logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Arlene‘s POV

ARLENE APOSTOL
Lumipas ang mga araw at paulit ulit lang ang ginagawa ko kay Riana. Busy ang mga magulang niya sa trabaho kaya wala masyadong oras para alagaan siya. So, being her bestfriend i volunteered myself sa pagaalaga sa kanya. Hindi ko inisip ang puyat at pagod ko para sa kanya. Laking tuwa ko ng malamang magaling na siya kahapon pag-uwi ko galing school.
Naglalakad ako sa hallway nang makita ko si Riana na naglalakad lang mag-isa, nakatulala sa daan. Hindi pinapansin ang lahat ng nagbubulungan sa paligid niya. Naisipan kong bumati, at magsorry kaya lumapit ako sa kanya.
"Riana, good morning... Uhh can we talk?" pakiusap ko sakanya, habang kinakalikot ang daliri ko.
"Okay." pagpayag niya, tumango ako't sinenyasan siyang sumunod sa'kin.
Tumungo kami sa hardin ng school at niyaya siyang umupo sa bench. Humarap ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya, at hinimas himas yon. Tumulo ang namumuo kong luha sa mga mata kaya hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.
"Bes i'm sorry, hindi ko na ulit gagawin 'yun sayo.. Please forgive me." aniko, nagmamakaawa.
"Okay, bati na tayo." aniya sabay yakap sakin.
"Nag-aacting lang naman ako eh, matagal ko na dapat sasabihin sa'yo kaso alam mo namang kahit may lagnat ako noon malakas ang amats ko.. Stop crying na, tara sa cafeteria tayo." aniya, sabay hila sa akin patayo. Natatawa akong tumango at pinunasan ang pisngi ko.
Lumakad kami sa cafeteria ng sabay. Kakaunti lang ang tao doon kaya medyo napansin kami ng mga nakain. Pumila na kaming dalawa at sinabi yung mga order namin sa tindera. Chicken Noodles ang inorder ko at sa kanya naman ang Egg Sandwich. Pinagusapan namin 'yung pagkabata namin noon. Tawanan kami ng tawanan kaya pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.
"Naalala mo 'yung wala tayong saplot noon habang naliligo sa garahe namin? Alam ko may picture tayo no'n eh." aniya, habang binubuksan ang sandwich.
"Ahh oo gagi, tapos pumunta tayo no'n sa swimming pool niyo ng hindi alam nila tita kasi busy rin sila sa paguusap."
"Inihian nating dalawa 'yung pool niyo tapos nakita tayo nila Manang, kaya napagalitan tayo." tawa siya ng tawa.
"Pinagbihis pa tayo pero sa sobrang kulit talaga natin nagbasaan ulit tayo noon sa garahe, gagi galit na galit talaga sila satin.. Tapos napalo ako, pag alis niyo pulang pula 'yung pwet ko no'n pag tingin ko sa salamin." dagdag pa niya.
"Ako din eh pinalo hahahahha ang saya saya noon kahit na dalawa lang tayo 'no? hahahaha parang gusto ko ulit maging bata."
"Yeah ako rin eh pero okay na rin ang ganito, mas marami tayong maeexperience.. Pwede pa tayong magroadtrip 'diba? Ang saya noon!"
"Oo nga 'no? Pagkatapos natin ng pagaaral pagnakabili na ako ng kotse pwede na, pero wala munang magaasawa ha! Enjoy muna ng layp tapos work work work para sa family 'yan ang goal natin ha!"
"Sureeee! Tsaka Wala rin naman tayong mapapala pag-nagasawa tayo ka agad, pero pwede magboyfriend hehe."
"Oo pwede 'yon syempre hahahah teka baka time na, tara akyat na tayo."
"Sige tara."
Tumayo na kaming dalawa at lumakad na palabas ng cafeteria. Napatigil kami sa paguusap ng may humarang sa dadaanan naming dalawa. Tinignan ko kung sino 'yon at nakita ko ang grupo nila Carlisle nakangisi silang nakatingin sa amin kaya pinagtaasan nalang namin sila ng kilay.
"Pwedeng makiraan?" mataray kong sabi.
Hindi sila sumagot kaya inulit ko.
"Pwedeng makiraan?"
Wala pa ring sumasagot kaya tinulak ko nalang sila isa isa kaya napaalis sila sa kinatatayuan nila at dahil doon nagkaroon na kami ng dadaanang dalawa.
Hinila ko si Ria papaalis doon pero hinarangan lang ulit nila kami.
"Ano bang kailangan niyo samin ha?!Padadaanin niyo ba kami o hindi?!" sigaw ko na halos magecho na sa buong hallway.
"Chill ka lang baby, masyado ka namang highblood dyan eh... May sasabihin lang naman 'tong tropa ko sa kaibigan mo." aniya sabay lingon sa katabi kong si Ria.
Riana's POV
"Chill ka lang baby, masyado ka namang highblood dyan eh... May sasabihin lang naman tong tropa ko sa kaibigan mo." sabi ng lalaki kay Arlene.
Sa'kin naman siya tumingin ngayon kaya medyo kinabahan ako. Nakangisi pa rin siya hanggang ngayon pati ang iba niyang tropa.
"Carlo, ano hindi ka lalapit? 'Diba ikaw ang may gustong sabihin?" aniya, habang nakatingin pa rin sa'kin.
Hindi ko kilala ang taong binanggit niya kaya napakunot ang noo ko. Tumingin ako kay Arlene na ngayon ay nakatingin pa rin sa lalaking nasa harap ko.
Napabaling ang atensyon ko sa lalaking naglalakad palapit sa akin. Matangkad, Gwapo, maporma ang taong 'to. Mukha rin siyang babaero na ewan, kumikislap rin ang earrings na suot niya. Moreno at makikinis ang kanyang balat omy! Ang gwapo! Ganito ang mga ideal man ko kaso parang babaero ang isang 'to.
Nang makalapit na siya sa'kin naglahad siya ng kamay sa harap ko.
"Ehm... I'm Carlo Valejo." aniya sabay ngiti.
"Riana Pendleton." sabi ko sabay ngiti rin ng pilit at tanggap ng kamay niya.
"Hmmm.. Friends?"
"Sure."
"Papunta na ba kayo sa room niyo?"
"Oo eh, malapit na kasi yung time namin."
"Ahh sige, hatid ko na kayo."
Ay speed!
"Sige.. Pero yung mga tropa mo oh."
Lumapit siya sa lalaking kausap ni Arlene kanina at may binulong. Tumango tango nalang ang lalaki sa kanya at tinapik ang balikat bago umalis, sumunod naman lahat ng tropa nila pati na rin si Carlisle.
"Okay na... Tara na." aniya.
Tumango nalang ako at naglakad, katabi ko si Arlene nasa kabila naman si Carlo.
"Gusto lang kitang maging kaibigan, kaya nagpatulong ako kila Stewart. 'Yung lalaking kausap ng kaibigan mo kanina." sabi ni Carlo.
"Ahhh Stewart pala ang pangalan no'n, bwiset 'yun ah tinawag pa akong baby kapal ng pes!" sabi naman ni Arlene.
"Oh kalma lang bes, hayaan mo na nga 'yon... Carlo pasensya na sa bespren ko ah. Arlene Apostol nga pala."
Ngumiti naman si Carlo pero umirap lang si Arlene sa kanya at nagcrossed arms. Napailing ako't napilitang tumawa.
"Pasensya na talaga sa bespren ko Carlo, nawala sa mood eh." sabi ko, sabay tawa pa rin.
"Okay lang, Sabay tayo magbreak time mamaya? Sunduin ko kayo dito."
Grabe, ang speed talaga nakakahilo! Chos!
"Sige, pero okay lang naman kahit 'wag mo na kami sunduin nakakahiya 'no."
"Okay lang yon, basta mamaya ah?susunduin ko kayong dalawa." sabi niya.
Nakarating na kami sa room namin kaya nagpaalam na rin siya. Lumapit naman ako sa bespren ko at tinapik ang balikat niya. Lukot pa rin ang mukha niya na parang inis na inis.
"Uy bes, para kang tanga dyan. Umayos ka nga! Lalo na kanina, 'yung iniasta mo sa harap ni Carlo. Hindi siya si Stewart okay? Kaya 'wag kang magalit don!" sigaw ko sa tenga niya, wala na akong pake kahit na pinagtitinginan na kami rito sa room. Wala rin naman silang pake, sa isa't isa. Hindi sila 'yung mga taong katulad ng ibang section na sobrang chismosa at mga palaaway.
"Eh basta! Naiinis ako sa kanilang lahat! 'Pag ako iniwan mo dahil sa Carlong yan papatayin ko yun tamo!"
"Aba eh ba't kita iiwan ha? Ikaw ang bespren ko simula pa noon kaya mas may tiwala ako sayo kesa sa kaniya 'no! Siya ang iiwan ko pagnasaktan ako sa pagkakaibigan namin, pero ikaw hindi!Tandaan mo 'yan! Nalolosiyang kana!"
"Basta naiinis pa rin ako sa kanila, lalo na do'n sa Stewart na 'yon! Tawagin ba naman akong baby eh hindi nga kami close! Tangina no'n! Sarap sampalin tas 'yung mga tingin niya pa sakin ang lagkit amp!"
"Malay mo ganon lang talaga siya makatingin! Feelingera ka din eh 'no? Sarap niyong pag-untuging dalawa!"
"Hmmmmpp! Argghhhh! Naiinis talaga ako sa kanya, bwiset!" gigil niyang sabi.
"Oo na ikaw na ang bwiset sa buong mundo! Ang ingay mo tumahimik kana!" sabi ko.
Tumigil din naman siya pero nakabusangot pa rin ang mukha. Tskk, masyado kasing brutal eh hays. Feelingero at Feelingera bagay silang dalawa.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin ang Prof. namin. Nagattendance muna siya bago nagsulat sa board. Kinopya lang namin ang lahat ng isinusulat niya dahil importante daw ang lahat ng 'yon, para sa final exam.
Pagkatapos niyang magsulat ay idiniscuss niya na ang lahat ng 'yon sa unahan. Tumawag rin siya ng ilang estudyante para sa mga tanong na ginawa niiya. Nakahinga ko ng maluwag dahil hindi ako ang tinawag niya para sa huling tanong.
Lumipas ang ilang oras at gano'n lang rin ang ginawa namin sa ibang subjects. Sulat, discuss, sulat, discuss. Inaantok na ako, kainis. Kailangan ko ng energy. Wala na rin akong gana magsulat kaya parang pang grade 1 na ang sulat ko.
Lumingon ako sa katabi kong si Arlene na nagsusulat na halos mapunit na ang pinagsusulatan niya dahil sa diin ng kanyang pagsusulat. Hindi niya siguro makalimutan ang nangyari kanina, gigil na gigil pa rin ang gaga. Hinayaan ko nalang siya at inikot ikot ang tenga ko para may magawa. Medyo nawala ang antok ko pag-nagagawa ko yon, kaya nagkagana akong magsulat muli. Umayos na rin ang sulat ko kaya mabilis rin akong natapos.
Breaktime.
Paglabas namin ng room, nakasandal si Carlo sa pader na naghihintay sa amin. Nagtama ang paningin naming dalawa kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Nakangiti siya habang nakatingin sa'kin.
"Tara na?" tanong niya.
Tumango ako at nagpilit ng ngiti.
Lumingon ako kay Arlene na sobrang lukot na ang mukha ngayon. Siniko ko siya kaya napatingin siya sa'kin, tinaasan ko siya ng kilay pero hindi pa rin nababago ang itsura niya. Napabuntong hininga nalang ako at si Carlo nalang ang kinausap.
"Nasaan mga tropa mo?" tanong ko
"Nauna na sila sa Cafeteria eh."
"Ahh okay."
Hmmp, nakakahiya naman sa taong 'to!Iniwan pa ang tropa niya para lang masundo kami, pero ang awkward naman siguro kung sasama pa sila sa pagsundo sa'min 'diba? Tsaka nando'n si Carlisle! Mas mabuti nga na hindi nalang niya isinama. Hindi na kami nagsalita hanggang sa makarating kami sa Cafeteria. Marami na ang tao doon, kaya hindi nila kami masyadong napansin. Busy ang lahat sa pagkain.
"Saan ka uupo? Nando'n ang mga tropa mo oh." sabi ko sabay turo sa table ng tropa niya.
"Sainyo ako uupo okay? 'Wag ka ng magaalala tungkol sa kanila. Alam na nila 'yan." sabi niya, nakangiti.
Iniiwas ko ang paningin sa kanya. Pumunta na kami sa table namin at umupo. Magkatabi kaming dalawa ni Arlene at sa tapat ko naman si Carlo.
Pagkaayos ko ng bag, ay tumayo na agad ako para tanungin kung anong gusto nilang kainin.
"Anong gusto ni-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang tumayo si Carlo.
"Ako na ang oorder, upo kana."
"Hindi okay lang ak-" pinutol niya ulit ang sasabihin ko.
"Ako na. Please?"
"Okay sabi mo eh."
"Oh anong order niyo?"
"Hmm, spaghetti, brownies at Water lang sakin." sabi ko.
"Spaghetti lang akin." mataray na sabi ni Arlene sa kanya.
Tumango na siya't dali daling umalis. Umupo na ulit ako at siniko si Arlene.
"Bes! Ano ba? Umayos ka nga sa harap no'ng tao, nagmamagandang loob na nga eh ganyan parin ang trato mo sakanya." Ako.
Hindi niya ako pinansin kaya nagbuntong hininga nalang ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nagfacebook nalang. Tamang Scroll lang sa facebook, puro couple pictures ang nasa newsfeed ko bwiset! Nanadya ba kayo? hmp!
Ansarap manapak eh, magbebreak din kayong lahat 'no! Walang forever! Okay ako na ang bitter! Pasensya na wala lang talaga akong jowa eh. Bigyan niyo ko para hindi na ako bitter at magsumpa ng masama tungkol sa relationship niyo!
Love takes Time nga diba? Darating at darating rin yan 'pag sa tamang oras na. We always asked ourselves like: Kailan siya darating? Siya na kaya hanggang dulo?
Yeah, siya na 'yun when you trusted each other na parang kahit na anong mangyari buong buo pa rin ang tiwala niyo sa isat-isa, kahit anong problema ang dumating magkakahiwalay kayong dalawa pero darating pa rin 'yung time na marerealize mo na siya pa rin talaga ang mahal mo kahit na sumubok ka na ulit magmahal pagkatapos niya. 'Yung feeling na siya lang ang nasa puso mo kahit na mayroon namang taong nagmamahal sayo na hindi siya. Hindi mo siya matanggal sa puso mo kasi sobrang tatag niyo noon, na sobrang mahal na mahal niyo ang isa't isa. Magkakabalikan kayo pagnatutunan niyong magtiwala ulit, kung pareho niyong nakuha ang puso ng isatisa. Please don't judge my observations!
Dumating na si Carlo kasama ang mga pagkain. Inilapag niya iyon sa tapat ng bawat isa. Nagpray muna ako bago kumain.
Time out muna sa Love, kain muna.
Inuna ko munang kainin ang Spaghetti. Nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bag. Notification lang pala sa facebook dahil doon sa shinare ko. Hindi ko napatay 'yung data kaya ganoon. Ibinalik ko nalang ulit yung phone ko sa bag dahil hindi naman importante ang notif na iyon.
Pinagpatuloy ko lang ang pagkain hanggang sa dumating si Stewart.
"Hi Ria, Hi baby!" sabi niya sa akin at kay Arlene na ngayon ay sobrang sama na ng tingin sa kanya.
"Baby, amp! Sapakin kita eh!" sigaw niya kay Stewart.
Ngumisi nalang sakanya si Stewart. May ibinulong siya kay Carlo. Tinanguan niya lang ito, bago bumaling ulit sa'min.
"May gusto pa ba kayong kainin?"tanong niya.
"Ahh wala na." humugot ako ng pera sa wallet at iniabot sa kanya. "Oh eto 'yung bayad namin sa pinangbili ng food." sabay ngiti.
"No need, that's my treat!" he said.
I just nodded at him and fixed all of my things. Tumayo na ako at nagsalita.
"We need to go.. We have classes to take i'm sorry."
"Oh sure, hatid ko na kayo." he said.
"Okay.. Arlene, Let's Go."
She stood up and walk near beside me. We walked out of that Cafeteria, dumeretso na sa room.
"Uhmm.. Ria? Can i have your number?" Carlo asked.
"Oh, sure."
He gave me his phone and i saved my number in there. Nagpaalam muna siya sa amin bago umalis, pumasok na kaming dalawa sa loob at hindi na nagusap pa dahil kailangan ng review para sa quiz later. Lahat ng notes ko binasa ko dahil baka kasama ang iba doon sa quiz mamaya. Saktong pagdating ng professor namin ay ang pagtapos ko naman sa pagrereview.
Saglit lang ang ginugol ko sa pagsasagot kasi alam ko lahat ng sagot doon, dahil nireview ko nga ang ibang notes ko kanina. 30/30 ang score ko sa quiz na yon, 29/30 naman ang kay Arlene. Sayang yung one point! Perfect na rin sana, pero okay lang 'yon. Tapos na ang lahat ng klase namin kaya lumabas na kaming dalawa ni bes. Medyo mabigat ang bag ko kaya sumasakit na ang likod ko, naiirita na rin ako sa mahaba kong buhok. Hindi ko naman maayos dahil may mga hawak din akong libro, gano'n din naman si Arlene kaya kailangan ko munang magtiis hanggang sa makarating kami sa sasakyan.
Habang naglalakad kami, bigla nalang may nagtaas ng bag ko sa likod kaya napatigil ako sa paglalakad at lumingon kung sino 'yon. Nagulat ako dahil si Carlo ang nagangat noon. Nakangiti siya ngayon, 'yung ngiting parang matutunaw ka. Shit ampogi niya gosh!
"Uy ibaba mo nga bag ko." arte ko.
"Hindi ko 'to ibaba kung hindi mo siya ipapabuhat sa'kin." Carlo.
"Kaya ko naman eh, please bitaw na." sabay pout.
Itinaas niya ang isang daliri niya tapos nagsign na no.
"No, no, no hindi moko madadala dyan sa pouting spirit mo.. Mas lalo ko 'tong itataas pag hindi mo ibibigay."
"Alright, alright i quit." sabay hubad ng bag at abot sa kanya. "There, Happy?"
"Yeah, lets go."
Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad han ggang sa makarating sa sasakyan namin. Inilagay niya ang lahat ng gamit ko sa back seat. Niayos niya ang pagkakalagay lahat iyon, bago siya humarap sa'kin.
"There, you can go home now." he said.
"Sure, Goodbye! Takecare of yourself! And also thankyou!" I shouted at him while smiling.
"I'll always take care of myself to marry you someday.. Take care okay? I'll text you if i'm home already.. Get in! Byebye." aniya sabay talikod. Kumaway nalang siya patalikod sa akin habang naglalakad palayo.
Omyghad, what did he just said? I didn't hear it properly. Hays, Nevermind.
Sumakay na ako sa kotse dahil naghihintay na ang driver ko. Dumeretso naman agad kami sa bahay, kumain na muna ako bago maligo. Naggitara pa muna ako para antokin, kumanta na rin ako.
It starts in my toes
And i crinkle my nose
Wherever it goes
I always know
That you make me smile
Please, stay for a while now
Just take your time
Wherever you go..
[Bubbly by Colbie Caillat]
Kanta ko habang humihikab, iniligpit ko na ang gitara ko at pabagsak na humiga sa kama. Ipinikit ko na ang mga mata ko, biglang nagvibrate ang phone ko pero hindi ko na 'yon pinansin dahil sa sobrang antok.

Book Comment (40)

  • avatar
    Paolo Cortez Bonaos

    gijy8ugfftgbjo

    21/04

      0
  • avatar
    Antonette Cerdeñâ

    super ganda worth it ang puyat

    06/03

      0
  • avatar
    bombaleserich

    thnkyou

    24/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters