logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

Mica's Point of View
Papunta na kami sa bahay nila JP. Grabe talaga si Eomma. Alam ninyo ba kung ano pinasuot sa 'kin? Casual dress, hays! Tssk. Tapos nilagyan pa ako ni Eomma ng konting make up sa mukha.
"Teka, paano mo pala nalaman ang bahay namin?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Ahh, dati kasi nakita kitang naglalakad papunta sa bahay ninyo," pahayag niya.
"Ahh, ok. Stalker lang?" sabi ko.
"Hindi. Nagkataon lang talaga na nakita kitang pauwi habang ako ay nasa kotse," paliwanag niya.
"Ahh, okay."
"Sabi ni Tita kanina, dati ka palang sumasali sa pageant, so ibig sabihin sanay ka ng magsuot ng matataas ang takong," sambit niya.
"Oo, hmm... pero hindi ko alam kung sanay pa ako ngayon," sagot ko.
"Malalaman natin 'yan mamaya 'pag nakita na kitang nagsuot ng stilettos, hindi pa kasi kita nakitang nagsuot ng mataas ang heels," he said.
"Pasensya ka na. Ayoko ko kasi magsuot ng mga gano'n. Ok na ako sa parang pang-grim reaper kong ayos. Nakatabi nga lang lahat ng mga damit kong pang-girly masyado tapos ang dami ko ding stilettos sa bahay, sayang nga, eh. Si Appa at Eomma kasi lagi ako binibilhan ng mga gano'n tapos hindi ko naman bet gamitin kasi hindi ako komportable," kuwento ko, then I smiled at him.
"Ahh, iba din ang trip mo! Hahaha. Grim Reaper Style," pang-aasar niya.
"Hehe. Ok lang, maganda naman ako," biro ko sa kaniya.
After 20 minutes...
"Andito na tayo," sabi ni JP. Bumaba na siya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Gentleman, huh.
"Salamat pero sabi ko sa 'yong ako na lang, eh," pakli ko. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, "Ang laki-laki naman bahay ninyo," sabi ko. As in! Super laki talaga ng bahay nila. Parang hindi na nga matatawag na bahay 'to, dahil sa sobrang kalakihan. Mansion na yata ito, eh.
"Hmm. Pasok na tayo. Diretso tayo sa roof top kasi nando'n si Shania," he said.
"Sige. Excited na akong ma-meet siya," sabi ko, then sumunod na ako sa kaniya.
After 2 minutes...
"We're here!" sabi ni JP, pero ba't kaya nandito si Ji Seung Ho?
Grabe! Ang ganda-ganda ni Shania. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, hays! She's perfect! Dati sa magazine ko lang siya nakikita, sa tv, at sa social media, ngayon in person na.
"Shaniaaa!!" sigaw ko, bigla akong lumapit sa kanya, then she smiled at me.
"Hi! Mica Gonzales, right? Ang ganda mo pala at ang tangkad mo rin," sabi niya, then nagbeso-beso pa kami. Hindi naman pala siya maarte.
"Ye... yes po," kandautal kong tugon. "Ang ganda mo po, grabe!" sabi ko.
"Thank you, ikaw nga rin, eh. Shall we start?" tanong niya sa 'kin.
Nginitian ko siya at tumango ako bilang tugon. Nakita kong kinuha niya ang stilettos at iniabot sa 'kin. "Wear this one, six inches lang iyan," pakli niya.
"Siya nga pala, bakit nandito ka, Ji Seung?" baling ko sa kanya, habang isinusuot ko ang stilettos.
"Ahh. Pi-picture-an ko kayo ni Shania, while tinuturuan ka niya," sabi niya. Pero bakit kailangan niya pang gawin iyon? Ang weird.
"Oo, kasi alam namin na mag-e-enjoy kayo so, he'll capture every exposure that Shania will teach you!" paliwanag ni JP. Hmp. Ganern?
"Ahh, hehehe!" I smiled.
"Kasyang kasya pala sa 'yo! Oh, ano carry mo?" tanong ni Shania.
"Oo, carry ko po," sagot ko, pero sana walang mangyaring masama sa 'kin while suot-suot ko 'tong stilettos.
"The way you stand, wearing that stilettos, parang hindi na bago sa 'yo. I think, this is not your first time to wear stilettos na ganiyan kataas," sabi niya sa 'kin. Whoah. Ang galing ni Shania, isang tingin niya lang eh, alam niya na hindi lang ito ang kauna unahang pagsuot ko ng matataas ang heels.
God, please help me. Sana walang mangyari sa 'king masama kapag naglakad na ako gamit ang stilettos.
SHANIA'S Point of View
"Ok, you may start to walk," sabi ni Pia.
Naglakad na nga si Mica na suot iyong stilettos. Ang galing-galing niya na pala, eh. No need ng turuan pa, pero bakit kaya bigla siyang huminto sa pagrarampa? I think, there's something wrong with her.
"Masama ba pakiramdam mo, Mica? Bakit ka huminto?" sabi ko habang nakalagay sa balikat niya kamay ko.
"Ahh, ok lang po ako," sagot niya.
MICA'S Point of View
FLASHBACK...
"The Miss Intercollegiate 2017 is candidate number..." sabi ng Host.
"Mica, I'll make sure to you that the crown will be mine!"
"Is candidate... number ... number 7, Mica Gonzales!" the host announced.
"How dare you, Mica! The crown is mine! Dapat sa iyo punitin iyang suot mo! Dahil hindi sa 'yo nababagay ang stilettos pati gowns! Dapat sa 'yo itulak para naman mamatay ka na at mapilayan ka, argh! Hahaha."
"'Wag! Ahhhhhh!" sigaw ko.
END OF FLASHBACK...
Tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niya sa 'kin. Grabe namang pangyayari iyon. Nakakatakot nang maulit pa. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Sana naman nakatulog siya nang ilang taon, napakasama niya!
Naaalala ko na naman ang mga nakaraan, hays!
"Masama ba pakiramdam mo, Mica? Bakit ka huminto?" pag-aalalang tanong sakin ni Shania habang nakalagay sa balikat ko ang kamay niya.
"Ahh, ok lang po ako," sagot ko.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Ji Seung.
"Oo nga, baka kung mapa'no ka pa," JP said.
Lumalabo ang paningin ko. Bakit? Bakit ngayon pa? Kinalimutan ko na iyon pero bakit bumabalik na naman sa isip ko ang nakaraan? Tssk. Dumidilim talaga paningin ko...
JP's Point of View
Ano kaya ang nangyayari kay Mica? Ok, naman siya kanina, eh. Nag-aalala tuloy ako kasi baka mangyari sa kaniyang masama during pageant.
"Sigurado ka ba?" nag-aalalang sabi ni Ji Seung.
"Oo, nga baka kung mapano ka pa," sabi ko.
"Mica!!" humyaw ni Ji Seung. Bigla siyang nawalan ng malay, buti na lang nasalo siya ni Ji Seung.
"Tara! Dalhin natin siya sa hospital," sabi ni Ji Seung.
"Oo, tara na," sabi ni Pia.
"Ako na lang magda-drive," sabi ko, then bumaba na kami para pumunta sa kotse. Si Ji Seung ang nagbuhat sa kaniya. Kawawa naman si Mica. Ano kaya nag nangyari sa kaniya?
Paalis na kami pero gano'n pa rin, walang malay si Mica
After 15 minutes...
Nasa hospital na kami.
"Emergency!!! Emergency!!" sigaw naming tatlo. Agad namang pinahiga siya sa stretcher at dinala siya sa emergency room.
Ilang minuto na kaming hindi mapalagay.
"Nasaan iyong cellphone ni Mica? Ipapaalam ko lang kay Tita ang nangyari," sabi ko.
"Heto ang bag niya baka nandiyan sa loob." Buti na lang nadala ni Shania ang bag ni Mica.
"Krriiiiiiing!" Nag-ring naman kaagad ang cellphone sa kabilang linya.
"Hello, Tita si JP po ito!" bulalas ko.
"Hello, Oppa si Cupcake po ito. Bakit napatawag ka?"
"Ang Ate mo biglang nahimatay, nandito kami sa St. Stephen Memorial Hospital ngayon!" sinabi ko na rin iyong address ng hospital.
"Whaattt? Ang Unnie ko, namatay??!"
"Nahimatay, Cupcake! Hindi namatay!" Kahit kailan talaga, palabiro si Cupcake.
"Ahh, ok po. Pupunta kami diyan! Annyeong, Oppa!" sagot ni Cupcake.
"Sige."
"Anong sabi?" tanong ni Shania.
"Pupunta na daw sila dito." sabi ko.
"Shania Young?! My God! Kaano-ano mo po ang pasyente?"
"Kaibigan ko po. Doc, kumusta po ang lagay ng pasyente?" pakli niya.
"Well, she's traumatized because of chronic mental or emotional stress. May alam ba kayong dahilan?"
"Wala naman po." sabay sabay naming sabi.
"Oppa!!!!! Where's Unnie?!" nakakagulat naman Cupcake.
"Nasa loob siya." sagot ko.
"Doc, kumusta po ang anak namin?" tanong ni Tito.
"Na-traumatized po ang inyong anak. May alam po ba kayong dahilan?" tanong ng Doctor.
"Wala naman, Doc," sabi ni Tita.
"Basta, po nagrampa lang po siya kanina na nakasuot siya ng stilettos," singit ni Shania.
"Stilettos? Pasensya na, kayo. Hindi ko pala nasabi kay JP na, hindi iyan nagsusuot ng matataas ang heels. Simula kasi noong High School siya, sumali siya sa intercollegiate. May isang candidate na galing ibang school na nagalit sa kanya kasi si Mica ang nakakuha ng korona," sabi ni Tita tsaka nagkwento siya.
FLASHBACK...
"The Miss Intercollegiate 2017 is candidate number..." sabi ng Host.
"Mica, I'll make sure to you that the crown will be mine!"
"is candidate... number ... number 7, Mica Gonzales"
"How dare you, Mica! The crown is mine! Dapat sa 'yo punitin iyang suot mo! Dahil hindi sa'yo nababagay ang stilettos at dresses pati gowns! Dapat sa'yo itulak! Ugh! Hahaha."
"'Wag! Ahhhhhh."
END OF FLASHBACK...
"Na-comatose si Mica ng ilang araw at simula noon ay naging iba na ang lahat sa kaniya, pati na pagsusuot ng damit at pati na rin ang mga hilig niya ay nag-iba na rin," dagdag pa ni Tita.
"Gano'n po ba? Kawawa naman po pala siya," sambit nito.
"Basta, biglang naging GRIM REAPER na lang si Ate simula noon, kasi po hindi na siya nagsuot ng stilettos at dresses tapos iyong porma niya laging nakaitim at... basta, hindi bagay sa kaniya. Kaninang umaga lang po iyon napasuot ni Eomma ng dress, eh," Cupcake explained.
"Ahh, kaya pala. So, Doc pwede na po ba kaming pumasok?" tanong ni Shania.
"Ahh, sure. Later on, magigising na din siya," sabi ng Doctor.

Book Comment (115)

  • avatar
    Rohana Zacaria

    Napaka ganda nang kuwento nasa chapter 4 pa ako pero ginanahan akong magbasa☺️

    4d

      0
  • avatar
    Dalthon Jamito

    Ang Ganda ng storya🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰😋🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰

    17d

      0
  • avatar
    Wendy Pasqualinoto

    Amei esse livro

    12/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters