logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

I'm good at accepting things and letting it the way it is. Sa mga nakalipas na taon, sa mga hindi magandang karanasan ko sa buhay, natutunan ko kung paano tumanggap ng pagkatalo. In the game of life, you'll probably get the reward for winning and pain for not. But in my case, I always recieve pain. Sasaya lang ng konti, pero sa iisang lugar pa rin naman ang bagsak ko.
At kaming mga talunan lang ang nakakaintidi niyon.
That's why I chose to accept things to lessen the pain in my heart. Sa ganoong paraan ay hindi ako masyadong masasaktan. That is one of my assets. Kaya kong dumiskarte para sa sariling nararamdaman.
"Diego, bakit hindi mo kasama si Dora?" nang-aasar na anas ni Sison kay Diego. Nagtawanan ang tropa. Well, it's not really their way of bullying a person, talagang alaskador lang sila. Mabuti na lamang at hindi sila pinapatulan ni Diego.
Tumayo ako at lumapit sa lalaki. It's been weeks simula nang una ko siyang makita rito. Naroon siya sa malayong banda at nanonood ng mga kabataang nagbibilyar. I approached him once, sabi niya gusto niya raw matuto maglaro.
"Pumupunta ka pala sa mga ganitong lugar?" gulat na anas ko nang makita ko siya rito isang hapon.
Umangat ang tingin niya sa akin. Parang nagtataka sa mukha ko. Minutes later, I sensed recognition in his eyes. Napabuga ako ng hangin. Muntik pa yatang makalimutan ang mukha ko.
"Ginamit itong chess tournament venue noong nakaraan, kasali ako roon. Akala ko may mga naglalaro pa rin ng chess tuwing hapon kaya ako pumunta." paliwanag niya.
Tumango-tango ako.
"Bilyaran naman na ito dati pa."
"What? Ginamit nga itong chess tournament venue."
Kumunot ang noo ko sa kaniya. Ilang linggo na rin simula ng huli kong makita ang lalaking ito. Una at huli naming interaksyon iyong tinulungan niya ako no'ng pinipilit ako ni James. Pagkatapos ay hindi na muli kami nagkita pa.
"Oo nga pero bilyaran talaga ito dati." kunot-noong anas ko. Bakit pakiramdam ko may ipinaglalaban siya sa tono ng boses niya? "Marunong ka ba maglaro? Tara bilyar tayo." pang-aakit ko kalaunan.
"Hindi pa ako marunong." sagot niya.
Nalaman ko na pinagmamasdan pala niya ang mga naglalaro para matuto. Kaya inakit ko siya na sa grupo na namin pumuwesto tutal hindi hamak na mas magagaling kami kumpara sa ibang narito.
"Alam mo, hindi ka matututo kung palagi ka lang manonood." anas ko nang makalapit sa kaniya. Nasulyapan ko pa sina Jacques at Ezperanza na nanonood sa amin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. "Mas maganda kung may mag-dedemo sa'yo."
Takang tumingin sa akin si Diego. Nararamdaman ko talaga na nakukulitan siya sa akin. Madalang niya ako kausapin. Miski sina Sison ay hindi niya kinikibo. Siguro dahil na rin sa mga pang-aasar  nila.
"Twelve, pahiram nitong patpat mo." paalam ko sa lalaki at kinuha ang cue stick niya.
"Hoy anong gagawin mo riyan?!" pahisterikal nitong tanong. Umirap ako. Para namang may gagawin akong masama sa cue stick niya.
"Tuturuan ko lang itong bagong tropa natin. Alam niyo namang bawal sa grupo ang hindi magaling tumira 'di ba." pagpaparinig ko at sumulyap kay Warton.
"Bakit sa akin ka nakatingin?" painis nitong anas. Umiling lamang ako at muling lumapit kay Diego. Ibinigay ko sa kaniya ang isang cue stick saka ako pumorma.
"Ganito, pagmasdan mo muna kung paano ako tumira ha?" utos ko sa kaniya. Hindi siya tumango. Tumitig lang. Nanatili namang nakapanood sa amin ang mga kaibigan. Umayos ako ng porma at sinipat ng maigi ang bola. Nang tirahin ko ito ay dalawa ang pumasok sa butas. Narinig ko ang palakpakan ng ilang tao sa paligid na nanonood pala sa akin.
Muli akong tumingin kay Diego.
"Nakuha mo ba kung paano ako tumira? Subukan mo nga." utos ko. Mabagal naman itong sumunod sa akin. Parang wala pang gana. Lalamya-lamya niyang hinawakan ang tako saka sinipat ang bola. Nang tirahin niya ay walang pumasok sa butas. Nagtawanan ang mga tao.
Napabuntong-hininga ako at lumapit sa kaniya. Binitawan ko ang hawak na tako.
"Ganito kasi, ayusin mo hawak ng kamay mo sa tako." anas ko at inilagay ang kamay niya sa tamang posisyon. Napatingin siya sa akin. "Kapag sisipatin mo na, ayusin mo ang pagyuko mo, kalmado lang dapat." nagtungo ako sa likod nito at inayos din ang tayo niya. "Yumuko ka, paano mo masisipat ng maayos kung nakatayo ka ng tuwid?" parang wala sa sarili naman itong napasunod sa akin at yumuko.
Napatango-tango ako.
"Madz, hands on ka riyan ah? Bata pa iyan." anas ni Twelve sa aking likod. Inambahan ko siya ng hampas.
Nahagip naman ng paningin ko si Jacques na iritado ang mukha habang nakatingin sa amin. Nakatiim-bagang ito at animo'y may ikinagagalit. Hindi ko na lamang siya pinansin at muling itinuon ang atensyon kay Diego. Siya ang pinakabata sa grupo kaya madalas biruin nina Twelve.
"Kapag titirahin mo na, sipatin mo ng maayos. Huwag basta tira na lang nang tira. Tantiyahin mo rin kung saan posibleng tumalsik ang puting bola pagkatapos." nagtungo ako sa gilid ni Diego at hinawakan din ang tako. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko. Sinipat ko rin ang bola at ako rin mismo ang tumira habang nakapatong ang kamay ko sa kaniya.
Balewala akong tumayo ng tuwid nang pumasok ang bola. Parang wala sa sarili namang napatayo ng maayos si Diego at hindi magawang makatingin sa akin.
"Isang beses lang ako nag-lelecture, dalawang daan ang bayad kada session." anas ko at nakangising pinagsalikop ang mga braso. Bumaling sa akin si Diego, kunot ang noo. "Pero dahil tinulungan mo naman ako dati, one hundred fifty na lang." nakangising anas ko.
Nagtawanan sina Twelve.
"Wala ka talagang kasing sama. Akala ko pa naman nagmamagandang-loob ka. Mangongotong ka lang pala!" sigaw sa akin ni Cavier.
"Talent fee ang tawag doon!"
Tumatawang anas ko sa kanila. Palibhasa mga boplaks kaya hindi marunong mang-utak.
Tumigil naman ang tawa ko nang maglapag si Diego ng malutong na limang daan sa billiard table. Napakurap-kurap ako sa kaniya.
"H-huy, biro lang. Wala talagang bayad iyon. Baka akalain mo mukhang pera ako."
Tumingin lang siya sa akin.
"Pang-dalawang session na iyan, kailan ka ba ulit magtuturo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Hindi ko maipaliwanag kung paano mag-rereact. Hindi ko naman kasi inakala na masyado palang seryoso itong si Diego. Nagbibiro lang naman ako.
"P-pwede kitang turuan kahit kailan mo gusto, sa'yo na iyang pera mo. Nagbibiro lang naman ako sa bayad." nahihiyang anas ko. Baka akala talaga niya mukhang pera ako.
Kumunot lamang ang noo niya sa akin subalit hindi binawi ang pera.
"Madelaine, gabi na. Hindi ka pa ba uuwi sa inyo?" natigil ako nang marinig ang boses ni Jacques na papalapit sa amin. Bakas ang iritasyon sa tono niya.
Tumaas ang kilay ko.
"Maya-maya, medyo maliwanag pa naman." Nagkibit-balikat ako at nagtungo sa isang upuan. Sumunod sa akin ang lalaki. Iniwan niyang mag-isa si Ezperanza sa upuan nila kanina.
"Maglalakad ka pa kaya aabutin ka rin ng dilim sa daan. Mabuti pa ay sumabay ka na lang sa amin, pauwi na rin kami." saad ni Jacques sa nang-uutos na tono. Tumaas ang kilay ko sa kaniya.
Bakit ngayon ay kinakausap na niya ulit ako? Kung iwasan niya ako noong nakaraan, para akong may nakakahawang sakit. Tapos ngayon bakit bigla-bigla na naman siyang mamamansin at mamanduhan ako?
"Dito na muna, sasabay na lang ako kina Twelve." anas ko at iritadong tinalikuran siya. Muli akong naglakad patungo kay Diego at ngumiti rito.
"Uuwi ka na ba kaagad?" tanong ko. Umiling ito sa akin at tinalikuran ako. Naglakad patungo sa upuan at naging isang bato. Napabuntong-hininga ako at sumunod sa kaniya. Bakit ba kasi masyadong ilag sa tao itong si Diego? Kung hindi ko kakausapin ay hindi talaga magsasalita.
Nakita ko naman ang iritasyon sa mukha ni Jacques bago ito muling lumapit kay Ezperanza. Ang akala ko ay uuwi na sila, nagtaka pa ako nang kumuha rin sila ng cue stick at nagturuan sa harap ko. Tinuturuan din ni Jacques si Ezperanza. Dito pa malapit kung saan kami nakaupo.
Napahinga ako ng malalim at pasimpleng tinitigan ang lalaki dahil nakatalikod ito sa akin. I wonder how it would feel if I will have a boyfriend like him? He looks strict and protective boyfriend. Napapansin ko naman iyon sa mga kilos niya kay Ezperanza. Mahal nga talaga niya ang babae.
Mabuti na lamang at nakumbinse ko na ang sarili na wala akong balak manira ng relasyon. Kung nagkagusto man ako kay Jacques, bahagi na lang ng nakaraan iyon.
"May gusto ka sa kaniya." anas ng aking katabi. He's not asking me. He's technically stating a fact. Kaagad akong napaiwas ng tingin kay Jacques.
"S-sino?" pagmamaang-maangan ko. Bumaling sa akin si Diego. Walang reaksiyon ang mukha.
"Gusto mo si Jacques." he said in a monotone. Kaagad akong kinabahan na baka may makarinig sa kaniya. Mabuti na lamang at abala sa pag-uusap ang mga kaibigan namin.
"Paano mo naman nasabi?" kinalma ko ang sarili dahil baka mas lalo siyang makahalata kapag nautal ako.
Saglit siyang tumitig sa akin bago umiwas ng tingin.
"Iyong tingin mo." simpleng aniya.
"Anong meron sa tingin ko? Wala namang kakaiba ah? H-hindi naman siguro nagliliwanag ang mata ko tuwing nakatingin sa kaniya."
Kumurap-kurap ako at hinintay ang magiging sagot niya.
"Iyong tingin mo kasi, ganiyan din ako tumingin sa babaeng gusto ko." anas niya habang nakatingin sa unahan. Natigilan ako sa sinabi niya.
So hindi talaga siya bato? May nararamdaman din pala siya kahit papaano?
"Talaga?" natutuwang anas ko. Akalain mong nagkakagusto rin pala ang lalaking ito. Sa itsura kasi niya, siya iyong tipo ng lalaking puro aral lang ang inaatupag. Studies muna bago love life. "Sinong babae? Kilala ko ba?"
"Hindi mo kilala."
Bigla akong na-curious. Hindi naman kami close nitong si Diego, feeling close lang talaga ako. Gusto ko kasing mas makilala pa siya. Ang mysterious niya ring tingnan para sa akin. Pakiramdam ko sobrang lungkot ng buhay niya. May nararamdaman din akong kakaiba, siguro iiwanan ito ng magiging kasintahan niya sa hinaharap.
Napatawa ako sa naisip.
"Eh sino nga? Hindi ko naman ipagkakalat. Gusto ko lang malaman ang pangalan."
Bumaling siya sa akin. Mukhang nakukulitan na.
"Anastacia." aniya at kaagad na iniwas ang tingin sa akin.
Napatango-tango naman ako. "Anastacia pala... " anas ko sa sarili. Wala nga akong babaeng kilalang Anastacia. Bukod pa rito, paniguradong hindi ko iyon kasing edad at kabatch kaya hindi ko rin kilala. "Alam ba niya na may gusto ka sa kaniya?" Curious kong tanong.
"Hindi."
"Bakit hindi mo sinabi?"
"May gusto siyang iba."
Napatigil ako sa pagtatanong at napapahiyang nag-iwas ng tingin. The saddest part of liking someone is that your feelings will not be reciprocated most of the time. There's so many unrequited love arounds us. And sadly... Diego and I are part of them.
The atmosphere suddenly became awkward. I find it hard to speak because I don't know how to comfort him. Magkatulad kami ng sitwasyon pero hindi ko alam kung paano papagaanin ang loob niya gayong nahihirapan din akong pagaanin ang sariling nararamdaman.
"Sobrang ganda siguro niyang babaeng gusto mo ano?" masigla kong tanong kalaunan. "Alam mo kasi, ang impression ko sa'yo, ikaw iyong taong mataas ang standards pagdating sa babae. Paniguradong hindi ka magkakagusto ng basta-basta lang." he didn't speak though. Nakatingin lang siya sa unahan.
"May picture ka ba niya? Patingin naman?" feeling close na anas ko.
"Wala akong picture niya." he said in dismissive tone. Mukhang ayaw niyang pag-usapan pero makulit talaga ako.
"Hindi nga? Patingin ako nang mahusgahan natin." hindi niya ako pinansin. I saw his phone waving beside his pocket. Kaagad ko itong hinablot at binuksan. Of course there's a password.
Pero ikinagulat ko nang makita ang babaeng nasa lock screen niya. It was a side profile though. Halatang stolen. Pero kahit ganoon ay kitang-kita ko ang maputi at makinis na kutis ng babae. Matangos ang ilong at maitim ang buhok. Napaawang ang labi ko.
"This is Anastacia?" gulat kong anas habang pinagmamasdan ang babae. I heard Diego's iritated groan. "Ang ganda niya grabe!"
Kinuha sa akin ni Diego ang phone niya pero hindi ko binitawan. Ngumisi ako sa kaniya.
"Ang ganda pala eh, paniguradong marami ka ngang kaagaw dito." anas ko sa kaniya. Mas lalong bumakas ang iritasyon sa kaniyang mukha. Hindi ko naman binitawan ang phone niya. Gusto ko ulit titigan iyong babae. Kahit side profile lang ay ang ganda ganda na niya!
Nakipag-agawan pa ako sa phone hanggang sa mapatigil nang may isang bola ng bilyar na bumulusok malapit sa kinauupuan namin. Muntik nang matamaan si Diego!
Nabitawan ko ang phone niya at napatingin sa unahan. There... I saw Jacques holding the cue stick. He's practically glaring at us. Mabilis na kumulo ang dugo ko. Siya na nga itong muntik nang makatama, siya pa itong masama kung makatingin.
"Anong problema mo ha? Hindi ka ba marunong mag-ingat?" pagalit kong anas at tumayo. Nagsilingunan sa amin ang mga kaibigan ko.
"Dumulas 'yong bola." Nagkibit-balikat siya at binalewala ang galit ko. Now he didn't look pissed anymore. He look satisfied.
Mas lalo naman akong nagalit sa sinabi niya.
"Paano kung nakatama ka? Iyan din ang ikakatwiran mo? Huwag kasing maglaro kung hindi naman marunong." pagpaparinig ko rito. Muling bumakas ang iritasyon sa mukha niya.
Pinasadahan niya ng dila ang labi saka mariing tumingin sa akin.
"Kung hindi pala marunong... bakit hindi mo ako turuan?" he said in a monotone voice. I heard my heart throbbed dangerously.
Napakurap-kurap ako upang itago ang gulat sa sinabi niya. Sumulyap ako kay Ezperanza na tahimik na nakaupo at pinagmamasdan kami. Napalunok ako sa kaba.
"W-wala akong oras." anas ko at kaagad na tumalikod sa kaniya. Nasalubong ko ang nanunuring tingin sa akin ni Diego. "Uuwi ka na ba? Pasabay ako." nagmamadaling anas ko saka mabilis na kinuha ang mga gamit.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganiyan si Jacques. After weeks of ignoring me, bigla na naman siyang magiging pakialamero at nakakainis. Nagsimula lang naman ito nang ipakilala ko si Diego sa grupo. Simula noon ay para na siyang palaging iritado at may galit sa mundo. Hindi ko maintindihan kung may ginawa ba sa kaniyang masama si Diego o ano. Ngayon ay muntik pa niyang matamaan ng bola. He's so careless! Alam naman niyang may taong nakaupo tapos papatalsikin niya ang bola? Sana hindi na lang siya naglaro.
I stormed out of the place after I bid my goodbyes to them. Well except from Jacques.

Book Comment (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    05/05

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters