logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

LIAM BENJAMIN
July 2, 2015...
"Ready ka na, 'nak?" Bungad sa akin ni Mom nang makarating ako sa living room, nagkalat pa ang iba namin na gamit.
My Mom and I just moved here since yesterday, that's why some of our things scattered all over the floor. Iyong iba pa nga ay nasa kahon pa at hindi pa nagalaw. Hindi pa namin 'to maaayos ngayon dahil may pasok sa work si Mom at ako naman ay first day of class sa bago kong school.
"Yes, Mom." Tanging sagot ko.
Ewan, wala ako sa mood pumasok ngayon. First day na first day pero hindi man lang ako na-e-excite. I don't know why? Maybe, dahil ayaw ko naman talaga mag-transfer ng school. I prefer my old school kahit na nandoon ang reason kung bakit nawawala ang mood ko sa araw-araw, but some shit happen to us that's why I don't have a choice but to transfer. Para na rin sa ikakatahimik ng buhay namin ni Mom.
"Really? Mukhang napilitan ka lang," Mom said looking at me with her usual sweet smile. "First day mo ngayon sa bago mong school dapat masaya ka, Benji."
May rason ba para magsaya ako?
There's no reason for me to be happy. Bukod sa mag-a-adjust na naman ako sa school na iyon, kailangan ko na naman mag-adapt ng environment na mayroon doon. I need to deal and socialize again for my new classmates and teachers, and... I hate doing that.
I'm not sociable, I hate to socialize, I hate talking to everyone, I hate attention, and most of all? I love being alone. That's me. In my previous school I am a nobody, and it is not a big deal. There's no problem if I don't have friends, bestfriends, or whatever names you call it. It's fine with me, super fine.
Inabot sa akin ni Mom ang lunch box na hawak niya. Tinignan ko ang laman nito, tuna sandwich, apple and carton milk ang laman nito. May note rin na inilagay si Mom telling "GOOD LUCK ON YOUR FIRST DAY :)".
I looked at her awkwardly because.. it feels cringy. Don't get me wrong, I don't have a problem if she doing this for me because I know how much time and effort she spent for doing my lunch. She just doing this because I'm his son, and she loves me that much.
But I'm not a kid anymore, I am 16 now. I'm on the right age to do my stuffs and I can do crimes if I want to. I can manage myself, I have allowance too to feed myself. I don't want to bother her because she has a lot of things to worry about especially at her work.
My Mom is a Pediatric Surgeon at lagi siyang naka-duty, kaya palagi siyang pagod at ayoko na makadagdag pa sa reasons ng pagkapagod niya.
"Lunch box? Really?" I said and she just laugh at my reaction. "Mom, you know how much I like sandwich but seriously? Bakit kailangan naka-lunch box pa?"
She sighed before she talk, "nilabas ko sa box 'yong iba nating mga gamit 'tapos nakita ko iyang lunch box mo before. I just miss the old times, 'nak. Iyong ginagawan ko kayo ng baon tuwing papasok."
Okay? Na-guilty tuloy ako sa inakto ko. I remember it too, those old times na hindi pa magulo.
"I miss it too, Mom," I said with a weak smile on my lips. I walk towards her and give her a hug
I know how much she miss it. Those time that we were happy together with my brother. Umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya at nagpaalam ng papasok. "I need to go, Mom. Baka ma-late ako, ayoko mapatayo maghapon sa first day ko."
"Gusto mo ba ihatid kita?" She asked but I declined to her offer because as I said earlier, I'm a grown up man now. "Sigurado ka, 'nak? Ayaw mo ma-late hindi ba?"
"I'm so sure, Mom," I proudly said. "Mag breakfast ka bago pumunta ng hospital."
Hindi kasi siya nakakapag-almusal minsan dahil palagi na lang may emergency sa work niya. That's why I dont want to bug her just to prepare everything for me, iyong sarili niya hindi na niya maalagaan ng maayos 'tapos ay daragdag pa ako sa intindihin niya.
I kissed her on the cheek before I left, "bye, Mom!"
"Take care, Benji! Enjoy your first day. Kung may magugustuhan ka kaagad sa mga girl classmates mo, don't forget to tell me right away, okay?" Pahabol niyang bilin bago ako tuluyan makalabas ng pinto.
Magugustohan? As if, psh. Crush nga hindi ako nagkakaroon, magugustohan pa kaya? I just ignored what she said and I finally left.
I arrived at my new school right away. Hindi naman gano'n kalayuan ang school na ito, siguro mga limang kanto mula sa bahay namin ang pagitan bago makarating dito. Sumakay na ako ng trisikel papunta kasi nga ayoko ma-late, pero pupwede rin naman 'to lakarin. Parang walking distance nga lang, eh.
Pagkababa ko ng trisikel ay inabot ko ang pamasahe kay manong diver at agad na naglakad palapit sa gate ng school. Pero hindi muna ako pumasok sa gate dahil ang dami pang mga estudyante na nagsisipasukan. Ayoko makisabay sa kanila, hindi sa nag-iinarte ako at ayaw ko madikitan. Ayoko lang talaga sumabay, wala lang... I just want to walk alone. Ganito rin ako sa dati kong school. Hinahayaan ko muna makapasok ang lahat bago ako pumasok.
When I saw only a few students were coming in ay pumasok na rin ako. Medyo maganda naman ang school na 'to. Parang katulad lang din sa old school ko. Maraming buildings, may soccer field, garden, gym, laboratories, etc.
Yeah, wala naman ganoon kapansin-pansin na bagay dito na mapapa "wow" ka. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil pakiramdam ko ay marami ng mata ang nakatingin sa akin, or is it just my hallucinations?
Whatever. I need to hurry because I still don't know where my room is. Ang alam ko lang ay ang room number ko, hindi ko alam kung saan na building matatagpuan iyon.
Nakakainis.
Ito ang ayaw ko kaya mas gusto ko na huwag na mag-transfer. Papahirapan ko pa ang sarili ko maghanap ng room ngayon eh, kung hindi ako lumipat ng school, eh 'di sana nakapasok na ako sa room ngayon at tahimik na nagbabasa ng libro.
Nilabas ko ang registration form ko sa bag at tinignan ko kung saan na building matatagpuan ang room ko.
"Galileo Bldg., Rm. 501, Class 4-A."
Mukhang pinangalan pa sa mga greatest scientist ang mga building dito. Hmm, I like it tho.
Hinanap ko ang building na iyon at hindi naman ako nahirapan dahil agad ko itong nakita. I check my registration form again para i-double check ang section ko. Sinimulan kong tignan ang mga room number, I started on first floor at walang Rm. 501 akong nakita. Hindi ako nagsayang ng oras at dumiretso ako sa second floor pero wala pa rin. Hanggang makarating ako ng third and fourth floor eh, wala pa rin Rm. 501.
Grabe. Ang ganda agad ng bungad ng first day ko. Pahirapan maghanap ng room. Kahit nakakahingal ang pag-akyat sa hagdan ay nagpatuloy ako sa next floor, and finally last floor na 'to. Damn! Kapag hindi ko pa mahanap dito ang room na 'yon, uuwi na lang ako and I will tell mom na wala ako sa list of students kaya ibalik niya na lang ako sa old school ko. Kaysa naman pahirapan ko pa ang sarili ko rito kakahanap ng room!
I started to find my room again and I check every room numbers on rooms I passed. Nasa pang-apat na ako na room pero Rm. 503 ang nakalagay. Tinignan ko muli iyong unang room na dinaanan ko. Rm. 506 ang nakalagay. Mukhang pabaliktad yata ang bilang ng mga room dito, kasi from right side eh, 506 ang start ng room at ganoon din ang nakita ko sa ibang floor na nadaanan ko. Bwiset, sino ba ang gumawa ng building na 'to at bakit ganito ang pagkakalagay sa mga room numbers?
Sa sobrang badtrip ko ay napahawak ako sa sintido ko. Ang stupid ng taong naglagay ng room numbers na pabaliktad. Hindi ba siya naturuan ng proper counting of numbers? 6 rooms lang naman per floor kaya bakit hindi niya nagawa ng tama ang trabaho niya?
Tinigil ko na ang pag-ra-rant sa isip ko, I realized that I was stupid too. Kanina ko pa nakikita na 06 ang nauuna sa mga room numbers at hindi ko kaagad naisip 'yon. You're a hundred percent dumbfuck, Liam.
                                        -AndyThoughts-

Book Comment (88)

  • avatar
    Wayne Jhastine

    goods

    24d

      0
  • avatar
    Carlzoren Pantaleon

    so good

    13/08

      0
  • avatar
    CapangpanganAnagen

    nice

    06/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters