logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5

"WAG PLEASE!..." umiiyak ng pakiusap ko kay damuho pero matalim ang tingin lang na ipinukol niya sa akin.
Hindi ko na napagilang lumakas pa ang iyak ako at napaluhod habang nakikiusap sa kanya.
"Parang awa muna wag mong gawin 'to!" nagsusumamong sabi ko habang nakaharap sa kanya ang magkahawak kong kamay at nakikiusap.
Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin ito sa akin. Ilang beses na naman ako humingi ng tawad sa kanya ng bigla niyang ihunto ang sasakyan at pinababa ako.
"Please naman! Maawa ka sa akin." humahagulgol ng sabi ko, ngunit hindi niya ako pinansin at mas lumapit pa sa akin at bahagyang umupo para magkapantay kami.
Ngumisi siya na mas lalo kong ikinahagulgol.
"I'm sorry to say this. Pero napag-utusan lang ako." aniya at mabilis ang kilos na kinuha niya ang bag ko sa likod ko at basta na lang itinapon iyon sa bangin dahilan para tuluyan na kong napasalampak paupo sa simento at magwala sa kakaiyak.
"HINDEE.....ang bag ko..." sigaw ko habang nakatingin kung saan niya ibinato ang bag ko.
"Tsk. Para kang bata! Tumayo kana d'yan at gagabihin na tayo." tanging nasabi lang nito at basta na lang akong tinalikuran at pumasok sa sasakyan.
Hayop na damuho talaga! Walang awa sa bag ko..
Masama ang loob na tumayo ako at pinagpag ang pwiten ka bago inis na pumasok sa sasakyan, pinunasan ko muna ang pingi kong basang-basa ng luha bago siya tinignan ng matalim.
Matalim na sasaksak sa panga niyang pangisi-ngisi pa.
"What? I just did what your grandfather said." balewang sabi pa nito bago muling pinagana ang sasakyan na mas lalo kong ikina-inis
Halos makipag hilahan ako sa kanya kanina ng kunin niya ang bag ko, kung alam ko lang na hindi siya madadaan sa pagmamakaawa ko sana pala ay tumakbo na ko pabalik ng Baryo namin.
"Sana nag-isip ka rin bago mo ginawa yung inutos sayo! Ano na gagamitin ko? Nandun lahat ng damit ko. Tanga kaba?" hindi ko na napigilang bulyaw sa kanya na ikinataas lang niya ng kilay, saglit na tinitigan niya pa ako bago bumuntong hininga at gulat na napansandal ako sa upuan ng bigla na lang siyang lumapit sa akin.
Napigilan ko pa ang paghinga ko dahil sa lapit ng mukha niya at nahinga lang ako ng bahagya siyang lumayo na may hila-hila at ikinabit iyon sa kung saan.
"Seatbelt. First time mo bang sumakay ng sasakyan?" aniya habang inaayos ang seatbelt ko bago nito tuluyang pinaandar ang sasakyan.
Napanguso lang ako sa sinabi niya ang ng marealize na iniiba lang niya ang usapan at mataray na binalingan ko siya.
"Wag mong ibahin ang usapang damuho ka! Ano ng susuotin ko ngayon sa Maynila?" singhal ko.
tinapunan lang niya ako ng tingin saglit mula ulo hanggang sa paa ko bago napapailing na ibinalik iyon sa daan. Napataas muli ang isang kilay ko.
"Damit na talaga ang tawag mo sa suot mo?" tanong nito na ikinakunot noo ko, pinasadahan ko naman ng tingin ang suot ko.
T-shirt na itim na halat na ang kupas at pantalong kupas din na binili pa ni Mama sa ukay-ukay. Muli akong tumingin sa kanya.
"Anong tawag mo dito?"
"Basahan!" walang pakundangang sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
Ang hayop na 'to ginawa pa kong basahan..
"Aba't gago ka ha!" singhal ko at aambahan ko sana siya ng suntok ng bigla siyang napabuntong hininga at tamad na tinapunan ako ng tingin.
"Just sleep okay! Limang oras pa ang babyahin natin and I want peace. So please! lean yourself and close your eyes so I can drive peacefully." parang napahiyang sumandal naman ako sa kinauupuan "ko at inirapan siya bago tumingin sa bintana.
"Gusto mo pala ng peace sana sinabi ng inihulog din kita kanina kasama ng bag kong damuho ka!" naiinis pang bulong ko.
"Tsk.."
Napabuntong hininga na lang ako at hindi na pinansin pa ang damuho para makuha niya ang hinahanap niyang peace, at dahil siguro sa pagngangawa ko kanina dahil sa bag ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Naalipungatan na lang ako ng makarinig ng mga busina ng sasakyan.
Pupungas-pungas na sumilip ako sa bintana at saka ko lang napansin na madilim na pala, marami na rin akong nakikitang sasakyan sa paligid at naglalakihang mga gusali.
Nasa Maynila na ba kami?"
"You're awake!..." napabaling ako kay damuho at napaayos ng upo, napansin kong may kinuha ito sa bandang paanan niya at inabot iyon sa aking ng hindi tumitingin. Agad ko namang tinanggap.
"Just eat that! Bumawi kana lang pagdating natin sa bahay." aniya. Sinilip ko naman ang paper bag at ng makitang isang burger, fries at softdrinks ay agad akong naglaway.
Walang hiya-hiyang nilantakan ko iyon, pero ng marealize ko ang sinabi ni damuho ay kunot noong bumaling ako sa kanya habang subo-subo ang fries.
"pagdating natin sa bahay?" pag-uulit ko sa sinabi niya, kinukimpira kung tama ba ang narinig ko at ang nasa-isip ko.
Tumango siya habang nakatingin pa rin sa daan.
"Yup! Sa bahay! Our house to be exact." pagkukumpirma nito sa sinabi dahilan para mapamaang ako habang napapailing.
Confirm! sa kanya ako binenta nila Mama at kasabwat si Lolo.
"AYOKO NGA! bakit ba ang kulit mo?" sigaw ko kay damuho na mukhang nagtitimpi lang ng galit sa akin.
Wala akong pakielam kung umapoy pa s'ya galit, basta hindi ako bababa ng sasakyan niya.
Matapos niyang ikompirma na titira ako sa iisang bahay na kasama siya.
Over my dead body...
Uuwi na lang ako sa Baryo namin at isasampal ko sa kanya ang perang ibinayad niya sa mga magulang ko kasama na ang hukluban kong Lolo na kasabwat niya.
Kaya siguro na papayag si Mama, malaki ata ang nakuhang kabayaran..
"bakit ba ayaw mong bumaba, hinihintay na tayo ng Lolo mo sa loob." inis na sabi nito na inirapan ko lang inaalis ang kamay ko sa seatbelt, humawak pa ako ng mahigpit sa seatbelt para hindi niya ako mahila palabas.
"Pagsinabi kong ayoko! Ayoko! Magkano ba binayad mo sa Magulang ko para bilhin ako? Bawiin mo na lang at isauli mo na ako samin." sigaw ko na ikinahinto niya sa pagpipilit na matanggal ang seatbelt sa akin at kunot noong tinignan ko.
"What are you talking about? Tingin mo bibili ako ng isang katulad mo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Aba't loko 'to ah!...
Binitawan niya ang seatbelt na mahigpit kong hawak pati na din ang braso ko at saka sumusukong sumandal sa kanyang kinauupuan bago napabuntong hininga.
"You know what! Bahala ka kung ayaw mong bumaba. Stay here forever if you want." inis na sabi nito at lumabas na sasakyan. "crazy childish!..." pahabol na sabi pa nito bago tuluyang isara ang pinto.
Inis na napasandal naman ako sa upuan ko at sinundan lang siya ng tingin mula sa bintana.
Umikot siya at pumasok sa napakaling gate sa tapat ng hinintuan namin. Mas inilipat ko pa ang mukha ko sa bintana para makita ang kabuan ng pinasukan niya at halos wala sa sariling napabitaw ako ng makita ang napakagandang bahay.
Namamanghang napababa ako ng sasakyan para mas makita iyon ng maayos.
Bukas lahat ng ilaw sa loob ng bahay kaya kitang-kita ang ganda ng pagkakadsenyo mula sa labas.
Feeling ko tuloy ay para akong nanliliit sarili habang pinagmamasdan ang bahay mula sa kinatatayuan ko.
Iniisip ko palang na d'yan ako sa bahay na yan titira ay parang magiging isang presensa na ang peg ko kung sakali.
Agad na ipinilig ko ang ulo dahil sa naisip.
Hindi dapat magpadala sa laki ng bahay na yan. Di baleng hindi ako makapag-aral dito basta uuwi ako kila Papa.
"Still not going inside?" naagaw ang atensyon sa taong nagsalita at ng makita si damuhong nakasandal sa hamba ng gate ay agad ko siyang inirapan at tumalikod para sana pumasok sa loob ng sasakyan.
"Jowey!..." napahinto ako sa paspasok ng kotse ni damuho ng marinig ang boses ni Lolo. Nabaling ako sa loob ng gate, nakita siyang nalalakad palabas, agad namang umayos ng tayo si damuho para makadaan ang Lolo ko, at nang makalapit ito ay bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa uri ng tingin nito.
"L-Lolo!..." mahinang bati ko, napakamot pa ako sa batok at napayuko.
"Let's go inside." mautoridad na utos nito. Lihim akong napalunok at dahang-dahang tumango.
Nauna na siyang naglakad papasok ng gate, napansin kong naghihintay parin doon si damuho at nakuha pa kong ngisian bago sumabay kay lolo sa paglalakad habang ako naman ay nasa likod lang nila. Napabusangot na lang ako at ngali-ngaling ambahan si damuho.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang igala ang paningin sa paligid ng labas ng bahay. Sobrang lawak, may iilang mga mga bulaklak na nakatanim sa may bandang gilid ng pader, meron ding fountain na mas lalo kong ikinimangha dahil sa nag-iiba't-ibang kulay ng ilaw na nagrereflect sa tubig 'nun.
Napansin ko ang pag pasok nila Lolo sa makaling pintuan at mula sa kinatatayuan habang naglalakad din papasok ay halos parang luluwa na ang mata ko sa nakikitang ayos ng loob at ng tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay ay parang gusto ko na lang ulit lumabas, masyadong makintab ang sahig na para na kong nanalamin.
Hiyang-hiya ang sapatos kong tumapak..
Sinubukan kong igala ang paningin at masasabi kong kahit hininga ko ay mahihiyang lumabas sa bibig ko dahil sa linis at lawak ng loob.
Parang nagkikinangan ang mga gamit sa panigin ko, kahit sa pinaka-gitnang bahagi ng bahay na may upuan ay parang kumikinang dahil sa kulay ginto nito sa bawat gilid na parang mahihiyang upuan ng isang katulad ko, nang mapadako naman ang tingin ko sa hagdan ay parang gugustihin ko na lang gumapang paakyat doon kung sakali, parang nakakahiyang tapakan lalo na ang red carpet sa nakalatag sa gitna 'nun, at hindi pa doon natatapos ang kaignorantehan ko ng tumingala ako at makita ang malaking babasaging ilaw na nakasabit doon na mukhang mamahalin din.
"Lolo!..." wala sa sariling tawag ko kay Lolo.
"Hmmm?..." bumaling ako sa kanya at tinuro ang malaking babasaging ilaw na nakasabit.
"Pwede kong ibenta 'yun?..."

Book Comment (78)

  • avatar
    John Mark Tiosan

    good novelah

    25d

      0
  • avatar
    TajRhea

    more chapters pa po nakakabitin po Yung story excited pa nmn Ako tas nag end na to be continued na agad ❤️

    03/08

      0
  • avatar
    Requiño TalayMikyla

    kakabitinn, asan na chp 50🥺🥺

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters