logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 Maynila

BLIXIENE CAWIE
"Maynila, maynila, maynila!" sigaw ng konduktor ng bus na 'di kalayuan sa 'min. Napabuntong-hininga kong kinuha ang notebook sa 'king bag, para makapag-drawing. Mamaya pa ang sakay namin, hindi ko mawari ang aking kabang nararamdaman. Labing anim na taong gulang na ako, ngunit hindi ko talaga maiwasang 'di kabahan sa tuwing kami ay aalis nila ina.
"Lisi, nauuhaw ka ba?" tanong ni kuya Jepoy sa tabi ko.
"Hindi po, kuya." umiling ako't pinagpatuloy ang pag-guhit.
Naalala ko ang sandaling maka-punta kami sa aklan. Doon sa bahay ng aking mga kamag-anak. Sumakay kami ng eroplano't, van tsaka bangka. Sobra ang hilo ko noong araw na 'yon, wala ba naman kaming pahinga kahit saglit lang.
Grade 10 na ako sa susunod na pasukan. Sa tingin ko'y sa maynila na nga talaga matutuloy ang pag-aaral ko, kahit kapos kami sa buhay.
"Anak, hindi ka ba nagugutom?" tanong ni ina ng mapansin ang katahimikan ko. "Bakit sobrang tahimik mo?" naka-kunot ang kanyang noo, nagtataka ang mga matang malabo.
"Ina, matagal na hong tahimik 'yang si Lisi, hindi na ho kayo nasanay." pa-birong singit ni kuya na ikinatawa lang ni ina.
"Ay, oo nga pala ano? Kanino ga nag-mana ang batang ito?" hinagod niya ang aking buhok.
"Malamang sa iyo, saan pa ga?" singit ni ama na kadarating lang at may hawak na tubig sa kanyang dalawang kamay. "Oh are, uminom na muna kayo, masyadong mainit ang panahon baka kayo'y duguan ng ilong at sumakit ang inyong ulo." ini-abot niya sa 'kin ang isang bote nang tubig na agad kong ininuman. Pagkatapos noo'y ini-abot ko na kay kuya.
Bumalik ako sa 'king ginagawa hanggang sa oras na naming bumyahe papuntang maynila.
"Kuya, diyan ako uupo." mahina kong sambit ng makapasok kami sa loob. Malamig na hangin ang bumungad sa 'kin, kaagad na nag-taasan ang mga balahibo ko dahil doon. Pakiramdam ko'y babaliktad na ang sikmura ko ano mang oras na ito.
"Sige," umusog siya sa kabilang pwesto. Ngumiti naman ako ng pilit para hindi niya makitang nananakit na ang tiyan ko.
Umupo na lamang ako bago pa umandar ng bus. Ipinikit ko ang aking mata upang maiwasan ang pagkaka-hilo, ngunit hindi nangyari 'yon, parang mas lalo lamang lumala ang sakit ng sikmura ko.
"Kuya, ang lamig." wala pang isang oras ang itinagal namin dito ngunit ganoon na lang ang pangangatog ng binti ko. "Kuya." pag-tawag kong muli sa kanya.
"Oh?" napamulat siya't gulat na napatingin sa 'kin.
"Ang lamig." nakangiwi kong sambit.
"Anong gagawin 'ko?"
"I-tapat mo sa 'yo ang aircon, 'wag sa ulo ko. Nasakit ang ulo ko,"
"Sige, sige." dali-dali niyang ini-ayos ang aircon at itinapat sa kabila. Salamat naman ay nabawasan din ang lamig sa pwesto ko. "Okay na ba iyan?" tanong niya.
Tumango na lamang ako't mas lalong ini-yakap sa katawan ang dala kong jacket.
"May dala ka bang plastik?" aniya.
"Wala po," 'ayon pa ang nakalimutan kong siyang kailangan ko para sa byaheng ito.
"Ama?" tinalikuran niya 'ko't humarap sa kabilang gilid. Kung saan naroon naka-upo sila ama't ina na nanonood ng tv.
"Oh? Bakit? May problema ba?" lumingon agad si ama sa kanya.
"May dala ho ba kayong plastik diyan? Baka ho kasi mag-suka 'tong si Lisi."
"Naku, oo! May nailagay akong plastik sa 'king bulsa nang bumili ako sa tindahan kanina." aniya. Umayos siya ng upo, kinuha niya ang sinasabing plastik sa kanyang bulsa. "Oh, ito. Alalayan mo iyang kapatid mo, Jepoy ha?" paalala niya.
"Opo." sagot ni kuya. Bumaling na siya sa 'kin ng may nag-aalalang mga mata. "Sabihin mo kapag nasusuka ka ah?"
Tumango na lamang muli ako't itinuon ang paningin sa labas. Mga nag-sisiglahang puno ang natatanaw mula doon, halos lahat ng nakikita ko'y berde ang kulay ng halaman.
Sinubukan kong matulog ngunit hindi ako nag-tagumpay. Hindi ko kayang matulog ng masakit ang ulo, mas lalo na ang nasusuka. Nahihilo ako sa amoy ng aircon na hindi maintindihan ang dahilan, gusto kong basagin ang bintanang nasa tabi ko para makalanghap ng preskong hangin mula sa labas.
Isinuot ko ang hoodie ng jacket na 'yon, para hindi malamigan ang ulo ko. Para na rin 'yong yelo sa lamig, hindi man lang mainitan kahit sandali.
Pagkalipas ng ilang oras na pagmu-muni ay naramdaman ko ang pag-ikot ng tiyan ko kaya humarap muli ako kay Kuya, at kinalabit siya ng ilang beses. Hindi ko mai-buka ang bibig ko dahil baka ma-ibuga ko 'yon sa kanya.
"O—" nakuha niya ang kalabit kong iyon, dali-dali siyang kumilos para kuhanin ang plastik na nakasabit sa harapan namin. Ibinuka niya iyon sa harap ko. "Suka na."
Inilapit ko ang mukha doon, tsaka nagsimulang ilabas ang lahat sa tiyan ko. Pakiramdam ko'y pati bituka ko'y nasama na dahil sa sakit ng tiyan ko. Namuo ang luha sa 'king mga mata, mahigpit ang kapit sa 'king tiyan upang hindi matumba kung biglang mag-stop man ang bus na sinasakyan namin.
"Sana'y hindi na pala kita isinama dito, sana'y pinabantayan nalang kay Tiya Elya." aniya habang pinupunasan ang bibig ko. "Ang laki mo na pero ganyan ka pa rin." maya-mayang asar niya.
"Ngayon lang naman uli ako naka-sakay ng bus, kaya ganito." ngumuso ako.
"Sabagay, oh siya. Lumapit lapit kapa dito, hihilutin ko ang ulo't tiyan mo."
Sinunod ko ang sinabi niya. Inilabas niya ang isang maliit na bilog na sa tingin ko'y katinko. Ginagamit iyon pang-hilot sa tuwing may masakit ang ulo o saang parte ng katawan.
"Sa susunod ay hindi ka na magkaka-ganiyan, ha?"
Tumango lamang ako't ipinikit ang ulo.
Isinandal ko ang mata ko sa kaniyang balikat habang abala naman siya sa pag-hilot sa 'king tiyan. Umayos ayos ang pakiramdam ko makalipas ang ilang minuto, nakatulog ako sa kanyang balikat.
Naulit pa ng isang beses ang pagsusuka kong 'yon nang makababa na kami sa bus. Nasa maynila na kami, kung saan mayroong naglalakihang nga gusali, at maraming pang-transportasyong sasakyan. Inalalayan ako ni kuya papunta sa karendiryang malapit na nakita nila ama. Magdi-dilim na ang kalangitan, hindi ko na napanood ang pagbabago ng kulay nito kanina dahil abala ako sa 'king sarili.
"Anong gusto mong kainin?" mahinang tanong ni kuya sa 'kin. Patuloy pa rin siya sa pagalalay ano man ang gawin ko.
"Gusto ko ng itlog na pula, 'yung maalat? Tsaka kanin." simple kong sagot. Ilang araw ko ng gustong kainin ang itlog na 'yon, ngunit hindi na tutuloy dahil sa hindi makabili si kuya, laging nakakalimutan.
"Kayo po, ama? Ina?" baling niya sa kanila.
"Kahit gulay na lang ang sa 'min ng ama mo, ayos na 'yon. Oh, ito ang pera." iniiabot ni ina ang isandaang piso kay kuya bago iyon sinenyasan na mag-order na.
Humarap sa 'kin si ina. "Ayos na ba ang sikmura mo?" tanong niya.
"Hindi pa po." naibaba ko ang aking paningin sa 'king tiyan.
"Eh, paano ka makakakain niyan kung ganoon?" ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
"Pipilitin ko ho, para naman may laman ang tiyan ko." sagot ko na lamang.
Nang dumating ang pagkain namin ay kaagad nilang nilantakan 'yon. Nakakagutom nga sigurong umupo sa bus ng ilang oras.
"May libreng kamatis, kuya?" gulat kong tanong ng makitang may isang kamatis doon na kasama ng itlog na pula.
A/N: salted egg, 'yon ha?
"Uwo, bibili pa nga sana ako sa labas dahil akala ko wala noon. Hindi naman kasi masarap ang kain kapag walang kamatis 'di ba?" nakangiti niyang sambit.
"Hmmm, salamat kuya." ngiti't tango ang isinukli ko sa kanya.
Nang matapos kaming kumain ay kaagad kaming dumeretso sa bahay na kailangan naming puntahan. Malapit lang daw 'yon sa pinagba-baaan namin kanina. Isang beses kaming sumakay ng jeep bago nakarating sa bahay na aming hinahanap.
"Apat ang kwarto nito, tatlo doon sa taas, at isa dito sa baba." paliwanag ni ama ng makapasok kami sa loob. "Doon kayong dalawa sa itaas, kami naman ay dito na sa baba." tumango kami ni kuya.
Hindi gaanong malaki ang bahay na iyon, ngunit maluwag ang loob dahil wala masyadong gamit. Maalikabok pa ang iilang gamit, hindi siguro ito nalinis nitong taong nakaraan.
"Kanino pong bahay ito?" tanong ko habang nasa harap ng isang malaking painting ng lalaki. Suot nito ang american suit, maayos ang tindig niya't seryoso ang ekspresyon ng mukha. Ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng pants na suot niya.
May pagka-kulot ang kanyang buhok sa ibabaw, may pagka-brown ang kulay. Matangos ang ilong, pula ang kanyang labi, brown ang kanyang bilog na mga mata. May suot itong kwintas na krus.
"Sa mga Herrera, anak."
Pamilyar na apelyido 'yon sa 'kin, kaya ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko.

Book Comment (45)

  • avatar
    Humaira

    good

    17/12

      0
  • avatar
    Yuan Bugarin

    😊❤️

    06/10

      0
  • avatar
    MONINA_BUENAFE

    Ang ganda ng story ❤️❤️❤️

    15/05/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters