Hindi ko na alam kung anong mukha pa ipapakita ko, sanay na kasi ako bumati sa live ni Glenny everyday na naglalive siya. Pero ngayon bigla akong naiyak, dahil feeling ko wala na akong mukhang maihaharap. "Pero aminin mo, guwapo naman siya 'di ba?" Sambit ng mapanuksong isip ko. "Hindi naman ka-gwapuhan pero made in London!" Mapanglait pero may bawe na sambit ng kanilang isip ko. Hindi ko na alam kung sino pakikinggan ko. "Anak ano ba? Kanina pa ako nahihilo saiyo! Kanina ka pa diyan pabaling-baling? Sino ba iyang iniisip mo? Kanina pa ko naiirita saiyo pabalik-balik!" Inis na sambit ni nanay sa akin, nasa loob kami ng bahay at si nanay nagtitiklop ng mga natuyo na sinampay. Hindi ko na alam ang gagawin, nataranta talaga ako sa nangyari. Hindi naman ako maarte pero grabe parang hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang yung naging reaction ko sa kaniya. Ayokong nag-assume kaagad since ngayon ko palang siya nakita, kahit pa nakilala niya na ako ayoko pa din ng ganoon. "Hey! Tama na iyang iniisip mong iyan baka mamaya hindi ka niyan patulugin!" Sambit ko sa aking sarili. Sa sobrang pagkaboring ko, gumawa ako ng isang kakatuwang kwento. Short stories lang siya, ganito ako kapag wala akong magawa sa buhay ko. *** Page 1 Let's Hang Together... I am Avery. nakilala ko si Aison sa internet. His kind and very comfortable kausap. Isang Engineering si Aison. Lagi siyang nagsesend ng photos sa job niya. And he always make me smile, tapos siya din nagtatanggal ng pagod ko sa araw-araw. Isa akong student. Bata pa ako. 18 lang ako. And he's 25 years old. Hindi ako matalino, sapat lamang. Hanggang isang araw. Nagrequest si Aison. Videocall daw kami. Noong una, hindi ko alam kung papayag ako o hindi. Pero sa huli, pumayag din ako. Inopen ko yung Messenger. Natawag siya, he's so pogi. Moreno, pero brown eyes, pink lips sarap halikan. "So pretty, dear." he said "So handsome love." I said. Tumawa siya, pero ako hindi. Saka ko narealize love ang tinawag ko sa kaniya. "Gwapo mo kasi, nawawala na tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko mapigilan yung puso ko. Parang gustong isigaw na Mahal na Mahal kita." I said to him. "Baka nabibigla ka?" he said. "Hindi." I said. "Pero magkalayo tayo ng edad." He said "Lolo ko nga 30 na nung napangasawa niya lola ko na 13 eeh." Paliwanag ko pa. Nagpapaliwanag kapa te. Nainis ako kasi, pinatay niya call. Malikot ang utak ko. Tinawagan ko siya ulet. Pero hindi na sumagot. Nagchat ako pero walang sagot. Natakot na ako. Isang araw, nagchat siya. "Kita tayo sa Mini Stop sa kanto." Agad akong nagmadali. Namiss ko kasi siya, wala man lang kasing paramdam. Nagmadali ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa Mini Stop. Matiyaga akong naghintay. Pero napamura nalang ako nang indianin niya lang ako. Sinubukan kong tawagan siya. Pero walang sumagot sa tawag ko. Hinahanap ko siya, kung saan-saan. Pero walang Aison. Wala ni kahit anino man lang. "Avery, mahahanap mo din si Aison." Sabi ko Pero wala na talaga. Sinungaling si Aison. Napakasinungaling niya. Wala talagang dumating. Hanggang sa.... Lumamig ang paligid. Tila naging tula at awit ang bawat tunog ng sasakyan. Pakiramdam ko may nakahawak, pakiramdam ko may nakatingin, pakiramdam ko kasama ko siya. "Hindi magandang biro ito." sabi ko. Naiyak na ako sa takot at pangamba. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak. Nangati ang kamay kong magfacebook. In-instalk ko account niya. At unti-unting nagbagsakan ang luha ko. Pakiramdam ko lalamunin na ako ng lupa. Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Hindi ko maintindihan yung naglalaro sa isipan at puso ko. Durog na durog ako. Year today 2020 All of the chat in our conversation Lahat ng chat ko naroon. Yung videocall ko nandoon. Yung Screenshots naroon, Pero wala siya dito. Aison is dead. I cried so hard, all this time akala ko buhay siya. Binulag nanaman ako ng 3rd eye ko. Gusto ko nang mamatay Biglang tumunog phone ko. At may chat nanaman si Aison. Umiyak ako, utak ko nalang ito. Ayokong tingnan yung chat niya sa akin, dahil masasaktan lamang ako sa mababasa ko. Isang linggo ang lumipas. Nakalimutan ko nang buksan ang mensahe ni Aison. Nangati ang mga kamay ko. Binuksan ko iyon. Mas lalo akong nagulantang. Ako at si Aison. Nasa picture? Oo, kaming dalawa magkasama sa ataul. At may nakalagay na lettering. "LET'S HANG TOGETHER IN HEAVEN." *** "Bakit ganoon, patay agad yung character ko nakakadismaya naman yung itinatakbo ng isip ko!" Inis kong sambit sa sarili, masyado akong nadismaya sa sarili ko, effect na din siguro ng lalakeng iyon, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang naging reaction ko ng sandaling iyon. Narinig ko si Glenny kumanta. Hindi iyon pamilyar at hindi ko alam kung sino gumawa ng kanta. "And I— believe that there's a magic inside. And I — believe that you are my medicine. In my ill— Oh yeah! Thanks for loving me since first!" Kanta ni Glenny, maganda yung boses ni Glenny. Pero bigla may umentra ng sandaling iyon sa pag-awit ni Glenny. Si Fely pinsan namin iyan ni Glenny. Hindi ko alam sa kaniya kung nakita ganiyan siya, inirapan niya kami ni Glenny at nagsimulang mag-clear ng throat nito. Bigla kong hinila si Glenny para iwan si Fely. Hindi kasi kami natutuwa sa kagaspangan ng ugali nito. "Hoy! Sandali lang! Bakit kayo maalis?" Sigaw ni Fely sa amin, hindi namin siya pinasan dahil ayaw din namin makipag-usap dito. Dahil naasiwa kami at ayaw din namin magkaroon pa na komunikasyon dito, napipilitan na lang kung minsan na sagutin ito ni Glenny. Lalo pa at kung wala ako at si Glenny lang ang naaabutan nito. Nang sandaling iyon hindi namin siya kinausap, ayoko na din siyang kausapin. Ultimo mga magulang ko irita sa kaniya dahil sa mga pananadyang ginawa nito noong kasagsagang nakikitira ito sa bahay namin, dahil nakahanap ito ng work malapit sa bahay namin. Ang taong ito ay sadyang napaka-tibay ng kalooban na para bang wala siyang naaargiyabyadong ibang tao. Medyo na-disapoint ang pamilya ko, ganoon na din ang pamilya ni Glenny. --End of Chapter 4--
ganda
5d
0its nice
13d
0so sad😭
13d
0View All