logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 36

"Mas mabuti kung huwag mo na munang pilitin na kausapin sila. I know you remember what you said last night. Paniguradong nasaktan sila sa sinabi mo."
I know…
Kahit lasing ako kagabi, I could still clearly remember what I did. Especially the part when I shouted to my friends. Masyado akong tanga nang sabihin ko iyon sa kanila. Mali na dinamay ko sila sa mga hinanakit ko.
"P-pero… hindi ba mas maganda kung magso-sorry na kaagad ako ngayon-
"Hayaan mo muna sila. I know at the end of the day, hindi ka rin nila matitiis. You saw how they all reacted last night. Kung lalapitan mo sila ngayon, hindi ka rin nila papansinin."
Napabuntong-hininga ako at nagpasyang sundin ang sinabi niya kahit labag sa loob ko. I tried approaching Twelve that day, I want to try my luck. Pero hindi nga talaga niya ako pinansin. It made me sad the whole day. Bigla kong na-miss ang kaingayan nilang lahat.
Jacques, on the other hand bid his goodbye to us. May trabaho pa raw siyang kailangang puntahan. Mukha rin siyang nagmamadali. Hinayaan ko na lang dahil wala rin naman akong magagawa.
Somehow… his presence comforted me. Kahit hindi kami nag-uusap, naging kalmado ako kahit papaano. 
It was almost six in the afternoon when Jacques came back again. Nakasuot na ito ng itim na long sleeves. Sa itsura niya ngayon, mukha ngang kagagaling lang niya sa trabaho.
"Why are you here?" Matamlay kong tanong. 
Swabe siyang naglakad hanggang sa makalapit kung saan ako nakaupo. He took a quick glance on his wrist watch before staring at me again. 
"Let's buy you a phone."
Tumaas ang kilay ko sa pagtataka. 
"Hindi ko kailangan," I lied. Kailangan ko ng cellphone. Nahihirapan sina Tita Christine na makontak ako kapag wala ako sa bahay. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagalit sa akin sina Twelve. They don't know how to contact me and they have no idea where to find me.
"Or would you like to have my phone instead? May luma pa naman akong magagamit," bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 
He would go to such an extent? How about his personal infos? The messages, call logs and such? Ibibigay niya pa rin sa akin ang phone niya? Or maybe… he's going to delete some files na hindi niya gustong ipakita.
"Really?" Taas-kilay kong tanong. "Ano bang brand niyang phone mo?"
He chuckled softly and then took his phone from his pocket. Mukhang bago pa nga, and iyong tatak sa likod, kagaya rin iyon ng cellphone nina Twelve. 
"Ayoko niyan, bibili na lang ako ng sa akin."
"Then let's go. I'll help you buy your own phone," pang-aakit niya. Kalaunan ay pumayag na rin ako. Wala rin naman akong gagawin kung mananatili ako rito. 
Nagpanggap akong tinatamad kumilos dahil alam kong nakabantay ang tingin niya sa akin. I don't want him to get the idea that I allow him to be around me again.
Nang makarating ako sa taas, dali-dali akong naligo at naghanap ng masusuot. It's cold outside, but I chose to wear a knitted dress na hanggang sa itaas lang ng tuhod ko. 
Pagkalabas ko ng kwarto, nakasalubong ko si Twelve na saktong kalalabas lang din ng kwarto nila.
Bigla akong kinabahan nang mapatingin siya sa suot kong damit. I was hoping at least that he would ask where I'm heading pero tumalikod lang siya.
"T-Twelve!" tawag ko at mabilis na humabol. 
Tumigil din siya dahil alam niyang nakasuot ako ng hills.
"Sasamahan ako ni Jacques bumili ng phone," pagpapaalam ko. 
Tumaas lamang ang kilay niya sa akin.
"And so? Buhay mo naman 'yan, ikaw bahala magdesisyon."
Para akong nairita sa sinabi niya, but in the other hand, wala naman akong karapatan magreklamo dahil ako ang naunang magbitaw ng masakit na salita sa kanila.
Hindi pa rin ako nakakapag-sorry ng diretsahan dahil… nahihiya ako sa kanila. Nahihiya akong sabihin. Hindi ako nasanay na makatampuhan sila. Nasanay ako na ako 'yong palagi nilang sinusuyo kaya hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin ngayon.
"U-uuwi rin kaagad ako. May gusto ba kayong ipabili?" Hindi ako hihingi ng bayad, promise. 
"Wala naman. At saka hindi mo na kailangan magpaalam dahil buhay mo naman 'yan," nagtangis ang bagang ko nang muling marinig ang linyang iyon mula sa kaniya.
 Para akong maiiyak nang muli siyang maglakad paalis. Natigil lamang iyon nang sandali siyang lumingon sa akin.
"Siguraduhin mong hindi ka hihiwalay kay Jacques. Sasabihin kong ihatid ka rin niya pauwi," masungit na aniya saka tumalikod.
I wasn't able to respond immediately. Napapikit-pikit ako na parang hindi makapaniwala sa narinig. Kalaunan ay unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko.
Because I just find out that even if I have done something wrong to them, hindi pa rin talaga nila ako kayang tiisin. But of course, I won't take that for granted. Sisiguraduhin ko rin na hindi na mauulit ito. Hindi na ulit ako aastang ganoon sa harap nila.
Makalipas ang ilang minuto ay saka lang ako bumaba. Naabutan ko sina Twelve at Jacques na seryosong nag-uusap. Tumalikod muna ako at dumiretso sa kusina para hindi ko sila maabala. 
"Let's go?" anas sa akin ni Jacques matapos kong makabalik. Sumulyap muna ako kay Twelve na naabutan kong paakyat na ng hagdan.
"Anong pinag-usapan niyo?" 
Hindi kaagad siya nagsalita.
"Nothing… really important." 
Napabuntong-hininga ako at hindi na nangulit pa. Alam ko namang hindi talaga niya iyon ipapaalam sa akin. Mga lalaki nga naman.
"Tara na para makauwi tayo kaagad!" aya ko sa kaniya at naunang maglakad. Hinuli niya ang braso ko dahilan para mapatigil ako. "What?" Pinasadahan niya ng dila ang labi at nagtangis ng bagang.
"Ganiyan lang ang suot mo?"
And then I remembered how short my clothes are. Ngayong nasa may tapat kami ng pinto, parang bigla akong nagsisi.
"A-ano naman?"
"Malamig ngayon," kalmadong aniya, parang iniiwasan na mairita ako sa sasabihin niya. "You should wear a jacket at least."
"Ito gusto kong suotin eh. Wala kang magagawa," pagmamatigas ko. Pinasadahan niya ng palad ang buhok at pawang kinakalma ang sarili.
"Anong gusto mong mangyari? Mabastos ka? You know there are a lot of men out there who wouldn't mind peeking at your legs!"
"Kahit anong suotin ko, may mga tao pa ring mambabastos. I am just going to remind you, Jacques. Wala sa damit naming mga babae ang problema."
"I know," kalmadong aniya. "Of course you're right. Pero alam mo namang maraming lalaki ang mapagsamantala. Once they see opportunity, walang pagdadalawang-isip na babastusin ka nila-
"Just like you?" natigilan siya. 
Mapagsamantala kamo? Lihim akong napatawa sa isip ko. I know this is completely unnecessary to connect him to our topic. But I just can't help it. 
May mga bagay talagang hindi ko maiiwasang sabihin lalo na at marami ng nangyari. At some point, it made me a little bit guilty seeing him have that kind of expression. 
Huminga ako ng malalim at muling bumaling sa kaniya.
"You don't have to worry, Jacques. I'm sure hindi ako mababastos. You are not going to let that happen right?" I smiled at him a bit. 
Hindi naman siya nakapagsalita. It looks like he couldn't believe my words. Isang beses siyang kumurap bago nag-iwas ng tingin. I figured out this conversation will not going to end kung magpapatuloy kami sa ganito.
Kaya hinila ko na siya palabas ng apartment. Nagtaka siya kaagad dahil hindi kami dumiretso sa kotse niya.
"We are going to commute."
Mabilis kong pinara ang paparating na jeep. Narinig ko naman ang mahinang mura niya sa aking gilid. Alam kasi niya na hindi niya ako mapipigilan.
Doon kami umupo sa may unahan, may kalayuan sa isang babaeng nakaupo. Noong una ay maluwag pa sa loob ng jeep. Hanggang sa sunod-sunod na pumara ang mga pasahero. 
May isang lalaking sumingit sa tabi ko. I looked away at mas lalo pang umusog kay Jacques. I was shocked when the jeepney suddenly stopped. Muntik na akong mapasubsob sa lalaking katabi ko. Nahuli ko pa itong nakatingin sa hita ko.
Napalunok ako sa kaba at bumaling kay Jacques. Bago pa man ako makapagsalita ay tumayo na siya at pinalipat ako ng upo. 
"Doon ka," parang iritadong aniya. Mukhang nakita rin niya ang tingin ng lalaki kanina sa hita ko. Kaya naman walang imik akong umusog sa pwesto niya kanina at nagpalit ng pwesto. 
Nagulat din ako nang ipatong niya ang kaniyang kamay sa hita ko na parang pilit itong tinatakpan. Wala kaming dalang jacket o kahit ano. Ngayon ay nagsisisi na ako dahil sa katigasan ng ulo ko.
Halos lahat ng mga kababaihan sa jeep ay nakatingin sa kaniya. Parang wala namang pakiramdam ang lalaki. 
Nakababa kami ng sasakyan ng maayos at matiwasay. He still looks so pissed. Siguro dahil hindi niya maunawaan kung paano tatakpan ang hita ko kanina lalo at maraming lalaki sa jeep. But he didn't say anything. 
Maingat niya akong hinawakan sa siko at iginiya papasok ng Marikina Mall, kung saan ako nagtatrabaho dati. I was planning on visiting Maryl and the others.
And speaking of… papasok pa lang kami ng store ay nabungaran na kaagad kami ng mga ito.
"Madelaine!" nakangiting tawag nila sa akin. Halos lahat sila ay umalis sa kaniya-kaniyang pwesto para lumapit sa amin.
"Kumusta?" tumawa ako at pinagmasdan silang lahat. 
"Grabe ngayon ka lang nagparamdam sa amin!" pabirong hinila ng isa ang buhok ko. Nakita ko rin ang paglibot ng tingin nila sa lalaki sa tabi ko. 
"Dati-rati lang ayaw na ayaw mong binibiro ka namin sa kaniya, tapos ngayon magkasama na kayo!"
Nahihiya akong bumaling kay Jacques, nakatingin na rin siya sa akin.
"Boyfriend mo na ba?" bulong sa akin ng isa.
Parang natatarantang umiling ako sa kanila.
"H-hindi. May bibilhin kasi ako, sinamahan lang niya ako."
Pero ayaw nilang maniwala. Parang ako tuloy ang nahihiya dahil tinutukso nila ako mismo sa harap ni Jacques.
"Huwag mo kaming inaano diyan ha. Wala ka man lang pasabi na aalis ka na pala rito. Bigla ka na lang hindi pumasok, badtrip tuloy palagi si Sir," napahalakhak sila sa nasabi. 
Pilit naman akong natawa dahil hindi pa rin ako komportable kapag inaasar nila ako sa manager namin.
Dumako ang tingin ko kay Maryll na tahimik lamang na nakikinig. Ngumingiti siya at tumatawa pero hindi nagsasalita. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay ngumiti lang siya. Which I find very unusual for her since among the group, siya ang pinakamaingay.
I want to apologize to her for causing trouble the day I visited. Aware ako sa mga ginawa ko noon. I want to talk to her again, but in private. Siguro sa susunod na lang.
Hindi rin kami nagtagal doon. Nagpaalam na ako makalipas ng ilang minutong kwentuhan. Jacques took my elbow again and guided me in the escalator.
"Why are they teasing you and your manager? Nililigawan ka ba niya?" He asked out of nowhere.
Kaagad naman akong umiling dahil hindi talaga. 
"Wala 'yon, binibigyan lang nila ng meaning mga kilos noong tao. It's not like Sir Kill likes me, though. Kung makikita mo lang kung paano ako sungitan noon," mahina akong napahalakhak matapos naming makababa. 
He stopped walking. Napatigil din ako. I was wondering why his brows are furrowed again. 
"They won't tease you if they don't notice something," seryosong aniya.
"W-wala nga 'yon, saka nakita namin siya dating may kasamang babae. Wala 'yong gusto sa akin!" giit ko naman.
Kahit ilang beses kong sabihin na wala lang iyon, bakit ayaw pa rin nilang maniwala?
"Madelaine?" I was quite astounded when I heard that familiar strict voice from that man. 
Napapikit ako at dahan-dahang lumingon sa kaniya.
"S-Sir..." kabadong anas ko.
Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa kabuuan ko saka siya bumaling kay Jacques. I don't have to introduce them to each other, alam kong magkakilala sila.
"What are you doing here?" Humakbang siya hanggang sa makalapit sa amin. Kita ko naman ang pagtindi ng iritasyon sa mukha ng kasama ko.
"D-dinalaw ko po sina Maryl. At saka may bibilhin kasi ako kaya dito na kami dumiretso."
Tumango siya sa akin bago muling sumulyap kay Jacques. Naka-long sleeves din si Sir at halatang nasa gitna ng trabaho. Sana lang hindi niya narinig na siya ang pinag-uusapan namin kanina.
"Sige, Sir. Mauna na kami," paalam ko.
"Wait."
Sumulyap siya sa relo bago muling bumaling sa akin.
"Have you eaten your dinner?"
I was a bit surprised na ako lang ang tinatanong niya. At least, he should include Jacques in his sentence as a sign of courtesy. 
"We haven't," si Jacques na ang sumagot. Kabado akong bumaling sa kaniya. For sure he knows that Sir Kill is my manager. 
"Is that so?" Seryosong nagtinginan ang dalawa. I don't understand the sudden pressure on the atmosphere. "Then I'll invite you for dinner. If it's okay with you."
Napalunok ako dahil sa akin nakatingin si Sir na parang ako lang ang tinatanong niya.
"S-Sir kasi-
"May pupuntahan pa kami. And for sure, you still have work to finish."
"I have nothing really important to do, so I guess it's okay," muling bumaling sa akin ang dating manager. "Okay lang ba sa'yo, Mad?" 
At dahil hindi ko naman siya pwedeng tanggihan ng walang matinong rason, wala akong ibang nagawa kundi ang pumayag.
"O-okay lang naman sa akin, Sir."
He smiled at me a bit. Minutes later, mas lalo akong hindi naging komportable. The both men are walking beside me, nasa gitna nila akong dalawa habang naghahanap kami ng lugar na pwedeng kainan.
And Jacques looks really pissed. Mukhang walang makakaayos ng mood niya unless Sir Kill would leave us alone. Kinakabahan din akong simulan ang usapan. Nagsasalita lang ako sa tuwing tatanungin ako ng dating manager.
Surprisingly, kaagad na nanlinaw ang mata ko nang makita ko si Diego na naglalakad papunta sa direksyon namin. He's holding a paper bag in her right hand. Hindi pa rin niya kami napapansin.
"Diego!"
Dali-dali akong lumapit sa kaniya. Napatingin ito sa amin at halatang nagulat nang makita na may mga kasama ako. 
"Saan ka galing?"
Ilang beses pa muna siyang lumingon sa likuran ko bago siya muling bumaling sa akin.
"What is it this time?"
Fuck. He knows me too well. Alam niyang kailangan ko ng tulong niya ngayon. Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili.
"S-sabihin mo sa kanila may usapan tayo ngayon. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas. And… Jacques looks really pissed. Hindi naman pwedeng basta na lang ako magpapaalam na aalis."
"Ayoko. I'm too busy to meddle with your boys, Madelaine."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"They're not my boys!" mariing anas ko.
"Whatever," aniya at tumalikod subalit mabilis kong pinigilan ang braso niya. Kabado akong lumingon sa likuran. Sir Kill is now frowning his brows. While Jacques… hindi ko na gusgustuhin pang ilarawan ang ekspresyon niya.
Mabilis ko namang binitawan si Diego.
"S-sumama ka na lang sa amin," desperadong anas ko.
"What? No."
"Talaga sasama ka? That's great!" Malakas na anas ko upang marinig ng mga nasa likuran.
Nakita ko namang kumunot ang noo sa akin ng kausap.
"I said ayoko. I'm busy, Madelaine."
"Ah so wala ka naman palang gagawin ngayon? Mabuti na lang talaga at naabutan ka namin dito," ngumiti ako sa kaniya at sapilitan siyang hinila sa harap nina Jacques.
"Sasama siya sa atin," anunsyo ko.
"And why?" iritadong tanong ni Jacques. Kabado akong bumaling sa kaniya. 
Kasi nga sa kaniya lang ako komportable sa lahat sa inyo rito!
"Syempre mas maganda mas marami 'di ba? Ang lungkot naman kung tayong tatlo lang," kabado akong ngumiti sa kanila.
And that is why, sama-sama kaming apat na naglalakad ngayon para humanap ng makakainan. Kay Diego ako sumabay sa paglalakad, nasa likod naman namin ang dalawa. 
Mas lalo akong hindi naging komportable dahil ramdam ko ang pagtitig nila sa likuran ko. We managed to find a perfect place to eat inside the mall. It's quite classy and expensive. Sir Kill also insisted that he's going to pay for us but Jacques didn't agree.
Kami tuloy ni Diego ang natahimik. Nakikita ko pa itong maya't-mayang nagbubuntong-hininga at umiirap sa akin.
"Jacques? You're here?"
Before we settled everything, Jacques' friends came into the picture. Pamilyar ang mga mukha nila sa akin dahil minsan na silang nagawi sa store namin dati.
The four men greeted us immediately. Parang nagulat pa ang mga ito na nagkita-kita kami ngayon.
"Nice to see you again, Maddie."
It was Casper, the one who asked for my number before. Napabuntong-hininga ako at saka nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Hi," tipid na bati ko.
It was a complete disaster. Ramdam ko ang talim ng tingin sa akin ng lalaki sa tabi ko. The whole atmosphere got darker when they decided to join us. Nagrequest si Sir Kill ng mas malaking table that could accommodate us all. 
But that's not really the problem.
"You really made fun of me, Maddie. You gave me the wrong number," anas ni Casper sa gitna ng kainan. Kanina pa niya ako kinakausap. 
Nahihiyang bumaling ako sa kaniya. 
"I'm sorry, I don't really have a phone, that's why…"
"Really? You should have told me earlier. I can buy you ten."
"She doesn't need it," singit ni Jacques. I bit my lower lip as he started putting food on my plate. Lahat ng tao sa table ay nakatingin sa kaniya, parang nagtataka kung bakit niya ito ginagawa.
Casper laughed.
"So saan kayo nagkakilala ni Jacques? He never mentioned about you before."
Napabuntong-hininga ako at bumaling sa katabi. He stopped moving, pero nanatili sa hapag ang tingin niya.
So…
He never mentioned anything about me? Naiintindihan ko naman. There's nothing to talk about me. Wala namang magandang nangyari sa nakaraan namin. But why does it feel kinda… disappointing? 
"In the province. Matagal na kaming magkakilala," siya na rin mismo ang sumagot sa tanong ng kaibigan niya.
"You should taste this one, Mad. I know you'll like it."
Napapikit-pikit ako sa alok ni Sir Kill sa akin. I'd really like to turn him down, pero lahat ng mata ay nakatingin na sa amin ngayon. 
"T-thank you."
I took the fork from him, pero hindi niya binitawan. Sa halip ay ipinatong niya ang kamay sa akin at iginiya ito sa bibig ko. Ilang beses akong napamura sa isip.
Nakita ko ang pagsandal ni Diego ng likod sa kaniyang upuan. He's half smirking at me. Katabi ko lang siya kaya malaya kong nakikita ang bawat galaw niya. Narinig ko naman ang padabog na pagbagsak ni Jacques ng hawak niyang kubyertos.
Sumipol ang isa sa mga kaibigan niya na nanonood lang sa amin.
Casper cleared his throat. 
"So saan ka na nagtatrabaho ngayon? I've asked your workmates last time, ang sabi niya lilipat ka raw sa ibang mall?" 
"A-ah yes! Ang totoo nagsisimula na akong magtrabaho roon."
"Really? Tell me where it is so that I know where to find you."
"Sa San Mat-
"Eat now, Madelaine," seryosong putol sa akin ni Jacques. Muntik na akong mapasigaw nang maingat niyang hilahin ang upuan ko palapit sa kaniya. He even put his hand over mine. Sunod-sunod na napatingin doon ang mga tao. "Whatever. Don't move, I can feed you anyway."
And he's not joking. He started getting a spoonful of food and guided it to me. Kaagad akong nataranta.
"A-ako na,"
Sa lahat ng lalaki nag-alok sa akin dito, sa kaniya lang ako tumanggi. And I hate how I see his reaction. Isang beses siyang tumango saka dahan-dahang ibinaba ang hawak. He did not say anything.
Nakagat ko ang labi ko sa inis.
Nakisali pa si Diego nang hawiin niya ang buhok ko. It's not just that. He made sure that it's going to look sensual. Lumapit pa ito sa akin ng todo at bumulong.
"You're dead."
Ni hindi man lang sumulyap sa amin si Jacques. But I know he knows what's happening. 
The dinner lasted for almost an hour. Si Casper na lang ang patuloy na kumakausap sa akin. Ganoon din si Sir Kill. Diego didn't interfere again after that. And Jacques, he just remained silent the whole time.
Parang bigla ko ng gustong umuwi. Mabuti na lang at natapos na. Ako na rin ang nagsabi na kailangan na naming umuwi. They are asking kung bakit kailangan daw na si Jacques ang maghatid sa akin.
"He's my close friend, that's why. Matagal na talaga kaming magkaibigan. At sa kaniya rin kasi ako binilin ng Tita ko," I lied para mas mabilis na kaming makaalis.
They let go of us, thankfully. Nagpaalam na rin si Diego kalaunan. Gusto ko siyang suntukin dahil talagang niyakap pa niya ako sa harap ni Jacques bago siya umalis na hindi naman niya ginagawa noon.
Kabado naman akong bumaling kay Jacques. He's looking at me coldly.
"Uwi na tayo?" Ni hindi na nga kami nakabili ng cellphone. 
Tumango lamang siya sa akin at naunang naglakad. Para akong maiiyak. Binilisan ko ang lakad para makahabol ako sa kaniya. He's walking really fast. Nang maabutan ko siya ay walang pag-aalinlangang kumapit ako sa braso niya.
Ni hindi man lamang siya bumaling doon. Parang walang pakialam.
"B-bibili pa ba tayo ng cellphone?" tanong ko. At least, we could still have time alone. 
"Gabi na. I-uuwi na kita sa inyo," malamig na tugon niya sa akin. 
Parang may nagbabara sa lalamunan ko. Naiiyak ako dahil sa tono ng boses niya. Bumitaw ako mula sa pagkakahawak sa kaniya. Pero hindi pa rin siya lumingon. Hindi niya nalaman na tumigil ako sa paglalakad para palihim na punasan ang gilid ng mata.
Nakarating kami sa labas ng wala siyang imik. Hindi ko naman kailangan magtanong. I know why he's acting like this. 
Pero hindi ko na nakayanan. Alam kong wala akong dapat ipaliwanag sa kaniya, pero tuluyan na naman akong bumigay.
"J-Jacques…" Hinila ko ang damit niya at tumigil. Tumigil din siya sa paglalakad at bumaling sa akin. "Walang ibig sabihin iyong kanina."
Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang mga lalaking iyon. It's not like I'm flirting with them. And Diego. Talagang nakisali pa siya!
"Yeah sure," tugon niya na mas lalong nagpairita sa akin. Tatalikod na sana ulit ito nang pigilan ko siya.
"B-bakit ganiyan ka sumagot? You are too cold."
"I'm not."
He's not? Pero 'yong boses niya sobrang lamig!
"Hindi ko rin alam kung bakit ganoon sila umakto kanina. N-nagulat din ako."
Bahagyang tumaas ang kilay niya sa akin.
"You said your manager doesn't like you."
"Yes, I swear!"
"And Casper? You two talk like there's no people other than the two of you."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Where did he get that kind of idea? Ni hindi nga ako naging komportable kausap ang isang iyon kanina.
"We weren't! Sumasagot lang ako sa mga tanong niya. It's not like I enjoyed talking with him."
Napabuntong-hininga.
"And that Diego? You are always too close with each other."
"Magkaibigan lang kaming dalawa. And he's just mocking me!"
Hindi kaagad siya nagsalita. Hinilot niya ang sentido at pinakalma ang sarili. 
"You and your boys."
Kaagad na nanlaki ang mata ko sa komento niya. That familiar lines. Sinabi na rin niya iyan noon sa akin. I admitted before that I really do shift from one man to another.
Pero ngayon, I'd definitely deny it. Kasi wala. Wala naman talagang iba.
"Wala akong gusto sa kahit isa sa kanila. I don't have to repeat it, Jacques. Hindi natin kailangang pagtalunan ito."
It made us silent for a moment. Marahas na hanging pang-gabi ang sumalubong sa akin, it made some of the strands of my hair scattered on my face.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Kasunod niyon, nagulat na lang ako nang bigla niya akong ikinulong sa mga bisig niya.
"Of course," napapikit ako nang humigpit lalo ang yakap niya sa akin. It feels so strange and comfortable at the same time. 
"Jacques..."
He kissed my hair. Many times. Hindi na rin ako nagsalita pa. I like how his body gives warmth to me. Kaya mas lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa kaniya.
We stayed like that for a little longer. Parang nadismaya pa ako nang siya ang unang bumitaw.
"Let's go, Mad. Baka magalit pa ang mga kuya mo kapag hindi kita inuwi kaagad."
Kaagad akong natawa sa sinabi niya. Mga kuya huh? Kapag kaya narinig iyon nina Twelve, matutuwa kaya sila o masusuka?
Hinawakan niya ako sa kamay at saka kami nagsimulang maglakad paalis. But before we could totally get out of that place, nakasalubong namin si Maryll kasama ang isang ginang.
Parang naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang kaba sa mukha niya. At kahit gustuhin ko mang tumakas, ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Book Comment (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    05/05

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters