logo
logo-text

Download this book within the app

4

Alam kong siya iyon at hindi ako maaari magkamali kahit ilan taon ko siyang hindi nakita. May namumuong kaba sa dibdib ko habang papalapit ito sa table namin. Automatic napapanganga ako sa kaguwapuhan niya. Wearing white long sleeve sabay hatak nito sa necktie.
"Drew, pinag-uusapan ka lang namin kanina tara maupo ka para naman magka-usap kayo ng Prinsesa." Hindi na kinailangan hatakin ni Kevin dahil kusa itong tumabi kay Daryll.
Awkward.
Biglang tumahimik ang paligid.
Nakuha kong kagatin ang labi sa sobrang hiya o ano man itong nararamdaman ko. Sana pala hindi na siya dumating para hindi ako naiilang ng ganito. Mabuti pa itong dalawa wala ako dapat ikahiya dahil madaldal pero kasi si Andrew tahimik hindi 'yan magsasalita kung hindi mo kakausapin.
"Ahh, Drew bakit ka nga pala nandito?" Tarantang lumapit si Kevin dito.
"Nagugutom ako." Shit, bakit ganoon ang hunk ng boses niya.
"Okay, dadalhan kita ng favorite mo." May kinawayan si Kevin sa kung saan bago magpaalam sa amin.
"Bakit nandito ka?" Akala ko sa akin nagtatanong si Andrew hindi pala. Simula pa kasi 'nun dumating ito hindi ako tinitingnan parang invisible lang ako.
"Ay, shit!" Napatampal si Daryll sa sariling noo.
"Nakalimutan kong dadalhin ko pa ito kay Carl. Wait tatawagan ko siya para dumaan dito. Wait lang Princess." Paalam nito habang may tinatap sa cellphone.
"S-sige." Napalunok ako nang tingnan ako ni Andrew todo iwas na lang baka kasi sungitan ako nito.
"Nag-gluta ka ba?"
"Ha?" Natitig sa akin.
"Wala." Tumingin sa ibang direksyon.
"Kung tinatanong mo kung nag-gluta ako syempre hindi."
"Ahh." Ang cold niya.
Buntong-hinga muna bago nagsalita, "Kumusta ka?" Nagsalubong kaagad ang mga mata namin.
Nakakainis hindi niya ako sinagot umiwas ako saka dumating si Kevin.
"Oh nasaan si Daryll the great?"
"Nasa labas---" halos sabay namin tugon ni Andrew.
"Money us get it get it...." Natatawang ibinababa ni Kevin ang pagkain ni Drew. "So Drew kilala mo pa naman siguro si Princess hindi ba?"
"Yeah," buwisit. Ang boring niya kausap pasalamat siya napaka guwapo niya.
"Last time nag-usap tayo ang dami mo sinasabi pero ngayon bakit----aray! aray! sabi ko nga eh." Tinapakan yata ni Drew paa ni Kevin.
"Princess, sabay ka na ba sa akin? Ihahatid ko lang ito kay Carl pagkatapos ihahatid na rin kita sa inyo." Lapit ni Daryll.
"Ah sige, sasabay na ako." Tumayo ako pagkatapos nagpaalam kay Kevin.
"At sa iyo rin Andrew kita-kita na lang tayo sa kasal ng dalawa." Isinukbit ko sa balikat ang sling bag bago tuluyan sabayan si Daryll sa paglalakad palabas ng shop.
"Anong feeling?" Abot sa akin ng helmet.
"Feeling na ano?"
"Makita muli ang first crush mo? Medyo kinilig ka ba o medyo nahiya?" Sobrang nahihiya iyon ang totoo.
"Wala bakit ko mararamdaman 'yon?"
"Talaga? Ibig sabihin wala ka nang feeling for him?"
"Feelings mo mukha mo!" Inirapan ko bago isuot ang helmet at umangkas muli sa kanya.
"Kumapit ka nang mahigpit Babe---araaay! Sorry nasanay akong Babe tawag sa mga---araaay! Oo na, oo na. Tama na aalis na tayo baka maaksidente tayo."
"Aayusin mo buhay mo ha!"
"Opo!" Hindi mapalis sa labi ko ang malaking ngiti. Nakakatuwa si Dryll playboy na kengkoy.
Ayaw pa sana ako pauwiin ni Carl pero nakatanggap ako ng tawag mula kay Jak. Ang sabi raw ni Mommy kailangan kami mag-usap dahil may importante raw na pag-uusapan tungkol sa pamilya. So dahil wala pa naman akong gawa today baka doon na lang ako kumain ng hapunan.
"Happy new year my sweetie." Yakap ni Mom.
"Kumusta ang apartment? Baka mamaya hindi nagbabayad ng maayos mga kasama ninyo roon ah?"
"Don't worry, mom i can handle this. Ka-close ko lahat ng tao 'ron kaya takot lang nilang hindi magbayad."
"Siguraduhin mo walang palya ha?"
"Huwag mo na alalahanin ang bagay na 'yon dahil ano pa silbi ng pagiging Bustamante ko kung mababalewala lang lahat ng pinaghirapan mo."
"Sus, bandang huli uuwi ka rito dahil tinakasan ka na ng mga nag-uupa." Parinig ni Jak.
"Hoy, huwag mo sila husgahan batay lang sa mga nakikita mo."
"Poor..." Nag-iinarte nitong sabi.
"May mga kaya sa buhay ang mga kasama namin." Depensa ko pa.
"Ilan na nga lang ba tao sa apartment, Anak?"
"So far kung ilan pinto ganoon din. Hindi ako pumapayag na maraming gagamit sa iisang kwarto baka masalaula ang Townhouse namin mahirap na."
"Sino nag-aasikaso ng kitchen area ninyo baka naman ikaw pa gumagawa."
"Hindi tulong tulong kami sa pagluluto at paglilinis."
"Paano 'yong anak ni Elaine saan natutulog?"
"Kasama ni Elaine po."
"Baka naman magulo."
"Mommy, hindi ganoon kagulo si Glydel saka disiplinado siya ng kaibigan ko."
"Good."
"Ahh Mommy---" dahan-dahan kong niyakap.
"Oh?"
"Kung may regalo kayo baka puwede ibigay mo na hehe..."
"Wala silang regalo huwag kang assuming na akala birthday mo." Supalpal ng kapatid ko.
"Alam mo ikaw," hinila ko tainga nito. "Kahit na kailan ka talaga lagi na lang may supalpal sa mga sinasabi ko for once naman puwede huwag kang epal?!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Maghanap ka ng regalo kung birthday mo."
"Buwisit ka talaga Jak!"
"Uy, tama na 'yan tama na 'yan. Mabuti pa tulungan ninyo ako mag-ayos ng mga plato dahil may mga bisita tayo."
"Sino mommy??" Sabay namin usisa ng kapatid ko. Binelatan ko at siya tinaasan ako ng kilay.
"Basta malalaman ninyo bilisan lang sa kilos dahil wala tayong kasambahay ngayon."
"Yes Mom." sabay muli namin ng kapatid ko.
"Epal ka talaga oh heto ang baso ingatan mo 'yan kundi malalagot ka kay mommy." Utos ko.
"Kapag nabasag ikaw ituturo ko."
"Gagu!" Bulyaw ko nang tumakbo palayo sa kusina.
"Bad." Technically nagulat ako sa boses niya.
"Ate Rizz!"
"Hello sa pinaka maganda kong pinsan." Pinisil-pisil kaagad pisngi ko.
"Aray, alam kong maganda ako pero hindi pinaka."
"Talaga naman."
"Kung ako pinaka maganda eh di sana may boyfriend ako hindi ba?"
"Well, hindi basehan magkaroon ng boyfriend para matawag na maganda. Tulad ko, maganda, sexy, mabait, pero single and happy!"
"Yabang mo naman girl!" Bulyaw ni Jak sa pintuan ng kusina kasama ang isa pa namin pinsan na si Thalia.
"Hindi yata ako makakapayag na ikaw ay maganda, sexy at mabait dahil kung totoo ano pa ako na kapatid mo lang?" Si Thalia ang nakababatang kapatid ni Ate Rizz ka-edad lang ni Jak tapos may isa pa silang kapatid na lalaki halos ka-edad ko naman.
"Nagsamasama ang mga feelingera ng taon,tsk. Tumigil nga kayo. Magbagong buhay na dahil 2020 na mga girl." Iritadong sabi ng kapatid ko.
"So what kung 2020 ngayon. Hindi porque bagong taon kailangan magbagong buhay na rin." Pangbabara ni Ate Rizz.
"And so what din kung gusto kong sabihin 'yon."
"Hay naku, Princess pagsabihan mo nga itong kapatid mo palagi na lang may sinasabi." Irap kay Jak.
"Alam niyo naman na kapag hindi maganda nakikita ko pinapansin ko."
"Sana pati ugali mo pansinin mo kasi sumusobra."
"Walang problema sa ugali ko baka sa inyo mayroon." Ngingisi-ngisi. "Mabuti pa si Thalia hindi nagbubuhat ng sariling bangko." Akbay dito.
"Jak tumigil ka na." utos ko. Ngumiti naman pagkaraan lumabas sila ni Thalia.
"Pasalamat na lang si Jak kamukha mo siya kundi iisipin kong ibang anak siya ng iba."
Mabait si Jak iyon ang totoo. Kaya lang kung minsan sinasapian ng kung anong multo sa katawan. Or other reason ay hindi niya type ugali ni Ate Rizz, masyado kasi madaldal at maingay eh ayaw pa naman ng kapatid ko ng ganoon.
"Dinner is ready." Sigaw ni mommy na kaagad kami sumunod.
"Hello Tira Lauren!" Nag-mano ako pagkatapos umupo sa tabi ni Jak. "You look good Tita ah? May bago na ba nagpapatibok ng inyong puso?"
Hinaplos ni Tita ang pisngi marahil nahiya dahil pinansin ko ang kanyang ganda.
"Matagal nang maganda si Tita Lauren mo." Sabat ni Mom.
Si Tito Winston na asawa ni Tita Lauren ang kapatid ni Daddy. Five years old pa lang si Thalia ng mamatay si Tito dahil sa isang aksidente sa site na pinagtra-trabahuhan niya. Maaga siyang nawalan ng asawa pero kahit wala na si Tito nandito pa rin kami upang gabayan at samahan sila kahit na anong mangyari. Minsan pa sinabi ni Daddy maghanap na ito ng bagong asawa since napakatagal nang wala ang kapatid niya pero talagang mahal na mahal ni Tita si Tito Winston kahit marami nanliligaw dito hindi niya inintertain dahil takot siya na baka maulit muli ang dati o baka iwan lang siya ng luhaan.
"Oo nga pala Jade nasaan si kuya?" Ang tinatawag na Kuya ni Tita Lauren ay si Daddy.
"Nasa opisina. Alam mo naman workaholic ang Kuya Edmond mo." Close na close sina Mom and Tita parang sila pa magkapatid kung titingnan.
"Maganda naging resulta ng pagiging workaholic niya look your house napakaganda at lumalago ang kompanya."
"Exactly, Oo nga pala nakahanap ka na ba ng matutuluyan nitong dalawa?" Turo ni Mom sa dalawang pinsan ko.
"Wala pa nga maganda sana kung malapit sa school para hindi na bumiyahe."
"Uhm, excuse me po. Bakit naghahanap kayo Tita ng matutuluyan nila Ate Rizz?" Nangangati na naman kasi dila kong magtanong.
"Maninirahan si Tita Lauren mo sa ibang bansa iyon nga lang ayaw ng dalawang pinsan mo sumama kaya naghahanap kami ng maaaring tuluyan para kahit paano mabantayan ko sila." Tugon ng Mommy.
"Bakit ayaw niyo sumama?" Singit ng kapatid ko habang hinihiwa ang karne.
"Dahil ayoko." Si Ate Rizz.
"Mas marami akong friends dito,eh." Si Thalia sunod na sumagot.
"Valid reason sinabi mo Thalia pero iyong kay Ate Rizz puwede pa kahit isama na lang siya ni Tita Lauren para mabawasan ng maaarte sa pinsan ko."
"Jak!" Sigaw namin ni Mommy.
"Hahahahahaha, thank you so much Jak. Actually, valid reason din naman kung bakit ayokong umalis dito. I have a boyfriend at hindi siya pumayag na Long distance kami."
"So? May pumapatol pa pala sa iyo."
"Jak..." Ibinaba ko ang kutsara't tinidor bago hatakin palabas ang kapatid ko. "Please, be good to her."
"Paano kung ayoko?" Humalukipkip sa harapan ko.
"Jak naman! Alalahanin mo first cousin natin sila. Ipakita mo kahit minsan na may pinsan silang katulad mo."
"Baka kainin mo lahat nang sinabi mo Ate Princess. Wala ka kasing alam sa mga totoong nangyari."
"What?"
"Tatanga-tanga ka kasi." Sabay walk out.
"Kinakausap pa kita. Jak, bumalik ka rito." Kahit anong tawag ko ay hindi siya nakinig. Patuloy lamang ito naglakad paakyat sa kanyang kwarto.
"Sorry," sabi ko sa kanila ng maupo muli sa kinauupuan kanina.
"Sanay na kayo sa ugali ni Jak kaya hindi na ako magso-sorry sa inyo." Sabi pa ng Mommy.
"Okay lang." Malungkot na sabi ni Ate Rizz, "Princess pinag-isipan ko ito ng maigi gusto ko sana sa apartment kami tumuloy ni Thalia."
"Talaga?" Kaagad din nawala ngiti ko sa labi, "Kaya lang walang available na kwarto para sa inyong dalawa."
Nagkatinginan ang magkapatid.
"Kahit isang kwarto lang please Ate Princess." Lip bite ni Thalia.
"Uhm, I'll try my best." Ayoko muna isipin ang paghahanap ng kwarto ang gusto kong tapusin ang problema ni Jak. Nararamdaman kong may problema siya at hindi lang nito masabi sa akin.
PUMASOK ako sa kwarto. Tanging ilaw lang sa loob ay ang laptop na nakapatong sa side table habang tumutugtog ng rock song. Naupo ako sa kama alam kong gising pa siya.
"Puwede ba tayo mag-usap kapatid ko?" Hindi ako pinapansin. "Galit ka ba kay ate? Kung galit ka puwede mo sabihin sa akin ang dahilan pangako hindi ako magagalit."
Umupo siya ng indian seat.
"Hindi lahat ng nakikita mo tama. Akala mo okay lang pero hindi. Ate, sana naka-move on ka na kay Aaron."
"Bakit nadamay dito ang taong 'yon?"
"Dahil alam kong kahit matagal na kayong wala nasasaktan ka pa rin."
"Matapang ako at walang problema na hindi ko kayang lutasin. Tama ka masakit pa rin pero sana huwag na natin siyang pag-usapan."
"Paano kung mismong tadhana ang lumalapit sa iyo? Paano kung simula ngayon gumulo muli ang buhay mo dahil sa kanila."
"Sinong sila?" Nagsalubong kilay ko.
"Basta sila."
"Paano ko malalaman sinasabi mo kung kaonting detalye lang ang ibinibigay mo?"
"Ayoko na ako ang makapagsabi sa iyo. Ang gusto ko ikaw mismo makaalam ng totoo."
"Totoong ano?" Humiga na saka nagtalukbong ng kumot. "Jak, sabihin mo anong totoo? Uy,"
"Pakisara na lang ang pintuan." Wala akong nagawa kundi tumayo pero bago ko pihitin ang doorknob nagsalita muli ako.
"Kung nagugutom ka bumaba ka lang. Uuwi na ako sa apartment magkita na lang tayo sa mga susunod na araw."
Hindi ako makatulog ng makauwi sa apartment. Inaalala ko ang sinabi ng kapatid ko. Masyadong misteryoso ang pagkakasabi niya. Kahit saan ako tumingin at bumase wala talaga akong makuhang sagot o ideya. Nag-text sa akin si Ate Rizz if ever may umalis sa mga boarders ko sabihin kaagad sa kanya.
"Pir, gising ka pa?" Katok ni Agatha sa pintuan.
"Pasok." Bumangon ako saka nag-indian seat.
"Patulog ka pa lang ba?" Upo nito sa kama.
"Hindi pa ako madalaw ng antok."
"Ano ba iniisip mo?"
"Si Jak,"
"Bakit?"
"May problema siya pero ayaw magsabi."
"Sa edad niyang ganyan mapagdadaanan talaga pero sa palagay mo ba ano problema niya?"
"Wala akong maisip hindi ko siya maintindihan palaging galit sa pinsan ko at lalo kay Aaron na manloloko."
"Baka nga hindi pa siya makamove on kay Aaron. Sabi nga nila, mas nasasaktan ka tuwing broken hearted ang kapatid mo. Maaaring ganoon ang point niya huwag ka na maniwala kay Aaron. At about sa pinsan ninyo na si Rizz tama?" Tumango ako. "Kahit ako hindi ko gusto awrahan niya pero syempre ayoko maging judgmental."
"Hindi na ako babalik sa taong niloko lang ako buong buhay."
"Tama ka riyan."
"Hay, Pir nalulungkot ako."
"Huwag mo na isipin."
"Feeling ko kasi parang ang dami kong problema napakapangit nang pasok ng taon."
"January pa lang Pir huwag ka muna mainip. Ang alalahanin mo sa buwan na ito magiging Mrs. Martin na ako." Oo nga pala. Sana naman maging happy ang kalabasan ng ito.
"Ano plano mo after ng kasal? Saan kayo titira ni Carl?"
"Ginagawa pa lang bahay namin baka puwede dito na muna kami pansamantala."
"Puwede naman!"
"Baka nakakahiya sa mommy mo."
"Wala iyon saka kaibigan kita ayokong mahirapan ka pa."
"Pero malulungkot ako kapag umalis na ako rito."
"Uhm, lalo naman kami ni Elaine. Baka ipagdamot ka ni Carl sa amin once ikasal kayo syempre ang gusto niya every hour and everyday magkasama kayo, yieee."
"Ano ba?" Hampas sa hita ko. "Kung anu-ano iniisip mo."
"Plano ninyo ba kaagad magka-anak?"
"Sana and ready na ako mapuyat haha."
"Goodluck Pir." Natahimik kami pareho saka nagtitigan. "Bakit?"
"Ikaw na lang sa kaibigan ko ang hindi pa masaya. Naiisip ko pa lang paano kung umalis din si Elaine rito sa apartment paano ka na?"
"Eh di mag-isa, wala akong magagawa. Kung gusto mo ampunin ninyo ko ni Carl as a daughter hahaha." Pareho kami humalakhak ng malakas na akala mo wala nang bukas.
"Mag-boyfriend ka na kasi ulit," humiga bago paglaruan ang singsing na nakasuot sa daliri nito.
"Nandiyan na ang ibang eye catchers malay mo naman 'di ba?"
"Ano ito aasa ako na isa sa kanila jowain ko? Patawa ka, Agatha."
"Why not?" Bumalikwas, "Bakit hindi mo subukan walang mawawala basta huwag masyadong obvious na asawang-asawa ka na." Bumungisngis pagkatapos niyakap ako, "Sina Alex, Andrew, Daryll, Kevin at Anton pumili ka na."
"Kay Elaine si Kevin."
"Seryoso?"
"Oo naman at bakit hindi. Isa pa, kailangan din ni Elaine ng makakasama."
"Iyon ay kung gusto pa niyang mag-asawa sa kabila ng lahat. Kung si Kevin lang din wala magiging problema." May tinatap ito sa cellphone pagkatapos itinapat sa tainga nito.
"Sino tinatawagan mo?" Usual si Carl nagtanong pa ako.
"Hello, Carl my loves." Ang landi ng kaibigan ko kilig na kilig, "Kasama ko na ngayon si Pir Princess are you ready?"
"Anong ready? Bakit nadadamay pangalan ko riyan?" Pilit kong inaagaw ang cellphone sinamaan ko siya ng tingin bago itapat sa tainga ko ang cellular.
"Hello." Parang may tumatakbong mga kabayo sa dibdib ko. I can't be. Boses niya ito hindi ako maaaring magkamali. Muli siyang nag-Hello pero ibinalibag ko sa puwesto ni Agatha ang cellphone.
"What?" Nagtaas baba ang kilay ng kaibigan ko bago kunin ang cellphone, "Anong narinig mo?" Sabay tapat sa tainga niya ang hawak. "Hello, Carl my loves....hey, Andrew puwede pakibigay kay Carl my loves ang cellphone?..." Nandilat mata nito saka lang nito nahulaan kung bakit ganito ako mag-react. "Tatawag ako mamaya, sige bye!"
Pinasadahan niya ako ng maraming titig. Paikot-ikot niya ang ulo bago hawakan ang magkabilang pisngi ko. Iyong ngisi niya hindi ko gusto dahil may ibig sabihin.
"Now i know kung bakit pulang-pula mukha mo, ayiieee...nag-blu-blush ka! Si Andrew, si Andrew ang dahilan ng pamumula ng mukha mo ano? Amin-amin din." May kung ano nakabara sa lalamunan ko at hindi siya masagot ng diretso.

Book Comment (33)

  • avatar
    VargasRhea

    naiyak ako dun na namatay c princess😭 Alas dos naku nakatulog kagabi dahil umiyak ako haysst. Tapos kaninang Umaga pag gising ko umiiyak ako dahil napanaginipan ko Ang jowa ko na namatay 😭 ibang klasi Ang story mo. napaiyak mo ako Ng husto 🤩

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Amakabogera

    Ito ung pagkatapos kang patawanin, paiiyakin ka naman ng husto! Minsan akla ntin siya na hindi pa pla huhuhu 😭😭😭 dahil may mas deserving pa pla. Ang buhay ay puno ng misteryo!

    10/12/2021

      0
  • avatar
    Ce Ci Le

    Naku author Dami ko gusto sabhin sayo. HAHAHA thnkyou Sa Napakagandang Story mo although inalis mo Agad Si Princess 😢 Sana Sya yong Bida Hanggang dulo pero maganda At maraming twist, naiyak, tumawa at naging Happy ako Dahil dto sa story mo. More story to Write author khit my mga part akong di nagets pero Ang ganda nakakarelate Sa True life ❤️

    10/12/2021

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters