logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

TUTULOY PA BA KO?
Tatlong araw na ang lumipas ng bumisita si Lolo kasama ang damuhong iyon at nag bilin na magpapadala na lang siya ng magsusundo sa akin. Pero hanggang ngayon ay laman pa rin ng isip ko ang narinig kong sinabi ng damuhong iyon.
Hindi ko kasi maiwasang isiping ako ang pinag-uusapan nila ng kausap sa cellphone dahil ako lang naman ang nangtrip sa kanya nung araw na 'yun.
kaya nga simula nga nung araw na yun pagkaalis nila ay para na kong tanggang binabatayan ang pinto ng kwarto ko sa gabi, sa isiping babalik siya para gawin yung balak niya.
Sa sobrang pagbabantay ko nga ay nagawa ko na ring tahiin yung damit pangburol na pinangako ko kay Danatot, pero dahil pakiramdam ko ako ata ang unang mabuburol, hindi ko muna ibibigay iyon kay sa kanya.
"Jowey! Nakikinig kaba?. Wag kang kung saan-saan nag pupunta doon, may katangahan ka pa naman, atsaka baka pwede ayusin mo na ang pag-aaral mo ngayon, para hindi naman nakakahiya sa lolo mo...blah...blah...blah..."
Tamad na napabaling ako kay Mama na siyang nag-eempake ng mga damit ko.
"Mama!" tawag ko. Saglit siyang tumingin sa akin at pinagpatuloy muli ang ginagawa.
"Bakit?"
Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya.
"Wag na lang kaya 'kong tumuloy sa Maynila?" sabi ko na ikinakunot noo niya.
"Hindi pwede paparating na ang sundo mo." napabuntong hininga na lang ako at bagsak ang balikat na bumalik sa dati kong pwesto.
Kung kailang napapayag na nila Lolo at Papa na sumama ako kay Lolo sa Maynila ay saka naman parang ayoko ng tumuloy.
Hindi ko naman masabi kay Mama na may nagbabanta na sa buhay ko dahil baka makatikim na naman ako ng batok.
"Akala ko ba ayaw mo kong umalis?" wala sa sariling tanong ko.
Napansin ko ang pag-hinto ni mama sa ginagawa at saka napabuntong hiningang napaupo sa papag ko bago ako tinapunan ng tingin.
"Narealize ko kasing tama ang Lolo at Papa mo. Simula kasi nang manirahan tayo dito, pinaranas na namin sayo ang hirap na hindi mo naman dapat maranasan, kaya naman ngayon, panahon na talaga siguro para matikman mo naman ang masaganang buhay sa Maynila kasama ang Lolo mo...ang buhay na nararapat lang naman talaga sayo. alam kong makakayang ibigay sayo ang lahat ng Lolo mo na hindi namin naibigay sayo sa loob ng maraming taon Anak!" mahabang lintaya ni Mama na nagpaantig sa puso ko.
Ito ang unang beses na kinausap ako ni Mama ng siryoso, kaya masasabi kong hindi pala bagay sa kanya.
Hindi kasi ako sanay!..
"Kapag nasa Maynila kana, siguradong higit pa sa pangarap mo lang na makapagtapos at makahanap ng trabaho ang makukuha mo. Maraming pwedeng mangyari sayo doon, maraming pwedeng magbago sa buhay na tatahakin mo roon, at higit sa lahat may mga taong darating sa buhay mo ng hindi mo inaasahan, mga taong pwedeng magpahirap o magtanggol sayo..." makahulugang sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"...kaya wag mong kalilimutan ang mga bilin ko. Ayusin mo na pag,-aaral mo doon at kung maaari wag na wag ka munang mag bo-boyfriend, sinasabi ko talaga sayo Jowey kapag nalaman kong nanlalalaki ka lang doon, pupuntahan talaga kita at sasabunutan pabalik dito sa'tin."
Napangiwi ako sa sinabi ni Mama.
Grabe sa words na manlalalaki. Ano ako? Dyosang lapitin ng lalaki.
"Ma! Naririnig mo ba sinasabi mo? Nakikita mo ba itong mukha ng anak mo?" tanong ko at tinapat ko ang kamay ko sa baba ko. "mukha bang may lalapit sa aking lalaki ha? Mukha bang manlalaki ang ganitong mukha?" sarkastimong saad ko na ikinairap lang ni Mama bago nagpatuloy sa pagsasalampak ng damit ko sa bag.
"Naninigurado lang! Sa panahon ngayon wala ng panget basta laman t'yan pinapatos."
Napa-poker face na lang ako sa sinabi ni Mama at pinili na lang hindi umimik.
Hindi ko alam kung nag-aalala talaga siya o nang-iinsulto e! Naturingang anak ako pero kung makasabi ng pangit wagas.
Kasalanan ko bang siya ang naging nanay ko kaya naging panget ako?
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa bintana, inayos ko pa suot kong salamin dahil sa tumatamang sinag ng araw sa mata ko.
Hindi rin nagtagal ay natapos na si Mama sa pag-aayos ng gamit ko, sinabihan niya na rin akong mag-ayos na, sakto namang nakarinig kami ng busina ng sasakyan sa labas.
Malamang na yun na ang sundo ko.
Kahit labag sa loob ko, tamad na nag-ayos ako ng sarili. Sinadya ko pang magtagal sa banyo ng mahigit isang oras para lang makaramdam talaga sila Mama na ayoko ng umalis.
"Jowey ano ba? Bilisan mo naman!" malakas na sigaa ni Mama na ikinabuntong hininga ko.
Tinapos ko na ang paliligo at mabilis na nagbihis. Baka kasi kapag binagalan ko ulit ay makatikim na talaga ao ng batok sa nanay ko.
Nang matapos ay bitbit ko ang aking bag at parang pasan ko ang daigdig na bumaba ng hagdan.
Naabutan ko si Mama na naghahanda na ng pananghalian habang si Papa naman ay tumutulong sa kanya sa paglagay ng plato sa lamesa.
Bumaling sa akim si Papa at nginitian ako.
"Halika na anak! kumain muna kayo bago umalis." tumango lang at lumapit na sa kanila, uupo na sana ako ng pigilan ako ni Mama at inutusang tawagan ko muna ang sundo ko sa labas natingaun ko lang ulit.
Napabuntong hininga muna ako baho lumabas ng bahay at ng makita ang taong susundo sa akin na nakasandal sa sasakyan habang naninigarilyo. Hindi ko na namang maiwasang makaramdam ng kaba.
Ito na ba ang huling aras ko sa mundo?
Literal na sundo ni kamatayan..
Kinakabahan man ay lumapit ako sa kanya at tamad siyang tinignan na ikinataas lang niya ng kilay. Humithit pa ito bago sa sigarilyong hawak at ibinuga ang usok sa pagmumukha ko bago iyon itinapon.
Napaubo naman ako.
"Ano ba! Ganyan mo ba ko balak patayin?" singhal ko habang hinahawi ang usok. Mas lalong tumaas ang kilay niya.
"Papatayin? Mukha bang mamatay ka sa pagbuga lang ng usok sa mukha mo?" sakrastimong sabi niya na ikinanguso ko lang.
"Ewan ko sayo! Pinapatawag ka ni Mama, kumain daw muna tayo bago mo ko bawian ng buhay." sabi ko na lang at agad siya tinalikuran.
Atleast mabusog man lang bago ako mawala sa mundo.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya at ng makapasok sa loob ng bahay ay tahimik lang na umupo ako sa hapag para kumain.
Nagsandok ako ng maraming kanin sa plato, kumuha din ako ng dalawang pritong isda at limang hiwa ng adobo baboy dahilan para mapunoang laman ng plato ko.
"Ano ba yan Jowey! Bibitayin ka na ba at punong-puno yang plato mo?" singhal ni Mama sa akin.
"Sinisiguro ko lang na may laman ang t'yan ko bago ako pumanaw." sagot ko at sinimulan ng lantakan ang nasa plato ko ng hindi sila nililingon.
Gustuhin ko mang namnamin ang sarap ng kinakain ko ay hindi ko magawa dahil nga iniisip kong baka ito na talaga ang huling araa ko sa mundo.
"May problema ba Jowey? Nakakapanibago ang katahimikan mo." puno ng pag-aalalang tanong ni Papa. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa pag-subo.
"Iniisip ko lang kung may nagawa naman ba kong mabuti bago ako pumanaw ngayon."
"Ano bang pinagsasabi mong bata ka! Inaatake ka na naman ng kapraningan mo." si Mama.
"Kumain kana lang d'yan at mahaba ang magiging byahe niyo pauwi ng Maynila." sabi na lang ni Papa.
Kung makakatungtong pa ko ng Maynila.
Nang matapos kumain ay saglit na nagpahinga muna kami. Nagkwentuhan pa sila Mama at ang damuho habang ako ay tahimik na nakikinig lang.
Hindi rin naman nag tagal ay nagpaalam na si damuho na aalis na kami para hindi daw kami masyadong gabihin sa daan.
Binitbit ni damuho ang bag ko at hinatid naman kami nila Mama at Papa sa labas. Muli na naman akong nakaramdam ng kaba.
Ito na talaga... Isasama na ko ni kamatayan.
"Jowey! Yung mga bilin ko wag mong kalilimutan ha!" muling paalala ni Mama na tinanguan ko lang.
"Palagi kang mag-iingat doon anak! Sundin mo rin ang Lolo mo ha!" Si Papa.
Nang makalapit sa sasakyan ni damuho ay huminga ko ng malalim bago hinarap sila Mama at Papa. Saglit na pinakatitigan ko pa sila bago ko sila niyakap ng sabay na mahigpit.
"Ma! Pa! Mag-iingat din po kayo dito. Palagi niyo pong tatandaan na mahal na mahal ko kayo. Wag niyo rin pong pababayaan ang mga sarili niyo at kahit anong mangyari. Palagi lang po akong nasa tabi niyo para bantayan kayo."
Sa isiping ito na ang huling araw ko sa mundo. Hindi ko napigilang mapa-iyak habang yakap sila Mama.
Naramdaman ko ang malakas na paghampas ni Mama sa balikat ko dahilan para kumalas ako sa pagkakayakap sa kanila at mahawak duon. Saglit na pinunasam ko din ang luha ko.
Mamamatay na lang ako lahat-lahat may mapabaon pang hampas.
"Kung makapag salita para hindi kana makakabalik. Umayos ka nga Jowey!" singhal ni Mama na ikinanguso ko lang.
Naramdam ko ang pagtabi ni damuho sa akin at ngumiti kila Papa.
"We're leaving now Tito! Tita! Don't worry! Your Daughter will be safe with me." napataas ang isang kilay ko sa sinabi nito.
Safe? E ikaw nga ang papatay sa'kin.
"Sige! mag-ingat kayo sa byahe Iho!" sabi ni Papa at tinapik pa nito ang balikat ni damuho,tumango lang ito at umikot sa sasakyan at binuksan ang pinto bago muling bumaling sa akin at sinenyasan na akong sumakay..
Muli akong napabuntong hininga, saglit na tinapunan ko pa sila Mama at Papa ng tingin bago nagpasyang umikot na din at para sana sumakay na ng may tumawag sa akin.
Napalingon ako sa likod at nakita ang mga Chismosang nagkukumpulan at pinapanood kami. Napansin ko rin si Danny na patakbong lumapit sa amin na mukha na namang naligo sa pawis.
"Jowey! Akala ko ba pag kolehiyo ka pa mag-aaral ng Maynila? Tsaka nakapag enroll kana ng 4rth year dito diba?" tanong agad nito ng makalapit. Tamad na tinignan ko lang siya bago muling napabuntong hininga.
"Napa-aga sundo ni kamatayan eh! Ano pang magagawa ko?" sabi ko at mataray na binalingan si damuho na nakataas ang isang kilay na nakatingin lang simin habang naka-krus pa ang mga braso sa dibdib.
Inirapan ko lang siya at muling tinapunan ng tingin si Danny na tila naguluhan pa sa sinabi ko pero agad din nagbago ang reaksyon ng mukha niya.
Napangiwi ako sa biglang paghawak nito sa kamay ko.
"Jowey! Ngayong aalis kana! Baka pwede ko na sanang makuha muna ang sagot mo?" tanong nito na mas lalo kong ikinangiwi.
Dahang-dahang tinanggal ko ang kamay niya at ng magtagumpay ako ay pilit ang ngiting hinarap ko siya.
Siguro ito na ang panahon para masabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
Huminga muna ako ng malalim at hinawakan siya sa balikat.
"Danny!..."
"Ano yun Jowey? Sinasagot muna ba ako?" ngumiti ako ng matamis dahilan para magliwanag ang mukha niya.
"Subukan mo munang pag-aralang magpunas ng sipon at magpunas ng pawis baka sa sakaling may pag-asa kapa." sabi ko at mabilis siyang tinalikuran at pumasok na sa sasakyan.
Narinig ko pa ang mahinang pag-tawa ni damuho na hindi ko na lang pinansin. Napansin ko pa ang pailing-iling niya habang nakangisi ng pumasok na din siya at sinimulan ng paganahin ang sasakayan, saglit pa muli siyang nagpaalam kila Mama bago kami tuluyang umalis.
Muli na naman akong napabuntong hininga at tahimik na nakantingin sa labas ng bintana.
Paalam Ma! Paalam Pa! Hihintayin ko kayo sa kabilang buhay...

Book Comment (78)

  • avatar
    John Mark Tiosan

    good novelah

    25d

      0
  • avatar
    TajRhea

    more chapters pa po nakakabitin po Yung story excited pa nmn Ako tas nag end na to be continued na agad ❤️

    03/08

      0
  • avatar
    Requiño TalayMikyla

    kakabitinn, asan na chp 50🥺🥺

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters