logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 Three

MAAGA palang ay nakahanda na ang mga batang sumama sa ginong na papuntang bukid. Pati sina Mart ay sumabay narin dito para mabantayan ang mga anak nila. Si Rhian daw muna kasi ang magiging photographer ng mga bata doon.
Sila ng ginang ang naiwan sa bahay para ihanda ang mga pagkain mamayang tanghalian at nang di na sila bumalik pa sa bahay. Doon nalamang sila sa bukid kakain kasama ang mga nagtratrabaho doon. Sa susunod na linggo pa magsisimula ang photoshoot kaya may mga oras pa siya para makasama ang mga ito sa Farm.
"Naku Miss Saji, kami na po diyan." Wika ng isang kasambahay sa kanya at akmang kukunin niya ang blender na kinuha niya sa cabinet.
"Manang ako na po, kanina pa po kayo gumagalaw ditto eh." Tanggi pa ni Saji at inayos na ang blender sa kitchen table.
Ang ginang naman ang siyang naglalagay ng mga pagkain sa picnic basket. Gagawa siya ng freshly blended mango juice gaya ng lagi niyang ginagawa noon sa tuwing dumadalaw siya sa Farm at sumasama sa ginong sa bukid. Kasama ring nakikikain sa mga trabahador doon.
Sa dami kasi ng fresh fruits sa lugar, lalo na ng pinya at mangga na pangunahing kabuhayan sa Farm, ay naisipan niyang gawin nalang iyon nang hindi masayang ang mga over riped na mga prutas. Sobrang na-miss din niya ang paggawa ng ganun dahil hindi niya iyon nagagawa sa lungsod. Bukod sa busy siya sa trabaho ay wala din siyang oras para mamalengke ng prutas. Kaya sa tagal na panahon.
"Hayaan mo na manang Lusil at hindi rin naman yan magpapapigil." Sita nalang ng ginang sa kasambahay. Isa si Lusil sa mga dating kasampahay sa Farm na nakasama at nakilala na niya dati. "Mukhang alam mo parin kung nasaan nakalagay ang mga gamit dito hija." Nakangiting baling pa ng ginang sa kanya.
"Akala ko nga po nag-iba na eh. Doon parin po pala sila nakalagay." Sagot niya habang nilalagay yung mga binalatan niyang mangga sa may blender.
"Kayo lang naman po ang pumuntang babae dito sa kusina na dinala ni sir." Singit naman ng isang kasambahay, si manang Nilda, dating tauhan din na nakasama niya noon.
"Ano pong ibig niyong sabihin manang Nilda?" tanong niya na biglang nakaramdam ng curiousness sa sinabi ng babae.
"Ikaw lang kasi ang gumagawa ng ganyan anak… yun bang tumutulong dito sa kusina, yung nakakahawak ng gamit dito maliban sa pinggan, kutsara at tinidor." Ang ginang ang sumagot.
"Baka po kasi ako lang ang pakialamera?" birong sagot niya naman.
"Hindi rin Miss Saji, sadyang wala pong hilig yung mga ibang babae sa kusina. Sa itsura palang po nila ay parang hindi sila makapag-prito ng itlong ng maayos." Wika naman ni manang Lusil.
"Tama," sang-ayon naman ni manang Nilda.
"Ikaw ang unang babaeng dinala ni Delaney dito. Ikaw rin ang bukod tanging nagtutungo dito sa kusina at nakikisalamuha kila manang. Yung iba, pumapasok lang dito para kumuha ng tubig. Iuong iba naman ay hindi ni minsan sinubukan dahil puro lang sila utos. Mas gusto nila na nasa hardin o sa labas ng bahay at nagpapahangin. Kung hindi man ay nasa kwarto lang." Paliwanag pa ng ginang.
"Ganun po ba? Kahit po yung naging asawa niya?" tanong pa ni Saji na kunot ang noo.
"Lalo na yun anak… pihikan pa sa pagkain, ayaw niya nang mamantika… pampataba daw. Ang daming binibilang na kung anu-ano, masyadong health conscious ba? Paano namang hindi eh pareho silang doctor ng anak ko. Magkaganun pa man ay magalang at mabait naman yung batang iyon. Inaalagaan niya naman si Taliah noon." Kwento pa ng ginang.
"Tumira din po pala sila dito." tango naman ni Saji.
"Saglitan lang… dumating lang sila dito para magbakasyon. Wala nang hihigit pa sa tatlong araw ang pananatlili nila dito." Sagot pa ng ginang.
"Nge? Ganun po ba? Eh ang sarap kayang tumira dito. Walang ganito sa states 'noh." Pabiro niya pang wika at bahagyang natawa.
"Hindi po ata kaya ni ma'am Mads ang buhay dito." singit naman ni Manang Nilda.
"Baka naman po hindi ganun… baka naman po busy lang po sila sa ibang bansa talaga. Kita mo nga at pareho silang propesyonal ni Dylan, diba po?"
"Siguro nga hija… pero alam mo tama rin siguro si manang Nilda. Hindi nga niya pinapayagan si Delaney na sumama sa tatay niya sa bukid noon. Dapat laging nandito lang daw si Delaney at baka kapag sobrang naarawan ay magka-skin cancer daw. Minsan nga hindi ko alam kung concern ba talaga ang tawag dun o arte lang. Pero hindi ko naman sinasabing ayaw ko kay Mads. Nakikita ko naman na maalaga siyang tao, na mahal niya ang asawa at anak niya. Iyon lang naman ang mahalaga sa akin." Kwento pa ng ginang.
"Pero mas masaya kung kayo po ang napangasawa ni sir, Miss Saji." Habol pa ni manang Lusil.
"Manang talaga… mamaya makarating kay Dylan yan totohanin niya." Biro niya sabay tawa. "Biro lang po… naku, masaya na po kami pareho sa kung ano at nasaan kami ngayon." Sabi niya nalang. "Ayan tapos na," tapos na kasing nablend yung mangga kaya linagay na na siya sa pitsel at nilagay yung ice cube para refreshing. "Tara na po?" Aya niya sa ginang matapos ipwesto yung juice sa basket na dala nila.
"Hatid ko na po kayo sa labas, ako na pong magdadala niyan." Wika pa ni manang at kinuha ang basket na dala-dala ng ginang at maging sa kanya pero tumanggi siya.
"Ako na po dito manang, salamat nalang po. Mukhang kailangan ko narin po atang magkaroon ng muscles, sabi nga ni mamang… namamayat na raw po ako. Kulang po kasi sa ehersisyo." Biro niya pa para di na siya kulitin ni manang Nilda.
Paglabas nila ng bahay ay agad silang napatigil nang may tumigil na sasakyan sa harap nila. Sa may drive way sa harap ng mansion. Napatingin si Saji sa ginang na nagtatanong.
"May bisita po kayo ngayon mamang?" tanong niya.
"I don't know… wala namang nagsabing darating." Sagot ng ginang na nagtataka rin kung sino ang bisitang dumating.
Mayamaya pa ay lumabas ang isnag lalake sa may driver's seat… nakatalikod siya sa banda nila pero ilang segundo rin ay humarap na siya. Napako bigla yung paa ni Saji sa kinatatayuan niya nang masino ang lalake. Bigla siyang nanlamig sa kaba at takot nang muling makita ang lalake. Hindi niya inaasahang makikita niya ulit ito ngayon. Ang sinabi ng kanyang kaibigan na si Rhian ay hindi naman na ito umuuwe sa mansion. Kahit pa nakasuot ito ng shades, kilala niya parin ang mukhang yun.
"Delaney? Anak?" Gulat na tanong rin ng ginang nang makita ang dumating.
Nagtanggal naman ito ng shades at napatingin sa ina na lumapit sa lalake… mayamaya ay bigla itong napatingin sa dereksiyon niya. Dahilan para magkatitigan sila pero agad nag-iwas ng tingin si Saji.
'Eto na nga ba ang pinaka-ayaw kong mangyari… as much as possible. Sinabi ko kila Zee na sana huwag ko nang makita siya o makasalubong, pero heto… at nandito siya sa harap ko. Dito pa sa bahay nila… anong gagawin ko? Do I have to run away?' Isip pa ni Saji habang iniiwas parin ang tingin sa lalake.
"Ikaw na ba yan anak?" tanong pa ng ginang sa lalake kaya nabaling ang tingin ng lalake sa ina.
"Kumusta na 'nay?" bati nito kaya yinakap siya ng ginang.
"Ikaw talagang bata ka, hindi ka nanaman nagpasabi na darating ka." Sita nito sa anak.
"'Nay, I told you I can handle myself… you don't have to bother picking me on the airport." Seryosong sagot ng lalake.
'Mukhang iba na siya ngayon… dati ayaw na ayaw niyang nagsasalita ako ng english dahil nandito naman daw kami sa Pilipinas, pero ngayon siya na ang ganyan. Bakit parang pakiramdam ko ay hindi siya yung Dylan na nakilala ko noon? Bakit parang iba yung aurang nakikita ko sa kanya ngayon? Siya ba talaga yung mokong na nakilala ko noon? Na naging kasintahan ko? Na minahal ko?' biglang tanong ni Saji sa isip habang pinapanood ang mag-ina.
Kung dati rin na kahit ilang buwan lang na hindi nagkita ang mag-ina, kitang-kita ang pagka-miss ng lalake sa ginang na halos buhatin na niya ito habang yakap-yakap pero ngayon ay parang wala lang dito ang ilang taong pagkawalay. Ni hindi man lang ito gumanti ng yakap sa ina.
Delaney Laurence Villafuentes or simply Dylan, a general practinioner doctor. Napatingin ulit siya sa dereksiyon ni Saji kaya napayuko nalang ang babae. Ayaw niyang salubungin yung mga tingin ng lalake dahil nasasaktan nanaman siya.
"Aaah, anak… kasama siya ni Rhian na nagbakasyon dito. Ako ang nagsabi kay Rhian na dito na muna sila manatiling magkakaibigan dahil na-miss ko na sila. Ayos lang naman iyon diba?" Paliwanag ng ginang kahit hindi pa nagtatanong ang lalake.
"Ba---?" Udlot na tanong sana ng lalake.
"Babe… do you have a plan on opening the door for me, or you'll just gonna stand there and chat with that woman all day?" Napatingin silang lahat sa may sasakyan kung saan galing ang nagsalita. Ibinaba lang nito ang bintaba ng kotse.
"Sorry," wika naman ng lalake at agad pumunta sa may pinto para pagbuksan ito.
"Ang arte naman… wala ba siyang kamay para buksan ang pinto? Kailangan si sir Dylan pa talaga?" tanong ng kasambahay sa tabi ni Saji.
"Manang, baka marinig ka." Bulong nalang niya dito.
Lumabas na nga yung babae kaya napatingin sila Saji dito mula ulo hanggang paa namg hindi sinasadya. Nakasuot kasi ito ng short shorts at sleeveless blouse, nakasuot din ito ng mataas na takong na sandal. Napatingin tuloy bigla si Saji sa suot niya na may kanipisang light blue shirt. May nakapaloob na white long sleeve na manipis din… pangprotekta lang sa direct sunlight. Nakasuot din siya ng old faded skinny jeans kasi alam niyang mapuputikan lang rin mamaya. At ang suot sa sapin ko ay itim na bota.
"So this is where you are from, babe?" tanong pa ng babae habang lumilinga-linga sa paligid. "It's kinda --- old." Wika pa nito sabay tanggal ng shades na suot.
"Parang binudburan ng harina ang mukha Miss Saji, yung mga labi, parang kinagat ng bubuyog… di kaya yan galit sa lipstick?" bulong pa ng kasambahay sa kanya.
Siniko lang niya ito ng bahagya para patigilin. Baka marinig siya nang babae, mahirap nang paibitin ang ulo nito. Base sa impresyon niya dito ay mukhang hindi ito tumatanggap ng hindi magandang komento.
---
"HELLO," singit ng mama ni Dylan sa babae kaya napatingin ito sa ginang at nagtaas ng isang kilay.
"Oh... here." Biglang wika ng babae sa ginang at binigay dito ang bag na hawak niya na kinagulat nila. "Babe, I thought we're gonna meet your parents? Where are they?" tanong pa ng babae kay Dylan.
"Well," wika ni Dylan at kinuha ang bag mula sa ina at binalik sa babae. "My mom… is in front of you right now," sagot nito. Napanganga naman ang babae at parang napahiya pa. Nagpigil naman ng tawa sina Saji at ang kasambahay.
"Oh sorry, I thought…" parang umurong ang dila ng babaeng habang sinasabi iyon.
"It's okay," matabang na sagot lang ng ginang ditto. "Nga pala anak, nasa bukid ang itay mo, pinasyal kasi ang mga bata at sina Rhian doon. Pasunod na nga sana kami ni Saji, para isunod ang pagkain mamayang tangahlian. Gusto niyo bang sumama ni…" sabay tingin sa kasama nitong babae. "Nitong kasama mo?"
"Wag na siguro muna 'nay, pagod pa kami sa biyahe… bukas nalang po siguro." Sagot ni Dylan.
"Ganun ba? Sige… ikaw ang bahala. Sige na at aalis na kami." Paalam pa ng ginang kay Dylan tiyaka ito bumalik sa kinaroroonan nila Saji. Napatingin naman si Dylan sa kanila pero ilang saglit lang ay inakbayan na nito ang girlfriend niya papasok ng bahay.
"Tara na po?" Aya nalang ni Saji sa ginang.
"Okay ka lang ba?" tanong ng ginang kay Saji habang naglalakad sila.
"Po? Oo naman po. Bakit po, mukha po ba akong problemado?" birong tanong niya naman.
"Hindi naman, alam ko kasing nagulat ka rin sa biglang pag-uwi niya. Pasensiya ka na anak, hindi ko talaga aakalain na darating siya ngayon." Paumanhin pa ng ginang.
"Ayos lang iyon mamang, as long as walang mangyayaring gulo. Ang ganda po ng girlfriend niya ano po?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Sus… nagdala nanaman siya ng isang arugain. Naku siguradong sinabi ni manang Lusil sa iba na kailangan nilang maghanda sa pagdating ng isa nanamang bruhilda sa mansion." Wika pa ng ginang at natawa. "Sa tingin palang kasi ay parang pala-utos na."
"Sobra naman po kung bruhilda, baka naman po itsura lang ang ganun kasi modelo? Baka naman mabait siya at palakaibigan?"
"Sa ginawa ba niya kanina sa akin na pinagkamalan pa akong katulong ay ugali ng isang magalang at mabait na tao?" tanong naman ng ginang.
"Eh mamang, sa itsura po kasi natin parang mga magsasaka tayo." Depensa pa niya.
"Kahit pa anak, dapat hindi siya umaktong ganun kasi mas matanda parin ako sa kanya. Dapat 'nong binate ko siya ay binate rin niya ako pabalik. Gaya ng ginawa mo kila mang Nestor noon, hindi ba't binate mo sila at nakipagkamay kahit na madumi pa ang kamay nila galing sa pagtatanim?" Punto pa ng ginang.
"Baka nahihiya lang po siya sa inyo at ganun ang depensa niya." Pagtatanggol pa ni Saji.
"Hay naku anak, kahit anong sabihin mo, masama na ang pakiramdam ko doon. Unang tingin palang ay ang pangit na ng ugali. Kita mo nga at kailangan pang si Dylan ang magbukas ng pinto para sa kanya. Bakit wala ba siyang kamay? At tiyaka nakita mo ba yung mukha niya? Parang galit sa harina at lipstick." Wika pa ng ginang kaya napatawa si Saji dito. "Oh, ba't natawa ka? Totoo naman ang mga sinabi ko diba?"
"Ganyan din po kasi yung sinabi ni manang kanina," sagot niya at natawa ulit.
"Eh totoo naman kasi anak."
"Hayaan niyo na mamang, mukhang masaya naman si Dylan sa kanya at tiyaka mahal niya. Kaya nga niya niligawan diba? Give her a chance nalang po." Wika nalang ni Saji nang mahimasmasan mula sa pagtawa.
"Ay ewan. Bakit hindi nalang kasi kayo magkabalikan?" wika pa ng ginang ng mahina pero narinig ni Saji.
"Mamang, sorry po ah," wika niya dito kaya napatigil sila sa paglalakad at humarap ang ginang sa kanya. "Sorry po kasi sinaktan ko siya."
"Ano ka ba, ginawa mo lang kung ano sa tingin mo ang tama. Alam ko naman ang totoong dahilan at nagpapasalamat ako dahil hindi ka naging makasarili. Na inisip mo ang kapakanan naming lahat. Kami nga ang dapat humingi ng tawad sayo kasi ikaw pa ang kailangang mag-suffer."
"Sorry po talaga, hindi ko po kasi akalain na mangyayari iyon." Paumanin pa niya.
"Kalimutan nalang natin ang mga iyon anak, nakaraan na yun - tapos na. ang isipin nalang natin ay yung ngayon at bukas, okay ba yun?" tanong pa ng ginang habang hawak ang isang kamay ni Saji.
"Salamat mamang," wika pa ni Saji at yinakap ito.
"Ikaw talaga, huwag kang masyadong magdrama nasa gitna tayo ng bukid, ayaw kong mag-iyakan tayo dito." biro pa ng ginang sa kanya nang kumalas na sila sa pagkayakap. "Tara na nga doon," wika pa ng ginang kaya nagpatuloy sila sa paglalakad.
---

Book Comment (99)

  • avatar
    Jarred Custodio Labana

    good work

    18d

      0
  • avatar
    John Mark Pino

    sndbdbdnnskejebsnsnsjjdjdjddndnbdbdhdjdjjddjrenebrbdbdbndbdbdndjskekekendndnbfnbfnrieowkwnenenrndndndndbndnrnnnnnnnnnnnnnnnnnejjdjdjdhdjfnfnfnfjfjfjfjfjjfjfnndjdkskekejrjndndnfndnnfdkrkrkkrkrkrkrkrjrjjrnrnrnndndndjdjndnfjfnfnfnnfnfnfnnfnfnfnndnnenenrnrrnfnndndnfnrnrnfnrnnrnfnfjdjfndnrnrnrndndjdjdndndndnndndndnndnfndndfjfjjrjrnrnsoowowowjenenndddjdddjjdjdj me know if you need anything please 🥺🥺🥺🥺🥺 😭 nnnsnsnsnndndndnndn on the news and mama not sure ka na na na song lyrics to Tripan nakikisa

    19/07

      0
  • avatar

    so beautiful 💕

    16/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters