logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 9 He's out of reach

Days stretched into weeks, and Anna found herself swamped with work. Madami na namang ipinapagawa ang sir Felix nila sa kanila. At sa sa oras na iyon nga ay naghuhuramintado na naman ito. Hindi na silang lahat magkandaugaga kung ano ang uunahin sa dami ng utos nito. Maya’t-maya ay may tinatawag itong staff sa loob ng opisina nito. At kung minamalas ka pa ay matitikman mo ang hagupit ng bagyong Felicia. Totoong napakainit ng ulo nito. Busy siya sa harap ng computer ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ng sir Felix nila at mabibilis ang hakbang nito.
“Sherry! Let’s go!” tawag nito kay Sherry ng tumapat ito sa table nila.
Dali-dali namang dinampot ni Sherry ang mga papel na ilang araw nilang inihanda. Ang alam niya ay papunta ang dalawa sa monthly meeting kasama ang mga Department Heads at executives. Nakatingin siya kay Sherry noon ng bigla siyang balingan ng sir Felix nila.
“You!” turo nito sa kaniya at parang napigil niya ang paghinga sa paghihintay ng susunod nitong sasabihin. “Come with us! Para malaman mo din ang ginagawa sa meeting. You have to learn para kung wala si Sherry ay pwede kang kapalit!” utos nito sa kanya. Natigilan siya sa sinabi nito.
“Ano pang hinihintay mo? Tumayo ka na diyan at sumama ka sa amin!” ulit ng sir Felix niya na halatang inis na.
She was caught off-guard. Hindi niya akalain na isasama siya nito sa meeting dahil iilang linggo palang siya sa trabaho! Ganoon pa man, dali-dali siyang kumuha ng papel at ballpen. Sumunod siya sa boss at kay Sherry na nagmamadaling naglalakad patungo sa elevator.
Pagpasok sa conference room ay nakita niya ang mga manager ng iba’t-ibang department na naroon na. Naghihintay ang mga ito sa pagdating ng president nila.
“Bago mong staff sir Felix?” tanong ng isang lalaki sa boss niya. Mataman siyang pinagmasdan nito saka ngumiti sa kaniya. Naiilang na gumanti nalang siya ng ngiti sa lalaki.
“Yes, kailangang i-train,” walang buhay na sagot ng boss Felix niya.
At exactly ten in the morning ay dumating ang big bosses ng company. Dama agad niya ang biglang tensyon sa loob ng conference room. Sinulyapan niya ang mga dumating at nakita niya sina Mr. Tristan and Mr. Henry Cristobal. But what caught her attention is the man beside them. Hindi siya napapansin ng lalaki.
“Oh! Jake! Ang tingin ko sa’yo ngayon ay kay hirap mong abutin,” bulong ng isip niya.
Sa mga nagdaang araw ay “pinakiusapan” niya ang sarili na isantabi nalang ang namumuo niyang paghanga kay Jake habang maaga pa. Alam niyang malaking kalokohan iyon. Kaya ngayon ay hindi niya dapat inaasam ang masulyapan manlang ang binata. Ngunit heto na naman siya, pinagmamasdan si Jake habang naglalakad ito papalapit sa isa sa mga upuan sa conference room. Tulad ng nakaraan ay naghuhuramintado na naman ang kanyang puso pagkakita dito. Sana lang ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman niya dito tulad ng mga paghanga niya sa mga sikat na basketball players.
“Anna!” pabulong na tawag sa kaniya ni Sarah at malawak ito na ngumiti sa kanya. Saka lang niya napansin na kasama pala si Sarah na dumating. Alam niyang nakita nito ang mga tingin niya kay Jake base sa pagkakangiti nito sa kaniya. Masyadong nakuha ni Jake ang atensyon niya. Tipid na ngiti lang ang iginanti niya sa dalaga.
Naupo si Mr. Tristan Cristobal sa pinaka-dulo ng mahabang conference room. Lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng room na iyon ay nasa kaniya. Jake’s father. The President. Sa edad ay matikas parin ito at hindi maipagkakaila na guwapo ito noong kabataan pa nito. Very professional ang mukha nito ngunit maaliwalas ang awra. Sa tabi nito ay ang kapatid nito na si Mr. Henry Cristobal. Sarah’s father. Unlike ni Mr. Tristan, si Henry ay matapang at nakakatakot ang awra. Ramdam agad ni Anna ang pagkailang dito ng ilang mga managers at empleyado. Tila walang may nais tumingin sa mga mata nito. Ito ang tipo ng boss na gusto ni Anna iwasan. Siguradong magha-hagdan siya kung ito ang makakasabay sa elevator.
“Anna! Mag-note ka ng mga napapag-usapan. Wag kang nakatulala diyan,” bulong sa kaniya ng sir Felix niya. Tumango agad siya at matamang nakinig sa mga sinasabi nina Henry at Tristan Cristobal. Bawat Department Head ay nagbibigay ng update sa mga ito pati narin ng mga bagay na kailangan ng desisyon. Maging ang boss Felix nila ay nagbigay din ng update.
Mataman siyang nakikinig sa mga sinasabi ni Tristan Cristobal at mga instruction nito sa boss niya. Nakatungo siya noon at nagsusulat sa takot na may malimutan siya sa usapan. Nang magtaas siya ng tingin ay nagtama ang mga mata nila ni Jake. Nakatingin ito sa kanya. She tried reading his expression, but there was none. After a few seconds ay umiwas lang ito ng tingin.
“Ano kayang problema nun?” tanong niya sa sarili.
“Jake, according to Mr. Hernandez you have to address his concerns. Otherwise, the government will not process of our permit. That would be a problem. Dapat close na ang concern na iyan sa meeting natin next month,” si Mr. Tristan Cristobal iyon.
“Let's talk after this meeting, Mr. Hernandez, so we can figure out what to do next,” mabilis na sagot ni Jake. The fact that he's so young doesn't move his conviction when he speaks. He seemed destined to be the leader.
Natapos ang meeting ay halos lunch na. “Napaka-workaholic naman ng mga tao dito! Hindi yata nakakaramdam ng gutom,” sigaw ng utak niya. Bukod doon ay kumakalam narin ang sikmura niya. Meron ngang merienda sa meeting ngunit wala namang kumakain kaya nahiya narin siyang kumain. Kinakalap nila ni Sherry ang mga papel sa mesa at naghahanda ng lumabas ng conference room nang lapitan ni Jake si Mr. Felix na katabi lang din nila.
“Mr. Hernandez, I’ll see you in my office after lunch. We’ll talk about the processing our permit,” Jake said as he approached her boss.
“Okay. Y-yes sir” nabiglang sagot ni Felix.
Pagkasabi noon ay dire-diretso ng lumabas ng room si Jake. “Kahit pala si boss Felix ay intimidated dito. He is the boss indeed,”komento niya sa sarili at napatango-tango pa siya.
“Isa sa inyo ang sumama sakin mamaya sa meeting with sir Jake,” turan ng sir Felix nila habang naglalakad sila pabalik sa opisina nila. Napahinto siya ng bahagya sa paglalakad dahil sa sinabi nito. Sino kaya sa kanila ni Sherry ang isasama nito? “Huwag ako! Huwag po ako,” lihim na dasal niya sa isip.
Saka naman lumingon ang sir Felix nila at tumingin sa kanya. “Ikaw Anna! Ikaw ang sasama sa akin.”
Nanlumo siya sa sinabi nito. Napa-“yes” naman si Sherry ng mahina sabay takip sa bibig. After ng lunch break ay natuloy ang meeting nila sa opisina ni Jake. Seryosong nakikinig ang binata sa lahat ng concerns na sinasabi ng sir Felix niya. Kahit pa sila ay nakikipag-deal sa government, kailangan parin nila ng support mula sa technical team dahil may mga concern ang gobyerno na tanging ang mga ito lang ang makalulutas.
“Isa pa nga pala sir sa concern iyong project natin sa South. According to the PR, gusto ng kapitan na maipagawa ang kalsada sa kaniyang nasasakupan bago pumirma sa permits,” paliwanag ng boss niya.
“Okay, I’ll call Ted to inspect the location and estimate the cost. Basta kailangan mapapirmaha niyo ang mga dapat pumirma,” walang anuman na sagot ni Jake sa sinabi ng boss niya.
“Regarding our Batangas project, we need the signature of a professional for the inspection of the structure and piping--”
“Asan na ‘yung dating pumipirma?” tila inis na tanong nito.
“Iyon nga po sir. Inform ko lang po kayo na nagtaas na siya ng rate at ayaw na ng Accounting pumayag sa hinihingi niyang professional fee.
“I’ll ask one of my staff to assist you. Magpapahanap tayo sa kanya ng ibang pwedeng pumirma,” sagot nito.
Nagpatuloy pa ang pag-uusap ng dalawa habang siya ay nag-note ng mga napapag-usapan. Lalo siyang humahanga kay Jake. Tila napakasimple lang dito solusyonan ng mga concern na binabanggit ng boss niya. Ano kaya ang pakiramdam ng maging boss na tulad niya? Hindi siya tinatapunan ng tingin ni Jake. Tila hindi nga siya kilala nito. Sabagay, boss ito at empleyado lang siya. Alangan naman pansinin siya nito na tila close sila.
“Hmm..Ang daling kausap ni boss Jake ngayon,” narinig niyang komento ng boss Felix niya pagkatapos ng meeting nila. Sinulyapan siya nito na tila nag-iisip. “I guess you’re my lucky charm Anna,” halatang masaya ito sa naging meeting. Ilang araw narin itong stressed at noon lang umaliwalas ang mukha. Sapalagay niya ay huhupa na ang bagyo sa kanilang opisina.

Book Comment (348)

  • avatar
    PalomarJessa

    i love the story it reflect me for who i am ..

    03/08/2022

      0
  • avatar
    Juncel Mahilum

    hlw

    22d

      0
  • avatar
    EnojasShayne

    the story is very nice

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters