logo
logo-text

Download this book within the app

3

Naitanong mo na ba sa sarili kung ano 'yong LOVE para sayo? Kasi para sa akin, ang Love hindi basta-basta. Marami kang dapat pagdaanan at marami pa dapat malaman.
Sa LOVE diyan tayo madalas masaktan ngunit natututong bumangon sa sakit at harapin ang katotohanan.
LOVE?
For me, Love is giving someone the power to destroy you, but you trust them not to. That was deep pero totoo. Nagtitiwala tayo sa mahal natin na hindi nila tayo sasaktan, binibigay pa nga natin lahat pag nagmamahal hindi ba? Kahit na alam nating hindi tama.
LOVE IS UNCONDITIONAL.
Kahit hindi ka mahal ng taong mahal mo, basta mahal mo siya okay ka na. Masaya ka na basta makita mo lang siyang nakangiti buo na yung araw mo at rason mo rin para ngumiti ka and yes! Hindi mawawala sa pag-ibig yung pagsasakripisyo.
LOVE MEANS SACRIFICE ika nga nila.
Gagawin mo lahat makita mo lang siyang masaya. Gagawin mo lahat kahit alam mong makakasakit basta para sa taong mahal mo pero minsan mahirap talagang harapin ang reyalidad. Yung akala mo kayo na talaga hanggang dulo pero hindi pa rin pala. There are things in life that we don't want to happen, but have to accept. There are things that we don't want to know, but have to learn. And there are people that we cant live without but have to let go.
Kahit masakit, kahit mahirap kakayanin mo. Hindi dahil sa suko ka na or di mo na siya mahal dahil ang tunay na nagmamahal ay marunong tumanggap ng katotohanan. Ang nagmamahal marunong magparaya.
Pagdating sa love napakarami nating katanungan. Napakaraming tanong na gusto natin ng kasagutan.
FOLLOW YOUR HEART.
Masama din kasi yung puro utak.
Dapat magfocus ka sa tanong na "SASAYA BA AKO?" hindi sa tanong na "MASASAKTAN KAYA AKO?"
Because if you focused on the latter, hindi ka sasaya ng 100% kasi lagi mong iisipin 'yong sakit. Lagi kang magdadoubt. Palagi kang matatakot. Wala namang word na SAYA kung wala ang word na SAKIT. Laging magkasama yan, hindi natin maiiwasan.
So sa akin lang,
"HUWAG MONG PIGILAN ANG MGA BAGAY NA PUWEDE PANG MANGYARI DAHIL SA ISANG BESES KANG NASAKTAN. DON'T LIMIT YOURSELF. KUNG HETO NA OR KUNG AYAN NA TALAGA, JUST LET IT BE... JUST LET THINGS BE."
"So balewala pala 'yung effort ko na magkabalikan kayo?" Mataray na sabi ni Agatha, isang araw matapos ang gabi magkasama kami ni Nathan.
"Guguluhin ko pa ba eh masaya na siya sa iba."
"Pustahan nga tayo hindi siya masaya sa relasyon na mayroon siya!"
"Agatha, huwag mo i-pressure si Pir kung hindi naman maaari." Katwiran ni Elaine.
"Anong gagawin natin? Aasa tayo na baka may kusang lumapit sa kanya at aayain siyang magpakasal? Uy, kahit yata sa nababasang libro o napapanuod sa Tv wala kang makikita. Kailangan muna magkakilala kayo sa isa't-isa."
"May point is ayokong makasira ng relasyon."
"Hindi mo naman sisirain,eh. Matagal ng sira relasyon nilang dalawa kumbaga papagitan ka lang sa kanila para matapos na ganoon."
"Isa ka pa Carl, eh." Inis muli ni Elaine.
"Matagal ko nang kilala sina Nathan at Phoebe at saksi ako sa ups and down nilang relasyon, batid kong pagod na siya gusto na niyang ibalik 'yong dati."
"Kahit ano pa sabihin mo maawa ka sa kaibigan namin. Siguro madali lang para sa inyo eh how about Princess? Masasaktan siya kung ipagpapatuloy niya kung ano sumpaan nila dati."
"Walang masama kung susubukan."
Tinakpan ni Elaine ang tainga ko sa huling sabi ni Carl.
"Ayoko sa huli magaya siya sa akin. Magsisisi at tatawanan na lang ang pagkakamali." Hirit pa ng kaibigan ko.
"Gusto mo ba talaga maging happy kaibigan natin?" Ayan na sumingit na naman si Agatha.
"Gusto pero sa mabuting paraan."
"Kung sisingit si Princess sa buhay nila tiyak magiging maayos buhay pag-ibig nilang dalawa."
"Pero Agatha...."
"Remember what I said?"
"Oo, pero hindi ba pwede maghiwalay sila sa ibang dahilan na lang? Hindi 'yong madadawit pa pangalan ni Pir."
"Nauunawaan ko kung ano nararamdaman mo Elaine. Sa kabilang banda si Prinsesa pa rin ang masusunod kung payag siya sa mangyayari."
Hinihintay nilang lahat ang isasagot ko. Tahimik kong pinanuod ang bawat kilos ng kanilang mata. May chance nang magka-jowa ako pero kung habang buhay kong dadalhin iyon parang hindi ako magiging masaya.
"Sorry guys, tama si Elaine. Kung talagang kami para sa isa't-isa, at kung maghiwalay man sila sana hindi dawit pangalan ko mahirap pumasok sa isang relasyong sinira para sa sariling kaligayahan."
"Hay, okay." Tumayo si Carl.
"Uuwi muna ako sa bahay para makapagpalit ng damit, sasama ka ba love?"
"Hindi na papasok ako ngayong araw." Tugon ni Agatha.
"Ayaw mo talaga para mahatid kita."
"Its okay, may gagawin pa ako rito sa apartment."
"Hay, okay mukhang hindi na kita mapipilit pero tandaan mong huwag mo ko tatakbuhan sa kasal natin. Ilang araw na lang 'yon."
Nagyakapan sa harap namin ni Elaine.
"Gawain ko ba tumakbo."
"Hindi, tamad ka nga mag-Jogging, eh."
"Ikaw talaga! Umalis ka na nga!" Gigil na gigil ang kaibigan namin habang si Carl tawa nang tawa palabas ng apartment.
"Anong gusto ninyong kainin sa hapunan?" Usisa ko sa dalawa habang nagpupusod ng buhok.
"Hindi ako makakakain dito sa labas kami ni Carl may kakausapin tungkol sa kasal." Mabilis na tugon ni Agatha.
"Ikaw Elaine?"
"Ilalabas ko mamaya si Glydel gusto mo ba sumama na lang para hindi ka na magluto?"
"Uhm, hindi na. Its okay kung dito na lang sa apartment may gagawin din ako."
"Sure ka?"
"Oo," pilit kong ngiti.
"Ikaw lang mag-isa rito sa apartment mga kasama natin nasa kanya-kanyang probinsya pa."
"Okay lang, sanay naman akong mag-isa."
"Booom!!" Sabay sigaw ng dalawa.
"Nakakatawa ka talaga Pir, paano aalis na ako para magbukas ng shop. Glydel, come here na." Tawag sa kanyang anak.
"Bye, Tita Princess." Wave ni Glydel sa akin.
"Byeeee." Hinatid ko sila gamit ng tanaw until si Agatha pinagmasdan ako ng maigi.
"Ano?"
"Uhm, wala."
"Pumasok ka na."
"Maaga pa naman."
"Anong gagawin mo at bakit hindi ka sumama sa boyfriend mo?"
"May ipapakita kasi ako sa iyo." May pinipindot sa laptop.
"Ano?"
Huling pindot sa keyboard bago iharap sa akin.
"Sino 'to?"
"Phoebe Sebastian, ang girlfriend ni Nathan."
"Talaga?" Hatak ko sa laptop. "Ang ganda niya grabe halatang makinis at maalaga sa katawan."
"Diyan pa lang wala ka nang panama."
"Okay lang hindi naman masakit."
"Pero sobrang curious lang ako, Pir. Sino ba talaga, sino ba talaga sa Eye Catchers ang gusto mo noon pa?"
"Akala ko ba kilala mo na?"
"Pero si Nathan ba talaga?"
"Nagsasalita ka ng hindi sigurado."
"Eh sino nga kasi?"
Naglakad ako palapit sa salamin pagkatapos tinanggal muli ang pony upang magsuklay.
"Sino ba talaga? Hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako sa totoo mong nararamdaman." Sunod sa akin. "Pir, sabihin mo na sa akin." Ulit pa.
"Do you remember when I performed as Aurora of sleeping beauty?"
"Oo naman, ang taas ng grades natin doon. Oh, ano connect sa aaminin mo?"
"Pakiramdam ko 'yong humalik sa labi ko noon isa sa Eye catchers."
Napa-atras siya sa pag-amin ko.
"Whaaaat?! Hinalikan ka?! Oh my, bawal 'yon ah saka paano ka hinalikan? hindi man lang nag-react mga teachers natin?"
"Syempre, before tayo sumalang nag practice muna kami."
"Wait lang ha? Ang pagkakaalam ko wala sa Eye catchers ang Prinsipeng napili. So bakit mo pinapaniwala sa sariling isa sa kanila humalik sa iyo."
"Eh kasi! Hay, kasi naman, eh. Napakagulo noon that time. Hindi sumipot ang Prince charming so dahil sa stress na stress si ma'am nagsabi siya na kahit isa sa Eye catchers puwede maging prinsipe. I have no idea kung sino kaya nung umakting ako na natutulog may humalik sa akin."
"Anong ginawa mo??" Mulat na mulat ang mata.
"Malamang sasapakin ko sana 'yong gumawa pero nakita ko siya."
"Sinong siya?"
"Si Nathan."
"Si Nathan? You mean, si Nathan 'yong humalik sa iyo? Anong ginawa mo?"
Kagat-labi akong lumapit sa salamin ng maigi.
"Wala, naubusan ako ng sasabihin hanggang sa makita kong pumapasok ang ibang Eye catchers na nakasuot na pang-prinsipe."
"Hahaha, ibig sabihin binalak talaga nilang lahat na sila ang gaganap na Prinsipe?!"
"Parang ganoon na nga."
"Oh tapos ano nangyari? Bakit iba naman ang gumanap na Prinsipe?"
"Nagalit si ma'am ng malaman lahat sila aakyat sa stage para makapareha ako. Kainis nga eh paano hindi ko maitanong-tanong kay Nathan tungkol doon nahihiya ako at isa pa..."
"Kung gusto mong malaman bakit hindi mo itanong ngayon?"
"Sus, ang tagal na 'nun."
"Ibig sabihin si Nathan na talaga 'yong gusto mo?" Nag-aalangan akong sumagot para kasi may nag uutos na huwag muna ako maniwala sa mga nangyari, "Ano ba bumabagabag sa puso mo?" Ulit niya.
"Ewan ko, nasa harapan ko na 'yong sagot pero bakit hindi makumbinsi ng puso ko na siya talaga."
"What if hindi siya 'yong humalik sa iyo? What if isa sa anim? Oh my...itatanong ko ito kay Carl baka mamaya siya pala." Hinahanap ang cellphone.
"Relax, mukhang hindi gagawin ni Carl ang bagay na 'yon."
"Paano ka nakakasiguro? Isa pa, gusto ka niya noon pa, right?"
"Noon pa 'yon Pir, huwag mo nang awayin baka mamaya hindi matuloy kasal ninyo sige ka."
"Mas mainam na nga malaman ko kung siya para alam ko."
"One hundred percent I'm sure hindi si Carl."
"Sana lang talaga."
"Debale, malalaman ko naman 'yon kapag nakasama ko sila."
"Paano tatanungin mo sila isa-isa para alamin kung sila ba talaga 'yong humalik sa iyo?"
"Carl, ekis. Kevin, ekis din 'yon."
"Tama, Si Kevin matagal nang patay na patay kay Elaine."
"Pero bakit sinabi nila may gusto rin siya sa akin?"
"Malay...kung ako man nagtataka bakit pati si Andrew dinamay nila sa trip na 'yon. You know naman ugali ng First Crush mo may pagkasuplado."
Hindi na ako aasa si Andrew 'yong humalik sa akin. Lapitan ko nga lang siya dati todo iwas na paano pa 'yong halikan ako sa mismong labi di ba? Hay, ewan. Basta gusto kong malaman at kompirmahin kung si Nathan ba talaga gumawa 'nun.
MAGDIDILIM nang tumatawag sa cellphone si Agatha, nakalimutan daw niya ang paper bag na nakapatong sa lamesa. Kailangan na raw gamitin ni Carl kaya humihingi siya ng pabor na papasukin si Carl sa loob ng apartment kapag nag doorbell sa gate. After half hour tumunog ang doorbell nakangiti kong pinagbuksan ang inaasahan kong tao pero mali ako.
"Prinsesa?"
"D-daryll??"
"Ang ganda mo, grabe!"
"Eh, s-salamat."
"Hindi mo ba ako aayain pumasok?"
"Ha? Pero paano nalaman 'yong--"
"Inutusan ako ni Carl kumuha ng paper bag."
"Ganoon, sige pasok ka."
Narating namin ang kwarto ni Agatha saka ibinigay kaagad dito ang paper bag.
"Kumusta ka?" Usisa ko.
"Guwapo pa rin, ikaw?" I know, lalo ka pa naging guwapo lalo na kilay mo.
"Okay pa naman pero hindi ako sure kung maganda pa rin." Flip ko sa hair.
"Maganda ka, isa kang dyosa. May boyfriend ka na ba?"
"Wala," Nakangisi kong timpla sa coffee. "Kape ka muna."
"Alam mo ba kung ano mas masarap sa kape?" Nagkatinginan kami bago maupo sa katapat ng sofa.
"Mayroon pa ba mas sasarap dito?" Sip ko.
"Meron,"
"Ano?"
"Ang maKAPEling ka, ayieeeeh tatawa na 'yan." Natawa ako sa reaksyon ng mukha niya hindi sa banat nito.
"Wala ka pa rin pinagbago Prinsesa napakababaw pa rin ng kaligayahan mo."
"Uhm kung sana lahat ng bagay maaari mo tawanan."
"Uhm, teka." Ibinaba ang tasa.
"Gusto mo mag-back ride?"
Naalala ko, may sarili nga pala siyang motorcycle shop.
"Saan tayo pupunta?"
"Kahit saan, kung saan mo gusto."
"Huwag na hindi ako sanay sumakay ng motor."
"Tinatanggihan mo ang bihasa sa motor? Come on, Princess."
"Pero..."
"Ngayon lang ulit tayo nagkita tatanggihan mo pa ba ako?"
"Sige na nga basta ikaw ang bahala sa akin ha?"
"Take my hand."
Nilock ko muna ang gate ng apartment bago isinuot sa akin ang helmet at sumakay ng motor.
"Huwag ganyan upo mo." Saway niya.
"Paano ba?"
"Umupo ka tulad ng sa akin."
"Pero..."
"Mas magagamay ko ang bigat natin pareho kung haharap ka sa akin. Kung natatakot ka maaari ka naman yumakap."
"Seryoso?"
"Makinig ka sa mas nakakaalam."
Wala akong nagawa kundi makinig sa utos niya. Naupo ako gaya ng upo nito ayoko sana yumakap pero hinatak nito kamay ko.
"Baka mahulog ka." Nag-smirk.
"Wala ba magagalit."
"Wala, isa pa natural yakapin ako ng mga back ride ko. Huwag ka matakot, lahat ng babae inaasam na makayakap ako habang nasa likod ko sila."
Tsk.
Playboy pa rin hanggang ngayon. Naalala ko dati lagi siyang napapagalitan ng teacher namin dahil may umiiyak na estudyante sa kagagawan niya. Sa totoo lang gwapo siya iyon nga lang masyadong babaero lahat gusto jowain, lahat gusto ligawan at pasalamat ako dahil hindi ako napabilang sa mga babae niya.
"Kumapit ka pa nang mahigpit." Huling paalala ng paandarin ang motor. Noong una mabagal lang pero ng makarating kami sa highway binilisan. Hindi ko inaasahan makukurot ko siya sa tagiliran mabuti na lang talaga mahusay itong magmaneho kundi mabubuwal kami ng wala sa oras.
Huminto kami sa tapat ng isang kainan.
"Ang sakit." Bulong nito habang haplos ang tagiliran. Pinandilatan ko ng mata.
"Sa susunod hindi na ako sasakay sa iyo."
"Bakit? Hindi ka ba nag enjoy?"
"Enjoy? Itong mukhang ito tingin mo nag-enjoy sa ginawa mo?" Sarcastic kong usisa.
Humalakhak muna bago isabit ang helmet sa magkabilang manibela.
"Ayusin ang buhok baka isipin niya ginahasa kita." Hinampas ko sa balikat dahil sa birong hindi nakakatawa. Gaya ng sabi inayos ko ang buhok bago inusisa ang kabuuan ng kainan.
"Kakain ba tayo rito?"
"Oo, tara." sinundan ko bago maupo sa bakanteng upuan. Hindi lang basta kainan ito kundi pastry. Lalo ako natatakam ng makita ang iba't-ibang cake sa istante.
"Anong gusto mo?"
"Lahat."
"Kaya mo ba?" Tiningnan ko muna.
"Mauubos mo ba kung ibibili talaga kita lahat ng cakes?"
"Eh kasi mahina talaga ako sa mga sweet na pagkain bakit dito tayo kakain?"
"Malaki discount ko rito."
"Ah masugid na kostumer ka na ba rito?"
"Yes, order ka na ako nang bahala sa mga kakainin mo."
Kahit hindi mo na sabihin oorder talaga ako.
Maya-maya lumalapit ang isang babae ibinigay ni Daryll ang order bago sabihin dito ang pangalan. Nag-ngingitian sila na parang magkakilala. Chickboy talaga.
Tutal kasama ko si Daryll bakit hindi ko siya tanungin tungkol sa nakaraan. Baka sakaling makahanap ako ng sagot mula sa kanya. Isa pa, baka siya pala gumawa 'nun eh di mainam na malaman ko kaagad.
"Daryll..."
Lingon niya, "Oh?"
"May itatanong sana ako."
"What is it?"
Bago pa man ako magsalita dumating ang order namin. Feeling disappointed dahil may lakas nang loob pa ako magsalita pero ngayon parang na duwag ako. Nanatili akong nakatitig sa kanya at iniisip ang itsura nitong baby face sa edad na 27 mukha pa rin siyang bente uno.
"Oh, please Kevin alam ko iniisip mo." Automatic kumunot-noo ko sa sinabi ni Daryll. Nakuha kong tingnan ang taong nagdala ng order namin.
"Kumusta?" ang lapad ng ngiti nito nang marating ng mga mata ko ang kinatatayuan niya.
"Bakit nandito ka?" Bulaslas ko.
"Kumusta raw pero bakit ganyan kaagad tanong mo?" banat ni Daryll.
"Eh, kasi ano,"
"I own this place so I'm here," sarcasm nito.
"Sa iyo itong--- itong pastry shop?" luminga-linga ako sa paligid upang humanap ng kompirmasyon.
"What do you think?" Pagmamalaki habang itinataas ang magkabilang kamay upang ituro ang bawat sulok ng Pastry.
"Anong pangalan talaga nito?"
"Flakey Apple Muffin."
"Ahhh..." Shit, nakakailang paninitig niya. Jusko, Elaine patawarin mo ko kung magkakasala ako sa iyo lalong gumandang lalaki ang First love mo.
"Asensado na talaga kayo." Dapat inaasahan ko na ito dahil mayayaman sila.
"Ikaw nga lalong gumanda. Sigurado akong matutuwa si Andrew kapag nalaman niyang nagkita tayo ngayon."
"Si Andrew?!" Bakit bumilis kaagad tibok ng puso ko? Excited ba o ano?
"Bakit siya matutuwa baka nga mainis pa iyon kapag sinabi mo pangalan ko."
"Paano mo nasabi lahat ng tao nagbabago."
"Sinasabi mo nagbago si Andrew hindi na siya suplado kundi mabait na?" Clueless ako sa tinginan ng dalawa parang may mali sa sinabi ko.
"Parang ganoon na nga. Paminsan-minsan may toyo pero basta mabait siya." tamad na paliwanag ni Daryll.
"Ako magpapatunay since bestfriend kami." Angal ni Kevin.
Parang alam ko na mangyayari. Sabi nga niya mag-best friend sila automatic ipagtatanggol niya si Andrew at magsasalita ng mga mabulaklak na salita. Gawain ko ito lalo kung si Agatha usapan hahaha.
"May boyfriend ka na ba?" Ikagulat ko ang biglaan pag-upo ni Kevin.
"Wala."
"Yes, matutuwa si Andrew nito."
"Umayos ka nga. Alam ko naman ikaw lang nagtatanong idadamay mo pangalan ng iba, tsk." Maktol ni Daryll.
"Prinsesa hindi ako babaero tulad ng iba riyan." Mariing sabi ni Kevin dito.
"Talaga ba? Kumpara mo naman ako sa iyo saka mas masarap mahalin ang gago nagbabago eh ikaw na matino maaari pa maging loko-loko." Teka, mukhang mag-aaway itong dalawa sa harapan ko.
"Playboy is always a playboy walang magbabago roon." Parinig ko.
"Masarap kami magmahal." Depensa ng babaero.
"Kaya nga marami kang pinagsasabay na babae sa isang araw hahahaha."
"Ehem. Nandito pa po ako sa harapan ninyo baka puwede itigil ninyo ang walang kwentang usapan." Subo ko sa cake.
"Heto kasi..." Sumbong kung kanino ni Daryll.
"Ako na naman ba? Baka gusto mo hindi kita bigyan ng discount." Nanlaki mata ni Daryll matapos takutin.
"Heto naman hindi na mabiro."
Natitigan ko silang pareho. Oo nga malayong-malayo ugali nila. Kung si Daryll ay playboy walang nagtatagal na mga babae dahil papalit-palit, ito naman si Kevin stick to one lang pero bihira lang yata magkagusto dahil siya mismo umiiwas sa mga babae na may gusto sa kanya.
May pumitik sa tapat ng mukha ko upang magising ako sa pag-iisip.
"Kahit magkaiba kayo ng ugali ang importante may paninindigan." Nasabi ko matapos ubusin ang cake na nasa plato.
"Oh 'di ba?? Oh 'di ba??" Duduru-duro ni Kevin sa kaibigan.
"Tsk, whatever."
"Balita ko mga single pa raw kayo. So what happened?" Naiintriga ako sa totoo lang.
"Hinihintay kasi kita." Nasamid ako sa sinabi ni Daryll. Parang ganoon lang kadali para sa kanya ang lahat. Tsk, basta kapag babaero mabulaklak masyado ang sinasabi makuha lang ang gusto.
"Okay ka lang?" Abot ni Kevin sa juice.
"Salamat." Habang umiinom nakatitig lang ang dalawa sa akin. Sino ba hindi kakabahan may dalawang guwapo nakamasid sa iyo.
"How about Elaine. Kumusta siya, iyong anak at asawa niya?" Intersadong usisa sa akin ni Kevin.
"Wala na siyang asawa sumakabilang---" hindi natapos sinabi ko dahil sa pagsigaw ni Daryll.
"Buhay?! Oh my, Im sorry to her maaga pala naging balo ang kaibigan mong si Elaine."
"Hindi. Hindi iyon."
"Eh ano?"
"Sumakabilang bahay. Naghanap ng ibang putahe, walang paninindigan." naiinis kong paliwanag.
"Really? Ehem, someday hindi ko magagawa 'yan sa magiging asawa ko."
"Coming from you ha?" Nagsasalubong na kilay ni Kevin ng tingnan ang kaibigan.
"Talaga naman epal mo Kevin!"
Humalakhak lang ng tawa si Kevin ng makitang mapipikon na si Daryll. Hindi ko napigilan matawa sa kulit ng dalawa. Kung kasama ko lang sina Pir baka mas lalong masaya.
"Picture tayo?" Aya ko nang kunin ang cellphone.
"Say cheese!"
"Oppa!"
Matawa-tawa ako nang tingnan ko itsura namin sa screen ng cellphone. Medyo nanginig ang kamay ko nang may tumatawag sa pangalan ng kasama ko. Atomatikong nalaglag ang panga ko ng natatamaan ng sinag ng araw ang mukha niya. It can't be. Hindi ako maaari magkamali masyado pa yata mapapaaga na makita siya.

Book Comment (33)

  • avatar
    VargasRhea

    naiyak ako dun na namatay c princess😭 Alas dos naku nakatulog kagabi dahil umiyak ako haysst. Tapos kaninang Umaga pag gising ko umiiyak ako dahil napanaginipan ko Ang jowa ko na namatay 😭 ibang klasi Ang story mo. napaiyak mo ako Ng husto 🤩

    11/12/2021

      0
  • avatar
    Amakabogera

    Ito ung pagkatapos kang patawanin, paiiyakin ka naman ng husto! Minsan akla ntin siya na hindi pa pla huhuhu 😭😭😭 dahil may mas deserving pa pla. Ang buhay ay puno ng misteryo!

    10/12/2021

      0
  • avatar
    Ce Ci Le

    Naku author Dami ko gusto sabhin sayo. HAHAHA thnkyou Sa Napakagandang Story mo although inalis mo Agad Si Princess 😢 Sana Sya yong Bida Hanggang dulo pero maganda At maraming twist, naiyak, tumawa at naging Happy ako Dahil dto sa story mo. More story to Write author khit my mga part akong di nagets pero Ang ganda nakakarelate Sa True life ❤️

    10/12/2021

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters