logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Hindi ko maitatanggi ang matinding pagkadismaya ko sa pinsan ko, dahil ugali nitong nakakasawa na. Hindi ko intensiyong magtanim ng malalim at matinding galit sa taong kadugo ko, pero iba yung naging epekto niya sa amin nila mama noong nakatira pa siya sa bahay. Kung dati akong pasensyosa nabawasan iyong pagiging ganoon, ngayon kasi mabilis na ako kung nainis sa kaniya dahil sa mga bagay-bagay na alam kong hindi maintindihan ng kahit na sino. Biglang nagbalik ang isip ko sa pagsasadula ng mga nakaraang lumipas na para kaming Maritess ni Glenny noon.
"Bakit ka ba galit na galit diyan sa pinsan mong iyan!" Urirat noon sa akin ni Glenny noong hindi pa ito tumitira sa kila Glenny.
"Alam mo Glenny, sa ngayon masasabi at maiisip mo na isang katawan lang naman iyan. Pero kung mararanasan mong tumira kasama iyang pinsan natin iyan sa iisang bahay, saka mo sabihin sa akin na okay lang ang lahat. Napakahirap niyang pakisamahan." Sambit ko sa pinsan kong si Glenny.
"Alam mo yung panahon na tinanggap naman niyan, wala kaming ibang iniisip kundi maging maayos lang siya! Pero wala na talaga gumagawa ng naiinis sa kanya, hindi ko ugali ng magalit lang basta ng walang dahilan, hindi ko rin ugali na magtanim nalang ng galit, pero iba talaga yung inis ko sa kanya. Yung paunti-unti na biglang naging patong-patong. Kakaiba talaga siya, at hindi ko itatangging matindi na ang naging inis ko sa kaniya." Sambit ko pa kay Glenny.
"Paano ba kasi yung nangyayari, baka naman kasi hindi mo siya kinakausap, baka mamaya na-misunderstood lang din niya. Baka akala niya okay lang 'yun pala hindi na! Kinausap mo naba siya tungkol sa mga bagay na kinaiinisan mo sa kanya?" Sambit ni Glenny sa akin habang naghihiwa ito ng mansanas.
"Sobra pa sa kausap, kulang nalang gahibla nalang yung distansiya ko sa kaniya para lang ipaunawa mga bagay-bagay na nais kong ipakahulugan sa kaniya." Inis kong sambit sa pinsan ko.
"Naalala mo ba umuwi kayo ng bicol, nung time na iyon may sakit din si papa dahil nagpa-vaccine. Grabe nilalagnat din ako nang time na iyon, pero ang ending ako parin ang kikilos— siyempre wala naman akong kasama iba kundi sarili ko lang tapos yung pinsan pa natin na sinungaling. Kahit hirap na hirap akong alam mo yung lasa, wala akong nagawa para malaman kung ano bang lasa talaga! Kasi nung time 'yon wala akong pang-amoy at pang-lasa kaya naman hindi ko talaga tinitignan yung pagkain. Tapos siya ang choosy niya, gusto pa niya puro karne, gusto niya puro masasarap, gusto na maalat, san naman ako lulugar doon? Eh wala ako ng lahat ng iyon." Inis na inis kong sambit kay Glenny, umupo ako sa sofa nila at uminom muna ng tubig.
"Ano pa bang mga kabalbalan na pinaggagawa niyan sa inyo?" Sambit ni Glenny sa akin.
"Alam mo ba, sinungaling din yan! Kasi na ano dati yung kumot, anong time ngayon kasagsagan ng maulan may tulo rin sa bubong ng bahay namin. Pero hindi naman yung tipong nagbabaha doon sa higaan niya, mayroon pa ang nilagay na maliit na planggana panala sa tulo. Kaya nainis kami ni mama noon, kasi hindi niya inaamin yung pagkakamaling nagawa niya, ang explained niya lang kay mama nabasa ng ulan which is hindi naman totoo! What the heck! Matino ba siya sinampay niya yung naihian niya, nakakaloka lang kasi sumampal yun sa mukha ni mama kasi nagtataka siya bakit may mapanghe, then na-realize niya nalang nung sumampal sa mukha niya yung kumot na gamit nito." Inis na inis kong kwento kay Glenny, hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasaulian sa mga kalokohan na pinaggagawa niyan sa bahay namin.
"Tapos yung rice cooker namin na bago kabibili lang ni mama noon sa Personal Collection tapos kinaskas niya ng bongga ng steal wool, s'yempre bongga din yung mga marka na iniwan niyon sa kaldero ng rice cooker. Nakakadismaya yung luma naman namin na rice cooker, sa tagal ng gamit na iyon sa amin sinira niya yung lock ng rice cooker. Tapos yung dream naming lababo na may gripo, sinira niya yung gripo namin. Nag-loose iyon at akala mo kung sinong madam na makautos na bumili ng new na gripo tapos ayusin daw, gigil na gigil ako sa kaniya. Parang gusto ko siyang sakalin hanggang sa mamatay siya, hayop siya!" Gigil na gigil kong pagsasalaysay kay Glenny.
Nagbalik ako sa reyalidad, kung saan si Glenny naman ang stress na stress sa pinsan naming baliw.
"Umuwe kana nga Fely, huwag ka nang mambwesit dito. Alam mo nang inis na inis saiyo si Clair, lakas pa ng loob mong magpakita dito." Inis na sambit ni Glenny kay Fely. May naulinigan akong paparating na sasakyan. Mayamaya pa ay bumaba ate Cee asawa ng pinsan naming si kuya Jul.
"Oh Fe, nandito ka pa din? Hindi ka pa din nauwe sa inyo?" Sambit ni ate Cee kay Fely, kakauwe lang asawa nito galing Saudi. Hindi ko lang alam kung kailan pero ang alam ko tumira din si Fely kina ate Cee bago ito napadpad sa lola ko at napunta sa amin.
"Hindi pa kasi tapos contract ko sa work eh!" Pagmamayabang nitong tono kay ate Cee.
"Balita ko hindi mo sinusunod yung pangako mong maggogroceries at magbibigay ng 1,000 kada sahod. Hahaha wala ka pa din pinagbago Fe, masyado ka pa ding suwapang at madamot." Nagulantang kami ni Glenny sa sinambit ni ate Cee.
"Sige, Clair and Glenny! Punta nalang kayo sa bahay, may pa-piging ako." Umalis na ito at pumunta na sa bahay ng Lola namin. Pero hindi nito inaya si Fely dahil inis din pala si ate Cee kay Fely.
"Kakaloka! Daming nagagalit saiyo Fely, bagu-baguhin mo na iyang style mo! Masyado ka nang lumalala, kapag kinakausap ka parang nakikipag-usap lang kami sa hangin. Darating yung panahon na mauubos na yung makakaunawa saiyo at ang magtiyaga lang talaga saiyo ay ang nanay, tatay at mga kapatid mo. Dahil no choice sila dahil saiyo. Hindi ka naman nila pwedeng itapon!" Sambit ni Glenny dito. Noong umalis ito sa amin, ni magpasalamat sa amin ng mga magulang ko hindi nito ginawa. Basta lang itong nag-evacuated kila Glenny na akala mo ay walang ginawang kabalbalan at ang kwento pa nito kay Glenny, ito ang kusang lumayas— kahit ang totoo pinalayas na siya ni mama dahil sa sobrang kagaspangan at kakitiran ng utak nito.
Ikaw ba papayag ka bang makisalamuha sa ganitong tao, kung ganitong makakasama mo ay parang hangin lamang ang turing saiyo at lahat ng effort mo ay wala lang. Gusto niya lahat ng bagay ay thank you lang, at wala pang utang na loob. Matitiis mo ba kung ganiyan ang makakasama mo?
--End of Chapter 5--

Book Comment (488)

  • avatar
    MegumiSy

    ganda

    5d

      0
  • avatar
    Christianmyl Abella

    its nice

    13d

      0
  • avatar
    Sai Mago

    so sad😭

    13d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters