logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

LIAM BENJAMIN
Ang tingin na iyon ni Erie ay hindi rin nagtagal. Naging maamo ang mukha niya at nginitian ako, ang mga ngiting iyan. Sa akin mo lang dapat iyan pinapakita pero dahil napakaestupido ko ay hinayaan ko na iba ang nakikinabang. "Oo naman. Wala naman problema sa 'kin kung hindi kayo makakadalaw palagi 'tsaka, balita ko final exam this week? Dapat nga mas focus kayo roon."
Exam week na rin pala. Hindi ko man lang namalayan. Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko dahil kay Erie lang nakatuon ang atensyon ko simula ng mangyari ang hindi ko pinakaaasahan na bagay.
"At saka palagi mo naman ako dinadalaw, Liam. Dinaig mo pa ang boyfriend ko sa pagbisita sa'kin hahaha." Pagpapatuloy niya.
I feel the throbbing pain in my heart. Hindi ko kayang tanggapin ng pandinig ko na sa first name niya lang ako tinatawag. I really miss her endearment for me. I miss those time when she calls me "my Benjamin"...
"Mas gusto kitang bantayan kaysa mag-review." Yes, it's true.
Totoong mas gusto ko siya makasama rito sa hospital araw-araw kaysa pagtuonan ko ng pansin ang academics ko. Kahit bumagsak na ko sa mga subjects ko okay lang. Wala na akong pakialam kung hindi na ako makagraduate this year, basta nakikita at naaalagaan ko siya palagi 'tsaka... "Ako naman dapat talaga ang nag-aalaga sa 'yo ngayon, hindi siya."
Biglang huminto sa pagtawa si Erie. Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda? At saka bakit hindi na lalong maipinta ang mukha ni Martin?
Wala naman masama kung mas gusto ko bantayan si Erie, wala naman problema ro'n, ah? Best friend niya ako kaya walang malisya sa bagay na 'yon. Kung umasta naman ang epal na 'to akala mo'y boyfriend talaga siya ni Erie. Mapagpanggap.
"A-anong ikaw naman dapat talaga ang nag-aalaga sa akin at hindi siya? Sinong siya ang tinutukoy mo, Liam?" Tanong ni Erie na puno ng pagtatakha.
May sinabi ba akong gano'n? Sandali, nasabi ko ba talaga ang iniisip ko lang?
"May lakas ka pa talaga ng loob sabihin 'yan sa kabila ng ginawa mo sa kanya?" Sabat ni Martin na ngayon ay pinanlilisikan ako ng tingin.
I have no idea in the words that came out of my mouth why Martin's face can't be painted, but I'm happy with the expression he shows.
"Martin!" Pigil ni Wendy rito dahil panigurado magkakasagutan na naman kaming dalawa, or worse, magkapisikalan kami rito.
"Bakit Wendy? That's the truth, right? Hindi naman maco-confine si Aerielle kung hindi naman dahil sa BOYFRIEND mo?" He said while giving me a death glare.
Aba, in-emphasize pa talaga ang boyfriend? Sinasabi niya ba na wala akong karapatan mag-alala kay Erie dahil may girlfriend na ako? Is he insane? Mag-aalala ako kay Erie sa ayaw at sa gusto niya. May girlfriend man ako o wala. That girl he's claiming his is my special person. Wala siyang magagawa kung mag-alala ako sa kaibigan ko.
Natahimik saglit si Wendy sa mga nasabi ni Martin, "please Martin... not here." Iyon na lamang ang naisagot niya dahil ayaw ni Wendy na magkasagutan kami nitong pinaka hambog na humihinga sa ibabaw ng lupa.
"Ikaw? Mag-aalaga sa kanya? Huwag mo 'ko patawanin, nerdy boy." Nang-uuyam ang tono niya. Pinakatitigan niya ako at sa mga tingin niyang iyon ay gusto niyang ipamukha sa akin na wala akong karapatan kay Erie.
Oo alam ko iyon, hindi niya kailangan ipangalandakan sa mukha ko na wala na akong karapatan at kasalanan ko iyon. Pero iyong bagay na maalagaan ko si Erie? Iyon na nga lang ang magagawa ko para sa babaeng mahal ko, ipagkakait niya pa? Nasa kanya na si Erie. Siya na ang kinikilala nitonh boyfriend, kaya ano pa ang pinuputok ng butse niya?
"Kaibigan ako ni Erie kaya walang mali kung gagawin ko ang bagay na iyon." Lalo siyang nanggalaiti sa sinabi ko, nagtangis ang panga niya at lalong nanlisik ang mga mata niyang sobrang tutok sa 'kin.
Iyong tipo ng titig niya ay na akong sakalin hanggang sa maging kulay violet na 'ko. Hindi ako nagpatinag at sinabayan ko rin ang nanlilisik niyang mata dahil bakit ako matatakot sa kanya? Sino ba siya? Extra lang naman siya rito. Kung hindi rin naman siya umeksena sa amin ni Erie ay hindi aabot sa ganito ang lahat.
"Hindi mo na kailangan mag-abala dahil nandito naman akong boyfriend niya. Kung pag-aalaga lang ang usapan, kaya kong gawin iyon. Higit pa sa kaya mong gawin. At isa pa," he suddenly cuts what he's trying to utter and he gives me a devilish smirk. "Ang ironic naman kung ang mag-aalaga sa girlfriend ko ang cause ng accident niya?"
I was suddenly stunned by what he spilled. My guilt and conscience slowly consuming me again.
Yes, he's right. It's ironic because... I'm the reason for her accident and I have the guts to show my face in front of her?
Bakit nga ba kasi ako nagpupunta pa rito? Sa tuwing dumadalaw lang naman ako ay walang oras na hindi pinapamukha sa akin ni Martin na ako ang puno't dulo ng lahat. Well in fact, he is right.
Ako lang naman ang nagpipilit na ayusin ang lahat kahit alam ko na malabo pa sa tubig kanal ang chance na maayos ko pa ang mga gulong nangyari.
"G-guys? anong pinag-uusapan niyo?" Punong pagtatakha ni Erie. "Nag-aaway ba kayo?" Sasagot pa sana si Martin nang biglang tumayo si Wendy at hinatak ako patayo sa kinauupuan ko.
"I think we should go, may tatapusin pa kasi akong assignment and tutulungan ako ni Liam. Right, Liam?" Paalam niya at tinignan ako na para bang um-oo na lang ako sa sinabi niya. "And about the plan for your birthday Aerielle, maybe we can continue it on my next visit?"
"Ah... Gano'n ba?" Nalungkot si Erie sa biglaang pagpaalam ni Wendy. "Sayang gusto ko pa sana kayo kakwentuhan."
Me too, Erie. I badly want to talk with you, like we used before.
"Pero ayos lang basta balik kayo dito ah, mga bukas agad," she genuinely smiled.
Kahit ayaw ko pa umalis ay wala rin naman akong magawa dahil ayoko na makita ni Erie na nagtatalo kami ni Martin. Hindi iyon maganda lalo na sa kondisyon niya ngayon.
"Of course, no problem. Pagbalik ko ishe-share ko sa 'yo ang lahat ng ideas ko para sa birthday party mo," pilit kong ngiti sa kanya, tumango siya at nginitian din ako pabalik. Hinihintay ko na may sabihin pa siya pero tanging ngiti lang talaga ang tugon niya. Ang sakit.
-AndyThoughts-

Book Comment (88)

  • avatar
    Wayne Jhastine

    goods

    24d

      0
  • avatar
    Carlzoren Pantaleon

    so good

    13/08

      0
  • avatar
    CapangpanganAnagen

    nice

    06/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters