logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6:

Ysreal’s POV
Labag man sa loob kong makatabi ang lalaking ito, mas pinili ko pa ring mahiga dahil sa sakit ng aking katawan. Nakapapagtaka lang dahil sa maayos na lugar ako dinala. Bakit hindi sa bodega? Mas gugustuhin ko pa iyon kaysa makita ang kaniyang mukha. Parang sa kahit anong oras, gusto ko siyang sakalin dala ng galit. Maingat ang katawan kong huwag madikit ang balat sa katawan ko. Nakadapa si Hide habang malalim ang paghinga.
Napapikit ako nang idantay niya ang kaniyang braso sa aking baywang. Gusto ko itong tanggalin at ihagis pabato ngunit wala akong lakas para gawin ‘yon. Huminga ako nang malalim at pinilit ang sariling matulog ngunit hindi ko magawa. Hanggang umungol ang aking katabi.
“S-Seek...” Nanigas ako sa pagkakahiga. Ang boses na iyon ay galing sa kaniya. Nanaginip ba ito? “I-I’m sorry...” Ngayon ko lang narinig ang boses ni Hide na nagmamakaawa at mararamdaman mo ang sakit. “I’m sorry dahil iniwan ka ni kuya...” Nilingon ko siya. Kahit nakapikit, lumuluha ang kaniyang mga mata. Malaki talaga siguro ang epekto ng pagkawala ng kapatid sa kaniya. Halata naman, Ysreal. Kung hindi siya apektado, hindi niya ito gagawin sa ‘yo. Mukhang naglasing siya dahil sa kapatid.
Ilang minuto na ang lumipas, wala na itong sinabi. Sa panamahimik kong iyon at nag-iisip kung paano makatutulog. Biglang may tumunog na cellphone. Wala naman akong dalang cellphone kaya itong lalaki ang nagmamay-ari niyon. Dahil sa paraang naisip ko kung paano makatatakas dito, hinanap ko agad ang cellphone niya. Salamat naman dahil nasa lamesita.
Umupo ako para abutin. Nang tingnan ko ang caller, walang pangalan. Dahil doon, nakuha kong magdalawang isip. Paano kung tauhan ito ni Hide? Kasabwat nila? Pero sa despersada kong gustong makatakas, sinagot ko ang tawag.
“Hide.” Kilala ko ang boses na ito. Ito ‘yong tinawag na Reid ni Hide. “Naiwan mo ang kotse mo rito sa bar. Paano ka nakauwi?” Hininaan ko ang sounds baka magising itong natutulog. “Hey, Hide. Ipa-wrecker ko na lang itong kotse mo tutal mukhang wala kang balak iuwi.”
Nanginginig ang kamay kong nagsalita. “P-Please...” Hindi ko maituloy ang aking sasabihin dahil tila nauubusan ako ng boses sa kaba at iyak.
“Who’s this? Pet ni Hide?”
“Please, help me. Hindi ko alam kung saang lugar ito pero si Hide ang dumukot sa akin para saktan ako. Pakiusap, tulungan mo ako.” Doon nag-umpisa tumulo ang aking mga luha.
“Ah...” Iyon lang ang naging tugon niya. Parang pinigilan niya ang kaniyang sarili sa pagsasalita. “Sinabi sa akin ni Cure ang plano niya sa ‘yo. Hindi ko p’wedeng kontrahin ang plano ni Hide. Pakibigay na ang cellphone niya, naririnig ko ang hininga. Nasa likuran mo na yata.”
Dahan-dahan akong tumingin sa aking likuran. Nakita kong nakaupo siya ngayon habang nakataas ang kilay sa akin. Napaigtad ako sa gulat. Siya naman ay inis na inigaw ang cellphone.
“Good to heard that pinaalam sa ‘yo ni Cure. Keep quiet, Reid. Bye.” Inis niyang pinatay ang tawag at muling binagsak ang katawan sa kama. “You need to rest your body. May kailangan pa ako sa ‘yo. Tama na kakaiyak, nakaririndi. Punyeta.” Mula sa akin ay tumalikod siya. Kinuha ang unan para ipagtakip sa taynga. “Huwag mong tangkain na tumakas, isang daan na tauhan ang bubungad sa ‘yo.”
“Hindi ko naman tinanong.” Humiga na ako sa kama. Hindi ko na inisip ang aking sarili kaya siguro nakatulog agad ako.
NAGISING ako nang may tumapik sa aking mukha. Minulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang isang lalaking nakadoctor suit. Dahil doon ay napaupo ako sa kama.
“Sino ka?”
“I’m Mr. Hide Laurier’s new doctor. I’m Doctor Steven. Calm down, ginamot ko lang ang mga sugat mo. Buti hindi malala ang pagkakadulas mo sa hagdan dahil kailangan pang i-xray ang ulo mo kung sakali.” What? Nahulog ba ako sa hagdan?
Napatingin ako sa kawalan at napaisip. “Ito ba ang gustong patayin? Pinapagamot ang sugat?”
Muli na namang sumagot itong doktor na ‘to. “What do you mean patayin? Sabi ni Mr. Hide, nanay ka raw niya. Hindi makatayo kaya ako na lang ang pinapunta.”
Sa sinabi niya, napanganga ako. Ngayon naman ay nanay? Anong pangbibida ang ginawa ng lalaking ‘yon? “No, I’m no—”
Hindi natuloy ang aking sasabihin nang pumasok ang isang tauhan. Sa akin agad ang tingin nito. “Kumain ka na raw.” Wala siyang pasintabing kinuha ang aking pulsuhan at hinatak palabas ng kwarto.
Napatigil lang siya nang hawakan siya ni Doctor Steven sa balikat. “May sugat siya sa pulsuhan. Pakiingatan ang nanay ni Mr. Hide.” Tinitigan niya ang kabuoan ang lalaki. “P’wede na palang magmaid ang lalaki.” Halatang naguguluhan siya sa nakikita kaya hindi na ito nangialam.
Tumuloy na kami sa hapagkainan. Nakita ko na naman si Hide na nakaupo habang kumakain. Nakaharap siya sa kaniyang cellphone, halatang may binabasa. Ako naman nasa lamesa lang ang tingin dahil sobrang daming pagkain
“Good morning.” Nilipat ni Hide ang mga titig sa akin. “Kumain ka na. Lahat iyan ay mamahalin. Para naman makaranas ka ng masarap na buhay bago mamatay.”
Masarap bang buhay ‘to?
Hindi ko na pinatulan ang kaniyang panglalait. Umupo na ako at nag-umpisang kumain. Pati sa hapagkainan ay ang dami niyang tauhan. Mukha bang makatatakas ako sa lalaking ‘to kapag tumakbo ako? Hindi.
Napatingin ako kay Hide dahil pabagsak niyang binaba ang baso. Nakakunot na naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Magkamay ka na nga lang. Hindi ko gusto ang paghawak mo sa mga kubyertos. Wala ka namang pera. Ang arte.”
Medyo naguluhan pa ako sa tinuran nito ngunit nagawa ko namang sundin. Mahinhin akong kumakain habang lumilipad ang aking isip. Big deal kasi sa lalaking ‘to ang lahat ng aking ginagawa. Pati sa pamamaraan kong paggamit ng kubyertos, pinatigil. Masyadong isip bata.
Tahimik lang kaming dalawa nang bumaba si Doctor Steven. “I need to go, Mr. Laurier. May duty pa ako. Nag-iwan ako ng reseta for your mother, okay? Bantayan mo ng mabuti para hindi nadudulas sa hagdan.” Tumango sa kaniya si Hide kaya nginitian siya ng doktor kahit nakakunot ang noo. Palabas na sana siya ng pintuan nang bigla na namang humarap sa akin. “I’ve seen you before at the grand ball. Hindi ko masyado maalala.”
Napatango-tango na lang ako kaya tuluyan na itong lumabas. Tumingin ako kay Hide na marahas na nakatitig sa akin. Halata namang pinapakinggan niya ang sinabi niyon para makakuha ng impormasyon. Laging mainit ang ulo nito kapag ako ang kaharap.
Hindi pa ako tapos sa pagkain nang itayo na naman ako ng isang tauhan. Tiningnan ko si Hide na walang pakialam. Sumunod na lang ako sa tauhang ito kung saan ako dadalhin. Binuksan niya ang isang kwarto at pabato akong pinasok. Sumakit ang ilong ko dahil naumpog ako sa pader. Punyemas na lalaking iyon. Mala-Hide kung kumilos.
Nilibot ko ang aking tingin. Wala na namang bintana. Normal na kwarto lang ito ngunit walang kama. Kakaunti lang din ang gamit. Ikukulong na naman ba nila ako? Napatigil ako sa pagtatanong sa aking isipan nang bumukas ang pinto. Niluwa niyon si Hide habang may hawak sa cellphone. Dumiretso siya sa phone stand at nilagay ang cellphone. Tinutok niya iyon sa isang pader habang nakabukas ang flash.
Sunod niyang ginawa ay tingnan ako. Nakataas ang kilay niyang nagsalita. “Anong ginagawa mo riyan? Punwesto ka rito, mamatay tao.”
Nauutal akong nagtanong. “A-Anong gagawin natin?”
“Just do it. Stop asking. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.”
Napatikom ako ng bibig at walang emosyong punwesto sa tinuturo niya. Gusto kong dagdagan ang sakit ng aking katawan dahil nagsusunod-sunuran ako rito. Hindi ko talaga kayang ipagtanggol ang aking sarili laban sa kaniya.
Kinuha niya ang upuan para umupo sa harap ng phone stand. Huminga siya nang malalim at muling bumaling sa akin. “Tell to everyone na ikaw ang pumatay sa kapatid ko. Sabihin mong hindi ka pinautang ng pera kaya sa oras na ‘yon, nagawa mo siyang patayin at nakawan.” May kinuha siyang litrato sa kaniyang bulsa at ngumisi. “Hindi porque nakatago lahat ng impormasyon tungkol sa ‘yo, wala na akong makikita. Hawak ko ang kapatid mong may sakit at lola mong nagbabantay dito. Kung hindi mo gagawin ang gusto ko, idadamay ko sila sa gulo mong nakagawa.”
Napayukom ako ng mga kamao. Puno na rin ng galit ang puso ko. “Tigilan mo sila.”
Natatawang umiling-iling si Hide. “So start.” Pinindot niya ang kaniyang cellphone. Sa oras na ito, nag-uumpisa na ang video. Nakatingin lamang siya sa akin habang hinihintay ang aking sasabihin.
“Bakit ko aakuin kung hindi naman ako ang pumatay?” Matapos kong itanong iyon. Pumikit ako dahil naramdaman kong may binato siyang kutsilyo sa akin.
“Huwag mo ‘kong inisin.” Matigas na naman ang pananalita niya ngayon. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Kita ko siyang nakatuktok sa cellphone. “Pakibilisan, secretary! Ang kupad!”
Nakatayo ako ng maayos dahil sa kaba. Naiiyak na rin ako sa takot. “A-Ako...” Hindi ko maituloy ang aking sasabihin dahil ayokong makulong. Hindi naman ako ang pumatay sa kapatid niya. Sunod-sunod ang tibok ng aking puso. Pumikit ako dahilan para tumulo ang aking luha. “Hindi nga ako ang pumat—”
Sa isang segundo, may nakahawak na sa aking leeg. Mahigpit ito sapat para hindi ako makahinga nang maayos. “Don’t test me, secretary.”
Dinikit niya ako sa pader, nakatingkayad na ako ngayon dahil sa pagkakasakal niya. “Bakit hindi ka sumama sa mga pulis para mag-imbestiga? Alam ko sa sarili kong hindi ako pumatay.” Sunod-sunod ang tulo ng aking luha. “Maniwala ka naman sa akin. Wala akong intensyong sirain ang pamilya niyo...”
Sa mga sinabi ko, mas lalong humigpit ang hawak niya. “Walang intensyon?! Kung alam mo lang kung gaano naapektuhan ang aking pamilya! Mga magulang kong umiiyak dahil hindi makuha ang hustisya ng kanilang anak! Si Serious na palaging nakangiti, ngayon iniiyakan ang kuya niya! Ako na sinisisi ang sarili dahil iniwan ko siya! Hustisya ang kailangan ko, pakiusap! Ibigay mo naaaaa!” Tinitigan ko siya sa mga mata. Nakita kong umaagos ang kaniyang luha.
“A-Akong...” Huminga ako nang malalim kahit nahihirapan. “A-Akong walang kasalanan pero ako ang nagbabaya—”
“Ikaw lang ang pumatay.” Inangat niya ako gamit ang pagkakasakal sa aking leeg para magkapantay ang mukha naming dalawa. “Wala na. Tumutugma sa  ‘yo lahat ng ebidensya. Sabi mo wala kang maalala sa oras na ‘yon. Hindi mo ba natanong ang sarili mo kung ikaw ba ang pumatay?”
Ngayon, hawak ko na ang kaniyang kamay na nasa aking leeg. “K-Kapag nalaman ko, ako mismo ang magpapakulong sa sarili ko...” Napatingin ako sa ibaba. “Pero... nananaig sa aking puso na hindi ko kayang pumatay ng tao. Kung ganito ka maghanap ng hustisya, sa tingin mo ba matutuwa ang kapatid mo sa—” Bigla niya akong binato sa sahig. Doon lang ako nakahiga nang maayos. Sunod-sunod ang aking pag-ubo. Tinitigan ko siya sa mga mata. “Bakit? Hindi mo matanggap na kaya mong pumatay ng tao? Hindi mo matanggap na nananakit ka ng babaeng walang kasiguraduhan sa hinala mo?” Pinilit ko ang sarili kong tumayo. Humarap ako sa kaniya. “Pulis na mismo ang nagsabing walang sapat na ebidensya ang kaso ng kapatid mo. Kung patuloy kang ganito, makapapatay—”
Mabilis siyang nakalapit sa akin para itulak ako sa pader. Sumakit ang aking likod doon. Nakalapat ang katawan ko sa pader habang hawak-hawak ang panga ko gamit ang isa niyang kamay. Puno na naman ng galit ang mga tingin niya.
“Wala akong pakialam kung ikaw ang mamamatay.” Madali niya lang akong ikulong sa kaniyang mga bisig dahil sakop ng katawan niya ang katawan ko. “Huwag mo akong pangaralan. Matutuwa ang kapatid ko dahil patay na ang babaeng isa ring sakit sa lipunan.” Nilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tainga. “Remember it, secretary. Pagdating sa ‘yo, hindi ako nagdadalawang isip na patayin ka. Huwag mong painitin ang ulo ko dahil hindi pa nag-uumpisa ang laro, patay ka na.”
Buong lakas kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa panga ko. Nahihirapan ko siyang hinarap. “Putang—”
Muli na naman akong napapikit. Sumabay sa pagpikit ko ang paghina ng aking katawan. Sunod-sunod na namang tumulo ang aking mga luha nang sakupin niya ang aking labi. Hindi na panga ang hawak niya sa akin, dalawang pulsuhan ko na ang nakalapat sa kabilang gilid ko para hindi ako makalaban. Napadaing ako nang pisilin niya ang pulsuhan kong may sugat. Nagwagi siyang maipasok ang dila sa aking bibig.
Ang mga halik niya, ramdam ang pagnanasa. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawang nakadikit sa akin. Bumaba ang kaniyang halik sa aking leeg, masyado iyong marahas. Ginagawa niya ito sa akin na punong-puno ng galit ang kaniyang puso.
“Huwag mong angkinin ang katawan ko...” Mahina kong usal na alam kong maririnig niya. Hindi ako nanlaban dahil kung ayaw ng lalaki, kusa itong titigil. “Hide...” Barag ang aking boses. “Ramdam ko ang labi mo. Nakikiusap ulit ako. Pakitigil.”
Sa hikbi kong iyon, lumuwag ang hawak niya sa dalawang pulsuhan ko. Dahan-dahang tumigil ang kaniyang paghalik. Nang lumayo-layo siya. Umupo ako sa sahig at nag-umpisang yakapin ang aking sarili.
“Not my intention. I was just carried away by anger.” Paliwanag niya.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone, lalabas na sana nang bumukas ang pinto. Pati ako ay napatingin doon, nakita ko si Reid. Nakakunot ang noo niya habang pasalit-salit ang tingin sa amin.
“What is this, Hide?” Tinuro niya ako. “Ganiyan ba ang ginagawa sa sekretarya?”
Hindi nagpatalo si Hide. “Akala ko ba alam mo na ‘to? Bakit ka pa nagtatanong?”
“Hindi ko alam.” Matalim ang titig ni Reid kay Hide. Sa likod niya, doon lumabas si Cure na nakikinig sa kanilang dalawa. “Intensyon kong tulungan iyang babaeng ‘yan mula sa ‘yo. Dahil kapag nalaman mong hindi ko alam ang plano mo, alam mong mangingialam ako at ilalayo mo kung saan hindi ako bibida. Ganoon iyon, ‘di ba?” Napahilamos siya ng mukha. “Hindi pagbibida tawag doon. Nangingialam ako dahil biglang kaibigan mo, gusto kong sabihin sa ‘yong mali iyang mga pinaggagawa mo. Kapag nalaman ‘to ng pamilya mo, lalo na si Serious. Ano? Anong ipapaliwanag mo?”
Seryoso ang boses ni Hide. “You’re my friend but don’t interfere with what I’m doing.”
“I know you hate women but don’t treat them that way.” Naglakad palapit sa akin si Reid. “Kung hindi mo ititigil ‘tong kakaguhan mo, ako mismo magpapakulong sa ‘yo.”
“What?!” Inis na bumaling si Hide sa aming p’westo dahi nakaupo na si Reid sa aking harapan. “May balak ka pang ipagtanggol iyang mamatay taong ‘yan?”
Hindi siya sinagot ni Reid. Mas pinili ako nitong buhatin at ilayo kay Hide.
“Hide vs. Reid again and I’m referee.” Rinig kong sabi ni Cure. Hindi ko na narinig ang sinabi ni Hide dahil nakalayo na kami roon. Itong mga tauhan, walang nagawa.
Itutuloy...

Book Comment (42)

  • avatar
    LongasaRachelle Ann

    ang Ganda po kaso medyo naguluhan lang ako sa kwento Yung flow medyo nakakamad pero Yung ending maganda

    18d

      0
  • avatar
    PallarMateo

    very interested

    09/07

      0
  • avatar
    Boss Vin Wapo

    good 👍

    26/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters