logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 35

"Gabing-gabi na, Madelaine. Mabuti naisipan mo pang umuwi?" sarkastikong anas sa akin ni Twelve matapos nila akong madatnan kanina sa ganoong kalagayan.
Nakaupo ako ngayon sa sofa sa harap nila. Nasa tabi ko naman si Diego. Everyone's glaring at him as if they're blaming him for me, coming home so late and drunk.
Nakapikit lamang ako habang hinihilot-hilot ang sentido.
"Nagpaalam ako kaninang aalis. Ano bang ikinagagalit niyo?" iritadong tugon ko.
I could feel Jacques' stare at me. Hindi naalis ang tingin niya sa akin simula nang dumating kami kanina. There are a lot of empty bottles of wine in front of me, so it means nag-inuman nga sila.
"Madelaine," tawag sa akin ni Sison. Tamad akong nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Nag-aalala lang kami sa'yo. Hindi ka nagsabi kung saan ka pupunta. Wala ring paraan para makontak ka namin. Sana nagsabi ka para alam namin kung saan ka pupuntahan."
Suminghal lang ako.
"Eh mukha namang nagkakasiyahan kayo rito eh," bulong ko. Na mukhang mas lalong hindi nila nagustuhan.
"Bakit ka ba naglasing? Iinom ka rin naman pala sana hindi na ka lang lumabas," singit ni Nico.
Nakita ko pa ang masamang tingin na ipinukol nila kay Diego. Napabuntong-hininga ako at hindi na sumagot. Sobrang naiirita talaga ako ngayon. Pinipigilan ko lang sarili ko kasi ayaw ko silang sigawan.
"So you were with Diego the whole time?" seryosong boses ni Jacques ang narinig kong nagsalita. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"And so? You have no say on who I want to be with. Ikaw dapat ang tinatanong ko. Ano bang ginagawa mo rito?!"
"Madelaine, your tone," paninita sa akin ni Twelve.
Frustrated akong lumingon sa kaniya.
"What?! Ako na naman?! Siya na naman kakampihan niyo?!"
"Mad, calm down. Huwag kang sumigaw," anas ni Diego sa aking tabi.
But it's too late for me to calm down. Masyado na akong frustrated ngayong araw. They should just let me sleep upstairs instead of pestering my life.
"Ang hirap kasi sa inyo palagi niyo akong tinuturing na bata. Konting galaw ko, pinapansin niyo. Konting galaw, may nasasabi kayo! Lahat na lang pinapakialaman niyo, nawawalan na ako ng sariling desisyon!"
I appreciate their care for me. Magkakaibigan kami at alam kong normal iyon. Mas dapat akong magtaka kapag hindi na nila ako pinapakialaman. But… it somehow feels too suffocating.
"Gusto ko lang namang magsaya kanina," naiiyak kong anas. "Tapos pagdating ko sermon na naman aabutin ko sa inyo. Hindi ko naman kayo kaano-ano. Kung makaasta kayo parang ang laki ng ambag niyo sa buhay ko!"
Those words…
Saka ko lang narealize kung kailan nasabi ko na. Kung kailan narinig na nilang lahat. I immediately regretted it, I didn't mean to say it.
Natahimik kaming lahat pagkatapos niyon. But the thing that bothered me the most was how their cold eyes sent chills on my body. Nandoon ang matinding takot na lumukob sa buong sistema ko. This is not the first time that we fought but I guess, this is the worst.
Twelve stood up from his seat, I immediately followed him with my eyes.
"Sorry sa pangingialam. Hindi na mauulit."
The fact that he managed to give me that kind of tone bothers me a lot. Alam ko namang may limitasyon ang pagpapasensiya nila sa akin. And I guess, I've reached the limit.
The moment he turned his back to us, I knew that this was not going to be easy. I never want to argue with them, ayoko ng nagkakaroon kami ng ganitong away. Pero alam kong kasalanan ko ito ngayon, I've crossed the line. Dapat hindi ko iyon sinabi.
Mas lalong nadagdagan ang bigat sa dibdib ko nang isa-isang magsi-alisan ang mga kaibigan ko matapos nila akong bigyan ng dismayadong tingin.
"S-Sison!" He halted from walking.
Lumingon siya sa akin subalit hindi nagsalita. Konti na lang, babagsak na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. I was hoping that he could see what I want through my eyes. I want him to stay. Siya lang ang palagi kong nasasabihan ng lahat. Siya ang mas nakakakaintindi sa akin.
I know he understands me…
But maybe I've really gone overboard. Kasi imbes na samahan ako, Sison walked away without looking back at us. Tuluyang nagbagsakan ang luha sa mata ko. Walang duda, nagkamali nga ako.
Dali-dali akong tumayo subalit pinigilan ako ni Jacques.
"Where are you going?"
Pagalit kong binawi ang kamay mula sa kaniya.
"Wala kang pakialam."
"Wala ring mangyayari kung pupuntahan mo sila ngayon at isa-isang magso-sorry. Just take a rest first then talk to them tomorrow."
"Ano bang alam mo?"
Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Diego sa aking gilid. He stood up from his seat, facing Jacques. Kita ko ang seryosong tinginan ng dalawa.
"She's drunk. Wala siya sa sarili kanina nang sunduin ko siya. Mas mabuti pa kung ihatid mo na muna iyan sa kwarto niya-
"What?" mabilis na putol ko. "No way! Hindi ako sasama sa taong iyan!"
Hindi kakayanin ng pride ko na sumama sa kaniya. Besides, I can handle myself perfectly. Hindi naman porke't nakainom ako hindi ko na kayang asikasuhin ang sarili ko.
"Tsk." Singhal ng nasa likuran ko matapos kong matumba sa sahig. Doon ko lang din napagtanto na sobrang nanghihina na pala ng mga tuhod ko. "Why are you so stubborn?"
He carried me right away. Gusto ko sanang magprotesta. Pero masyado na akong kinakain ng antok at pagod hanggang sa tuluyan akong makatulog sa bisig niya.
I don't know how he found my room upstairs. Naalimpungatan lang ako nang sandaling dahan-dahan niya akong ilapag sa kama. He then put a blanket over me. I was tired, indeed. Hinihila na ako ng antok. But his stare is stopping me from completely losing my consciousness. I couldn't determine how long he was staring at me.
After minutes, I heard him heave a deep sigh before giving me a soft kiss on my forehead and then left. Doon lang ako tuluyang nakatulog.
I was sweating bullets the next morning when I woke up. Naihilamos ko ang palad sa mukha nang mapagtanto na binangungot na naman ako. It was so scary that I could still feel the chills on my skin.
Nakita ko na naman si Papa, the actual scenario that I had witnessed when I saw him hanging in his room. But maybe, rather than a nightmare, it was actually part of my memories.
Ang kaso sa pagkakataong ito, mas doble iyong kaba sa dibdib ko. Because in my dreams, I saw my friends turning their backs and leaving me alone behind. I couldn't see their faces, but I know it's them.
But what scared me the most was that… I also saw Jacques doing the same thing.
Hindi ko maintindihan ang labis na kaba na namumutawi sa dibdib ko. Nagkukumahog akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Halos malaglag pa ako sa hagdan sa labis na pagmamadali.
And when I saw him sleeping on the couch, I somehow calmed.
Napahawak ako sa dibdib at mariing pumikit. I thought he had already left last night. Kusa na ring kumilos ang mga paa ko papunta rito. It was like an instinct that I knew he's here.
Napaupo ako sa sofa upang kalmahin ang sarili. Jacques is peacefully laying on the couch. Nakaunan siya sa armrest, walang kumot bukod sa itim niyang coat na nakapatong sa katawan niya.
"Bakit kasi hindi ka pa umuwi? Paawa ka rin talaga," mahina kong anas sabay tayo.
Kung akala niya maaawa ako sa lagay niya riyan, nagkakamali siya. Even if I felt relieved that I saw him here, still, seeing him is not that a good idea.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa kusina. Naghilamos ako at uminom ng ilang baso ng tubig bago muling bumalik sa salas. Napabuntong-hininga ako nang muling dumako ang tingin ko sa natutulog na lalaki.
My feet unconsciously walk towards that area. I stopped when I was now in front of him, where I could see his face completely. Para pa akong natulala habang nakatitig ako sa mukha niya na mahimbing na natutulog doon.
Wala sa sarili kong inangat ang kamay at marahang pinasadahan ng daliri ang makapal niyang kilay. He's not even snoring. Napakatahimik niya kung matulog. And he really looks so innocent… and pretty.
Matagal kong pinagmasdan lahat ng bahagi ng mukha niya. I found out that this is the first time that I watched him this close. We have had a lot of intimate moments before, I know he's really handsome. Kaya nga naattract ako sa kaniya. But because of being so deeply attracted, I wasn't able to appreciate how gorgeous this man is. No wonder maraming magkakagusto sa kaniya.
I gulped several times when my eyes landed on his lips. Awtomatikong bumalik ang alaala ko sa nangyari sa aming dalawa sa kotse niya. It was a careless act of mine. Masyado lang akong nadala ng damdamin noon.
Kinagat ko ang labi at saka tumayo ng maayos. I removed my hand on his face. Napasinghap ako nang hulihin niya ang kamay ko at saka nagmulat ng mata. Diretsong dumapo ang tingin niya sa akin.
"What are you doing?" he asked in a husky voice. Napapikit-pikit ako at sinubukang bawiin ang kamay.
Hindi niya binitawan.
"B-bitawan mo ako," kabadong anas ko sa kaniya. He stared at me for a long time, parang bawat bahagi ng mukha ko ay nadaan niya ng tingin niya. "J-Jacques!"
"Why are you here?"
Muli akong napasinghap nang hilahin niya ang kamay ko, dahilan para mas lalo akong mapasubsob sa kaniya.
"N-napadaan lang ako kanina! It's not like I went here because I saw you!" depensa ko sa sarili. Kabadong-kabado ako habang seryoso siyang nakatitig sa akin.
Hindi ko aaminin na kanina pa ako rito nakatayo sa harap niya. Baka kung ano pa ang isipin niya sa akin.
"I felt your hands… on my face."
Natigilan ako dahil sa matinding kahihiyan. Mas lalo kong ginustong bawiin ang kamay sa kaniya para makatakbo ako palayo at maghapong magkulong sa kwarto.
"A-anong sinasabi mo?" pagmamaang-maangan ko. "Baka nananaginip ka lang. I wasn't touching your face. Bitawan mo nga ako!"
Bumangon siya at prenteng naupo sa sofa habang hawak pa rin ang kamay ko.
"Actually, kanina pa ako gising. Bago ka pa lumabas ng kwarto mo," aniya.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. So it means, narinig din niya iyong mga pabulong-bulong ko kanina? And more importantly, he's awake while I'm exploring his whole goddamn face?!
"B-bakit hindi mo agad sinabi na kanina ka pa pala gising?! T-then you must be laughing at me secretly! W-wala ka talagang kasing sama!"
I cursed him silently, thousands of times. Hindi lang pala niya akong kayang saktan, kaya rin niyang iparamdam sa akin ang labis na kahihiyan.
After a minute of staring at me, his brows furrowed.
"Are you caressing every man's face whenever you see them asleep?"
"What? Of course n-not!"
Nag-iwas siya ng tingin sa akin, I was quite stunned when I saw him suppressing a smile. He cleared his throat and made his face serious when he looked at me again.
"So that means…" pinutol niya ang sasabihin na siyang mas nagpa-inis sa akin.
"That means what?!" Iritado kong tanong.
"Nothing."
Hindi na niya tinuloy ang sasabihin. Parang nag-iinit ang dugo ko sa tuwing may sasabihin ang isang tao tapos hindi naman itutuloy. It's making me curious and frustrated at the same time.
"What are you thinking?! Siguro pinagtatawanan mo na naman ako. You must be thinking that I'm stupid. Palagi ka namang ganiyan! Bakit kasi hindi ka pa rin umaalis?!"
Sumasakit lalo ang ulo ko sa kaniya. Then I remembered why my head is aching so bad this morning. Hangover, damn.
"Why are you always shouting? Magigising mo ang mga tao kung sisigaw ka riyan nang sisigaw."
Tiningnan ko lang siya ng masama.
He must've seen that my hand is starting to have red marks kaya binitawan na niya. It's it not painful though, kahit naman mahigpit ang hawak niya kanina, hindi naman ako nakaramdam ng sakit.
"This is all your fault, Jacques. Dapat kasi hindi ka na lang nagpunta rito," panunumbat ko sa kaniya. I just want to subside the humiliation sa pamamagitan ng paninisi sa kaniya.
"Yes, it's my fault. Just don't shout, Mad. We can always talk peacefully. So sit down and do not shout."
Come to think of it, he never called me Mad way back in the province. He always calls me by my complete name, Madelaine. Pero ngayon, palaging Mad ang naririnig kong tinatawag niya sa akin which is I found better.
Sa tuwing tatawagin niya kasi ako sa buong pangalan ko noon, he's always angry. Basta palaging may hindi magandang dahilan iyon. That's why whenever he's calling me Mad using his soothing voice, I always think that we could converse casually.
Tahimik akong naupo sa katapat niyang sofa, tuluyan na akong nawalan ng sasabihin. Hindi rin nagtatagal ang masamang tingin ko sa kaniya. Hindi ko rin mapanindigan ang pagkukunwari kong galit para lang hindi mapahiya.

Book Comment (19)

  • avatar
    Sopeya

    😭 😭

    03/07

      0
  • avatar
    Judy Ann Gilbaliga Catedral

    Good

    05/05

      0
  • avatar
    ARINOMA LUDETTE

    ☺️☺️☺️

    29/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters