at masasama naman ang ugali. Alam kong mapipigilan kong mapagaya sa kanila, pero masisira ang pangalan ko once na nakisama ako. Tama 'di ba?"
"Hmm.."
"I only wanted to be alone. Ayokong ma involve sa mga gulo, co'z my mom will probably hurt me." he chuckled at what he said.
I felt comfortable with him 'til the time passed by. Ilang beses akong tumawa at nahampas siya dahil doon. He's so jolly and hyper.
"Hindi ko alam na hyper ka pala lagi," natatawa kong saad.
"I'm in a good mood, though." dahilan niya.
Napangiti ako. Hindi ko maintindihan ang sayang nararamdaman ko nang hanggang sa maghapon ay magkausap kami, at hindi niya ako iniwan doon. I didn't feet uncomfortable with him, even we're not that close to each other so much.
"Nalalagi na rin ang pamilya ko roon sa batangas, kaso hindi ko lang alam kung saan. Saan ba ang sainyo roon, para sa susunod ay mapuntahan naming pamilya?" kyuryoso niyang tanong, wala sa sarili kong nabanggit ang aking pinagmulan kanina ng madala sa usapan. Well, he looks nice and trust worthy so no regrets.
"Sa may bandang, Nasugbu Lian, Batangas ang bayan namin. Mula kapanganakan ay doon na ako lumaki at nagkaisip. Doon na rin ako natutong mamuhay sa murang edad pa lamang, dahil sa tuwing summer naman ay maraming mga turistang dumadayo at doon naiibigang maligo." masaya akong ikinwento sakanya iyon sa buong oras. He was just listening intenly to all of my stories.
"My parents grew their too, pare-pareho kaming taga-roon kaya wala masyadong alam dito sa maynila. But my relatives do." sabay ngiti ko sakanya.
He looks interested about me, though i'm not assuming too much am i? Napailing ako sa sariling naisip. That wasn't right. Hindi ko dapat iyon iniisip kung gusto lang talaga malaman ng tao ang tungkol sa lugar na pinanggalingan ko.
"Ikaw? Saan ka nagmula? Dito rin ba?" Biglaan kong tanong.
Natawa siya. "Half yes, and half no, I guess?" Aniya.
Nangunot ang noo ko. "Huh?"
"My Mommy gave birth to me at States, and I grew up there until I turned Thirteen and flew here for studies." Simpleng sagot niya.
Biglaang nalaglag ang panga ko sa gulat, ngunit kalaunan ay bumalik din sa katinuan. Sa bagay, halata na rin iyon sa kanyang itsura at balat. Hindi na maipagkakaila, natural na rin siguro sa kanyang masabihan ng ganitong parang may lahi na ring americano.
Mahina akong natawa. "That's why you looked like that-" Bago ko pa matapos ang sinasabi ko'y may humila na sa kanya patayo. Agaran akong napatayo, namimilog ang mga mata.
Dexter was about to punch him but instead he threw him away and came near to me. My brows furrowed a bit. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nakita, kung dapat ba akong mag react o kung tama bang dapat niyang gawin iyon sa taong walang ginagawang masama?
"Ayos ka lang ba?" Instead of answering him, I passed by him even if he's the boss. Dumeretso ako kay Aice at tinanong ito kung ayos lang ba.
Malakas ang pagkakatapon nito sa kanya't alam kong pare-pareho kaming nagulat kaya wala agad nakakilos. My heart was fuming mad because of what happened!
"You should stay away from a stranger, Blix! You only knew him once, so don't trust too much!" Babala ni Dexter sa likod, naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Mahigpit iyon, sanhi rin ng pagdala niya sa katawan ko.
"Who are you to tell her that?" giit ni Aice na ngayo'y nakatayo na.
"I'm her boss and she should obey me!"
"You're just a boss, you don't have the right to control her life, Dexter." Aice groaned and turned to me. "I guess this is not the right time, but I hope i'll see you soon. I enjoyed talking to you, Blix. Wish to meet you again, somewhere! Good bye," paalam nito sa akin na ngiti ang isinukli ko dahil sa galit na nararamdaman hindi ako makapagsalita. Bago siya umalis ay sumama muna ang tingin nito sa boss ko bago umalis.
"Babe! Why the hell are you holding that maid?" biglang singit ni Trixie na iritado na agad sa nakikita.
Hindi na sumagot si Dexter pero binitawan na ako't umalis na kami. I probably looked like a kitten a while ago. Pasimple akong napabuntong hininga habang papauwi, nasa byahe na. Hindi nagiimikan ang dalawa sa unahan, they were distracted and shy about me, i think.
Aice seems so familliar to Dexter that's why he did that. Nabanggit rin sa akin ni Aice na schoolmates nga sila, kaya niya ito kilala pero paniguradong kilala na rin ni Dexter si Aice dahil sa trato nito sa kanya. May namumuong galit sa aking puso doon sa ginawa niya, wala akong makitang mali sa bawat kilos ni Aice nang maabutan niya kaming magkatabi kanina. We were just talking to each other, and viola! He then appeared in between us and make a scene!
Wala naman masyadong tao sa pwesto naming iyon pero hanggang ngayo'y napapapikit pa rin ako kung gaano kami napahiyang tatlo. Dexter may be known as a bad boy, based on his looks. And attitude.
Gusto ko siyang irapan nang magtama ang paningin naming dalawa sa rear mirror. Ngunit ngayong oras pa rin ng trabaho, kailangan kong umayos. He's my boss at work, but in my life? No..
Nobody can control my life, even my parents couldn't. I won't let them do it for me.
Nang makarating sa bahay ay hindi na lang ako umimik, pinagpatuloy ko ang trabaho hanggang sa lumipas ang mga araw. I'm doing my usual work, but without the same mood again. Simula kasi noon ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya.
Hindi ko siya kinakausap, sa halip ay basta ko nalang iniiwan ang pagkain niya sa mesa with respect. Alam ko sa sarili kong hindi ako ang gumawa noon kay Aice pero pakiramdam ko kapag magkikita ulit kami... baka galit na rin siya sa 'kin for not stopping Dexter for what he did.
Sobra akong nakaramdam ng guilt at kaba nang makapunta muli ng mall. I earned my salary last week, narito ako ngayon para bumili ng sariling gamit. Iyong sakto lang sa budget ko't maaring umabot ng ilang taon sa paggamit.
"Doon lang ako, Lisi. Gusto ko lamang tignan muli ang sapatos na nagustuhan ko noong nakaraang punta ko rito.." Mabilisang pagpapaalam ni Kuya nang makarating na ako sa National Book Store.
Kahit ang pag tango ko ay hindi niya na rin nakita dahil sa pagmamadali. Nakakunot ang noo kong pinagmasdan siya't sa huli'y napailing nalang. Kahit kailan talaga si Kuya oh..
Tahimik akong pumasok sa loob niyon, ng bawat shelfs ay magugulo na. Nagkakahalo halo na rin ang ibang kagamitan ngunit may mga staffs naman na handang ayusin 'yon..
"Magandang hapon po, Ma'am!" masiglang bati nang kahera sa akin nang mapadaan ako sa harap niya.
Ngiti ang isinukli ko rito, bago magpatuloy. Una kong pinuntahan ang notebook section. I love notebooks a lot, because I love writing neither sketching things like that. I used to love them since I admired how beautiful our nature is.
Naalala ko pa noong sinubukan kong i-drawing ang bulkang taal at ang simbahan ng taal mula noong bata ako. Nagawa ko naman ngunit, hindi iyon kasing ganda ng ginawa ko noong isang taon. That sketch of mine caught every person in our school's community.. I even won for the first place in poster making contest because of my skills.
"Ano pong hanap niyo, Ma'am?" napalingon ako sa aking gilid ng magsalita ang staff. I focused myself on choosing but I can't. Masyadong napukaw ng babae ang atensyon ko. She was so beautiful and looked more mature and rich at this young age...
Her brows furrowed. "Saan ang mga books niyo ritong bago? Tsaka iyong mga caligraphy pen though." seryoso nitong sabi.
"Bes! Ano, nakakita ka na?" maya maya lang ay may sumunod sa kanya. Mukha itong americana, medyo kulot ang buhok at may kulay.
They both looked so pretty and at the top of people. The center of attention here. Hindi ko maiwasang ilagay ang sarili ko sa sitwasyon nila. Kung mayaman rin ba ako, magkakaroon ako ng problema? Will i face so much problems if i were one of them?
Siguro'y oo. Dahil hindi ma matatawag na buhay, kung walang problema sa kung anong bagay.
"This way po, Ma'am." Iminwestra ng staff ang daan patungo sa kanilang hinahanap. Huminga ako ng malalim, hindi pa man nakamapagsimulang mamili ay tinatamad na agad ako't nawawalan ng gana.
Life is fair, but not the population. In this generation we had been facing on, lahat naghihilaan pababa instead of uniting together for equality of the country.
Alam kong mahirap, pero kaya naman sigurong subukan? How can we succeed without trying to do it? We should face our fears to reach the gold. Even if it's really hard to do it in a good way, and at a short time... But if we try... we will succeed.
Sa mga sumunod na araw ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko. I'm ignoring everybody. Nagsasalita lang kapag importante ang kausap, I doesn't talk too much anymore because of irritation.
"Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni Ina nang sa bahay ako isang araw.
Lumingon ako sa kanya. "Opo."
Tumango tango ito at umalis na sa kusina.
Napabuntong hininga ako.
Kinabukasang makabalik ako sa trabaho ay gulat akong napatingin sa aking harapan. Dexter is here. Standing in front of me... laylay ang mga braso't namumungay ang mga matang nakatingin sa akin. Namilog ang mata ko sa nakita, anong ginagawa niya rito? Alam ko namang maaga siyang gumigising pero, anong nasa utak niya upang maisipang tumambay rito?
Humigpit ang hawak ko sa aking sling bag. Suminghap ako ng preskong hangin, bago nagsalita.
"Good morning, Sir." Magalang kong bati. I was about to walk pass by him, when he immediately held my risk. Napabalik ako sa kanyang harapan dahil doon. Gusto kong mag reklamo sa rahas ng pagkakahablot niya sa akin ngunit hindi ko na nagawa nang makita ang mga mata niya. His eyes were full of emotions as he look at me..
Rumaragasa ang pagtibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ng tibok niyon ay pakiramdam ko ano mang oras na ito'y mamamatay ako.

Book Comment (45)

  • avatar
    Humaira

    good

    17/12

      0
  • avatar
    Yuan Bugarin

    😊❤️

    06/10

      0
  • avatar
    MONINA_BUENAFE

    Ang ganda ng story ❤️❤️❤️

    15/05/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters