logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

LIAM BENJAMIN
Tuluyan na kaming lumabas ni Wendy ng kwarto at naiwan naman si Martin sa loob. Pinapanindigan niya talaga ang boyfriend duties niya, tss. Habang naglalakad kami palabas ng hospital ay biglang tumigil si Wendy sa paglalakad. Tinignan ko siya, diretso lang ang tinigin nito sa daan.
"Bakit ka huminto? May nakalimutan ka ba sa loob?"
"Tanging pag-iyak na lang ba talaga ang gagawin mo, Liam?"
"Huh?"
"Hahayaan mo na lang ba na maagaw ang dapat sa 'yo?"
Nauunawaan ko ang gusto niyang iparating sa 'kin, pero ano ba'ng laban ko? Nabakuran na ng iba ang matagal kong inalagaan at minahal. At bakit niya ba ino-open 'yan? Hindi ba "girlfriend" ko siya? Ano na naman kaya ang nakain nito at kung ano-ano na lang ang pinagtatanong niya?
Pinakatitigan ko lang siya, ayoko sagutin ang tanong niya dahil kahit nasasaktan ako, pinipilit ko na tanggapin na hindi ako worth it para sa babaeng gusto ko at kahit kailan, hindi magiging kami sa huli.
Hinarap niya ako at seryoso akong tinitigan, "I'll help you."
What? Tutulungan niya ako saan? Bakit niya ako tutulungan?
Buong pagtataka ko siyang tinignan. "Baliw ka ba? Anong tutulungan ang pinagsasabi mo?"
Mas naging seryoso ang mukha niya. "Hindi ako baliw, Liam. Kung may baliw rito, it is you."
Bakit ako? Dahil ba umiiyak na lang ako bigla? Oo nga naman. Sino ba iyong bigla na lang iiyak nang walang dahilan?
"You're crazy because you just letting her not to remember you."
Bigla akong natigalan sa sinabi niya. Totoong hinahayaan ko na hindi ako maalala ng babaeng mahal ko dahil nandiyan naman si Martin. Si Martin ang alam niyang kasa-kasama niya simula pa umpisa at ako? Ako ang extra.
"Iyong iniyak-iyak mo kung sana gumagawa ka ng paraan para maalala ka niya, eh 'di sana happy together na kayo at hindi nagmumukhang kinagat ng ipis 'yang mata mo kakaiyak diyan!" Bulyaw niya. Halata sa mukha nito ang inis at panghihinayang.
"Bakit pa? Hindi na nga niya ako maalala, anong gagawin ko? At saka... Nandiyan naman si Martin, hindi niya naman siguro papabayaan si Erie," pagdadahilan ko at napayuko na lang, dahil totoo na wala na akong magagawa—
"Aw! Ano ba?!" Bigla na lang niya ako kinotongan ng pagkalakas-lakas. Ano ba'ng problema niya at nananakit na lang bigla!?
"Napakawalang kuwenta ng excuse mo, Liam. You know that you can do something, you just scared to make a move."
May magagawa pa nga ba ako? Baka nga mayroon, natatakot lang ako gumawa ng paraan dahil walang kasiguraduhan kung maaalala niya pa ako, at si Martin? Alam kong gagawin niya ang lahat para hindi na ako maalala ni Erie.
Napabuntong-hininga na lang ako sa mga naiisip ko. Hindi ko alam kung lalaban ako o hahayaan ko na lang sila na maging masaya.
Muli akong hinampas ni Wendy sa braso, mahina na lang this time. "Huwag ka na nga magmuni-muni, Liam! Tanggapin mo na lang 'yong ino-offer ko na tulong."
I looked at her with skepticism. Even though I was hesitated about what this midget was planning, I still asked what help she would do. Maybe there's nothing wrong if I lift my hopes again, right?
"Anong tulong ba ang sinasabi mo?"
"I will help you with her to remember you... And to win her this time," she smiled and gives me a look that it's not too late for me to fight for my love.
Hindi ako agad nakasagot sa ino-offer niya, dahil natatakot ako. I want her to remember me and not to forget our good memories, but how? If she doesn't seem want to remember me, and as if she has never been with me for a long time.
How do I say that? Because I saw it in her eyes since the accident happen. Pakiramdam ko ay napakalayo na niya sa akin, lalo na at mayroon ng Martin sa buhay niya. Paano ako lalaban pa?
"So, will you accept my help? Or not?"
Tatanggapin ko ba? Kakayanin ko bang makita si Erie na masaya sa iba habang buhay? Kaya ko bang kalimutan ang pangako ko sa kanya... our promise to each other. Sandali akong natigilan sa mga iniisip dahil may naalala ako.
I suddenly remembered my promise to her years ago. Yes that's it. Why did I forget that?!
Iyong pangako ko sa kanya na hahawakan ko ang mga kamay niya kahit dumating na ang araw ng pagputi ng mga buhok namin. And she said... She promised that she will never leave me. We will never let go of each other even we are walking in different paths...
At kahit hindi man kami magkatuluyan ay hindi namin kakalimutan ang isa't isa.
Yes... That pinky promise we made!
Biglang sumiklab ang pag-asa sa loob ko at hindi mali ang kutob kong may paraan pa. At mali ang tadhana na huli na ang lahat para maamin ko ang totoo kong nararamdaman para kay Erie.
"Heeeeey, Liam? What? Hanggang kailan ka mag-de-decide? Kapag kasal na silang dalawa?" Wendy said with a bored tone in her voice.
No way! Hindi ako papayag na maikasal si Erie sa lalaking iyon. Kahit kanino na maitali si Erie, huwag lang sa lalaking iyon! But it would be better if I'm the one who's going to be her groom, right?
I wiped the remaining tears from my eyes and looked at her full of determination. I smile and said, "yes. Please help me."
-AndyThoughts-

Book Comment (88)

  • avatar
    Wayne Jhastine

    goods

    24d

      0
  • avatar
    Carlzoren Pantaleon

    so good

    13/08

      0
  • avatar
    CapangpanganAnagen

    nice

    06/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters