logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2

HABANG NAGLALAKAD pauwi ay hindi mawala-wala sa isip ko ang mga lulutuin ni Mama.
Halos lakad-takbo na nga ang ginagawa ko mabilis lang makauwi.
At nang mapansing malapit na ako sa Baryo namin ay saka lang ako tumakbo ng mabilis.
Karne...karne...karne...malapit na ko...
Mabilis ang takbong ginawa ko hanggang sa nanapansin ko na ang bahay namin. Ngunit agad akong napahinto dahil sa dami ng taong nakapalibot sa harapan ng bahay.
Kunot-noong naglakad ako papalapit sa bahay, at dahil nga may mga chismosang nakaharang sa daan ko ay  sumingit pa ko hanggang makita ko kung bakit sila nagkukumpulan sa harap ng bahay namin.
May nakaparada kasing isang itim na sasakyan sa tapat ng bahay at sobrang kintab nito at halatang mamahalin. Kahit ako ay hindi ko naiwasang mamangha habang nakatitig sa sasakyan, at hindi na rin ako magtataka kung bakit nagkukumpulan ang mga chismosa naming kapit bahay sa harap ng bahay namin.
Ito kasi ang kauna-unahang beses na may naligaw na sasakyan dito sa Baryo namin. As in ganitong kagandang sasakyan, kahit kasi sa bayan ay walang naliligaw na ganito kakintab na sasakyan.
Bahagya akong lumapit sa kotse, sa sobrang kintab nito ay kitang kita ko ang sarili ko. para na tuloy akong nananalamin. dahan-dahan pa akong umikot papunta sa harap nito.
"Lamborghini..." mahinang basa ko sa maliit na nakasulat.
Tatak ata ng sasakyan..
Hindi pa ko nakuntento at muli akong umikot hanggang sa makapatapat ako sa bintana nito. Kulay itim din ang bintana nito kaya naman yumuko ako para silipin ang nasa loob, sinubukan ko pang ipang harang ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng mukha ko, nagbabakasakaling may makita ako sa loob. Ngunit napatigil ako ginagawa ng marinig na naman ang bubuyog sa likod ko. Nanatili lang sa posisyon ko at lihim na pinakikinggan sila kahit ang totoo naman ay talaga pinaparinig nila ang usapan nila.
"Mukhang mamahalin ang sasakyan, malamang mayaman ang may-ari niyan." boses ni Aling Chabeng
"Bakit kaya may dumating kila Eman ng ganyan? May pinagkakautangam ba sila?" si Aling Granida
"o baka naman ibinenta na nila si Jowey para lang makapag-aral sa Maynila." si Aling Pilar
"Naku naman! Kailangan pa bang umabot sa ganun?" boses ni Aling Sita.
Habang nakatitig sa bintana, lihim akong napakuyom sa mga naririnig. Ayoko mang aminin pero ito ang unang beses na naapektuhan ako sa mga narinig ko.
Lalo na ang isiping baka tama sila na ibinenta na ako nila Mama at Papa sa mayaman para lang mapag-aral ako sa Maynila.
Paano nga kung totoo? Edi ako lang ang yayaman sa pamilya namin! Ano yun? Ako pa magbibigay ng mana sa mga magulang ko kung sakali?
Ang unfair naman! Bebenta nila ko para lang may maipana ko sa kanila? Malamang nanay ko nag-isip nito. Mautak yun e!...
Napabuntong hininga na lang ako bago nagpasyang umayos ng tayo. Ngunit hindi pa man ako nakakatayo ng maayos ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan dahilan para mawalan ako ng balanse at tuluyang matumba pasalampak sa lupa.
Narinig ko ang hiyaw ng mga chismosang nalikod ko dahil sa nangyari, halos makaramdam ako ng kirot sa pwetan ako pati na rin sa siko ko at nung tignan ko iyon ay makunting gasgas.
Mga walang silbi hindi man lang ako sinalo..
Masama ang tinging binalingan ko ang taong lumabas sa sasakyan.
Naka-shades ito at naka-jacket na item. Ramdam kong nakatingin siya sa akin na mas lalo kung ikinainis.
Baka gusto mo kong tulungan?
Pero nang mapansing wala siyang balak na tulungan ako dahil pagkasara niya ng pinto ay nakuha pa niyang sumandal sa sasakyan at namulsa.
Walang awa..
Inis na tumayo ako at padabog na pinagpagan ko muna ang pantalon ko bago hinarap ang lalaking walang modo na alam kong nakatingin sa akin. Masama ko siyang tinignan.
"Baka gusto mong mag-sorry?" inis sa sabi ko sa kanya pero nginisian lang ako ng loko.
"Why would I? You're blocking my way so it's your fault not mine." nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.
Eh gago pala 'to e!... Akala ata hindi ko naintindihan yung sinabi niya.
"HOY!...." bulyaw ko sa kanya at dinuro pa siya, nakarinig na naman ako ng mga bulong-bulungan. "Ikaw itong bigla-biglang nagbukas ng pinto kaya natumba ako."
mukhang nainis ata siya sa pag sigaw ko dahil umayos siya ng tayo at tinanggal ang shade niya sa mata at siryosong tinitigan ako dahilan para matulala ako, pero agad din naman akong natauhan ng tapikin niya ang daliri kong nakaduro sa kanya.
"Don't pass your stupidity to me." boring na sabi niya at basta na lang akong tinalikuran na mas lalong ikinalaki ng mata ko.
"A-Ako?..." hindi makapaniwalang turo ko pa sa sarili ko. "S-Stupid? Hah!..." feeling ko ay nag-akyatan ang lahat ng dugo ko sa ulo ko dahil sa pag-tawag niya sa akin ng stupid.
Napansin kong papasok siya sa bakuran namin kaya naman mabilis ang naging kilos ko na humakbang papasok din sa bakuran namin, napansin ko pa ang pagsisipa-sipa niya ng maliliit na bato habang nakapamulsa bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
"Hoy!..." sigaw ko sa kanya at mas lalo akong nanggalaiti ng hindi man lang ako nilingon, kaya naman sinundan ko siya sa loob ng bahay at ng maabutan ay mabilis kong hinatak ang braso niya paharap sa akin.
"IKAW DAMUHO KA! WAG KANG BASTOS PAGKINAKAUSAP KA." sigaw ko habang nakaduro sa kanya, ngunit hindi man lang nagbago ang reaksyon ng mukha nito. Boring na tumitig lang siya sa akin, nagawa pa niyang kalikutin ang tenga niya para bang may makati sa loob niyon.
"ABA---"
"Jowey!..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng tawagin ako ni Mama kaya napalingon ako sa kanya, at dun ko lang narealize na hindi lang pala kami ang tao sa loob ng bahay dahil bukod saming dalawa ng damuhong ito ay may tatlong pares na nang mata ang nakatitig samin---sa akin lang pala.
Patay!...
"Ano kaba namang bata ka! Bakit ganyan mo kinakausap ang bisita natin." halata ang pagtitimpi sa boses ni Mama na ikinakunot noo ko, bumaling ako kay damuho at tinuro siya bago muling bumaling kay Mama na nakatayo na.
"Ito? Bisita?" parang hindi pa makapaniwalang tanong ko, muli akong bumaling kay damulo na ngayon ay nakataas na ang isang kilay.
Ay wow! Marunong magtaray ang gago...
"Oo! Kasama iyan ng lolo mo." napa-ahh! Nalang ako sa sinabi ni Mama habang nakatingin pa rin sa nagtataray na damuho. Binaba ko ang daliri ko na nakaduro sa kanya at ngumisi at pinag-krus ang mga braso ko.
"Akala ko driver eh!..." sabi ko dahilan para siya naman ang mapamaang sa sinabi ko. Inirapan ko siya at mabilis na tinalikuran at saka umupo sa gitna nila Mama at Papa
Huh! Kala mo ha!... Bawi-bawi lang men...
"Ikaw talagang bata ka!" inis na turan ni Mama at nagawa pa kong batukan sa ulo na ikinabusangot ko.
"Papa oh!..." sumbong ko kay Papa habang hinihimas ang ulo ko, napailing na lang si Papa at natatawa ngunit agad din iyong naglaho ng makarinig kami ng pagtikhim na ikinabaling ko sa mga kaharap.
Nakatitig lang sa akin ang matandang nakaupo sa kawayang upuan namin habang masama naman ang tinging ipinupukol sa akin ng damuhong katabi niya.
"Ikaw ba ang apo ko?" tanong nito na nagpakunot-noo sa akin kaya bumaling baling ako sa likod namin at sa gilid gilid ng bahay.
Hinahanap ko kong may kapatid ba kong hindi ko nakikita.
"Ano bang ginagawa mo? Tinatanong ka ng Lolo mo.!" kalabit sa akin ng ina ko, ngunit hindi ko siya pinansin
"Hinahanap ko kung may iba ka pa bang anak dito. Baka kasi hindi niyo sinasabing may kambal pala---Aray naman Ma!" napangiwi ako sa sakit dahil sa pagkurot niya sa tagiliran ko, inis na bumaling ako sa kanya, aamba pa sana ng palo si Mama ngunit agad din namang nahawakan ni Papa ang kamay niya, kaya napangisi ako at bumaling kay Papa at saka nag flying kiss na ikinatawa niya.
Si Papa lang talaga makakatanggap ng Mana sa akin... Who you ka sakin Mama..
"Enough!..." ani baritonong boses na nagpatigil sa aming tatlo at nagbaling muli samin kay Lolo na hindi na maipinta ang mukha... Saglit na may dumaang anghel sa pagitan naming lahat hanggang sa napatikhim si Papa at hinawakan ang kamay ko na ikilingon ko doon.
"This is Jowey Pa! Your granddaughter." pagpapakilala ni Papa sa akin at binulungan akong tumayo. nakakaramdam man ng pagkailang dahil sa tinging binibigay ng damuhong katabi ni Lolo, tumayo parin ako.
"Ako po si Jowey....L-Lolo." mahinang pakilala ko.
Napatitig sa akin si Lolo at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Ilang saglit pa ay humarap ito kay Papa, kaya naman umupo na ko.
"This is how you raised your child Emanuel? Look at her? She's a woman yet she wearing that kind of clothes." parang naiinis na sabi ni Lolo.
Ako naman ay pasimpleng napatango sa sinabi niya.
Tama ka Lolo si Mama may kasalanan nito. Siya pagalitan niyo wag si Papa.
"just because of your pride. Tiniis mong maranasan ng anak mo ang lahat ng hirap. Gawain ba ng isang mabuting ama yan?" singhal muli ni Lolo. At katulad kanina palihim ulit akong patango-tango.
Tama ka Lolo... Dahil sa sabon na pinagamit ni Papa, tiniis ko lahat ng hirap sa paglalaba...
"Hindi ko na hahayaang magtiis ang apo ko dito. Gaya ng napag-usapan kukunin ko siya at dadalhin ko na ng Maynila." muli ulit akong napatango sa sinabi ni Lolo.
Tama ka Lolo. Kunin niyo na ko at dalhin niyo na ko sa Maynila----
"Maynila?" mahinang bulong ng marealize ko ang narinig. Bumaling ako kay Lolo na siryoso paring natingin kay Papa.
"Maynila? Pupunta ko ng Maynila?"

Book Comment (78)

  • avatar
    John Mark Tiosan

    good novelah

    25d

      0
  • avatar
    TajRhea

    more chapters pa po nakakabitin po Yung story excited pa nmn Ako tas nag end na to be continued na agad ❤️

    03/08

      0
  • avatar
    Requiño TalayMikyla

    kakabitinn, asan na chp 50🥺🥺

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters