logo
logo-text

Download this book within the app

I: 3

Sumunod na araw, patungo muling bukid ang apat kasama si Steffani para magtanim ng iba pang gulay. 
"Ano ba 'yan? Magtatanim na naman tayo?" Maktol ni Steffani.
"Malamang, inaani natin ang ibang gulay. Syempre kailangang palitan," singit naman ni Ken.
"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko. Paepal ka talaga palagi 'no? Ang hilig mong makisabat sa usapan. Buwisit na 'to," inis na sabi ni Steffani na mas binilisan pa ang paglalakad. 
"Well…ganoon talaga ako. Pinalaki akong epal sa buhay kaya masanay ka ng mainis. Asar talo ka pa naman kaya humanda kang ma-stress sa akin," sagot naman ni Ken sabay tawa.
Hindi na pinansin pa ni Steffani ang sinabi ni Ken at mas binilisan pa niya ang paglalakad. Mas lalo lang kasi siyang maiinis kapag pinansin niya pa ito.
"Baka madapa ka diyan o madulas," biglang sabi ni Zack. 
Tiningnan lang ni Steffani si Zack at nagpatuloy pa rin siya sa mabilis na paglalakad. Hanggang sa hindi niya napansing may tae ng aso sa kaniyang daraanan at natapakan niya ito.
"What the fuck! Ew! Kadiri!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Steffani nang matapakan niya ang tae ng aso.
Humagalpak naman ng tawa si Ken. "Ayan kasi! Masyadong mabilis maglakad eh hindi naman pala tumitingin sa dinadaanan!" Pang-aasar ni Ken sabay tawa ng malakas.
"Kadiri! Ang baho naman 'yan!" Dagdag pa ni Tim.
Akmang lalapit na sana si Zack para tulungan si Steffani pero nauna na si Mark.
"Akin na ang tsinelas mo," sabi ni Mark sa dalaga.
Kinuha niya ang tsinelas ni Steffani at saka ipinunas sa lupa ito. Natanggal naman ang tae doon at pagkatapos ay ibinigay na niya ito kay Steffani.
"Suotin mo na 'yan. Mamaya ka na maghugas kapag nakarating na tayo sa bukid. May poso doon para hugasan mo 'yang tsinelas pati paa mo," mahinanong sabi ni Mark sabay ngiti.
Malawak namang ngumiti si Steffani. "Thank you, Mark. Ang bait mo talaga," sabi ng dalaga at saka muli ng naglakad.
Asar na ngumisi naman si Zack sa gilid bago tuluyang naglakad. Nang makarating sila bukid, nagsimula na silang kumilos. Kahit nandidiri si Steffani, nagpatuloy pa rin siya sa pagbungkal ng lupa.
"Tim…bakit kaya parang hindi naman tumutubo ang tanim ko?" Malungkot na sabi ni Steffani.
Tiningnan ni Tim ang tanim ni Steffani. Ilang araw na ang lumipas, dapat sana ay may maliit na dahon na ang tumutubo pero wala pa rin.
"Baka naman mali ang ginawa mo?" sagot naman ni Tim.
"Ha? Hindi kaya. Sinunod ko nga ang lahat ng sinabi ninyo eh. Maingat pa nga ako habang nagbubungkal ng lupa. Baka ayaw sa akin ng mga gulay," nakangusong sabi ni Steffani.
"Baka kamo tanga ka lang magtanim," sabat ni Ken sa likuran nila.
"Aray!" daing ni Ken nang batuhin siya ng maliit na bato ni Steffani sa mukha.
"'Yan buti nga sa iyo. Hilig mo kasing mang-inis at makisabat!" Natatawang sabi ni Tim.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihan ako ng tanga. May alam ba ako sa pagtatanim ha? Dito lang ako nakasubok na magtanim tapos ganiyan pa ang sasabihin mo?" Inis na sabi ni Steffani sabay talikod.
Nagkatinginan naman ang magkapatid. "Yan kasi. Sumusobra na kasi ang sinasabi mo kay Steff!" bulyaw ni Tim kay Ken.
Lumapit naman si Ken kay Steffani. "Ito naman! Hindi na mabiro! Joke lang 'yon. Paningin nga ako ng tanim mo."
Itinulak siya ni Steffani. "Ewan ko sa iyo! Nakaka-high blood ka!" Gigil nitong sabi.
"Joke nga lang 'yon! Patingin nga kasi ng tanim mo." Sinilip ni Ken ang tanim niya.
"Diniligan mo ba ito ng katamtamang tubig?" tanong ni Ken.
Umiling si Steffani. "Hindi. Basta nilagay ko lang sa lupa."
Napakamot ng ulo si Ken. "Dapat diniligan mo ng kahit kaunting tubig. Tuyo ang lupa mo eh kaya ganiyan. Teka nga kukuha ako ng tubig."
Kumuha ng tubig si Ken sa poso. Habang si Mark naman ay nakatingin sa kanilang tatlo. Napangiti na lang siya dahil ilang araw pa lang nilang nakakasama si Steffani, medyo close na sila. Kahit madalas ay nagtataray si Steffani sa kanila. Habang si Zack naman ay pasimpleng sumusulyap kay Steffani. 
Nang matapos silang magtanim, naglatad ng dahon ng saging si Mark at saka doon inilagay ang kakainin nila.
"Hindi ba 'yan madumi? Bakit wala tayong dalang plato?" takang tanong ni Steffani.
"Masaya 'yan. Magkakamay tayong kakain kaya maghugas ka na ng kamay," sabi ni Tim sabay tayo.
"Ha? Magkakamay? Bakit magkakamay?" gulat na tanong naman ni Steffani sa sarili.
"Ang arte mo. Maghugas ka na lang ng kamay," biglang sabi ni Zack sa harapan niya.
Matalim na tinitigan ni Steffani si Zack. "Kausap ba kita? Bakit ka ba nakikisali? Epal," saad ni Steffani sabay tayo. Nagtungo na rin siya sa poso para maghugas ng kamay.
Nagsimula na silang kumain. Habang kumakain sila, nag-eenjoy na rin si Steffani. Naisip niya na masarap pa lang kumain ng nakakamay. Natatawa pa nga siya dahil sa mga jokes ni Ken. Napalunok naman si Zack nang makita si Steffani na tumawa. Mas lalo pala itong gumaganda kapag tumatawa.
"Ang corny mo naman!" bulyaw ni Steffani kay Ken.
"Corny? Pero tawa ka nang tawa? Ano ka? Abnormal?" Natatawang sabi ni Ken.
Ngumuso si Steffani sabay irap. "Joke lang! Hindi ka abnormal. Semi lang," sabi ni Ken sabay tawa.
Mahina naman siyang hinampas sa braso ni Steffani. Matapos nilang kumain ay tumambay muna sila saglit sa lilim ng isang malaking puno. Si Tim ay may sariling mundong nakikinig ng music habang si Zack naman ay nakaupo sa sanga ng puno ng mangga. Si Ken naman ay kausap ni Steffani habang si Mark naman ay nakatingin lang sa kanila.
"Ano 'yan? Grasshopper?" tanong ni Steffani sa insektong hawak ni Ken.
"Oo. At papatayin ko ito!"
"Ay huwag!" sigaw ni Steffani.
"At bakit naman? Eh trip ko siyang patayin eh," sabi ni Ken sabay tawa. 
"Ang sama mo naman! May buhay pa rin 'yan!" Maktol ni Steffani.
Tinawanan siya ni Ken. "Ay mabait ka pala?"
Inirapan siya ni Steffani. "Ewan ko sa iyo. Bahala ka sa buhay mo," sabi ni Steffani sabay tayo.
Napatingin siya sa puno ng mangga kung nasaan si Zack.  Naglakad siya palapit dito. Gusto niya kasing kumain ng mangga dahil ang tamis ng mangga nila dito.
"Zack…puwede mo ba akong ikuha ng mangga?" sabi ni Steffani sabay ngiti.
"Ayoko," mabilis na sagot ni Zack.
Umirap naman si Steffani. "Eh 'di huwag."
Naghanap ng panungkit si Steffani. At nang makakita siya ng mahabang kahoy, hinampas-hampas niya ang mangga.
"Ano ba 'yan! Ang hirap naman makakuha!" Inis na bulong ni Steffani sa sarili. Pinagpapawisan na siya kakahampas.
"Tanga kasi. Hinahampas ang mangga. Eh 'di nalamog na 'yan," biglang sabi ni Zack.
Matalim siyang tinitigan ni Steffani. "Eh pakialam mo ba?" sabi niya sabay irap. Nagpatuloy pa rin siya sa paghampas ng mangga.
Napailing na lang si Zack at saka tamad na tumayo. Napilitan siyang kumuha ng mangga dahil naaawa naman siya kay Steffani.
"Oh! Saluhin mo!" sabi niya kay Steffani sabay bato ng mangga.
"Teka lang!" sigaw ni Steffani kasabay ng pagsalo ng mangga.
Nasalo naman niya lahat. Ang problema na lang niya ay kung paano ito babalatan.
"Zack…wala pala akong pambalat. At saka hindi ako marunong magbalat," malungkot na sabi ni Steffani.
Inis namang napakamot sa ulo si Zack sabay baba mula sa puno. Kinuha niya ang mga manggang hawak ni Steffani at saka hinugasan muna ito. Pagkatapos ay nagbalat siya ng ilang piraso.
"Wow! Thank you! Maniba lahat! Ang sarap nito!" Masayang sabi ni Steffani.
Ilang saglit pang tinitigan ni Zack ang dalaga bago siya muling bumalik sa puno. Pasimple niyang sinusulyapan habang kumakain. Natawa na lang siya sa paraan ng paghawak nito sa mangga. Kahit kasi sa paghawak ay halatang maarte.

Book Comment (88)

  • avatar
    VillamorMarivel

    good

    08/07

      0
  • avatar
    Rosemarie Perez

    very nice po yung story...makaka kuha ka ng lesson

    09/05

      0
  • avatar
    Venernandy Ortega Andres

    what a good novel

    27/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters