logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER FOUR

KIERA IMMEDIATELY went back to her room after what happened. She was spacing out. Her mind was still wandering very far. In that dark side of the library, her eyes widely open, she realized she just kissed her professor!
Damn!
Kasalukuyang nakaupo siya at hindi niya man lamang matapunan ng tingin ang harapan.
Ramdam niya, pinapanood siya nito. Kung hindi ba naman kasi siya isang damukal na gaga! Bakit ba niya hinayaan iyon?
Nabigla din naman siya sa nangyari at pilit niyang isinusuksok sa kaniyang isipan na isang defense mechanism lamang ang ginawa niya dito kanina.
Masyado siyang kinabahan at nataranta kaya nauwi sila sa ganoong sitwasyon.
As she stared blankly at the window beside her, she closed her eyes, making those memories came rushing down in her head...
With her eyes still shocked, Kiera stiffened. She couldn't process anything! What she knew was that she was being kissed-kissed by this handsome man in front of her-definitely his professor. His lips being pressed onto her luscious lips and his tongue seeking for entrance. It made her felt so weak that her knees wobbled. She didn't move. She just stayed there. Still thinking of what to do next.
She didn't know how to respond.
Shit! This is your professor! This is not right!
Dahil sa kahihiyan at wala sa tamang proseso ang kaniyang utak, malakas niya itong sinampal na nagpahuma sa kanila pareho.
"What the fuck? What was that for?" he said as he gritted his teeth and slowly touched his face.
She didn't answer him. Wala siyang lakas ng loob para doon. Hindi niya din maintindihan ang sarili niya. Gulong-gulo ang isip niya.
Malakas ang tibok ng kaniyang puso. Tumatahip ang dibdib niya, taas-baba, taas-baba.
Kiera also felt disappointed with herself, too. Ang katotohanang guro niya ito ay umuukilkil sa kaniyang isip. Hindi niya maiwasang manlumo.
Ano na lamang ang iisipin nito sa kaniya? Na isa siyang kaladkaring babae at madaling makuha?
Parang bigla ay gusto niyang umiyak na lang. Naninikip ang dibdib niya. Masakit ang katotohanang iyon.
At por pabor, kababae niyang tao, estudyante siya at pagkatapos hinayaan niyang maganito siya?
She was shocked alright. She bit her lower lip and hurriedly went out of the library. Ang hawak na libro ay muntikan pa niyang mailabas kung hindi lamang siya napigilan ng librarian na nandoon.
Hindi niya ito nilingon. Nagtatalo ang isip at puso niya.
Nagustuhan mo naman ang halik hindi ba? Hindi ka lamang marunong kaya ka ganyan...
Inis siyang nagpapadyak at napasabunot pa siya sa kaniyang buhok. Hindi niya alam kung kakampi pa ba niya ang konsensya o kampi na ito sa binata.
Agad niyang nilubayan ang library. Ipinagdarasal na lamang niya na sana ay matapos na ang araw na ito.
Mariin pa din ang pagkakapikit niya sa mga mata. Nang magmulat siya, panay lamang siya buntong-hininga.
Sana naman ay mapatawad siya nito. She slapped him hard because that's what her instinct says. It was like its telling her to avoid the predator. And being his prey, she should stay away from him as soon possible, as soon as she could still walk away from him.
Hanggang ngayon nga ay kita niya mula sa malayo ang namumulang kanang pisngi ng binata na siya ang may kagagawan. Aminado naman siya at hindi niya iyon para itanggi pa. Ginawa niya lamang ang sa tingin niya ay magpapabuwag sa kanilang magkahinang na mga labi.
Mabuti na lamang at hindi siya nito ginantihan dahil sa paglapat ng kamay niya sa pisngi nito.
Who knows? Maybe she crossed her boundary.
Pero naiisip pa din naman niya na tama lamang iyon dahil kung hindi niya ito sinampal, kung hindi niya ginawa ang bagay na ginawa na niya, ano na kayang posibleng nangyari? At hindi naman siguro masama dahil ito ang nauna.
Katunayan nga, mas kasalanan nito dahil ito ang nanghalik. Ang problema lamang ay nagustuhan niya iyon. Kaya nga hindi na niya ito kinompronta ng halos magkasunod lang silang pumasok sa silid.
May isa pa talagang problema na nahihiya siyang aminin.
It was her first kiss! Damn! And it was being stolen from her by his, oh well, his eye-catcher and pretty damn good kisser professor.
She didn't know how to kiss him back. That's why she looked like a statue. She was stucked and she couldn't do anything.
Umangat naman ang kanang kamay niya at dahan-dahang hinaplos ang mga labi ng sariling mga daliri.
Ramdam pa din niya kung paanong ang malalambot na labi nito ay lumapat sa mga labi niya.
Nakakadarang iyon kaya nga hindi agad siya nakahuma. Kung hindi niya pa naisip na propesor niya ang kahalikan, baka kung saan pa iyon umabot. At ayaw na niyang isipin pa kung saan iyon patutungo kung sakali.
Unang araw pa lamang at ganito na siya, ang nangyayari. Paano pa sa mga susunod pang mga araw?
She was sure as hell that this would never be easy anymore.
Isipin pa lamang niya na nakahalikan niya ito, kahit sandali lamang, malaki pa din ang epekto nito sa kaniya.
Anong mukha na lamang ba ang ihaharap niya dito? Tulad na lamang ngayon, hindi niya ito matapunan ng tingin o ni sulyap man lang.
Nakakaimbyerna!
She felt so frustrated but at the same time, her heart felt like she was floating on cloud nine when she knew the fact that they kissed.
Hindi naman siya hunghang para hindi malaman kung ano ang nararamdaman. Ito kasi ang kauna-unahang lalaking nakakuha ng atensyon niya. Ang masama lamang sa bagay na iyon ay guro niya ito. Hindi pwede ang anumang relasyon na may namamagitan sa kanila bukod sa teacher-student relationship na dapat ay hanggang doon lang hangga't maaari. Dapat na hindi na sila sumobra pa sa bagay na iyon.
Kiera was attracted to him. Right. Pero siguro naman maiiwasan pa iyon. Hindi kasi pwede na magpatuloy ang kung anumang nararamdaman niya para dito. At attracted lang naman siya, hindi iyon masyadong malalim.
Kailangan niyang magpokus sa pag-aaral niya. Kaya niya iyon.
Dahan-dahan niyang ipinasada ang tingin sa harap kung saan nakaupo ang binata.
She caught her breathe when she finally met those eyes. His deep blue eyes screamed of different emotions she couldn't name at all.
Their eyes were lock in a staring contest. She gulped and blinked enumerable times. Her heart's beating erratically.
Kiera saw how his jaw tightened. Unconsciously, she bit her lower lip even more. She couldn't take the pressure of those eyes of his.
Gusto niyang itago ang sarili mula dito. Ayaw na niyang makita itong matiim ang titig sa kaniya. Wala iyong maidudulot na mabuti.
It seemed like as he looked at her, his deep blue eyes were saying something. Like it was delivering a message that she didn't know the content.
Lalo pang lumukso ang dibdib niya ng makita niyang hindi na ito sa mga mata niya nakatingin kundi sa mga labi niyang kasalukuyan niyang kagat-kagat.
Hindi ito pwede, hindi ito tama!
Kiera started to think of ways on how to avoid him. Pero hindi talaga niya ito maiiwasan. Being his student made it worst. Mabuti sana kung hindi niya ito makikita araw-araw ngunit kabaligtaran naman ang mangyayari.
She was a hopeless case...
She sucked her own breathe. She averted his gaze on him and wished the time would fly so fast so that she could leave this room.
Inabala na lamang niya ang sarili sa pagbuklat ng kaniyang planner at naglista ng kung ano-ano.
Akala ni Kiera ay abala na din ang kaharap ng sulyapan niya ito ngunit hindi pa din pala. Nakatingin pa din ito sa kaniya, pinapanood ang bawat galaw niya.
Pero kahit magkaganoon man, hindi siya makaramdam ng pagkaasiwa. Siguro marahil ay gusto niya ang paraan ng pagtingin nito. Hindi niya maarok, hindi niya mabasa.
Inalis niya ang tingin dito at wala sa sariling umayos na lamang ng upo.
She just waited him to looked away from her. Nangyari naman iyon, medyo natagalan nga lang, pero nangyari pa rin.
Sinimulan na kasi nitong basahin ang mga essay na pinasa nila kanina habang punong-puno ng awtoridad na nakaupo ito sa harap.
Tahimik ang buong klase ng biglang tumunog ang telepono nito.
Napakunot-noo naman ang binata. Siya man na abala sa pag-aayos ng kaniyang planner ay napaangat ng tingin dito.
Nang makita ang caller ID ay walang ano-ano ay pinatay nito ang tawag. Lalo lamang siyang nagtaka. Sino ba ang tumatawag?
Tumunog ulit ito at pumailanlang ang pamilyar na ringtone ng iPhone nito. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi nito muling sinagot ang tawag.
Itinigil na niya ang pagsusulat at tiningnan ito ng mataman. Mukhang hindi nito ramdam ang nanunuot niyang mga titig. Mabuti na din iyon para hindi siya ang nagbababa ng tingin sa kanilang dalawa.
His phone rang for the third time but as usual, he declined the incoming call.
Pati siya ay naiirita na sa ginagawa nito. Hindi ba nito alam na nakakadistract sa klase ang ginagawa nito?
And when his phone rang for the fourth time, he irritatedly grabbed his phone on its first ring.
Sasagutin din naman pala, may pa-decline decline pang nalalaman.
"What?" He stated in a deep and cold voice. Kahit siya ay nanlamig sa boses nito. Sino ba ang kausap nito?
Nakita ni Kiera kung paanong nag-iba ang hitsura nito. Lalo lamang naging madilim ang anyo nito at wala itong pakialam sa paligid nila.
Kung sinuman ang kausap nito, nasisiguro niyang inis doon ang binata. Halata naman kasi sa reaksyon nito.
Nang hindi makatiis ay tumayo ito sa kinauupuan at lumabas ng klase nila.
Pero dahil nasa may bintana siya, rinig na rinig niya ito.
"We're done, Del." He paused. "Leave me alone, Delilah. Ano ba? Hindi pa ba malinaw sa iyo? Yeah, whatever. Do what you want. Bye."
Delilah? Sino si Delilah?
Maybe his girlfriend...
Or maybe his ex?
Bakit ba naiinis siya? Wala naman siyang dapat na ikainis. Kanina lamang at may co-teacher na nang-haharass dito at ngayon may Delilah pa? Hindi niya tuloy maiwasang isiping babaero ito o kaya ay habulin lang talaga ng babae.
At isa ka na do'n...
Agad naman siyang napasimangot sa isiping iyon.
Maya-maya ay pumasok na ito sa kanilang silid at tumayo sa harap.
Kiera saw him sighed deeply.
Sir Esaiah cleared his throat first.
"Class, I'm sorry for hearing me cursed at you but I am never sorry for protecting you from harm." He glanced at her for a minute and then pulled away.
Siya ba ang pinapatungkulan nito? Hindi niya sigurado. Ayaw na niyang mag-isip pa. Masyadong nakakapagod.
Pangako niya sa sarili, pag-uwing pag-uwi niya, kakalimutan niya ang lahat ng nangyari ngayon at magsisimula ng panibago muli. At sisimulan niya iyon bukas na bukas, pagpasok niya sa unibersidad.
Mula sa kaniyang upuan ay tiningnan niya itong muli. Lumingon ito sa relong suot.
"It's almost time. You can now go to your next class." He smiled to everyone. That smile that you can't resist. What the hell is she thinking, really? "Class dismissed."
She literally grabbed all her belongings and exited the room first to everyone even if she's in the last row.
Nagmamadali niyang nilisan ang silid na iyon. Kahit na hindi niya alam kung saan ang sunod niyang klase, wala siyang pakialam.
Ang mahalaga, wala na siya doon. Kahit papaano ay makakahinga na siya ng maluwag.
_notborntoimpress©

Book Comment (7)

  • avatar
    i******a@yahoo.com

    pa update po please🙏🙏🙏

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Jessiriemay Denoy

    nice

    01/08/2023

      0
  • avatar
    Isabella katayama

    Very good, but not entirely translated

    10/12/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters