logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Arlene‘s POV

ARLENE APOSTOL
Tumayo ako saglit para magbihis ng isang white dress at ng isang wig na sobrang haba ang buhok. Kinapalan ko ang pulbo sa aking mukha at naglagay na rin sa mga braso, Hindi ko na nilagyan ang mga binti at hita ko dahil hindi na 'yun makikita at mahaba naman ang dress ko.
So ready na ang lahat, umupo na ulit ako sa sofa. Kinalabit ko si Riana na nakahiga sa sofa at ginagamit 'yung unan para matakpan ang tenga at mukha niya.
Inulit ulit ko pa ang pangangalabit sa kanya, hanggang sa tinanggal niya na ang unan sa mukha niya. Sinunggaban ko agad, napatayo agad siya sa gulat. Gusto ko nang tumawa sa naging reaksyon niya pero hindi pwede, dahil masisira ang pinlano ko.
"Waaaaaa!!!!" sigaw niya sabay takbo. Bigla nalang siyang bumagsak sa sahig, nilapitan ko siya at sinipa ang paa niya. Inulit ulit ko ito pero hindi pa rin siya tumatayo.
Namumutla ang mga labi niya, no'ng una ay hindi ako naniniwalang nawalan siya ng malay pero ngayong hindi talaga siya tumatayo 'don na ako sinimulang kabahan.
"Manang?! Si Riana ho nawalan ng malay!" sigaw ko na halos mag-echo na sa buong bahay. "Manang!!"
"Naku! Anong nangyari sa batang iyan?!" natatarantang ani Manang. "Andeng!! Tawagin mo si Edwardo!"
"Opo, Manang!" Andeng.
Ano nanaman ba tong ginawa ko? Sana magising na siya bago dumating sila mama, shit lagot ako nito! Deads nako mamaya. Nang dumating si Manong Edward kaagad niyang binuhat si Riana at humarap sa'kin.
"Manong sa kwarto ko na po siya dalhin." aniko.
"Opo, Ma'am." aniya.
Nagpahanda na ako ng hapunan kay Manang. Kinumutan ko muna si Riana, para hindi siya lamigin sa Aircon. Bumaba ako saglit para kunin 'yung mga pagkaing binili niya para sa'min. Dinala ko 'yun sa taas, ipinatong ko sa coffee table na inilapit ko sa kama. Iniayos ko ang paglalagay para naman hindi magmukhang dinaanan ng bagyo. Nang makuntento sa pagaayos, kinuha ko ang towel ko bago pumasok sa CR para maligo. Sobrang lagkit ng pakiramdam ko ngayon, pawis na pawis ako dahil sa wig na isinuot kanina.
-
Riana's POV
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig mula sa kabinet. Dahan dahan akong umupo sa kama habang kinukusot ang mata, nang maayos na ang aking paningin naaninag ko ng maayos na bagong ligo siya dahil tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok papuntang sahig.
"Oy! Ang ingay naman niyang kabinet mo!" pa-galit na sigaw ko sakanya.
"Omy!" napatalon siya ng marinig ang boses ko. "Buti nalang at nagising kana! Kung hindi ka pa nagising patay ako nito kila Mama."
"Anong oras na ba? Naalala ko yung ginawa mo ha! Bwiset ka papatayin mo ba ako sa takot?" tumayo na ako. Lumapit ako sa kanya ng nakapamaywang.
"Gumanti lang naman ako sayo! Kumain ka na nga sa baba ang ingay mo 'no?!" binatukan ko muna siya bago ako kumaripas ng takbo pababa.
Tumingin ako sa wall clock nila, inalala ko kung anong oras kami nanonood kanina. Hmm? Mga 5PM siguro? So it means 1hour akong walang malay? Oh Shit!
"Manang, sino po ang nagdala sa akin sa taas? Ang naalala ko lang po kasi may nakita akong white lady tapos tumakbo po ako no'n tas nagdilim yung paningin ko." paliwanag ko kay manang na nasa harap ko na ngayon.
"Ahhh. Si Edwardo ang nag-akyat sa'yo sa taas, si Arlene 'din ang tinutukoy mong white lady kasi nakita ko siyang nag-aayos ng sarili kanina, mukhang white lady hindi ba?" tumango nalang ako. Hindi na ako kumain dahil gusto ko mag-acting na naiinis ako kay Arlene. Bahala siya dyan! Hindi ko siya papansinin ng three days!
Nagpaalam na ako kay manang. Lumabas na rin ako ng bahay nila. Nakakainis talaga, takutin ba daw ako? May sira na ata sa ulo ang gagang 'yon! Dapat pala hindi ko nalang sinuggest ang panonood ng movie, nakakapagsisi tuloy. Hindi ako nabusog.
Nakaramdam ako ng hilo kaya mas binilisan ko pa ang lakad papunta sa bahay. Buti nalang at wala pa sila mommy.
Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng mga chocolates, nabitin kasi ako kanina hindi ako nakakain ng maayos.
Dinala ko yung mga chocolates na 'yun sa kwarto ko. Kinuha ko ang speaker mula sa aking drawer at nagplay ng music, tinodo ko ang volume para makapangbulabog ng kapitbahay. Actually sila Arlene lang ang kapitbahay namin kaya ganito ang ginagawa ko.
Magkatapat pa naman ang terrace namin, bahala siyang mabulabog dyan. Tsk! Hindi kita papatulugin, marindi ka jan! Tinakot mo pa ako ah! You messed the wrong person.
[Now Playing: Batang Pasaway]
"Batang pasaway! Lahat sasabay, Hanggang mamatay rawstar!" mas lalo ko pang nilakasan ang pagkanta kahit na mawalan ako ng boses makabawi lang kay Arlene.
Lagi kaming nag-gagantihan, pero never kaming naghiwalay. Hinding hindi ko yan iiwan, never ever! Siya nalang ang nasasandalan ko sa tuwing may problema ako, wala na akong ibang kaibigan bukod sa kanya. Siguro pag nawala siya? Parang nawala na rin ang mundo ko. Puro lang kami inisan sa isa't isa pero pagkatapos ng ilang araw bati na agad kami, hindi kami nagsosorry sa isa't isa. Automatic na kaming magkabati pag-nilapitan at kinausap mo na siya, gano'n lang kaming dalawa.
Sumasakit na talaga ang ulo ko, nanghihina na rin yung mga katawan ko. Kailangan ko nang magpahinga, masyado na akong nagtatatalon. Pinatay ko na ang speaker, humiga na rin ako sa kama. Nilagay ko nalang sa mini ref ko 'yung mga Chocolates, at syempre uminom na muna ako ng tubig.
Nakatulog rin naman ako agad, pero nagigising gising pa rin ako dahil sa sakit ng ulo. Kumikirot kirot ang ulo ko, grabe siguro yung binagsak ko nung nawalan ako ng malay, or baka naman may bukol ako?
Bahala na.
Nagising ako sa saktong oras, hindi naging maganda ang tulog ko dahil sa nangyari kahapon. Nanghihina pa rin ang katawan ko, bumabangon. Dumeretso na ako sa CR para makaligo, kinapa kapa kopa ang ulo ko kung may bukol nga pero wala naman. Ang sakit talaga ng ulo ko, medyo nahihilo pa ako.
20 mins lang ang tinagal ko sa paliligo, nagbihis na agad ako ng uniform bago bumaba. Nando'n na sila mommy, nagbebreakfast na agad.
"Riana, kinwento sa akin ni Manang Delia yung nangyari kahapon.. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" ani Mommy, habang nakatingin sa akin.
"Opo, mom." umupo na ako at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa plato ko.
"Sure ka anak? Mukhang hindi kapa okay. Kung hindi kapa okay, pwede ka namang hindi pumasok." Daddy. His voice was full of sincerity, and his eyes are so worried too.
"No Dad, I can go to school naman. And We have so many things to do this day, I can't skip classes." i said.
"Ohh, okay? We're leaving na, please take care of yourself. If you need something just call or text us huh? Goodbye Iloveyou." my mom said, she kissed my cheeks and Dad pat my head.
"Take Care Mom Dad, Iloveyoutoo."
So ito, mag-isa na naman akong kumain sa napakalaki naming dining table. Dinamihan ko nalang ang pagkain ng pancakes, bacon, tocino and hotdogs. Pinapak ko lang ang mga yun, wala akong ganang kumain ng rice.
Kumuha ako ng Chocolates sa Ref. bago umalis. Pinadrive ko nalang ulit yung kotse ko, hindi pa nila ako pinapayagan. Kung lalaki siguro ako, baka pwede na. Nakarating rin naman agad kami sa school, naglalakad ako sa hallway habang kain kain ang chocolate ko, pumunta rin ko sa cafeteria para bumili ng donuts. Habang nakapila ako, nakuha ng atensyon ko ang mga kalalakihang nagtatawanan doon sa may entrance ng cafeteria. Grupo pala nila Carlisle ang mga iyon, hmmm.
Halos lahat sila ay gwapo, kaso si Carlisle lang talaga yung nakabihag ng puso ko. Hindi ko alam kung saan nagsimula ito. Hindi ko rin masagot sagot ang tanong sa'kin ni Arlene lagi kung bakit daw si Carlisle ang nagustuhan ko, wala akong mahanap na dahilan, basta gusto ko siya.
Bawat araw ay nadadagdagan ang kaagaw ko sa kanya. Mahirap para sa'kin makipag-kompetensya sa kanilang lahat dahil una sa lahat hindi ako ang gusto niya. Lalaban lang siguro ako kung ako na ang mahal niya.
Napabuntong hininga ako't humarap sa tindera. Kung ano anong pumapasok sa isip ko. Umorder na ako ng Donuts, tsaka pumunta doon sa pwesto namin ni Arlene. As expected nando'n na siya prenteng prente ang pagkakaupo at nagbabasa na naman. Huminga ako ng malalim at umupo na katapat niya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, at naglaro nalang para mapigilan ako ang pakikiusap kay Arlene. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko pag-nag-cecellphone pero tinitiis ko nalang. Ayoko talaga siyang kausapin. Manigas siya dyan.
Dumating na yung isang box ng donut na inorder ko, nagsimula na akong kumain. Tinigil ko na muna ang pag-cellphone at tinuon ang sarili sa pagkain. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Arlene kaya mas binilisan ko pa ang pagnguya. Nang makatapos ay kaagad akong uminom ng tubig bago tumayo. Medyo nahilo ako sa pagtayo kaya napakapit ako sa upuan, kaso bigla nalang 'yon natumba dahil sa biglaan kong pagkapit.
Akala ko'y babagsak na ako sa sahig, ngunit may naramdaman agad akong kamay na pumupulupot sa aking bewang para saluhin ako. Nag-angat ako ng tingin ngunit medyo malabo pa ang paningin ko hindi ko maaninag ng ayos ang mukha ng taong sumalo sakin.
Ilang minuto pa ang lumipas bago umayos ang pangin ko. Napatayo ako ng maayos dahil sa gulat, hindi inaasahang tao ang sumalo sa'kin. Napapalunok akong umiwas ng tingin at kinuha ang bag ko sa upuan.
Si Killian! Shit yung ex ko no'ng Grade 7!
Napahawak ako sa ulo ko. Hinarap ko si Killian na pinagmamasdan lang ako. Nilibot ko rin ang paningin ko sa buonv paligid, halos lahat ng naroon ay nasa amin ang atensyon. Para akong mahihimatay sa kanilang mga titig, 'yung iba ay nagbubulangan pa habang nakatingin sa amin.
Umubo ako. "Ah eh thankyou, nahilo kasi ako bigla.. Thankyou ulit alis na ako." napabahing pa ako bago umalis sa lugar na iyon.
I'm so mad at myself, hindi ako naging maingat sa pag-kilos. Masyado akong padalos dalos. Dere-deretso ang lakad ko papalabas ng Cafeteria.
Pagkalabad ko doon ay bigla nalang may humarang sa dinadaanan ko, pasalamat tong taong 'to dahil pogi siya at wala akong lakas ngayong makipagsuntukan!
"Oh ano 'yon?" sigaw ko kay Aice, isa sa mga pinsan ko. Sa side ni mommy.
"Eto naman galit agad! May pinapabigay lang si mama para sayo oh eto!" iniabot niya sa'kin 'yung red na Tupperware tsaka padabog na umalis.
"Sorry Couz, pasabi kay tita thankyou!" sigaw ko sakanya, kahit na alam kong hindi niya na maririnig.
Binuksan ko ang tupperware na ibinigay niya napangiti ako ng tumambad sakin ang mga cookies, brownies at donuts! Chocolate flavor silang lahat! Paniguradong mabubusog ako nito. Chef kasi dati si tita kaya magaling siyang magbake, dahil sa pagiging chef niya nakilala niya si Tito Nathan. At do'n na nagsimula ang kanilang forever at nabuo si Aice.
Papunta na ako sa room ng may biglang humila sa akin. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Binawi ako ang braso ko sa pagkakahawak niya. Hinarap ko siya at iritadong nagsalita.
"San mo ba ako dadalhin? Kung hindi naman importante ang pupuntahan natin eh, aalis na ako." sabi ko at sabay talikod sa kanya. Hindi pa ako nakakalayo ng hinigit niya ulit ang braso ko.
"Ano ba? Nahihilo ako okay? Gusto ko magpahinga." aniko.
"I'm sorry for what i did last time okay? I'll just bring you to clinic right now, to check if you have a fever or none." aniya.
May pa english-english pang nalalaman. Wala na akong nagawa at sumunod nalang ako sa kanya dahil gusto ko rin magpahinga. Pakiramdam ko'y marami akong ginawa ngayon dahil sa sobrang pagod ng aking katawan.
Pagkarating namin doon ay kinausap niya si Nurse Cha. Tinanong niya ako para malaman kung alin ang masakit sa'kin. Sinabi lahat ng masakit sa'kin, pagkatapos niyon ay pinahiga niya ako at kinuha ang thermometer para malaman kung may lagnat nga ako.
Pagkatapos malaman ang temperatura ko, ay kaagad siyang kumuha ng benda at palanggana para sa malamig na tubig. Kumuha rin siya ng yelo, idinawdaw niya ang towel doon bago ilagay sa noo ko. Napapikit ako sa sobrang lamig, nagiinit ang mata ko. Inaantok ako, ngunit sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko na nagawang magmulat dahil sobrang nakakahilo na.
Pinaalalahanan na kami ni Lola noon tungkol dito, kung sobra daw ang takot o gulat namin sa isang bagay. Maari daw kaming magka-lagnat dahil doon, ilang beses ng nangyari ito sa'kin. Siguro'y nakalimutan ni Arlene ang tungkol doon kaya nagawa niya akong takutin muli.
"I'm sorry bes, nakalimutan ko 'yung sinabi sa'tin ni Lola Violeta noon." hindi ko iminulat ang mata ko, hindi rin ako nagsalita kaya nagpatuloy lang siya.
"Riana, sorry na please..." aniya, kinuha niya pa ang kamay ko at hinimas himas pa 'yun.
"Bes, dali na patawarin mo na ako oh. Hindi ko na uulitin promise." iminulat ko ang mata ko. Itinaas niya ang kanyang isang kamay na parang nanunumpa.
"Promises are meant to be BROKEN." ipinagkadiinan ko ang huling salita kaya naibaba niya ang kaniyang kamay, pagkatapos ay tumayo at tinalikuran ako.
"Babalikan na lang kita mamayang uwian, tatawagan ko nalang sila Tita Anna para masabi 'yang kalagayan mo. Alis na ako, Nurse Cha! Babalikan ko nalang po dito si Riana mamaya Salamat po!" sabi niya bago lumabas.
Pagkalabas niya ay lumapit sa akin si Nurse Cha para ibigay ang gamot.
"Magkaaway ba kayo ni Arlene?" tanong niya na ikinagulat ko.
"Hmm, Opo." sagot ko, kinuha ko ang basong may lamang tubig.
"Ahh, magiging okay rin kayo. Inumin mo na 'yang gamot at ng magpahinga ka na." aniya, sabay bigay sakin ng biogesic.
Tumango ako't sinunod ang sinabi niya. Pagkatapos no'n ay humiga muli ako't pinilit ang sariling makatulog kahit sobrang sakit ng ulo.
-
Arlene's POV
Tapos na ang klase kaya dali dali akong tumungo sa clinic para kay Ria. Nasasaktan ako kasi ganyan ang kalagayan niya ng dahil sakin. Ni hindi ko manlang naisip ang mga paalala ni Lola sa'min noon, sobrang nagsisisi na talaga ako sa ginawa ko. I didn't think about what will she feels, after doing that.
P
agkarating doon ay pumasok agad ako sa loob, hinawi ko ang kurtina. Naabutan kong mahimbing ang kanyang pagkakatulog kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa tabi niya at panoorin ang kanyang paghinga.
Siya ang babaeng matatakot ka talagang saktan dahil kahit lagnat man ang dumapo sa kanya nahihirapan na agad. Sana mapatawad niya ako sa aking ginawa. Sana magising na siya, at sabihing okay na ang lahat. Gusto ko ng bumalik kami sa dati, hindi ko na ulit siya tatakutin ng gano'n.
Hindi na namalayang tumutulo na pala ang luha ko habang nakatitig sa kanya, natatawa akong umiling at pinunasan 'yon. Dahil sa hikbi ko bigla nalang siyang nagising. Agad akong tumayo ng dahan dahan siyang umupo, iniangat ko ang kanyang balikat para madala sa pag-upo.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko nang maiupo na siya ng maayos.
"Medyo, gusto ko ng umuwi." tugon niya, habang kinukusot ang mata.
Tumango ako. "Okay.. Nurse Cha uwi na po kami! Thankyou po!" sigaw ko. Kinuha ko ang bag niya sa upuan, ako na ang nagbitbit ng dalawa naming bag na hindi naman masyadong kabigatan. Inakbayan ko siya para maalalayang maglakad papalabas.
Nagpaalam na rin si Nurse Cha, pinaalalahanan niya lang kami para sa mga kailangan ni Riana bago kami hinayaang umalis. Isinabay ko siya sa sundo ko, para maalalayan kung susuka man siya. Inihiga ko siya sa aking hita, at pinanood ang kanyang pag-galaw.
Pagkarating sa kanila ay ipinabuhat ko na muna siya kay Manong Edward para mapasok sa loob ng bahay. Sinabi ko ang lahat kay Manang Celia at pinaalagaan ko muna dahil kailangan kong maligo bago ako bumalik sa bahay nila.
Nagpasama ako kay Manong Edward sa mall para bumili ng mga pagkaing paborito ni Riana. Donuts, Pizza, Chocolates, Ice creams ang mga binili ko para sa aming dalawa. Kahit alam kong hindi siya makakakain niyon ay nagdala pa rin ako kung sakaling magutom man siya o gusto niya.
Dumeretso ako sa kanilang bahay, dala dala ang lahat ng pagkain sa kwarto niya, nagpatawag ako ng ilang maids pagkarating sa kanyang kwarto, naabutan naming nagpipiga ng towel si Manang Delia sa planggana.
"Nandito ka na pala. Tatapusin ko lang ito at magluluto na ako ng lugaw sa baba." aniya. Tumango at ngumiti na lamang ako sa kanya bago lumakad papalapit sa table.
Inilapag namin ang lahat ng pagkain sa table na nasa gilid ng kama niya. Iniayos ko lang pagkakalapag ng mga iyon at umayos ng upo sa tabi ni Riana. Tulog siya ngayon kaya hindi niya pa nakikita ang mga dala ko. Kinapa ko ang noo niya, para malaman kung mainit paba siya o hindi na.
Pagkatapos siyang punasan ay bumaba saglit si Manang para sa lugaw. Ilang oras ang nakalipas, bumalik siya bitbit ang tray na may lamang dalawang bowl. Pagkalapag sa table ay lumapit siya kay Riana para gisingin ito at yayaing kumain.
"Uy bes oh, andaming pagkain yung mga favorite mo.. Kain kana." anyaya ko.
Napangiti ako ng sinunod niya ang sinabi ko. Marami rami rin ang kanyang nakain kaya hindi na imposibleng gumaan ang pakiramdam niya. Pinainom siyang muli gamot ni Manang, pagkatapos siyang asikasuhin ay tumulong ako sa paglilinis ng kwarto niya bago umalis.

Book Comment (40)

  • avatar
    Paolo Cortez Bonaos

    gijy8ugfftgbjo

    21/04

      0
  • avatar
    Antonette Cerdeñâ

    super ganda worth it ang puyat

    06/03

      0
  • avatar
    bombaleserich

    thnkyou

    24/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters